Chapter 13: His Forbidden Desire

1927 Words
Lumipas ang tatlong araw ay naging abala ang lahat lalong-lalo na si Calix dahil hindi niya maintindihan ang pakiramdam sa sandaling iyon. Talagang pinagbutihan niyang iayos ang formula ng gamot na ginawa upang aprobahan ng WHO at BFAD para kahit papaano ay baka makatulong iyon para muling ibangon ang kanilang kompaniya. Panay ang tingin niya sa laptop niya habang nasa loob ng opisina niya. Ngayon kasi ang labas ng result kung papasa ang kanilang bagong gamot nang makarinig ng katok sa kaniyang pintuhan. "Yes?" turan. Sumungaw ang mukha ng isa sa kaniyang empleyado. "Sir, may naghahanap po sa inyo," imporma nito. Napakunot-noo siya dahil wala naman siyang ini-expect na bisita ngunit nang maalala ang kasintahang si Geraldine ay tila muling nabuhayan ang loob ngunit hindi ito ang nakikitang papasok sa kaniyang opisina. Napasinghap siya sabay lunok nang makita si Samantha. Napakaganda nito sa suot na floral mini dress na binagayan ang ballerina shoes nito. Napatuwid pa ng upo pagdating nito sa kaniyang harapan. "Have a seat," alok dito. "Salamat," anito na mukhang mahalaga ang pakay nito sa kaniya at pintuntahan pa talaga siya nito sa kaniyang opisina. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I came here for an agreement," deretsahang turan ni Samantha. "Agreement?" kunot ang noo na ulit sa sinabi nito. "Yes!" mabilis at confident na wika ni Sam. "Alam kong mahal na mahal mo ang kasintahan mo. You also know na ganoon din ako sa boyfriend ko—" "So, what is this for?!" sabad niya dahil ayaw niyang marinig kung gaano nito kamahal ang lalaking sarili lamang nito ang iniisip. Napasinghap si Sam at nagpipigil na huwag tuluyang sumambulat sa inis sa pambabara ng lalaki sa kaniya. Kailangan niya itong mapapayag sa nais mangyari. "I want us to have an agreement. Gaya ng sinabi ko, mahal mo ang kasintahan mo. So I am, so why don't we have an agreement. Papayag tayo sa gusto ng mga magulang natin na makasal tayo pero hanggang sa papel lamang iyon. After that we can do whatever we want. You can be with your girlfriend and I can be with Gilbert," anito. Napangisi siya. "What made you think na papayag ako sa agreement na iyan?" maang na wika at doon ay nakitang nakamaang ito sa kaniya. Napalunok ng sunod-sunod si Sam matapos makahuma sa muling pambabara ni Calix sa kaniya. "What do you want me to do? Lumuhod sa harap mo upang pumayag ka, I will do it!" aniya. May inis na sa tinig pero kailangan niyang magpakumbaba. Kita sa mukha ni Samantha ang prustrasyon dahilan upang mapaisip. Ganoon ba nito kamahal ang lalaking iyon para ibaba ang mataas nitong pride. "Please, Calix," dinig na pakiusap nito. Parang musika sa pandinig ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan. "What did you say?" aniya rito. "Ang alin? Ang luluhod ako sa harap mo?" saad nito. "No, iyong huli," aniya nang makitang tumiim ang titig nito. "I just call you on your name," anito nang mapagtanto ang huli nitong sinabi. "Exactly!" aniya sabay hawak sa baba niya na siyang saktong pop up sa screen ng laptop ang email mula sa hinihintay na resulta. Tumamis ang ngiti saka napatingin sa nagsusumamong mukha ni Samantha. Siguro ay kailangan niyang kausapin ang ama hinggil sa bagay na iyon. Ngayong may bago silang gamot na ibebenta sa publiko baka naman pwede na nilang gawing panimula iyon upang hindi ituloy ang pagpapakasal kay Sam. Higit kaninuman ay ito ang biktima sa mga nangyayari. "Okay, I will—" putol na turan nang bigla itong tumayo at yumukod sa harap at niyakap siya nito buhat doon. Gulat na gulat si Sam sa ginawa kaya mabilis na kumalas kay Calix. "Sorry, nadala lang ako. Sure ka na diyan ah! Wala ng bawian," anito saka mabilis na tumalikod sa kaniya. May sasabihin pa sana rito. Sasabihin sana niyang kakausapin niya ang ama hinggil sa kasal upang hindi na iyon ituloy ngunit mukhang masaya na itong pumayag siya sa agreement na sinasabi nito. Nangingiting naiiling na lamang siya nang mapansing may taong nakatayo sa may pintuhan niya at ganoon na lamang ang gulat ng makita roon si Geraldine. "Is she the girl?" tanong nito. Hindi alam kung nang-uuyam ang tinig nito nagseselos. "She's pretty, kaya siguro hindi ka na tumanggi nang hilingin nilang makasal kayo?" dagdag nito. Natahimik siya sa sinabing iyon ni Geraldine. Somehow ay guilty siya dahil mula nang bumalik si Sam ay tila nagbalik ang paghanga rito mula noong teenager sila na hindi nabigyang katugunan. "Natahimik ka? So, totoo?!" anito na nagsisimulang tumaas ang boses. "She has a boyfriend. She came to give me an agreement," bigay alam dito sa pakay ni Samantha kanina. "What agreement?" tila interesadong tanong nito. "Na ikasal kami sa papel pero malaya kaming magawa ang nais namin. After a year maaari siguro kaming mag-file ng annulment," aniya sa kasintahan. Kita ang pagdududa sa mukha nito ngunit mayamaya ay nabigyan ito ng pag-asa. "What brought you here, babe?" tanong niya. Doon ay nakitang ngumiti na ito at lumapit sa kaniya. "Well, I came to congratulates you," anito saka malambing na dinantay ang palad nito sa balikat niya saka akmang hahalik ito sa kaniyang pisngi nang bumukas ang pintuhan at pumasok mula roon si Sam. "Ops! Sorry!" agad nitong hingi ng paumanhin sa kanila na nakangiti. "Bumalik lang ako kasi nakalimutan ko ang pouch ko! Wala akong pambayad sa taxi!" aniya na natatawa sa kaingutan ngunit sa loob-loob ay bahagyang naiinggit sa babaeng kasama ni Calix. Mabilis na kinuha ang pouch saka pinilit ngumiti sa dalawa. Magiging bastos naman siya kung hindi siya pormal na makikipagkilala sa babae. Ngunit mukhang basa ng babae ang nasa isipa at nauna itong naglahad ng kamay. "Geraldine, Calix's girlfriend," anito na pinagdiinan ang huling sinabi. Ngumiti siya rito. "Samantha, Calix's—" aniya sabay tingin kay Calix na noon ay mukhang tensyunado. Lalong tumamis ang ngiti. "Calix's childhood friend," aniya saka kinuha ang palad nito. Matapos makipagkamay sa babae ay agad ding nagpaalam dahil nagpapa-good shot siya sa magulang. Pinayagan lang siyang umalis mag-isa dahil sinabing pupuntahan si Calix sa trabaho nito bagay na kinatuwa ng mga magulang. Nasa may pintuhan na siya nang marinig na may tumawag dito sa cellphone nito. "Hello, Tito?" agad na turan ni Calix na nagpatigil sa kaniyang pagbubukas sana ng pintuhan. "Yes, Tito," wika pa nito na tumingin sa kaniya dahilan upang magtama ang kanilang mga paningin. Mukhang sinisigurado ng mga magulang na pinuntahan nga ito base sa naririnig na patutunguhan ng usapan ni Calix at ang caller nito. Hindi niya napigilang ibaling kay Geraldine ang paningin at nakitang matiim itong nakatingin sa kaniya. Tila ba kanina pa siya nito pinag-aaralan. "Yes, Tito," muling dinig na turan ni Calix kaya bago pa kung saan mapunta ang usapan ng ama at ni Calix ay tuluyan na niyang nilisan ang opisina nito. Nang makalabas sa opisina niya si Sam at agad binaba ang tawag ng Tito Celso niya at sinabing tama ang sinabi ng Daddy niya. Marahil ay nagtataka kung bakit ibang pangalan ng babae ang papakasal niya kaya ito tumawag. Pagkababa ay agad na tumayo at hinarap ang kasintahan na noon ay tila maganda na ang mood. "Do you want to go out and celebrate with me?" malambing na turan dito sabay hapit sa baywang nito. "Sure, babe. I'm so proud of you," anang nito na tila iniiwasan nitong pag-usapan nila si Sam o kung sinuman ang tumawag sa kaniya. "Thank you, babe. Thank you for understanding me," aniya rito saka masuyong hinalikan sa noo. "Mahal kita eh, kaya hindi kita kayang tikisin," anitong may ngiti sa mga labi. Mabait, malambing, maalalahanin, mapagpasensiya, lahat na yata ng magagandang katangian ay na kay Geraldine kaya hirap na hirap siyang bitawan ito. Pagdating ni Sam sa kanilang bahay ay kitang nakangiti ang ama na bumungad sa kaniya. "Kumusta ang lakad mo, anak?" agad nitong tanong sa kanila "Ayos naman, Dad," tipid na tugon. Kahit papaano ay malaki ang respeto sa mga magulang at hindi nagagawang barahin ang mga ito. "So, how was Calix?" dagdag pa nito. "He's good, Pa? Why don't you asked him. Isn't you called him?" aniya. Ayaw niyang maging sarkastiko pagdating sa bagay na iyon pero naiinis lamang siya sa isiping tila ba isa siyang kriminal na naka-monitor pa siya. Napakunot ang noo ng ama sa sinabi. "What did you say?!" mataas na boses. "I'm sorry, Dad," agad rin niyang hingi ng tawad sa nagawa. "I hate to know that you don't trust me anymore," aniya na nagsisimulang gumaralgal ang bosses. Lumapit sa kaniya ang ama. "I trust you, my princess. What I mean is, what are you saying? Hindi ko naman tinawagan si Calix. Hindi ko nga pala nakuha ang numero niya," ani ng ama dahilan upang mapatingin siya rito. Bahagya siyang napailing. 'Assumera ka kasi!' sermon ng isipan sa kaniyang sarili. "Ganoon po ba? Akala ko kasi ikaw iyong tumawag kanina," saad rito. Kahit paano ay natutuwa siya sa kahihinatnan ng lahat. Ang pagpayag ni Calix at ang unti-unting pagbabalik ng tiwala ng magulang. Konti na lamang ay babalik na muli sa normal ang buhay niya. Naging mainit ang gabing iyon para kay Calic lalo pa at panay ang yakap ni Geraldine sa kaniya na tila ba ayaw siyang pakawalan nito. Hindi tuloy niya maiwasang mag-init lalo nang ihatid ito sa condo nito at bigla siyang hinila pagkapasok nito. Mainit na halik ang binigay nito sa kaniya. Gustuhin mang lumayo ngunit tila hindi siya nito binibigyan ng pagkakataong gawin niyon. Panay ang halik nito sa kaniya at ramdama ang pag-aapura ng kamay nito. Napalunok siya nang makita ang magandang hubog ng katawan nito. Hindi namalayan na nagawa na pala nitong tanggalin ang saplot. "I want you now," usal nito na pumatid sa kaniyang pagtitimpi. Normal lang siyang lalaki na nadadarang kapag may nakikitang magandang babae lalo pa at hubad ang katawan. "Uhmmm!" ungol niya sa tensyong umaahon sa dibdib. Ramdam na ramdam ang paninikip ng pantalon katunayang buhay na buhay na ang kaniyang sandata. Tila pa naging agresibo si Geraldine at mabilis nitong kinapa ang kaniyang kaumbukan. Mas lalong nagngalit ang kaniyang alaga sa mainit nitong palad. Muling hinuli ang mukha nito at sinibasib ng halik. Hanggang sa unti-unti nitong pinadausdos ang halik nito sa kaniyang leeg sa balikat, sa dibdib, sa tiyan hanggang sa magawa nitong baklasin ang kaniyang sinturon. Napalunok siya dahil mukhang naging mapusok ang kasintahan at nagagawa nito ang bagay na hindi nagagawa. Bilang isang lalaki ay na-excite siya sa gagawin nito. Ngunit para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang yumukod at nagtama ng mukha nila ay mukha ni Samantha ang nakita. Agad na kinusot ang mga mata na saktong subo naman ng babae sa kaniyang nagngangalit na alaga. Napatingala siya at napakapit sa ulo nito. Hindi maipaliwanag na kaligayahan ang nalasap sa sandaling iyon ngunit sa isipan ay tila inuusig siya ni Samantha. Geraldine became wilder and aggressive. Gustuhin mang pigilan ito ngunit nanaig ang kaligayahang dulot nito sa kaniya. Mabilis itong hinila patayo saka mabilis na sinibasib sa labi. Pinangko at mabilis pinasok sa silid nito. Maingat na inihiga sa kama saka pinaibabawan. "Take me now," usal nito sa kaniyang punong tainga na mas lalong nagpainit sa kaniya at mabilis itong inangkin. "Ohhh! Ohhh! Sam," mahinang daing ni Calix. Natauhan siya sa sinambit na pangalan at hindi alam kung narinig iyon ng kasintahan pero base sa reaksyon nito ay tila hindi naman. Gustong murahin ang sarili pero ramdam niya ang pagtapik ng kasintahan dahilan para muling ituloy ang naudlot na ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD