Chapter 18: Her Emotional Burden

1769 Words
Mabilis siyang napabaling kay Calix nang marinig ang tawag nito sa kaniyang Papa. Muling nagtama ang kanilang mga mata, mabuti na lamang at tinapik ng ama ang balikat nito dahilan upang ito ang unang bumawi sa tinginan nila. "Salamat," tanging narinig na sinabi sa ama kay Calix. Marahil ay nagpapasalamat sa pagpayag nito sa kasalang iyon. Sana nga ay iyon ang paraan upang mailigtas ang negosyo nila sa tuluyang pagkalugi. Naging abala ang lahat. Ang mga magulang na tila hindi nawawalan ng mapag-uusapan. Palaging may nabubuksang topiko na wala naman siyang alam sa pinag-uusapan ng mga ito. Bored na bored na siya at mas lalo pang nadagdagan ang inis nang magsimulang magvibrate ang cellphone. Mabilis na kinuha iyon at akmang papatayin sa pag-aakalang si Gilbert ang natawag. Ngunit nang makita ang pangalan ng kaibigang si Nathalie ay agad na sinagot. "Hello?" "Ahhhh!" tili nitong salubong sa kaniyang pagsagot. "Ay! Grabe namang makatili!" sawata niya sa kaibigan. Medyo pa ulong siyang magsalita dahil ayaw niyang magambala ang mga ito na abalang-abala sa pinag-uusapang negosyo. Pansing nakikisingit rin si Calix. Ito kasi ay nasa linya ng parehong negosyo ng kanilang pamilya habang siya ay wala sa gamot o medisina ang kaniyang gusto. Kaya rin siguro siya na-bored. "Shhhh! Sorry na po! Na-excite lang ako sa'yo, girl. So, kumusta ang unang gabi bilang Mrs. Gonzalves. Hindi mo naman ako in-inform na pang-Hollywood celebrity pala ang datingan ng Calix na iyan?" gagad ng kaibigan sa kaniya. Medyo na-guilty siya dahil medyo hindi ito naasikaso sa reception dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung papaano makakaiwas sa mga tao. Humugot siya ng malalim ng buntong-hininga. "Ay, wow! Ang lalim noon, girl. Mukhang ang bigat ah," pasaring ng kaibigan sa kaniya. "Mukhang ikaw pa ang lugi sa lagay na iyan?" dagdag pa nito. Sa totoo ay may punto ang kaibigan. Calix is a good catch. Isang chemist, nagmamay-ari ng isang pharmaceutical, may sariling laboratory at higit sa lahat at successful ito sa larangang pinili hindi tulad niya na walang ginawa kundi ang dumipende sa mga magulang. "Hoy! You seems so quite? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Nathalie sa kabilang linya. "Wait, don't tell me may nangyari sa inyo kagabi kaya ka ganiyan?" sapantaha ng kaibigan dahilan upang magilalas siya. "Hindi ah!" may kalakasang wika dahilan upang mapatingin sa kaniya ang lahat lalo na si Calix na noon ay tila mapanghila ang tingin sa kaniya. Bumalik ang mga magulang sa pag-uusap pero matiim pa ring nakatitig ito sa kaniya dahilan upang mas lalong matamimi at hindi man lang magawang sagutin ang mga katanungang binabato ng kaibigan. "Hoy, Sam! Nakkainis namang kausap ito! Sige na nga baka kasi nasa tabi mo si Calix at hindi mo masabi kung gaano ka na—" putol na wika nito nang bigla siyang sumabad. "Nathalie?!" saway sa kaibigan bago pa may masabi itong hindi maganda. "Hey, wala naman akong maling sasabihin. Baka naman malisyoso ka lamang mag-isip!" tudyo pa nito ngunit hindi na siya sumagot pa dahil kitang matiim pa ring nakatitig si Calix sa kaniya. Abala silang nag-uusap ng mga magulang. Pansin sa tabi na natatahimik si Sam na tila ba hindi mapakali hanggang sa sagutin nito ang natawag dito. May pagwewelga sa dibdib na isiping si Gilbert na naman ang natawag. Pinakiramdaman si Sam kung sasagutin o hindi ang tawag. Bahagya itong lumingon sa kanila dahilan upang mabilis na ibaling kuno sa mga magulang ang tingin na noon ay abala pa rin sa pinag-uusapang merger ng kanilang negosyo. "Hello?!" may kalakasang sambit ni Sam kaya nakuha nito ang lahat ng kanilang pansin. Ngunit matapos noon ay tila hindi na nakapagsalita pa si Sam, marahil ay ayaw nitong marinig nila ang maaari nilang pag-usapan ng lalaking iyon. "Nathalie?!" mayamaya ay sambulat nito at doon ay napagtantong ang kaibigan nito ang kausap. Marahil tinutudyo ito ng kaibigan. "Okay, fine! Hindi na kita pipilitin ngayon. Ikuwento mo na lang sa akin kapag nagkita tayo in preson and I want some action too," pagbibiro pa nito dahilan upang mapailing na lamang siya. "Ewan ko sa'yo!" bulong na sagot dito. Mas lalong natawa ang kaibigan. "Yes, I know you really enjoy it!" hirit pa nito na tinutukoy ay ang bagay na ginagawa ng mag-asawa sa unang gabi nila. Pinatay na lamang ang tawag ng kaibigan bago pa kung saan mapunta ang pinagsasabi nito. Naiinis man pero parang teenager ang pakiramdam at tila ba naguguyong kiligin sa panunudyo ng kaibigan. Dinig pa ang pagtawa nito bago tuluyang p*****n ito. Ngunit kapapatay pa lamang niya ang tawag nang muling mag-vibrate ang phone at sa pagkakataong iyon ay galing na sa taong iniiwasang makausap, si Gilbert. Mabilis na tumingin sa mga kasama sa mesa. Tapos na silang kumain pero tila hindi nauubusan ng mapagkukuwentuhan kaya nagpaalam na muna siyang gagamit ng banyo. Hindi maiwasang sundan ni Calix ang tingin si Sam batid niyang may tawag ulit ito at pakiramdam niya ay galing na sa lalaking dahilan ng lahat. Walang anu-ano ay tumayo rin siya at nagpaalam sa mga magulang na gagamit din ng banyo. Dahil masyadong abala ang mga ito sa mga gagawin at plano sa kanilang negosyo, hindi masyadong nakiusyuso ang mga ito. Mabilis na tinalunton ang daang tinahak ni Sam. Paglabas ng restaurant ay agad itong nakita sa gilid ng pasilyo. Bahagyang tago ang kinaroroonan nito ngunit halata pa ring si Sam iyon dahil rinig hanggang sa pinaglukublian ang boses nito. "Enough, Gilbert! I'm fed up! You know what?! Mas mainam pang maghiwalay na tayo!" gigil at inis na turan ni Samantha sa kasintahan. Ngayon lang nagsi-sink in sa kaniyang utak kung gaano ka-controlling at demanding ang kasintahan. Malutong na mura ang sagot ng kasintahan. "Don't dare, Sam. Iniwan ko ang career ko abroad para sundan ka rito!" anito. "Wait?! You decide, not me! Hindi ko sinabing sumunod ka!" bara rito. "Wow! So, iyan ang ginawa sa'yo ng lalaking iyon?! Naging matapang ka na ngayon ah?! Eh, kung sabihin ko sa'yong kaya kong patayin ang magulang mo?" nakakalokong banta ni Gilbert. "You're sick! You can do that!" bulyaw rito. Tila dinaganan ng malaking tipak ng bato ang dibdin ni Sam sa sinabing iyon ng kasintahan. Kilala niya si Gilbert at sa ilang taong nakasama ito ay alam na niya na kaya nitong gawin ang banta. Tumawa ito ng nakakaloko. "Alam kong hindi mo ako iiwan, Sam! Akin ka lamang," anito saka mas lalo pang nilakasan ang pagtawa nito dahil nawala ang tapak gaya kanina. "You know me very well," pagpapaalala pa nito sa kayang gawin. Halos manginig si Sam sa sobrang bigat ng nararamdaman. Gilbert is a psychopath. Nagagawa nitong manakit ng iba o saktan ang sarili sa tuwing makikipagkalas siya noon. She remembered dating after their first break-up. Gilbert came and punch her date in the restaurant. He was sent to jailed but later bailed my his manager. Tapos ay nagsimula ulit itong manuyo. He was sweet like a usual suitor. Flowers and chocolates but after she said yes for the second time, he is back to normal self. Until she get used to it. Hindi niya namamalayang para na rin siyang si Gilbert. Gustong lumayo at takasan pero palagi naman siyang pinagbabantaan. Kung noon ay siya lamang, ngayon ay ang magulang naman mas lalo niyang kinatakot. Para siyang nauupos na kandila na sumalampak sa sahig. She doesn't care, kung may makakita man sa kaniya sa ganoong kalagayan. Masyado siyang nanghina, gusto niyang umiyak sa miserableng kondisyon. Nawawala nang tuluyan ang pagmamahal kay Gilbert dahil sa mga ginagawa nito sa kaniya. Siguro nga ay noon pa nawala ang pagmamahal niya at napalitan na lamang iyon ng awa o takot dito. Sinapo ng kaniyang magkabilaang palad ang mukha. Parang gustong umiyak ngunit nabigla nang may magsalita sa kaniyang tabi. "Do you think, worth ang lalaking iyon para iyakan mo?" husky na tinig na gumambala sa kaniya. Sa timbre pa lamang ng boses ay batid na niyang si Calix ito. Napatingala siya at nakita ang guwapong mukha nito. Bigla tuloy ay tumulo ang luha niya. Ito kasi ang unang lalaking pinangarap niya ngunit dahil sa kaniyang pagiging isip-bata ay siya rin ang nagtulak upang lumayo ito ng tuluyan sa kaniya. Mas lalong nabaghan si Calix sa nakitang pagluha ni Samantha ng tumingala ito sa kaniya. Sa mga mata nito ay nabakas ang lungkot na hindi maipaliwanag. Hindi tuloy niya napigilang yumukod upang magtapat ang mukha nila. "Ayos ka lang ba?" hindi mapigilang itanong. Pansing pilit umiiwas ng tingin si Samantha sa kaniya ngunit mabilis niyang hinawakan ito sa magkabilaang pisngi at inangat ang mukha nito upang magtama ang mga mata nila. Tama ang hinala. Kita sa mata nito ang hindi maipaliwanag na lungkot. "Is there something bothering you?" concern na tanong niya. Naglalaro sa isipan ni Samantha ang pagbabantang ginawa ni Gilbert sa kaniya. Gustuhin mang sabihin dito pero naumid ang dila hanggang sa mag-vibrate muli ang cellphone. Si Gilbert muli iyon. Umayos at tumayo. Napatingin kay Calix na noon ay nakatayo na rin sa kaniyang tabi. Nanginginig ang kamay at hindi malaman kung ano ang gagawin nang agawin iyon ni Calix. "Hey! No! No! No! Please, no!" pagsusumamo niya rito nang akmang sasagutin niya iyon. Ayaw niyang madamay ito at dito ibunton ni Gilbert ang galit nito. Mas lalong nabaghan si Calix sa inasal ni Samantha. He sense something is going on. Gayun pa man ay binigay rito ang cellphone nito at ito ang sumagot. Nakatutulig na tawa ang narinig ni Samantha sa kabilang linya. "Tinawagan lamang kita kasi akala ko ay hahalikan ka ng asawa mo kuno!" kantiyaw nito. Napapamura si Sam sa narinig. Mabilis na luminga-linga sa paligid pero wala siyang makita. "You're sick!" madiin pero mahinang wika upang hindi marinig ni Calix. Mabilis nahumakbang papalayo kay Calix. "Yes, I am! One wrong move and they will be dead! Try me, Samantha!" banta nito. Napakuyom ang kamao niya sa sobrang pagpupuyos ng galit. Pinatayan na lamang ito ng tawag saka mabilis na tinungo ang banyo ngunit bago pa man siya makapasok sa patutunguhan ay tila may mala-bakal na kamay na pumigil sa kaniya at bigla siyang hinila nito at niyakap ng mahigpit. Hindi na napigilan pa ni Calix ang sarili. Hinabol si Sam sabay yakap dito. Batid niyang may nangyayaring hindi maganda at aalamin niya iyon kung ayaw magsalita si Sam. Nakapangako siya sa Tito Samuel niya na gagawin ang lahat upang maproteksyunan ito. Ngunit mas lalong gagawin iyon dahil kahit papaano ay may puwang pa rin ito sa kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD