Chapter 16: First Night Encounter

1707 Words
Kalaunan ay hindi mapigilan ni Calix ang matawa. What they are into at this moment is not the normal first night of two people who just gave their vows. "Ano namang nakakatawa?" gilalas ni Sam kay Calix nang marinig ang pagtawa nito. "Hindi ako tumatawa dahil sa sinabi mong mataba ka. Bakit, masama kung gusto kong tumawa!" bara niya rito at doon ay nakitang nagtaas ito ng kilay. "Masama kung ako ang pinagtatawanan mo!" gilalas niya rito. "Hindi ah," mabilis niyang sagot. "Can you hold your breath for a bit!" utos na turan dito baka kasi mas mapapadali ang pagbaba niya ng stranded zipper ng gown nito at hindi nga siya nagkamali. "Hindi ka nga tumaba, medyo naparami ka lang yata ng kain," biro niya sa babae. He wants to set an funny atmosphere because he starts feeling useasy looking at Sam back. Wala kasi itong suot na kahit anong bra kaya ang buong likod nito ay tumambad sa kaniya. "Are you annoying me?!" gagad nitong wika sabay harap sa kaniya upang itago ang nakatambad nitong likod sa kaniya. Halos umusok ang ilong nito at matatalim ang mga matang pinupukol sa kaniya. Ngunit hindi na ito nagsalita pa at paatras na bumalik sa banyo. Nakahinga lamang ng maluwag si Sam nang makapasok siya sa banyo. Mabilis na binagsak ang gown at tumapat sa shower upang maibsan ang init na gawa ng maghapong abala at ng kakaibang init na dulot ng mga titig ni Calix sa kaniya kanina. Hindi malaman kung bakit sa kabila ng inis dito kanina ay may kilig siyang nadarama kaya bago pa siya ipagkanulo ng sarili ay mabilis na siyang pumasok sa loob na banyo. Pagkapasok ni Sam sa loob ng banyo ay sinara nito agad ang pintuhan pero hindi iyon lumapat dahil may bahagi ng gown ang pumigil para hindi iyon agad lumapat. Nagtatalo ang isipan ni Calix kung isasara iyon o hahayaan na lamang ngunit nanaig ang kagustuhang isara iyon. Subalit hindi pa man niya lubusang naisasara ang pintuhan nang sa hindi inaasahan ay napatingin siya sa shower room at doon ay kita ang hubad na katawan ni Sam na naliligon. Nag-init ang buong katawan ngunit nanaig ang respeto rito kaya agad na sinara ang pintuhan at napapikit. Pilit sinisiksik sa isipan na hindi niya dapat galawin ito. Kasal lamang sila sa papel gaya ng kanilang naging kasunduan. Mabilis siyang bumalik sa sofa at tinanggal ang kaniyang sapatos doon ay muling mapapansin ang kaniyang kapansanan. Napatingin si Sam sa may pintuhan. Bigla kasi siyang napatigil sa pagsasabon ng katawan sabay patay ng tubig dahil tila ba may mga matang nakamasid sa kaniya. Ngunit nang masigurong wala naman ay tinapos na niya ang paliligo upang makapagpahinga na siya. Dahil walang damit ay tanging roba lamang ang sinuot. Napailing pa siya nang mabasa ang nasa dibdib ng pink na roba na suot. "Mrs. Gonzalves," basa rito habang ang ang baby blue naman na nakasabit na para kay Calix ay nakalagar ang Mr. Gonzalves. Naka-roba at balot ng maliit na tuwalya ang buhok niya na lumabas sa banyo. Agad na nakita si Calix na nakahiga sa sofa, mukhang napagod rin ito sa maghapon. Tinungo niya ang drawer at doon ay nakita ang blower. Isasaksak niya sana iyon upang tuyuin ang buhok nang maalalang tulog nga pala si Calix at baka magambala ito ngunit paglingon ay kitang nakaupo na ito sa sofa at nakatingin sa kaniya. Kapwa nagkahinang ang kanilang mga mata at walang nais magbawi ng kanilang mga paningin. Tila ba may pwersang nagbibigkis sa kanilang mga mata. "It's fine. I'm going to hop in too," ani ni Calix na siyang unang nakabawi sa titigan nilang iyon ni Sam. "O—okay," aniya na lamang saka mabilis na binalik ang tingin sa salamin sa harapan at doon ay nakitang tumayo si Calix sa kinauupuan nito at naglakad. Napalunok pa siya ng muli ay mapansin ang paika-ika nitong paglakad. Napalingon si Calix sa kaniya. Kahit nakatalikod ay kita sa reflection ng salamin ang pagsalubong ng mga mata nila. Muli si Calix ang unang nagbawi ng tingin kay Sam dahil hanggang sa ngayon ay nahihiya siya sa kapansanan niya. Bagay na napansin naman ni Sam dahilan upang tumulo ang luha niya. Hindi batid kung bakit pero basta na lamang tumulo ang kaniyang mga luha. Mabilis iyong pinahid saka sinimulang tuyuin ang buhok para makatulog na siya. Ayaw niyang muling magtama ang mga mata nila ni Calix at usigin na naman siya ng konsensiya niya sa pambu-bully na ginawa rito. Pagpasok sa loob ng banyo ay hindi maiwasang titigan ni Calix ang mukha sa salamin. Nakikita roon ang guwapo at makisig na lalaki kung makikita niya lang din sana ang paa ay doon mo makikita ang kaniyang kakulangan. Mas maiksi ang isa nitong paa ng dalawang pulgada kaya kapag wala siyang suot na sapatos ay kitang-kita ang kapansanan. Matapos muling titigan ang sarili ay mabilis na hinubad lahat ang saplot saka pumasok sa shower room. Kahit papaano ay umayos ang pakiramdam niya. Habang nasa ilalim ng dutsa ay hindi niya maalala ang usapan nila ng kaibigang si Gian kanina. Napapailing siya dahil bumabalik ang napawing init ng katawan kanina. Maraming kapilyuhan ang kaibigan pero pagdating sa asawa ay tiklop ito. Hanga siya sa pagmamahal nito sa asawa. Bagay na hindi maiwasang asamin. Ngunit paano niya magagawang maging stict to one sa asawa kung may kasintahan siyang napangakuhan ng kasal pagkatapos ng lahat. Sa isiping iyon ay hindi maiwasang ihilamos ang dalawang palad. Hinayang tumama ang maligamgam na tubig sa katawan. Nang maalala ang kasintahan ay nabahala siya. Tiyak na nag-aalala na ito sa kaniya kaya mabilis na pinatay ang tubig saka. Sinuot ang roba na laman sa kaniya. "Oh, sh*t!" bulalas niya. Hindi niya kasi maiwasang mabasa ang nakalagay sa roba na suot. Tila ba nagpapaalala na kasal na siya tapos ibang babae ang inaalala. Bahagya siyang natigilan pero mabilis din naman siyang nakahuma. Pinulot ang pantalong suot kanina at kinuha sa bulsa noon ang nakapatay na cellphone. Paglabas ay agad na hinanap si Sam atbnasa kama na ito at mukhang tulog na. Marahil ay tulad niya na napagod rin sa maghapon. Ilang minuto rin niyang tinitigan ang maganda at maamo nitong mukha bago nagtungo sa sofa saka naupo roon. Binuksan ang cellphone at doon ay nagdagsahan ang mga misscalls at texts ng kasintahan. Agad itong tinawagan na sinagot naman nito na tila ba naghihintay talaga ito kahit pa medyo inaantok na ang boses nito. "What took you so long, nag-alala ako sa'yo," inaatok pero malambing pa ring turan nito. "Sorry, babe. Medyo gabi na kasi natapos ang reception," imporma niya sa kasintahan. Bagay na kinatigil nito sa kabilang linya. "So, how is she? Magkasama ba kayo ngayon?" tanong nito at bakas ang selos sa boses ng kasintahan. Doon ay napalingon siya sa kama at nakitang nakatalikod sa kaniya si Sam na nakahinga. Marahil ay tulog na. "Yes, babe but don't worry. It's a mutual feeling, na hindi namin gusto pareho ang kasal na ito. I will be sleeping in the sofa," dinig na dinig na paliwanag ni Calix sa kasintahan nito. Hindi naman siya tulog, nang marinig lang na pinatay na nito ang tubig ay mabilis siyang nahiga sa kama at nagtulog-tulugan. Ramdam pa ang pagtitig nito sa kaniya bago ito magtungo sa sofa. Umiba siya ng higa dahil masyadong exposed ang mukha sa kinauupuan nito. Ngunit nang marinig ang pagtawag nito sa kasintahan ay napadilat siya ng mata. Para siyang pinasakan ng isang libong karayom sa mga narinig. Tama naman ito, it's mutual feeling na hindi nila gusto ang isa't isa pero bakit iba ang pakiramdam sa sandaling iyon. "Okay, babe. I'll let you sleep. I know you have lot of work to do in your higher position. Good luck," masiglang paalam ni Calix sa kasintahan. "Thank you, babe. I love you so much! Muwaaah! Muwaahh!" anito na kinatawa niya. "I love you more, babe. See you tomorrow, after work," anito saka binaba ang tawag at muling napatingin sa kinahihigaan ni Sam. Hindi ito nagalaw kaya batid na tulog na tulog na ito kaya nahiga na rin siya sa sofa. Maliit iyon sa kaniya pero pilit pinagkasya ang sarili. Sa kabila ng hadping nadarama ay nakatulog din si Sam. Bukas na lamang niya tatawagan si Gilbert upang sitahin sa kapangahasang ginawa nito sa loob ng simbaban. Nakailang ayos si Calix sa kaniyang pagkakahiga pero talagang hirap siya at nangangalay ang paa. Mabilis na umupo at tumingin sa kama. Malawak ang kama at nasa kabilang panig lamang si Sam. Bumuntong-hininga siya saka tumayo at alumpihit na lumapit sa kama. Sinilip at kitang tulog na tulog nga si Sam. Doon ay hindi na siya nag-alinlangan pang humiga sa tabi nito. Pagod na pagod siya at antok na antok kaya agad siyang ginupo ng antok. Paggising ni Sam ay nakaramdam siya ng mainit na paghinga sa tapat ng kaniyang mukha. Unti-unting dinilat ang mga mata at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nang makitang halos magkadikit ang mukha nila ni Calix. Bigla siyang napaupo sa gulat ngunit nang makabawi ay binalingan ang guwapo at tulog na lalaki. Doon ay malaya itong napagmasdan. Hindi maiwasang maalala ang parte ng kaniyang kabataan. "Oy! May crush siya oh!" tudyo ni Anne sa kaniya. Kung noon kasi ay natutuwa siyang i-bully si Calix pero mula nang makaramdam ng paghanga rito at binu-bully na lamang ito upang maibaling sa kaniya ang pansin nito. Nagseselos kasi siya dahil na kay Michelle na ang pansin nito. "Namumula ka na girl!" pang-aasar pa rin ng kaibigan na tila hindi nahahalatang naiiyak na siya. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya at sakto pang tumulo ang luha sa mahimbing na si Calix dahilan upang magising. Pagdilat ni Calix ng mata ay kitang nakatunghay si Sam sa kaniya na umiiyak. Agad siyang nabahala. "Are you alright. Listen, nothing happen to us!" bulalas na turan niya kay Sam baka kasi iyon ang iniisip nito kaya ito naiyak. Sa narinig buhat sa lalaki ay mas lalong napaiyak si Sam. Hindi alam kung bakit pero bakit tila nasasasaktan siya at sa pagkakataong iyon ay hindi si Michelle ang kaagaw kundi ang kasintahan naman nitong si Geraldine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD