Pagkababa ni Calix upang mag-almusal nang makitang tila hinihintay rin siya ng mga magulang. "Do you have plans for today?" ang ina ang unang nagsalita.
"Nothing, Mom," aniya dahil gustuhin mang dalawin ang kasintahan ay tiyak na abala ito.
"Mabuti kung ganoon dahil inimbitahan namin ang mga Fuentabella para sa isang lunch dito sa bahay," dagdag pa ng ina na nagpahinto sa gagawin sanang paghigop sa kape na kasasalin lamang niya mula sa coffee maker.
Doon ay naalala ang babaeng kasama kagabi. Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang naging biruan nila kagabi.
"Are you listening to your Mom?" untag ng kaniyang ama.
"Yes, Dad. The Fuentabella is coming for lunch," ulit sa ama. Kitang tila pinag-aaralan siya nito.
"Good, so be ready. Pag-uusapan na namin ang kasal ninyo ni Samantha," anang pa nito dahilan upang muling mapatigil sa kaniyang gagawing pagsubo.
Hindi pa nga niya nasasabi sa kasintahan ang tungkol sa plano ng mga ito at ngayon ay pag-uusapan na nila.
Tapik ng ina ang nagpabalik sa kaniyang isipan. "I know, mahirap anak itong hinihiling namin ng Daddy mo. Sana ay maintindihan mo kami," malumanay na wika ng ina.
Sa sinabing iyon ng ina ay kahit papaano naiintindihan ang mga ito. Kung wala lang siguro siyang kasintahan ay madali lang para sa kaniya ang gawin ang hinihiling ng mga ito pero mahal niya si Geraldine at ayaw niya itong bitawan.
"Don't worry, Mom, naiintindihan ko naman kayo," aniya saka pinagpatuloy na lamang ang kaniyang almusal para makapaghanda sa pagdating ng mag-anak. Batid na nakilala na siya ni Sam kagabi kaya hindi naman na siguro sila magkakabiglaan kung magkita sila mamaya.
Nang mapansi ni Sam na pumasok sila sa isang gated community at nakita ang naglalakihang mga bahay ay batid na malapit na sila. Muli ay dinaluyon ng kaba ang dibdib. Hindi mapakali at panay ang sipat ng mukha sa maliit na salamin sa kaniyang pouch. Panay din ang ilaw ng cellphone, katunayang hindi siya nilulubayan ng kasintahan sa pagtawag.
Ayaw niya muna itong kausapin lalo pa at masyado siyang nabibigla sa mga nangyayari sa buhay niya. Paano sasabihin ditong ikakasal na siya? Tiyak na mas lalo itong magwawala.
"Anak, ayos ka lang ba?" untag ng ina na siyang katabi sa back seat habang nasa passenger seat naman ang ama, katabi ang driver ng sasakyan ng hotel na maghahatid sa kanila.
"Yes, Ma," malumanay na turan dito. Kita sa mga mata ng ina ang pakikisimpatya ngunit tulad niya ay wala ring magawa dahil kung hindi gagawin ito ay tuluyang mawawala ang negosyong bumuhay sa kanila at pinaglaanan ng dugo at pawis ng ama.
"Mabuti kung ganoon. Huwag kang mag-alala. Mabait naman si Calix," saad ng ina na muling nagpabalik sa kaniyang paningin dito.
"P—paano niyo po nasabi?" maang na tanong.
Ngumiti ang ina. "Well, kapag nagpupunta kami ng Papa mo rito ay nakikita namin siya. Minsan siya pa ang nagpiprensentang ihatid kami sa mga hotel na tinutuluyan namin. Tapos noong kinasal ang best friend mong si Anne. Nandoon rin siya at medyo matagal-tagal na nagkausap," kuwento ng ina.
"Nasa kasal nila Anne at Gian?" maang na sambit.
"Oo, anak. Hindi ba't best friend niya si Gian noong bata pa kayo bago daw sila nagtungo ng Manila. Habang ikaw naman ay si Anne. Marami nga silang kuwento tungkol sa'yo," ani pa ng ina.
"Tungkol sa akin?" gagad na sabad.
"Oo, tungkol sa'yo," ulit ng ina. Muli siyang kinabahan dahil minsan ay may pagkataklesa ang bibig ng kaibigan. Natatakot siyang baka nasabi sa mga ito ang matagal niyang lihim.
"Anong sinabi tungkol sa akin?" kinakabahang tanong sa ina. Masyadong naging tuon ang isipan sa mga sinabi ng mga ito tungkol sa kaniya dahilan upang hindi namalayang nakarating na pala sila.
Magsasalita pa lamang sana ang ina nang marinig ang tinig ng ama.
"We're here," pukaw ng ama sa kanila at agad niyang binaling ang mga mata sa labas. Nasumpungan ang isang moderno at eleganteng bahay kung saan nasa entrada ang kaniyang Tito Cariaso at Tita Alexa. Magiliw silang sinalubong ng mga ito. Katulad ng dati ay magiliw siyang niyakap ng mga ito.
"Oh my God, ang ganda-ganda mo na," ani ng kaniyang Tita Alexa sa kaniya. Noon pa man ay iyon ang palaging sinasabi sa kaniya.
"Salamat po, Tita," nakangiting tugon dito. Pinilit hanapin ng mga mata si Calix pero hindi ito makita. Ewan ba niya kung bakit na-e-excite siyang makita ang reaksyon nito kapag nakitang siya ang babaeng sinakay nito sa sasakyan nito kagabi.
"Come in," yaya pa ng mga ito papasok sa kanilang magarang bahay katunayang matagumpay ang negosyo ng mga ito. Mukhang kailangan talaga nila ng isang merger upang muling maibangon ang kanilang negosyo.
Naging abala ang ama at ang Tito Cariaso niya habang ang ina at ang Tita Alexa naman ay masayang nagkukumustahan sa kaniyang tabi. Ganoon naman ang mga ito lalo pa at matagal-tagal ding hindi nagkita.
"Don't worry, hija. Pababa na si Calix, masisimulan na nating pag-usapan ang kasal ninyo," wika nito dahilan upang maging uneasy siya sa bagay na iyon.
Samantala, nasa veranda si Calix nang mamataang humimpil sa tapat ng bahay nila ang isang van. Batid niya na ang mga Fuentabella ang lulan ng sasakyan na iyon at pagbaba ng kaniyang Tito Samuel ay batid na ngang dumating na ang kanilang panauhin.
Hindi sila kita ng mga ito dahil sa gilid ang veranda ng kaniyang silid kaya malayang napagmamasdan sa kinaroroonan ang pagbaba ni Sam. Napalunok siya nang muling mamalas ang magandang mukha nito. Hindi maiwasang mapainom sa hawak na kopita. Nang malaman kanina sa magulang na darating ang mga Fuentabella ay hindi siya mapakali kaya nagawang magbukas ng alak upang kahit papaano ay mapakalma ang naghuhuramintong puso.
Halos hindi mawala ang tingin kay Sam hanggang sa pumasok ito sa kanilang gate at masuyong sinalubong ng mga magulang. Napakaganda nito pero para sa kaniya para itong isang bituin na kay hirap abutin.
Nilagok ang laman ng kopita saka pumasok na sa silid. Nag-imis upang hindi maamoy ng mga ito ang amoy ng alak na ininom. Hindi maipaliwanag na damdamin ang binuhay ni Sam sa kaniyang puso. Mahal niya ang kasintahan pero may mumunting excitement ang nananahan sa dibdib sa pagbabalik ni Sam at hindi lubos akalaing mapupunta pa sila sa ganoong sitwasyon. Ang maging mag-asawa para lamang sa kani-kanilang negosyo.
Matapos makapag-ayos ay bumaba na siya ngunit hindi nakita si Sam sa umpukan ng mga magulang sa kanilang sala. Magiliw siyang binati ng kaniyang Tito Samuel at Tita Clarita. Napansin yata ng mga ito ang pasimpleng paghahanap kay Sam.
"Lumabas lang saglit si Sam, pabalik na iyon siguro," saad nito ngunit sa pagkakataong iyon ay nasipat na nasa may pool side ang babae at tila may kausap.
Dahil abala naman ang mga ito sa kanilang usapan ay tinalunton ang daan patungo sa kinaroroonan nito.
"My God, Gilbert. Do you think, gusto ko ito?" dinig na boses ni Sam. Batid niya na marahil ay kasintahan nito ang kausap. "You know what, hindi magandang mag-usap tayo ngayon kung parehong mainit ang ulo natin," dagdag pa nito.
"No! Talk to me now! Pinayagan kitang umuwi dahil inakala kong may sakit ang Mama mo. Kung alam ko lang na ipakakasal ka sa anak ng kumpare nila ay never kitang papayagan dahil akin ka lang Sam. Akin!" dinig na tugon ng lalaking kausap nito. Hindi man iyon naka-loud speaker pero sa lakas yata ng pandinig ay dinig na dinig. Saktong nasa likod lamang siya ni Sam na mukhang tensyunada kaya hindi siya nito napansin.
"That's enough! Alam mo sa ugali mong iyan. Naiisip ko tuloy na mas mabuti pa sigurong magpakasal na ako. You controls my life, hindi na ako ito dahil ginawa kitang sentro ng buhay ko. Why don't you try to undertand me?" puno ng hinanakit na sambit ni Sam.
Napakunot ng noo si Calix sa narinig na sinabi ni Sam.
"Uuwi ako, we have to talk!" turan ng lalaki.
"Pag-uusapan na namin ang kasal. Kailangan ko itong gawin," giit ni Sam kay Gilbert. Hindi pa sana sasabihin dito ang tungkol sa pagpapakasal niya pero masyado siyang na-provoke at hindi na napigilan pang sabihin dito.
"So, ano ako ngayon? Sh*t! Kung alam ko lang—"
"Ay ano Gilbert?" sabad rito.
"Dapat ay noon pa kita kinuha. I respect you dahil sinabi mong ibibigay mo lamang iyon kapag nakasal na tayo tapos magpapakasal ka sa iba! F*ck!" malutong na mga mura nito.
"What?!" halos hindi makapaniwalang turan niya. "Ngayon, lumabas din ang tunay mong ugali?" nanlulumong wika. "Mabuti na lang din pala. Kahit ginawa kitang mundo ko ay hindi ko binigay ang sarili ko sa lalaking kasing kitid ng utak ng butiki!" singhal dito sabay patay sa tawag at maging sa kaniyang cellphone. Halos ibato nga sana iyon pero hindi rin ginawa.
"Sayang naman ang phone mo kung dahil sa lalaki lamang. Pwede mo naman siyang i-block," baritonong tinig sa kaniyang likuran.
Halos mapatalon siya sa sobrang gulat sa biglaan nitong pagsasalita.
"Ka—kanina ka pa riyan?" hindi maiwasang itanong na kinatango-tango naman nito.
"Yes," tugon ni Calix na nangingiti sa reaksyon ni Sam.
"Lahat?!" maang pa nito.
"Yes, lahat-lahat," ulit ni Calix.
Natigilan si Sam sa sinabi ni Calix. 'Ano ngayon kung narinig niyang virgin ako?' aniya sa isipan saka tumitig sa nakangising mukha nito. Inirapan ito sabay lakad papasok sa pinanggalingan nitong pintuhan.
"Ang katulad niyang lalaki ay hindi pinag-aaksayahan ng oras at panahon. Lalo na ng cellphone," hirit nito saka tumawa na mas lalong nagpainis sa kaniya.
"Mind your own business!" buwisit na turan dito.
"Too bad, your business is my business soon," dagdag pa nito na mas lalong kinainis.
'Whatever!'