Chapter 5: Expect The Unexpected

1384 Words
Napansin agad ni Calix na natitigilan ang babaeng sumakay sa kaniyang sasakyan. Actually, ngayon lang siya nag-alok ng babaeng isasakay lalo pa at hindi kilala ang babae. Hindi alam kung bakit tila nakuha ng babaeng ito ang pansin niya at maging ang isipan. "Sorry, medyo makalat ang sasakyan ko," hingi agad niya ng pasensiya rito dahil pansin ang pagtitig nito sa ilang papeles na nagkalat sa sasakyan. Hindi na kasi nagawang ayusin iyon kanina. Mabilis namang binaling ni Samantha ang tingin sa labas ng bintana. Ang bilis ng pintig ng kaniyang pulso sa sandaling iyon lalo pa at naglalaro sa isipan na maaaring ito ang lalaking kaniyang mapapangasawa. "It's alright, thank you," tanging sambit dito saka pasimpleng sinuri ito. Para naman na itong normal, hindi na ito pilantud kung maglakad. "Ahemmm!" tikhim ni Calix upang pukawin ang pansin ng babaeng matiim na nakatitig sa kaniya. May pakiramdam tuloy siyang pinag-aaralan siya nito. "Don't worry, hindi naman ako masamang tao. If you want, you can see my ID," aniya rito. Malamang kagaya niya ay nakikiramdam din ito. Mahirap na kasing magtiwala sa estranghero sa panahon ngayon. Mas lalong napalunok si Sam nang makita ang ID ng lalaking nakalahad sa harapan niya. "What's yours?" balik tanong nito. "Do I need to show my ID?" medyo sarkastikong turan. Napangiti ang lalaki na tumingin sa kaniya. Mas lalong sumikdo ang puso sa nakitang ngiti nito. 'Sh*t! Bakit parang ang lakas ng appeal ng lalaking ito!' gagad sa isipan dahil hindi na niya kayang suwayin ang pusong kanina pa nagwawala. "May kasintahan ka na!" paalala sa sarili. "Yes, may sinabi ka ba, Miss?" tanong nito na tuon ang mga mata sa daan. "Wala, sabi ko Claire ang pangalan ko," niya sa second name niya. "Nice name. Sound familiar," dagdag pa nito na kinabahala. "Bakit, may ex-girlfriend ka bang Claire ang pangalan?" gagad rito na kinalingon nito. "Nope! Kababata lang," anito na kinalunok niya. Ibig kasing sabihin noon na naalala pa rin siya nito. "Ah, ga–noon ba? B—akit hindi na ba kayo nagkita pa ng kababata mong iyon?" nauutal-utal na tanong. Hindi malaman kung bakit inungkat pa iyon pero tila naging masokista pa at gustong malaman ang nasa isip nito tungkol sa kaniya. Lumingon ito at tumiim ang titig sa kaniya. Parang gusto niya tuloy magsisi sa sinabi kaya agad na natahimik ngunit mas lalo siyang naging uneasy sa mga malalagkit na titig nito. "Sorry, masyado ba akong tsismosa?" agad na tanong dito nang bigla itong natawa. "Well, ikaw na siguro ang pinakamagandang tsismosa kung ganoon," anito na kinatawa naman niya. "Kung tsismosa ako, bolero ka naman," sabad rito na kinatawa nilang dalawa. Napapailing sa sarili dahil hindi niya inaakalang ang laki ng pinagbago nito. Noon pa man ay alam na niyang guwapo ito pero hindi inaasahang magiging makisig ito na daig pa yata si Paulo Avelino. Pansin ni Calix ang pananahimik ulit ng babae at tila may malalim itong iniisip. "Saan nga pala kita ihahatid?" untag dito. "Ah, sa may Sofitel na lamang," aniya na kinakunot na naman nito. "Actually, taga-Cebu kami. Nandito lang kami sa Manila," aniya rito para sagutin ang mga katanungan sa mga mata ng lalaki. "I see," anito. Buong akala ay sasabihin din nitong taga roon din ang pamilya nito pero hindi na ito nagkuwento. Sabagay, para rito ay isa siyang estranghero. Muling namayani ang katahimikan hanggang sa makarating sila sa hotel kung saan sila naka-check in. Mabilis siyang bumaling dito at binigay ang pinakamatamis niyang ngiti. "Salamat sa paghatid," aniya rito. "Wala iyon. But next time, huwag mong gagalitin ang kaibigan mo para hindi ka niya iwan," anito na ngumiti rin. Muling namalas ang pagngiti nito na mas lalong nagpatingkad sa kaguwapuhan nito. Pagkababa ay agad siyang kumaway rito bilang pamamaalam at nang pinausad na nito ang sasakyan nito. Mas lalong tumamis ang kaniyang pagngiti nang maalala ang kapangahasang ginawa upang ipabatid rito kung sino talaga siya. Hindi alam kung bakit tila na-e-excite siyang makita ang magiging reaksyon ng lalaki kapag nalaman nitong siya ang babaeng nakatakda nitong pakasalan. Sa pagkakataong iyon ay tila nawala sa isipan na mayroon siyang kasintahan. Ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa lobby ng hotel ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kasintahan. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa cellphone hanggang sa sinagot iyon. "Hello?" "What took you so long to answer your phone?" bulalas nito. Alam na niyang iyon ang unang sasabihin nito imbes na batiin din siya. Noon pa man ay ganoon na ito. Na tipong magsasabon pa lamang siya habang naliligo ay kailangan niyang tumigil para sagutin lamang ito. Noon ay feeling niya concern lamang ito at kinikilig siya kapag bahagya itong nagiging possessive sa kaniya. "What?!" pasinghal na nito nang ilang segundo na ang lumipas ay walang tugon buhat sa kaniya. Napabuntong-hininga siya. "Kasama ko sila Mama at Papa. Alam mo namang ayaw na ayaw sa'yo ni Papa—" "So, hindi mo na ako kakausapin. Ganoon?" bulalas nito. "Kinakausap naman kita, hindi ba?" aniya na nakataas na rin ang boses. "Wait?! You changed a lot, the mere fact na wala pang isang linggo kang nakakauwi? Is there something wrong going on?" mapanghinalang tanong nito. "N—othing," agad na sabad. Mayamaya ay ito naman ang napatigil. "Kilala kita, Sam kaya alam kong may hindi magandang nangyayari diyan. Anong pinagsasabi ng magaling mong ama tungkol sa akin, ha?!" Baling nito ng sisi sa kaniyang ama. "Enough, Gilbert. I'm tired. I will talk to you tomorrow," aniya at akma pang pipigilan siya nito pero mabilis na pinatay ang tawag maging ang cellphone niya saka tuluyang pumasok sa hotel. Pagkapasok ni Calix sa garahe nila ay mabilis na kinuha ang mga papeles na nilagay sa backseat kanina ngunit bago pa man niya abutin iyon ay tila may nasipat sa lapag ng passenger seat na inupuhan ng babae kanina. Na-curious tuloy siya at agad iyong dinampot at doon ay napagtantong isa iyong ID. Nang tignan iyon ay biglang kumislot ang puso at nakita ang magandang mukha ng babae saka nabasa ang buo nitong pangalan dahilan upang patigilan. "Samantha Claire C. Fuentabella," basa sa buong pangalan ng babaeng nasa ID. Kung ganoon ay alam na nitong siya ang kababatang tinutukoy niya kanina. Muling napatitig sa nakangiting mukha ng babae. Hindi maipagkakailang napakaganda nito pero hindi iyon sapat para pakasalan ito. Ngunit isipin pa lamang na ganoon ay naalalang ito lamang ang paraan para maisalba ang negosyo nila. Ang pakasalan ang kaniyang mortal na kaaway noong bata pa man siya. Mabilis na kinuha ang ID nito at maging ang ilang papeles saka mabilis na pumasok sa kanilang kabahayan. Mabuti na lamang at mukhang tulog na ang magulang kaya malayang nakarating sa silid. Pagod ang katawan sa maghapong trabaho at mukhang abala nga ang kasintahan dahil hindi man lang nito nagawang sumagot sa text dito kung nakarating na ba ito sa condo nito. Matapos mag-hot shower ay nahiga na upang ipahinga ang katawan nang muling maalala ang naging usapan nila ni Samantha kanina. Tila kasi ibang-iba ito sa Samantha na maldita noon. Nakailang baling na siya sa kaniyang kama pero tila may magnetong nakapaskil sa mga mata ang imahe ng magandang mukha ni Sam. "Oh, sh*t!" bulalas sabay sapo sa kaniyang ulo. Naiiling siya habang hindi malaman kung anong klase ng pakiramdam ang binubuhay ni Sam sa kaniyang kaibuturan. "Samantha," usal sa pangalan nito nang biglang tumunog ang cellphone niya. Muling napamura nang tila magising sa kahibangan dahil ang kasintahang si Geraldine ang natawag. "Hello, babe," mabilis na wika rito. "Hey, babe. Sorry, ngayon ko lang nakita ang text mo. Tinatapos ko lang ang report ko tomorrow. Good night, love you. Muwaaahhh!" anito saka nawala at hindi man lang nito nagawang hintayin ang tugon niya. Naiintindihan naman ito kaya hinayaan na lamang at muling nahiga sa kama. In a way, ay medyo na nagi-guilty siya dahil habang abalang-abala ang kasintahan sa new career nito ay abala naman ang isipan sa ibang babae. Babaeng nalalapit niyang pakasalan. Hindi tuloy maiwasang isipin muli kung papaano ipapaintindi kay Geraldine ang sitwasyon niya. Mahal niya ito at ayaw niyang mawala ito sa buhay niya. Ngunit ayaw niya rin namang mawala ang negosyong pinaglaanan ng magulang ng dugo't pawis nila. Muli ay hindi maiwasang maalala ang magandang mukha ni Samantha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD