Mas lalong naging mapangahas ang kasintahan. Batid niyang ginagawa nito ang lahat huwag lang siyang mawala rito. Nais mas mainit ang mga sumunod na tagpo sa pagitan nila at nang malapit na siyang labasan ay mabilis iyong binunot ngunit pinigilan siya ni Geraldine ngunit naguton na niya ang sandata.
Doon ay napagtanto ang plano ng kasintahan. Marahil ay desperada na ito at naisip na panahon na siguro para mabuntis ito bagay na ayaw niyang mangyari sa pagkakataong iyon. Batid niyang hindi maiiwasang ikasal sila ni Samantha at ayaw niyang sa loob ng kasal nila ay may bata siyang masasaktan lalo pa at anak niya.
Napayakap siya ng mahigpit sa kasintahan upang ipabatid rito na naroroon lamang siya para dito. Ilang sandali rin silang nasa ganoong ayos nang marinig itong nagsalita. "Ipangako mong ako lamang," tinig nito na bakas ang lungkot sa tinig nito.
Pinaharap ito sa kaniya. Malamlam ang mga mata nito na tila may nagbabadyang luha. "It hurts to see you crying but as of now, what I need is your understanding and cooperation. I don't want to choose between you, my family and saving our business," aniya rito habang kubkob ng magkabilaang kamay ang magandang mukha nito.
Nakita niya ang pagsungaw ng luha sa mga mata nito. Batid na higit kaninuman ay ito ang nahihirapan sa sitwasyon nila. "Mahal na mahal kita kaya ako nandito, babe. Hangga't hindi mo ako binibitawan ay hindi ako bibitaw," madamdaming turan nito.
Niyakap niya ito upang ipadama ritong hinding-hindi ito magsisi dahil handa naman siyang siilin ang umuusbong na pagtingin kay Samantha para dito.
Ramdam niya ang mahigpit at mainit na yakap ng kasintahan na tila ba takot na takot ito. Batid niyang kagaya ng pagkawala ng magulang nito ay takot din itong mawala siya. Mula noon ay siya na ang naging pamilya nito kaya ramdam dito ang takot na sa pangalawang pagkakataon ay mawalan ito ng kapamilya.
Hindi na talaga mapigilan pa ang araw na itinakda para sa kanilang pag-iisang dibdib. Puno ng kaba at excitement sa dibdib ni Samantha. Hindi maipaliwanag ang damdamin sa sandaling iyon, bilang isang babae ay kasal ang pinakamasayang araw sa kanilang buhay. Subalit ang araw na iyon para sa kaniya ay tila ba naghihintay siya ng hatol ng husgado sa kasong kinasasangkutan.
Nang umambresiyete ang ama sa kaniya ta sa kabilang gilid naman ang ina na maghahatid sa altar ay bumalik ang isipan. Parang hindi pala ganoon kadali ang agreement na pinasuka. Ang kasal na kanilang gagawin ay walang ibang way para makawala kundi ang annulment. Parang gustong umatras ang mga paa ngunit determinado ang ama.
"Let's go, everyone is waiting," malumanay pero may diing wika nang maramdaman nitong may tutol ang paghakbang niya.
Nais kumawala ang mga luha sa mga mata ngunit agad na nag-iwas ng tingin ama marahil ayaw man nitong nakikitang nahihirapan siya. Subalit gaya ng napag-usapan ay kailangan nilang gawin iyon para sa ikasasalba ng kanilang negosyo.
Samantala ay hindi mapakali si Calix. Hindi alam kung bakit kinakabahan siya. Limang minutos na kasing late si Samantha sa takdang oras ng kasal nila.
"Hey, relax, man!" natatawang turan ni Gian sa tabi niya. Hindi kasi nito alam ang real score kung bakit sila ikakasal ni Samantha o mas tamang sabihing kaya ito ipapakasal ng Tito Samuel niya sa kaniya.
"Dad, can I talk to you?" seryosong turan sa naabutang ama na nanunuod ng balita sa TV sa kanilang sala.
"Sure, what is it?" anito na nasa TV pa rin ang tingin ngunit nang wala itong marinig buhat sa kaniya ay agad itong napatingin sa kaniya. "Yes?" segunda nito.
Mabilis na nilabas ang papeles na aprobado na ng dalawang ahensiya ang bago nilang gamot. Nilapag iyon sa kanilang lamesita. "Is it enough to save our business. I will worked hard for that," determinadong wika at doon ay napatingala ang ama matapos buklat-buklatin ang nilapag na papeles.
Tumayo ito at nagpamulsa. Bumuntong-hininga saka tumanaw sa malayo. Tila ba nagtatalo ang loob nito kung magsasalita o hindi.
"I'm sorry, son. I know, higit sa lahat ay ikaw ang nahihirapan. Tatanungin kita ngayon," seryosong wika ng ama.
Matiim lang siyang nakikinig rito at nakatingin. Lumingon sa kaniya ang ama dahilan upang magtama ang kanilang mga mata. "Wala ka ba talagang nararamdaman kay Samantha?" tanong nito matapos humugot ng isang malalim na paghinga.
Hindi siya agad nakaimik sa tanong na iyon ng ama. 'Wala ba akong nararamdaman kay Sam?' maang sa sarili. Maging siya ay hindi alam ang kasagutan sa tanong na iyon.
Hindi pa man siya nakakasagot ay muling nagsalita ang ama. Marahil ay inisip na lamang nitong ayaw niyang sagutin ang tanong nito. Dahil sa totoo lang ay naguguluhan siya at hindi alam kung papaano sasaagutin ang tanong nito. Mahal niya ang kasintahan pero may tumutubong paghanga sa puso para kay Samantha noon pa man.
Mayamaya ay nagsimulang magsalita ang ama na noon ay nakatingin sa malayo. "Hindi totoong nalulugi ang negosyo natin," anito.
"What?!" bulalas niya sa kabiglaan. "What do you mean? Hindi ko maintindihan, Dad?" aniya na lumapit sa ama at doon ay thmingin ito ng deretso sa kaniya saka muling nagsalita. "Nakiusap ang Tito Samuel mo sa akin. He saved my life before and I can't say no to him especially for the sake of Samantha. Para na namin siyang anak ng Mommy mo," turan ng ama na ramdam niyang mabigat din ang loob nito sa pagpapakasal niya sa iba samantalang may kasintahan siya.
Ilang sandali ring nagkahinang ang kanilang mga mata, nang marinig muli ang tinig ng ama. "Aside that their business is failing, they want Sam to stay away from that guy, Gilbert. He is ruining her life, she starts using cigar and worst come to worst when your Tito Samuel find a cocaine in her purse, the last time they visited her," ani ng ama. Maging siya ay na-shocked sa rebelasyong iyon.
Hindi niya maiwasang maalala kung paano kontrolin ng lalaki si Sam kaya hindi malayong totoo ang sinasabi ng ama. Marami ang naglalaro sa isipan sa mga maaaring senaryo na kahihinatnan ni Samantha kapag nagpatuloy siyang kasama ng lalaking iyon.
"Kaya naisip ng Tito Samuel mo na ipakasal siya sa'yo. At first, ayaw ko pero nakiusap ang Mommy. You know her, she likes Samantha so much at naisip ko rin na baka ito na ang tamang panahon para ibalik ang kabutihang ginawa niya noon sa akin. I wouldn't be here without him," ani ng ama. Alam niya ang istoryang iyon kung bakit sila mas lalong naging madikit ng Tito Samuel niya.
Muling namayanin ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa muli iyong basagin nang tinig ng ama. "Now that you know the truth. It's up to you if you will continue or not the wedding. But hopefully, pakaisipan mong mabuti," ani ng ama saka ito naglakad papalayo sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa amang papalayo. Nakitang nasapo nito ang mukha, batid na naiyak ito dahil sa sitwasyon. Buong akala ay siya lamang ang nahihirapan. Maging ang ama rin pala.
Napaupo siya sa sofa at sinapo ang mukha hanggang sa maagaw ng pansin niya ng balita sa news. International news iyon kung saan ay maraming kabataan sa Western countries ang nalulong sa druga na nagreresulta ng mga ilang kaguluhan.
Hindi niya lubos akalain mangyayari iyon kay Samantha. Matalino ito pero maguguyo lang pala ito ng isang Gilbert.
Umaalingawngaw pa sa isipan ang huling sinabi ng ama. 'Now that you know the truth. It's up to you if you will continue or not the wedding. But hopefully, pakaisipan mong mabuti.'
Nabalik lang siya nang bigla siyang sikuin ni Gian at kitang nakatingin ito sa may entrada ng simbahan. Bigla ay bumilis ang t***k ng puso nang makita roon si Samantha na suot ang napakaganda nitong wedding gown habang nasa magkabilaang tagiliran nito ang kaniyang Tito Samuel at Tita Clarita.
Hindi masyadong kita ang mukha nito dahil natatabingan ng belo ngunit kitang nakatingin ito sa gilid ng simbahan dahilan upang tuntunin ang tinitignan nito at doon ay nakita ang pamilyar na mukha ng lalaki.
Napakuyom ang kamao niya. Hinding-hindi niya hahayaang mapunta sa ganoong uri ng lalaki si Samantha. Kaya walang pag-aalinlangang tinuloy ang kanilang kasal.
Labis ang kaba ni Sam sa sandaling iyon. Ang kanina'y pag-aalinlangang naramdaman ay napalitan ng excitement nang makita si Calix na napakakisig sa suot nitong three piece suit. Sa tabi nito ay ang kababata at matalik nitong kaibigan na si Gian.
Kaya nang magsimulang humakbang papalapit rito ay hindi mapakali. Lalo pa at tila may mga nakakapasong titig buhat sa kung saan kaya hindi maiwasang ibaling ang tingin sa loob ng simbahan at ibayong kaba ang naramdaman nang makita roon si Gilbert na matiim na nakatitig sa kaniya. Dahilan upang hindi mapansin na nasa tapat na pala sila nila Calix.
Nang iabot ng ama ang kamay rito ay niyakap muna siya ng ama. "I love you, my princess. Think that we are doing this for your own good," ani ng ama dahilan upang mapaluha siya. "Calix ikaw na ang bahala sa anak namin. I owe you a lot," baling pa nito sa ama.
Nang hawakan ni Calix ang palad niya ay naramdaman ang paggapang ng mumunting kuryente. "Relax," bulong nito. Marahil ramdam nito ang panginginig niya. "Did you invite him?" dinig pang wika nito.
"Who?" maang na tanong kuno rito.
"Alam kong alam mo ang sinasabi ko," aniya habang pahakbang patungo sa altar. Ramdam ang paghinto nito pero may dalawa pang hakbang upang ganap na makalapit sa pari na magkakasal sa kanila.
Batid ni Samantha na katulad niya ay nakita rin ni Calix si Gilbert. 'Don't tell me nagseselos ka?' aniya sa isipan.
"Let's go! Baka mainip na sila," untag ni Calix sa kaniya at doon lamang napagtantong nakatigil nga pala sila. Inisang hakbang ang kinaroroonan nila upang ganap na makatayo sa harap ng pari na magkakasal sa kanila.
Napapikit si Sam nang magsimulang magsalita ang pari tungkol sa seremonya ng kasal. Tila inuusig ang kaniyang konsensiya. Napatingin siya kay Calix na noon ay tahimik na tila ba sinasabuhay ang salitang binibitawan ng pari.
"Ang seremonya ng kasal ay isang sagradong gawain at para ito sa dalawang taong nagmamahalan at nangangakong magsasama habang buhay," ani ng pari na tumatagos sa kaniyang puso. Paano ba naman kasi ay lahat yata niyon ay wala sa kanila. Hindi nila mahal ang isa't isa at mas lalong panandalian lamang ang lahat.