Chapter 15: The Contract Vow

1771 Words
Ramdam ni Calix ang panginginig si Samantha sa kaniyang tabi. Hindi tuloy maiwasang tignan ito. May kabang umaahon sa dibdib na baka bigla itong umatras sa kasalan nila. Kung tutuusin, isang malaking sakripisyo ang kaniyang ginagawa para dito. Kung aayaw ito, dapat ay matuwa siya dahil magiging bentahe niya iyon para tuluyang makawala sa isang responsibilidad. Subalit tila tumututol ang kalooban sa isiping iyon. Pinapakiramdaman si Sam hanggang sa dumating na sila sa parte kung saan magpapalitan na sila ng sumapaan at magsasama habang buhay. Mas lalong nabahala nang ilang segundo na ay hindi pa rin nakibo si Samantha hanggang sa pisilin niya ang palad nito. "I do," nanulas sa labi nito. Maging si Samantha ay nabigla sa biglaang pagpisil ni Calix sa palad na kanina pa nito hawak. Hindi maipaliwag ang nadarama sa sandaling iyon, sa kabila ng alalahanin na nasa paligid lamang si Gilbert. "Ikaw Calixto Gonzalves, tinatanggap mo ba si Samantha bilang asawa sa batas ng tao at sa batas ng Diyos, mamahalin sa hirap at ginahawa, aalagaan sa sakit man kaginhawaan, mamahalin hanggang sa dulo ng inyong buhay?" tanongbng pari kay Calix. Hindi niya naiwasang itaas ang tingin sa mukha nito at kitang nakatingin din ito sa kaniya. Tila ba may malalim na iniisip. 'No! You can't say no!' aniya sa sarili nang makita ang pag-aalinlangan sa mukha nito. "Opo, father. I do," anito dahilan upang mapanatag siya. Sapat na sigurong sakripisyo ang ginawa upang mailigtas ang kompaniya nila. "Sa bisa ng ipinaglaloob sa akin ng Diyos at nang simbahang ito. Kayo Calixto Gonzalves at Samantha Claire Fuentabella Gonzalves ay opisyal ng mag-asawa. Humayo kayo at magparami. Pwede mo nang halikan ang iyong asawa bilang tanda na ang kasalang ito ay tapos na," pinal na wika ng pari. Natulos si Sam sa kinatatayuan. Hindi niya napaghandaan ang bagay na iyon. Ramdam niya ang pagpisil ni Calix sa magkabilaang palad na hawak na nito dahilan upang mabilis itaas ang tingin mukha nito. Walang ekspresyon na nakita roon. Pasimpleng ginala ang tingin sa lugar kung saan nakita si Gilbert kanina ngunit wala na doon ang kasintahan. "You may kiss the bride," ulit ng pari. Inisip yata nito na hindi nila narinig ang unang sinabi nito. Muling pinisil ni Calix ang palad niya na tila ba tinatanong kung ayos lang ba sa kaniya. Hindi alam kung bakit pero tango siya at doon at hinawakan nito ang magkabilaang pisngi niya at ginawaran siya ng isang masuyong halik. Hindi maiwasang mapaluha si Sam habang naramdam ang masuyong halik ni Calix sa kaniya. Doon niya napatunayang nagbalik ang dating feeling sa kababata nito. "Mabuhay ang bagong kasal," sigaw ng halos lahat ng naroroon. Konti lang sila dahil malalapit na kaanak at kaibigan lamang ang kanilang inimbitahan. Pero sapat na iyon upang bumalik sila sa kasalukuyan at napagtantong tila napatagal ang halikan nila. Para silang robot sa sumunod na eksena. Ginagawa ang bawat kilos na naayon sa gusto ng magulang o ng taong nasa paligid. Ang pictorial nila, ngiti kung ngiti. Yakap kung yakap pero sa pagitan nila ni Calix ay batid nilang isa lamang iyong pagpapanggap. "Ayos ka lang ba?" tinig ni Calix sa kaniya nang medyo makalayo sila sa mga bisita sa reception ng kanilang kasal. "Oo naman, ikaw ba?" mabilis na tugon dito. Nakitang tumiim lalo ang tingin nito sa kaniya. "Ayos lang din," tipid na tugon ni Calix at pinapakiramdaman si Sam. Mukha kasing labag pa rin sa loob nito ang pagpapakasal sa kaniya kahit may kasunduan na sila. Ngunit kagabi rin ay napag-isip-isip kung ibibigay ba kay Sam ang kalayaang nais nito. Sa isip kasi ay anong silbi ang pagsasakripisyong pakasalan ito kung sa huli ay malaya pa rin itong makikipagkita sa walang kuwentang lalaking iyon. He just giving himself a one year to change her mind. Ma-realize lang nito na hindi katulad ni Gilbert ang lalaking nararapat dito ay ibabalik na kalayaan nito. "Aheemmmm! Aheemmm! Nandito pala ang lovebirds," masiglang tinig ni Anne na may hawak na baby bag at sa likod nito ay ang asawang si Gian na hawak naman ang maliit nilang anak. Tila galing ang mga ito sa comfort room upang palitan ang diaper ng kanilang anak. "Look, baby! Ang ninang at ninong mo, soon may God sibling ka na," masiglang turan nito. Mas lalo pa siyang natulos sa kinatatayuan nang hapitin ni Calix ang baywang niya. Naging mapanukso ang ginagawad na ngiti ni Anne sa kaniya. Higit kaninuman ay ito ang nakakaalam sa kaniyang sekreto noon pa man. "Ano pare, gagawa ka na ba ng taga-pagmana mo?" dinig na tudyo ni Gian kay Calix. Kinuha ni Anne ang anak mula kay Gian. Tila kasi may pag-uusapan ang dalawang lalaki matapos siyang bitawan ni Calix at sinabing may sasabihin ito kay Gian. Napalunok pa siya dahil mukhang ayaw nito sa mungkahi nitong pagkakaroon sila ng anak. Nakatingin lamang siya sa dalawang lalaking papalayo sa kanila nang bundulin siya ni Annie. "Hindi ko alam kung paano ito nangyari pero I'm so happy for you girl. 'Di ba ito na iyong gusto mo noon?" bulalas ni Anne sa kaniya. "Sshhhhh!" mabilis na sabad iyon. "Noon iyon," depensa pa. Napatigil ang kaibigan at tumingin sa kaniya. Doon ay naalalang dapat ay walang makaalam sa lahat. "What do you mean?" maang nito. "Nothing, I mean hello! Teenager pa tayo noon iyon kaya ganoon pero ngayon ay mas matured na tayo," anito. "Ikaw nga may little girl ka na," wika sabay laro sa kamay nang paslit nang iabot nito ang kamay sa kaniya. "Naku, mukhang maglalambing sa ninang ah," mabilis na turan ni Anne. Wala siyang nagawa kundi kunin ang paslit sa kaibigan. Pagbaling ni Calix sa kinaroroonan ng dalawang babaeng iniwan kanina ay nakitang karga ni Sam ang anak nila Anne at Gian. Hindi niya napansing napansin din pala ng kaibigan ang ginawa. "Mukhang kayo talaga ang tinadhana. The bully and—" "Pare!" sabad rito. "Okay, fine! Alam kong asawa mo na siya at masaya ako para sa'yo," turan niya rito. "Mukhang nahuli ng bahagya si Michelle," turan ng kaibigan sa kawalan. "What?" gagad rito. Tumawa ang kaibigan. "Iba talaga ang guwapo. Binabalikan ng mga magagandang chicks," turan nito sabay tawa. "Kauuwi lang ni Michelle galing Canada at hinahanap ka niya," bigay alam ng kaibigan sa kaniya. Si Michelle ang kauna-unahan niyang kasintahan. Maganda, mabait at higit sa lahat ay tanggap ang kaniyang kakulangan o kapansanan. "Hey, man!" mabilis na tapik ni Gian sa kaniyang balikat. "Ipapaalala ko lamang sa'yo. Kakakasal niyo lang ni Sam at ayaw kong masaktan siya dahil kaibigan ko rin naman siya kahit papaano at mas lalong bestfriend siya ng pinakamamahal kong asawa," paalala ng kaibigan dahilan upang mapakunot-noo siya. "Weeh! Mukhang ibang-iba na talaga ah," puna niya sa kaibigan. "Mukhang noon lamang, lahat yata ng nagpapakita ng interest sa'yo ay pinapatulan mo," saad sa kaibigan na kinatawa nilang dalawa. "Well, sa bagay na iyan ay guilty ako pero huwag ko na ipangalandakan, 'Pre baka magalit si kumander," anito na tila batang takot mahuli ng ina. Mas lalong natawa si Calix sa inasal na iyon ng kaibigan. Dahilan upang magpabaling-baling siya ng ulo na napuna naman nito. "Hey, baka mamaya ay mas malala ka pa sa akin," gagad nito. Naging mahaba at nakakapagod ang araw na iyon para kila Calix at Sam. Panay ang bati ng magulang at kanilang bisita sa kanila na tila ba tunay at totoo ang lahat. Magiliw namang nakikipagkamay si Calix sa mga ito. Sa isang hotel nila dinaos ang kanilang reception at halos hating-gabi na nang matapos at tuluyang nagpaalam ang lahat. Ang mga magulang ay may kaniya-kaniyang hotel room na naka-reserve para sa mga ito habang sila naman ay nasa executive suite para kuno sa unang gabi nil bilang mag-asawa. But the union they had is not the normal union of marriage. It was pure business for Sam but for Calix is beyond that. "Mauuna na akong magbihis," mabilis na turan ni Sam pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng kanilang silid. Hindi naman na umimik si Calix bagkus at tinanggal na lamang ang necktie niya saka imupo sa sofa sa may mini living room sa loob ng suite na iyon. Nakita pang pumasok sa bathroom si Sam. Pagkapasok sa bathroom ay agad na huhubarin ang gown dahil talaga naman kanina pa siya init na init. Ngunit kamalas-malasan pa dahil sa likod ang zipper nito at kahit anong gawin ay hindi maabot. "Buwisit!" banas na turan sa sobrang asar. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang buksan ang pintuhan upang kunin ang tulong ng lalaki ngunit kitang nakasandig itong nakaupo sa sofa at pikit ang mga mata. Akma sanang iaasara iyon at pipilitin muling abutin nang magdilat ito ng mata at natuon sa kaniya. Bahagyang nagsalubong ang makakapal nitong kilay na tila ba nagtatanong. "Ah—hmmm! Can you help me please," hindi magkandatutong uutal-utal na wika. Tumayo si Calix at batid na niya kung bakit siya nito hinihingan ng tulong. Mabilis namang pumustura si Sam patalikod sa lalaki upang buksan nito ang zipper ng gown. Ngunit halos mapatalon siya nang maramdaman ang paggapang ng palad ni Calix mula sa batok niya hanggang sa likod. Nakailang lunok siya. Hindi alam kung sinadya ba iyon ng lalaki o hindi. Maging si Calix ay hindi maiwasang mapalunok ang tumambad sa kaniya ang maganda at malinis na balikat ni Sam. Tila nais niyang hawakan iyon sa magkabilaan at halikan ngunit nagpipigil siya. Itinaas ang palad at hinaplos sa likod nito. Nang maramdaman niyang tila napaso si Sam sa haplos niya. Mas lalong nainis si Sam nang tila matagal na pero hindi pa rin maibaba ni Calix ang zipper. "Ano na?!" untag dito. Nasisimula na kasing ma-conscious dahil mukhang pinagmamasdan siya nito buhat sa likod niya. Nakailang subok si Calix na ibaba ang zipper pero mukhang stranded at hindi tuluyang maibaba. Medyo naiinis na si Sam sa kaniya. "Bakit ang tagal mo? Ibababa mo lang naman?!" may halong inis na sa tinig nito. "Ayaw ngang maibaba!" hindi mapigilang sabad ngunit natatawa siya dahil kung normal lang silang mag-asawa ni Sam ay baka kanina pa pinunit ang zipper na ayaw magbukas. "Bakit ayaw?!" "Aba! Malay ko? Hindi mo yata sinukat?" aniya kay Sam. "Sinukat ko naman ah," bulalas pa rin nito habang siya naman ay hirap na hirap. "Iyon naman pala eh," tugon pa. "So, sinasabi mong mataba ako? Ganoon?!" bulalas nito. Tuluyang nainis si Sam sa pupuntahan ng usapan nila ni Calix. Kung hindi lang siya naka-gown ay kanina pa ito sinipa. Ngunit sa loob-loob ay natatawa sa abnormal nilang unang gabi bilang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD