Pagdating sa inuukupahang hotel room ay hindi na niya ginambala pa ang mga magulang sa kabilang silid ngunit hindi pa man nagagawang tanggalin ang suot na high heel ay tumunog ang kaniyang telepono. Batid na ang mga magulang na ito upang tiyaking nasa silid siya.
"Yes, hello?" turan nang marinig ang tinig ng ina.
"Where have you been? The receptionist just inform us, na kauuwi mo lamang," gagad nito. Halos tumirik ang mga mata sa sinabi ng ina. Tumawag lamang ito para sa sermunan siya.
Napabuntong-hininga siya. "I'm good, Mom. I just went out to meet, Nathalie," turan dito. Nakilala na niya minsan ito nang dalawan siya nito sa London.
"Okay," ani ng ina na tila umayos na ang tono. "Tumawag na ang Tito Cariaso mo, pumayag na raw si Calix na magpakasal kayo," imporma nito na kinakunot niya ng noon.
Natigilan tuloy siya sa narinig buhat sa isipan at naalala ang tagpong nakita kanina. "How?" hindi niya namalayang nanulas sa bibig.
"I don't know, he called to inform us to visit them tomorrow. Then, maybe we can talk regarding about your wedding," anito na tila kay dali ang sinasabi ng ina.
Hindi naman iyon ang ibig sabihin niya. Hindi alam kung papaano nila napapayag si Calix lalo at mukhang mahal na mahal nito ang babaeng ka-date kanina. Muli ay mas lalong napakunot-noo nang maalala ang naging usapan nila sa loob ng sasakyan nito. Kung hindi lang siguro nakita ang mga papeles nito at ID ay iisiping ibang tao ito.
Muli ay napaisip kung bakit tila normal naman itong maglakad na hindi katulad noon.
"Nandiyan ka ba, anak? Have you had your dinner?" mayamaya ay alalang tanong nito.
"Yes, Mom. Okay, Mom I have to hop in for a quick shower then get ready for tomorrow," kaila na lamang sa ina. Sa sinabi ay tila wala naman na itong tutol pa at hinayaan na siya.
"Okay, sweety. Rest well," anito at saka nawala sa linya.
Imbes na tumayo upang tunguhin ang banyo upang maliga ay binagsak na lamang ang katawan sa kama at tumitig sa kesame. Hindi niya lubos akalaing muling babalik ang paghanga kay Calix.
Aminin man o hindi ay talagang humanga siya kanina, pagpasok pa lamang nito sa restaurant na kinaroroonan kanina. At nang maalala ang babaeng kasama nito kanina ay bahagyang napbusangot. Mukha kasi itong edukada, career woman at successful. Mga bagay na wala siya.
Maswerte nga siya at sa abroad nag-aral pero ang interior design course niya ay hindi man lang matapos-tapos, ni wala siyang malinaw na kinabukasan at ngayon ay napipintong mawala ang negosyo ng kanilang pamilya.
Sa isiping iyon ay nakaramdam siya ng panliliit kumpara sa babaeng kasama ni Calix kanina. 'Alam na kaya niya?' tanong sa isipan kung alam na ng babaeng iyon ang pagpapakasal ni Calix sa kaniya.
Ngunit agad ring binawi sa isipan lalo pa at nakitang mukhang ang sweet pa ng dalawa kanina. Iyon lang ay hindi alam kung bakit hindi nito kasama o inihatid man lang ito.
'Nag-away kaya?' aniya pa sa isipan sa posibleng dahilan kung bakit hindi nito kasama ang babaeng umalis sa restaurant na iyon.
Bago pa kung saan mapunta ang isipan ay mabilis na naghubad at tinungo ang banyo niya. Ganoon naman siya lalo kapag alam niyang solo niya ang silid. Hindi tuloy niya maiwasang tignan ang katawan sa full-length mirror sa loob ng banyo.
Maganda pa rin naman siya pero aminado siyang minsan ay napapabayaan ang sarili dahil sa pagmamahal kay Gilbert. Masyado pa lang binigay rito ang panahon at atensyon niya. Nanlulumo siya dahil tila nawala na nga ang dating sweet and innocent Samantha. Ngunit bago pa kung saan mapunta ang isipan ay mabilis na nag-shower.
Kinabukasan ay nagising siya sa malakas na tunog ng telepono. Ayaw pa sana niyang sagutin pero tila makulit kung sino mang nasa kabilang linya. Inaantok na inabot iyon. "Hello?"
"I knocked on your door so many times! Are you still in your bed? I told you last night that we will going to visit the Gonzalves," turan ng ina na nakaangil na naman.
"Relax, mahal. Let me talk to our princess," ng malumanay na boses ng ama sa background.
"Mabuti pa nga, baka sa'yo ay makinig," wika ng ina na pinasa sa ama ang telepono.
"Good morning, princess. We will giving you twenty minutes to fix yourself. The Gonzalves invites us for lunch," malumanay na boses pa rin ng ama.
Isang eksaheradang buntong-hininga ang tinugon sa ama. Batid niyang alam ng ama sa tuwing napapabuntong-hininga siya. Gusto niyang ipabatid rito na hindi siya tuluyang sang-ayon sa balak nila.
"I'm sorry, my princess. If I can do something else. I will not forced you to do this," hirit ng ama na mas lalong kinalaglag ng kaniyang balikat. "Okay, better get ready. It's been a while you haven't see, Calix," ani ng ama.
"I just saw him last night," he mumbled.
"Anong sabinabi mo, sweety? Have you said something?" pangungumpirma ng ama.
"Nothing, Pa," aniya saka nagpaalam na.
Kahit tinatamad sa pangungulit ng mga magulang pero sa kabilang banda ay tila may umahong excitement sa dibdib. Nakini-kinita pa niya ang magiging reaksyon ni Calix kapag nakita siya nito mamaya.
Dahil sa isiping iyon ay mabilis na nagtungo sa banyo. Parang gusto niyang magpaganda at mag-ayos sa sandaling iyon. Sa isip ay ayaw pakabog sa babaeng nakitang kasama nito kagabi.
Saktong tapos na siyang mag-ayos at sinusuot na lamang ang kaniyang branded high heels na binagayan ng kaniyang spaghetti strap tube floral mini dress. Napaka-freshing tuloy ang look niya at hinayaang lumugay ang tuwid na tuwid niyang buhok.
Mabilis na hinablot ang cellphone sa side table ng kaniyang kama at binuksan iyon. Sunod-sunod na text ang natanggap mula sa kaibigang si Nath at sa boyfriend. Akmang sasagutin pa lamang ang kaibigan dahil batid sa mga mensahe nito ang guilt at pag-aalala nang tumunog iyon. Mas lalong napabuntong-hininga at mabilis na sinagot.
"Hello? Kung aawayin mo lang ako—"
"Ops! Hindi kita aawayin. I called to checked on you at para mag-sorry na rin?" mabilis na sabad ni Nathalie. "Wait? May kaaway ka ba?" pang-uusisa pa nito.
"Sorry, akala ko si Gilbert," aniya.
"So, kaya ka nagpatay ng cellphone dahil inaaway ka ng lalaking iyon. Bakit na naman, hulaan ko. Siguro ay hindi mo agad nasagot ang tawag niya," panghuhula pa kuno ng kaibigan pero noon pa man ay alam na nitong usually ganoon ang dahilan ng mga pag-aaway nila ni Gilbert.
Humugot siya ng malalim na paghinga upang ipabatid sa kaibigan na wala siyang time makipag-inisan dito.
"I have to hang up. Aalis kami nila Mama at Papa," aniya rito.
"Ganoon ba? Bakit mukhang ang lungkot ng boses. Ayaw mo noon, makakagala kayong mag-anak? Hindi ba't iyon ang palagi mo noong sinasabi sa akin?" maang pang turan ng kaibigan.
"This is different. Pupunta kami sa bahay ng mga Gonzalves at pag-uusapan daw ang kasal namin," bulalas na turan sa kaibigan.
"Ahhh! Maid of honor ako," malakas na tili ng kaibigan sa kabilang linya. Ngunit nang wala itong narinig buhat sa kaniya ay natigilan sa sinabi nito. "Hmmmp! Sorry, na-excite lang ako. Hindi mo nga pala mahal ang lalaking gustong ipakasal sa'yo. So, what is your plan?" tanong pa nito.
Muli ay napabuntong-hininga siya dahil wala siyang ibang plano kundi ang sumunod na lamang sa gusto ng mga magulang. Hanggang sa maalala si Calix.
"Rember the guy we saw in the restaurant, yesterday?" maang na tanong dito.
Natigilan naman ito. "Yes? Why?!"
"That's Calix," aniya.
"Whaaaat?!" nakakatulig nitong sambulat. "What? Wait? Seriously, ang lalaking kung tignan mo ay hinuhubaran mo kagabi ay ang lalaking ipapakasal ng magulang mo sa'yo?" bulalas nito.
"Hinuhubaran?" maang niya dahilan upang mapatawa ng malakas ang kaibigan.
"Okay, let me rephrase what I said. Iyong guwapo at sweet na lalaki sa restaurant ang nakatakda mong mapapangasawa?" anito. Hindi tuloy alam kung compliment iyon o nang-aalaska lamang. "Buti pumayag na pakasalan ka, eh mukhang mahal na mahal na mahal na—"
"Ako ba talaga ay iniini—"
"Hindi!" mabilis na putol ding sabad ni Natalie sa kaniya. "Tinatanong ko lang naman dahil mukhang mahal na mahal na mahal niya nga ang ka-date kagabi," anito na may himig pagbibiro.
"Malay ko!" tugon nang kumatok ang mga magulang. "I have to go, nandito na sila Mama at Papa," bigay alam dito bago magpaalam pero bago pa napatay ang tawag nito ay dinig pa ang huling sinambit nito.
"Ayeeeh! Mukhang excited!"
"Tsssk! Byeee!"
Saka mabilis na sinipat ang mukha sa salamin at hindi maiwasang mapangiti.