Chapter 17: His Biggest Sacrifice

2045 Words
Mas lalong nabahala si Calix nang makita ang luha sa mga mata ni Sam. Hindi tuloy alam kung papaano ito aluhin. "Hey, I didn't do anything to you," saad rito upang mapanatag ito. Nang matauhan si Sam sa katangahang nagawa ay mabilis na pinahid ang luha saka nagtalukbong ng kumot at gumilid. Hiyang-hiya siya dahil nahuli pa siyang umiiyak, masyado siyang dinadala ng kaniyang emosyon. Samantala ay naiwang nakaupo at nagugulimihanan si Calix kung bakit naiyak si Samantha. Nakatingin siya lamang sa likod nitong nakatagilid sa kaniya ngunit batid na hindi ito tulog dahil hindi man nagalaw ay kita naman ang pagyugyog ng balikat nito. Sinapo niya ang mukha. Naisip na talaga sigurong ayaw nitong makasal sa kaniya kaya ganoon ang asal nito. Naihilamos ang palad sa mukha saka muling tinitigan ang likod ni Samantha. 'I'm doing it for you,' aniya sa isipan. Kung pwede lang niyang ipagduldulan iyon sa mukha nito upang hindi naman nito masyadong isipin na kasalanan pa niya ang lahat pero mas minabuting tumayo na lamang at bumalik sa sofa, may dalawang oras pa silang magpapahinga bago ang breakfast meeting nila ng kanilang magulang. Nang maramdaman ni Sam ang pag-ahon ni Calix buhat sa kama ay mas lalo siyang napaluha. Kanina pa niya pinagagalitan ang sarili dahil tila walang kapaguran ang mga matang lumuluha. Kahit bumalik na si Calix sa sofa ay ramdam na nakamasid pa rin ito sa kaniya. Kaya pinangatawanan na lamang niya ang tumagilid at pinilit na ipikit ang mga mata. Napabuntong-hininga ng malalim si Calix nang marinig na ang mumunting hilik ni Samantha. Samantalang siya naman ay tila hindi na siya dalawin pa ng antok. Tumingin siya sa likod ni Samantha na tila ba may nag-uudyok na lapitan ito. Hindi pa man siya nakakapag-decide kung lalapitan ito o hindi ay nakitang umiba ito ng pwesto at doon ay kitang-kita ang paglaglag ng huling patak ng luha buhat sa mga mata nito. Tumayo siya at naglakad patungo sa kama. Maingat ang pag-upo sa kama upang hindi ito magambala. Pinakatitigang mabuti ang maganda nitong mukha. Gandang kauna-unahan niyang hinangaan sa kabila ng pagiging maldita at bully nito. Pinangarap din niyang makasal kay Samantha noon. Ngunit hindi niya inaasahang sa ibang paraan sila makakasal. Bilang teenager noon ay very romantic ang tingin niya sa love pero ngayon ay nagawa nilang magpakasal para lamang ilayo ito sa lalaking malapit ng sumira sa buhay nito. Napapailing siya. He is doing the biggest sacrifice of all. Pwede naman siyang umayaw na nang umamin sa kaniya ang ama tungkol sa kung bakit ito pumayag sa mga nais ng Tito Samuel niya. Ngunit aminin man o hindi ay umaasa siyang maging totoo ang bagay na inakala ay hanggang panaginip na lamang. Isipin mang tanga siya pero ganoon naman siguro ang tao. May mga bagay na pinangarap mo noong bata tayo na gusto mong mangyari kahit panandalian lamang. Napasapo ulit siya ng mukha sabay tingin kay Samantha na noon ay tulog na tulog niya. Naroroon na rin siya kaya nangahas na rin siyang haplusin ang mukha nito. Kita ang mamula-mula nitong labi dahilan upang maalala ang mabilis na halikan nila kanina sa simbahan. Ito ang halik na simbolo na asawa na niya ito pero ang mga nangyayari sa pagitan nila ay tila isang estranghero sa isa't isa. Bago pa magising muli si Sam na makita siyang nasa tabi nito ay bumalik na siya sa sofa at doon hinintay na mag-umaga. Ganap na alas otso nang magising si Sam. Napabalikwas siya ng bangon lalo pa at tila may nakakapasong nakatingin sa kaniya. Hindi nga siya nagkamali dahil pagdilat ng mata ay agad na nasumpungan si Calix na noon ay bihis na bihis. Nakatingin din ito sa kaniya kaya nagtama ang paningin nila. "They are waiting," anito tukoy sa nga magulang nila. Bago kasi sila nagtungo sa hotel room nila ay binilinan silang magkita sa restaurant for breakfast as one family. Doon ay naalala ang paalala sa kaniya ng kaniyang Mama kagabi. Mabilis siyang tumayo nang bigla ay matigilan silang dalawa. Pagtayo niya kasi ay nalaglag ang kumot na tumatakip sa katawan at tumambad ang suot na roba na hindi namalayang nakalas na pala ang pagkakabuhol ng tali nito. Mabilis ang ginawang pagtatakip sa katawan. Dalangin lamang niya ay walang nakita si Calix ngunit nang balingan nito ay hindi maipagkakailang nakita na nito ang buong kabuuan niya. Nakailang lunok ang ginawa saka mabilis na tinungo ang banyo ngunit bago pa man siya makapasok ay narinig na nagsalita si Calix. "You have some cloth in the closet," malamig na tinig nito na hindi man lang tumingin sa kaniya. Marahil ay naisip nitong hindi alam na may dala silang damit. Dahil sa pagmamadali kagabi ay nakalimutan niya palang magpalit. "Thank you," tanging nasambit sa sinabi nito at imbes na tumuloy sa banyo ay tinungo na muna ang closet upang kunin ang damit na isusuot sa tuluyang pumasok sa banyo. Pagkapasok ay napapamura siya sa sarili habang nakatingin sa malaking salamin. Ng Naiwang natitigilan si Calix. Masyado siyang naapektuhan sa kagandahang tumambad sa kaniya kanina. Parang nais pumasok sa banyo at saluhan ito sa paliligo. Umupo siya sa sofa na siyang tunog naman ng cellphone ni Samantha na nasa side table sa tabi niya. Pag-ilaw noon ay kita ang larawan ni Sam na nakangiti habang nakasandig sa kasintahan nito. Muling tumunog iyon at lalong kumulo ang dugo nang makita kung sino ang natawag dito. Nakatatlong subok ang lalaki at sa huli ay nagpadala na lamang ng mensahe na nabasa naman ni Calix nang mag-pop up sa screen ng cellphone ni Samantha. Sa mga nabasa ay parang gusto itong sakalin. Dapat lang na pakasalan niya si Samantha para mailayo sa lalaking tulad ni Gilbert. Narinig na umingit ang pintuhan at doon ay nasumpungan ang napakagandang si Samantha. Suot na nito ang mini dress nito ngunit mamasa-masa pa rin ang buhok. Paglabas ni Sam ay kitang matiim ang titig ni Calix na tila galit ito. Parang nais bumalik sa pinanggalingan pero nilakasan ang loob at naglakad patungo upang tuyuin ang kaniyang buhok. Ramdam pa rin ang nakakapasong titig ni Calix sa kaniya. Saktong bubuksan na ang blower nang marinig ang sinabi nito dahilan upang matigilan siya at lingunin ito. "From now on, I don't like you to be close to that guy!" madiing wika sa nakatalikod na si Samantha. Mabilis itong lumingon sa kaniya na nakakunot ang noo. "Who?!" anito na tila ba hindi makuha kung sino ang tinutukoy. "Gilbert," deretsahang tukoy sa kasintahan nito. Nang banggitin ang pangalan nito ay kita ang pagsasalubong ng kilay niya. "H—indi ba at nag-usap tayo—" putol na wika. "I don't care kung makipagkilala ka sa ibang lalaki. Basta huwag na huwag lang sa lalaking iyon!" medyo tumaas na boses ni Calix. "Wait! You agreed, right?" "Yes but I think, I have to put restrictions also. You just made that agreement. You can agree to me or not. Then agreement will be void and invalid. Period!" giit dito saka akmang maglalakad patungo sa pintuhan. "Wait?!" malakas na pigil nito. Masyadong naguguluhan si Samantha kung bakit bigla-bigla ay nagbago ang isip ni Calix. Bagaman sa loob-loob ay may parte na tila ba nagbubunyi sa sinabi nito. Para kasing ayaw nitong mapunta siya sa iba. "What for the sudden change of mind?" maang na tanong kay Calix. Sa isip ay may nasisilip na pag-asa na sabihin nitong mahal siya nito. "Why don't you look at your phone and read his text?" anito sa kaniya dahilan para mapakunot ang noo muli. "What?!" gilalas na sambit. "You read my text?" "Sorry but I was close to it when he keeps on calling you. It was hard to resist so I looked and suddenly pops up his text," eksplika ni Calix dito. Masyado talagang umakyat sa ulo ang dugo sa nabasang mensahe ng lalaking iyon kay Samantha. Mabilis na kinuha ni Sam ang cellphone na siyang tunog din nito. Natawag na naman ang kasintahan pero agad iyong kinansela at tinungo ang mensahe ng kasintahan at maging siya ay nainis sa nabasa. 'Ano?! Abala ba masyado sa first night ninyo ng lalaking iyan kaya hindi ka makasagot? Nasasarapan ka ba? Sayang kung alam ko lang na bibigay ka rin pala noon pa kita nilaspag at pinagsawaan! Your dirty as a w***e!' basa sa isip sa mensahe ni Gilbert. Halos manginig ang kamay sa narinig. Gustong maiyak pero ayaw niyang magpakita ng kahinaan kay Calix. Kita ni Calix ang pamumula ng mata ni Sam pero agad itong tumalikod at kinuha ang blower. Tinudo iyon na tila ba doon binuhos ang nararamdamang sakit. Alam niyang kahit papaano ay nasaktan ito sa nabasa. Siya nga ay nasaktan, ito pa kayang direktang pinapatungkulan ng lalaki. Ibayong pagpipigil ang ginawa ni Sam para hindi maiyak. Gigil na gigil siya may Gilbert. Mas lalo siyang binibigyan nito para tuluyang kumalas sa relasyong meron sila. Pagdating nila sa restaurant ay naroroon na ang mga magulang. Nagsimula na ang mga itong kumain, marahil ay ginutom na sa kahihintay sa kanila. Mapang-usisa ang mga mata ng mga ito pero walang nangahas na magtanong. "Maupo kayo, pasensiya na kayo at nauna na kaming kumain. So, kumusta ang tulog mo, hija?" magiliw na istima sa kaniya ng Tita Alex. "Hindi ka ba kinulit nang kinulit nitong si Calix?" dagdag pang hirit nito na tila kinikilig sa kanila ng anak nito. Hindi tuloy alam kung papaano sasagutin ang sinabi nito dahilan upang mapatingin siya kay Calix na noon ay nakatingin sa kaniya. "Mommy hayaan na muna natin si Sam. Mukhang gutom na siya kaya hindi agad makasagot," anito sa ina. "Ah, ganoon ba? Sabagay," anito na tila may ibang ibig sabihin. Pagtingin sa magulang ay nakitang nakatingin din sa kaniya kaya napilitan siyang ngumiti. "Ngayong kasal na kayo ni Calix ay sa bahay na niya kayo titira. Baka sa susunod na araw ay bumalik na kami ng Mama mo sa Cebu dahil marami kaming aayusin," sabad ng ama na nagpalingon sa kaniya. "Titira kami sa iisang bubong?!" gulat na wika. Hindi niya naisip ang bagay na iyon. Muli ay nilingon si Calix na noon ay abala ito sa paghigop ng kape nito. "Of course, hija. Lahat ng mag-asawa ay tumitira sa iisang bubong," sagot ng Tita Alexa niya na ngayon ay mother in law niya. "From now on ay sanayin mo na rin ang sarili mong tawagin akong Mommy," anito na nakangiti. Nagugulumihanan siya sa bilis ng mga pangyayari. Paano sila titira ni Calix sa iisang bahay? 'Bakit natatakot ka ba?' tanong ng isipan. Natatakot siyang baka sa pagtira nila ni Calix sa iisang bubong ay tuluyang bumalik ang lihim na pag-ibig para dito at sa huli ay siya ang magiging talo. "Ayaw mo ba, hija?" untag pa ng Mommy Alexa niya nang makitang tila nagulat siya sa nalaman. "Ah, hindi naman po," agad na sagot dito at pinilit na ngumiti. Nang balingan si Calix ay kitang matiim itong nakatingin sa kaniya na tila ba pinag-aaralan siya nito base sa nakikitang pamamaraan ng pagtitig sa kaniya. Naging abala ang lahat sa pagkain. Paminsan-minsan ay napapatingin siya kay Calix ngunit tila iniiwasan nitong magtama ang kanilang mga mata. Mukhang hindi maiiwasang magsama sila sa iisang bahay. Siguro ay mainam na rin iyon para hindi masyadong mahalata ng magulang ang kanilang agreement. Ngunit nang maalala ang agreement ay naalala rin ang sinabi ni Calix kanina. "Anak ayos ka lang ba?" untag ng Mama niya. "Oo naman, Ma," mabilis na tugon. "Mabuti kung ganoon. Wala naman kaming hangad ng Papa mo kundi ang makakabuti sa'yo," madamdaming wika ng ina. "Alam naming mabait na bata itong si Calix at nakakatiyak kaming hindi ka niya sasaktan," dagdag pa ng ina sa kaniya. "Calix, ikaw na ang bahala sa prinsesa namin," sabad na turan ng ama na tila ba talagang hinahabilin na siya kay Calix. Para tuloy gusto niyang maiyak sa sandaling iyon. "Huwag po kayong mag-alala, Papa dahil aalagaan at puprotektahan si Samantha sa abot ng aking makakaya," malamang tugon naman ni Calix na noon ay lumingon sa kinaroroonan ni Sam. Kita ang medyo pamamasa ng mata nito. 'It was hard but this is the only way. This is for your own safety!' aniya sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD