Chapter 4: Finally, Meeting Him Again

1860 Words
"Babe, I ordered already our food," imporma ni Geraldine sa kaniya na bakas pa rin sa mukha ang labis na galak dahil sa tagumpay na natamo. "Just wait for them, excuse me for a bit. I will just go to the toilet," anito saka mabilis na tumayo. "Do you want me to accom—" "No need, babe," anito na nakangiti. "Stay and wait for our food," malambing nitong wika dahilan upang mas lalong ma-guilty kung sasaktan ito. Pagkaalis ng kasintahan ay mapasapo siya ng mukha. Hindi alam kung papaano sasabihin sa kasintahan ang kinasusuungang sitwasyon. Maunawain ito pero hindi batid kung mauunawaan siya sa pagkakataong iyon. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. Nabaling lang ang pansin nang marinig ang tinig ng waiter kung saan nilalapag nito sa kanilang mesa ang pagkaing in-order ng kasintahan. Mas lalong napangiti nang makitang puso paborito niya ang in-order nito. Muling napabuntong-hininga sabay kuha sa tinidor at nilaro iyon bahagya sa basong nakalagay sa harap niya. Hindi niya namalayang malalim na pala ang narating ng isipan. Muli kasing bumalik sa isipin patungkol sa kanila ni Sam. Hanggang sa maramdaman na tila may mga matang nakatingin sa kaniya kaya agad na bumaling sa paligid hanggang masumpungan sa kabilang panig ng restaurant na iyon ang pares ng mga matang nakatingin sa kaniya. Bahagya pa siyang napalunok ay maganda ang babaeng nagmamay-ari ng pares ng mga mata na iyon. Kitang agad itong nagbaling habang kausap ang babaeng kasama nito. Masyadong nakuha ng lalaking iyon ang pansin kaya panaka-nakang palihim itong sinusulyapan lalo pa at nakita kaninang umalis ang babae at nasapo nito ang mukha. 'May problema kaya?' tanong pa sa sa isipan. "Ang tanong ay guwapo ba ang lalaking ipinagkakasundo sa'yo nila Tita?" agaw na tanong ng kaibigan. "Ha?!" gulat na wika sa hindi inaasahang sasabihin ng kaibigan. "Hay, naku! Samantha, malala ka na! Sabi ko, guwapo ba ang lalaking pinagkasundo sa'yo. Para naman alam kong hindi ka lugi noh!" mataray na wika ng kaibigan. Muli ay naalala ang guwapong mukha ni Calix pero kaakibat noon ay ang kapansanan nito. "Guwapo naman siya," hindi maiwasang manulas sa labi na kinatili ng kaibigan. "Gosh, buti naman at least ay hindi ka dehado. Wait?!" bulalas pa nito nang tila may mapagtanto. "Ibig sabihin ay nakita mo na siya?" anito na nanlalaki ang mga mata hanggang sa sumungaw ang pilyang ngiti. "Minsan lang magsabi ng guwapo ang isang lalaki, ang isang Samantha Claire Fuentabella kaya batid ko ng guwapo talaga ang lalaki. Na-excite tuloy ako," anito dahilan upang mapabuntong-hininga siya. Muling sinulyapan ang lalaki at kitang tila wala sa sariling nilalaro ang hawak na tinidor. Hanggang sa bumaling ito at naglapat ang paningin nila. Agad sumikdo ang puso nang makita ang pares ng mga matang sumalubong sa kaniyang mga mata. 'Kilala ko ang mga matang iyon?' ani ng isipan. Gustuhin mang pakatitigan pa ito pero nagsimulang manudyo ang kaibigan. "Ahemmm! Paalalahanan lang kita, bukod sa may boyfriend ka ay malapit ka nang ikasal sa lalaking ipinagkasundo sa'yo," parinig ng kaibigan. "Nath?!" saway rito na mas lalo nitong kinatawa. "But I can't blame you, masyado naman kasing guwapo ang lalaking iyon kaya lang ay taken na," dagdag pang asar nito pero hindi na lamang pinatulan at binaling sa pagkain nila ang pansin. Samantala, saktong pabalik na si Geraldine sa kanilang mesa nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad na sinagot nang makita ang kaibigang si Gian ang natawag. "Hello, bro?" bungad rito. "Hello, have you heard the news?" bulalas nito. "News? What is it?" kunot-noo na tanong. Baka sasabihin na naman nitong buntis ang asawa nitong si Anne at kukunin na naman siyang ninong. "Nasa Pilipinas daw si Sam?" saad nito. Napatigil siya. Batid niyang nasa Pilipinas si Sam pero ang marinig mismo sa kaibigan ay parang naglalapit pa lalo sa kaniya kung ano ang papel na gagampanan ni Sam sa pagbabalik Pilipinas nito. "So?" tanging nasambit. "Wala lang naman, bro. Alam mo na, gusto ko lang sabihin sa'yo," anito. Batid na nais lamang nitong kunin ang reaksyon niya dahil higit kaninuman ay ito ang nakakaalam sa lihim niyang pagtingin noon kay Sam. "Is there something wrong, babe?" tanong ni Geraldine. "Nothing, babe. I'm just talking to Gian, by the way, have a seat and let's eat," aniya saka mabilis na nagpaalam sa kaibigan. Humingi pa ito ng dispensa bago nawala sa linya. Tahimik silang kumakain at hindi alam na pinag-aaralan pala siya nito. "I know, there is something bothering you. What is it?" tanong nito na tila kilalang-kilala na siya nito. Parang tinutulak na siya ng isipan na sabihin pero nauumid ang dila. Ngumiti siya rito saka umiling. "Let's enjoy the food. I'm just worried about the formula we are working on. Hopefully the Department of Health and Beauru of Food and Drugs will approve," aniya sa kasintahan. Ngumiti ito ng matamis at ginagap ang palad niya. "Hey, I believe in you. I know you can make it," dagdag pang wika. Napatingin siya sa mga mata nito at hindi alam kung papaano sasabihin dito ang lahat. He don't want to hurt her but he has no choice. "You can do it, babe!" anang pa nito saka ngumiti ng matamis, to cheer him up. Naging magana ang pagkain nila. Medyo nagutom din siya bukod sa paborito ang pagkaing nasa mesa. Hindi tuloy maibasang balingan ang kinaroroonan ng dalawang babae pero wala na sila doon. Agad na hinila ni Sam si Nath palabas ng kainang iyon. Kating-kati na ang labing humithit ng sigarilyo dahil ilang araw na rin buhat nang umuwi siya na hindi nakakapagsigarilyo dahil tiyak na pag-iinitan ng ama ang kasintahan. Wala namam itong ibang bukang-bibig kundi masama itong impluwensiya sa kaniya. Sisindihan pa lamang sana niya ang isang sigarilyo nang hablutin iyon ni Nathalie. "Nath?!" awat dito nang ibato iyon sa sementadong sahig sabay apak. "Nath, naman sayang!" anang pa niya nang makita ang ginawa nito sa kaniyang sigarilyo. "Sam, nakikita mo na ba ang sarili mo? Binago ka na ng lalaking iyon. Ilang buwan pa lamang akong wala pero heto ka, naninigarilyo ka na?" bulalas ng kaibigan. Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Nagbago na nga ba siya? Masyado ba niyang hinayaan si Gilbert na kontrolin ang buhay niya at maging ang dating siya ay nawala na. "Nagbago na ba ako?" maang na tanong sa kawalan. "Oo, ibang-iba ka na. Hindi na ikaw ang dating Samantha na nakilala ko. Look at yourself? Dapat sa'yo ay tumutulong na rin kila Tito at Tita, to manage your business pero nasaan ka. Naroroon, to follow your dreams. Sinuportahan ka ni Tito pero masyado mong inabuso ang kaniyang kabaitan," halos hingal na sermon ng kaibigan sa kaniya. "Nandito ka para damayan ako hindi—" "Enough, Samantha. Your too old to think what is right for you. I'm sorry but I won't tolerate you by doing those things. If you want my sympathy you must gain my trust again," ani ng kaibigan saka ito nag-walk out. "Nath! Hey, Nath," tawag dito. "Nath," tawag pa pero mukhang iniwan na talaga siya nito. "Buwisit!" inis na turan sa kawalan lalo pa at plano talagang magpahatid rito sa hotel kung saan sila naka-checked in. Sa inis ay gigil na inapakan ang sigarilyong dahilan kung bakit nainis ang kaibigan sa kaniya. "Mukhang durog na baka gusto mong tigilan na," baritonong tinig buhat sa kaniyang likuran. Agad na napalingon at kita ang lalaking simpatikong nakangiti sa kaniya. Guwapo ito pero mukha namang arogante. "Sino ka naman?" sikmat dito na nakataas ng kilay. "I'm Gregory delos Santos but you can call me Greg," pakilala ng lalaki na hinigop yata lahat ng hangit at pati utak ay nahanginan. "Gregory delos Santos?" ulit niya hanggang maalala ang dating high school classmate. 'Wait, kailan pa naging Gregory ang Gregorio?' aniya sa isipan saka ngumiti ng matamis dito. Mukha kasing tulad niya ay hindi rin siya nito namukhaan. "Nice to meet you, Mr. Gregorio delos Santos," aniya rito at doon ay napalis ang ngiti nito sa labi at tumiim ang tingin sa kaniya. "And you are?" nanulas sa labi nito na tila hindi siya nito naalala. "Ops, sorry! Samantha Claire Fuentabella," saad rito sabay lahad sa kamay. Doon ay tila nakilala na siya ng lubusan. "Oh, wow! Hindi kita nakilala. Maganda ka na noon pero mas maganda ka ngayon," anito na kinatawa niya. "Huwag mo nang bilugin ang ulo ko dahil bilog na!" sabad rito. "Oh, well. Pwede ikaw na lang ang bumilog sa ulo ko kasi feeling ko naging puso nang makita ka," anito na batid na gaya pa rin noong high school na nagpapalipad hangin. Natawa na lamang siya. "Ewan ko sa'yo! Magtigil ka baka isuplong kita kay Eloisa!" gagad sa high school batch din nila na nakatuluyan nito. "Wala na kami," sabad nito na kinatigil niya. Nagtatanong ang mga mata na sinagot naman ng lalaki. "Masyado siguro kaming nagmadali. Maraming bagay na hindi kami nagkakasundo kaya we ended up this way," anito na kahit papaano ay tila nawala ang pagiging mayabang nito. Napatigil si Calix nang makarating sa labas. Matapos kasi silang kumain ni Geraldine ay mabilis ding nagpaalaman dahil may mga bagay pa raw itong aayusin at maaga pa ang pasok bukas. Bakas ang excitement sa kasintahan sa bago nitong posisyon. Very independent ang kasintahan kaya kahit nang ipagdiinan na ihahatid ito ay tumanggi ito dahil may dala rin daw itong sasakyan. Kita sa gilid ang babaeng kanina ay umagaw ng kaniyang pansin. May kausap itong lalaki. Bahagyang nagtawanan hanggang mayamaya ay nagpaalam na rin ang lalaki dahilan upang mapag-isa ito. Buong akala ay maglalakad ito patungo sa sasakyan nito pero nakitang tumayo ito sa gilid ng daan. Bagay na kinakunot-noo niya. Mukhang walang dalang sasakyan ang babae at bilang madalas doon ay batid na hirap kumuha ng masasakyan sa ganoong oras. Punuhan ang mga taxi. Mabilis na sumakay sa sasakyan at pinausad iyon. Lalampasan na sana ito pero binalikan din at binaba ang kaniyang bintana upang makita siya nito. Kita kasi ang takot sa mukha nito pero mukhang umayos ng makita siya nito. "Hi, wala ka bang dalang sasakyan?" tanong niya rito. Tila nagdalawang isip pa ito bago sumagot. "Wala, na-bad trip iyong friend ko at iniwan ako," tugon ni Sam. Ang bilis ng pintig ng pulso. Kung kanina ay dahil sa takot ngayon naman ay dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan lalo pa at tila nang-aakit ang mga ngiti ng lalaki. "Mind if I drop you home—" "Ah, hindi na ayos na ako dito," agad na tanggi ni Sam. Mahirap na baka kung ano pa ang gawin sa kaniya ng lalaki. Hindi pa naman ito kilala. "Wala kasing masyadong masakyan dito sa ganitong oras," anito. "But if you don't—" "Okay, I'll take your offer," mabilis na sabad saka mabilis ding pumasok sa silid nito. Pagkaupo sa sasakyan nito ay biglang namilog ang mata nang makita ang ilang papeles na naroroon. Kita ang pangalan ng lalaking nais ipakasal sa kaniya ng mga magulang. Agad na bumaling sa mukha ng lalaking kasama at doon ay napagtantong ang lalaking nagmamay-ari ng pares ng mga matang iyon ay walang iba kundi si Calixto Gonzalves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD