Lola's POV
Kaunti na lang talaga ay gusto ko nang sabunutan ang buhok ni Gaia. Ang arte sobra! 'Di ba siya na-inform na ako ang fiancee ni JD? Ang kapal ng fez! Kung makakunyapit naman siya akala niya pagmamay-ari niya na si JD. Nakakainis! At ito namang si JD, nagpapalandi rin. Hay nako! Tunog nagseselos na fiancee na talaga ako.
Wala naman akong pakialam kung maglampungan sila sa harap ko, e. Pero dahil kailangang ako ang gumawa no'n dahil target locked ko na si JD, hindi ako makakapayag na sirain nila ang mga plano ko!
Hindi ko tuloy maiwasang mapairap dahil doon. Ayokong ipakita ang inis ko ngayon pero hindi ko mapigilan. Maya-maya ay may naisip na akong evil plan para mahati ang atensyon ni JD.
I smirked internally to my idea. Haha! Watch me, Bilbo!
I stood up from my comfy foldable cloth chair and started to do my catwalking towards the commotion. Hindi ko na inintindi pa ang pagtawag sa akin ni Jaxx. Nagpatuloy lang ako sa drama ko.
Habang naglalakad ay umarte akong napasinghap at tinakpan ang bibig ko sa napakaarteng paraan. "OMG! What happened, babe?" Ipinakita ko ang kunwaring nag-aalala kong ekspresyon. Agad-agad ay nakalapit ako kay JD at nagkunyapit sa kanyang braso. Dahil doon ay napalingon sa akin ang lahat.
Kahit si Gaia na kuntodo ang lapit sa fiance ko ay napabitiw dahil sa ginawa kong paghila kay JD. Ano ka ngayon? Loser!
Pagkatapos niyon ay napaharap ako sa kanilang tinitingnan at bahagya akong napakislot sa gulat. May ahas na bahay na nasa harap namin pero maliit lang siya. At doon ako napataas ng kilay na ang mga tao sa paligid ko ay wala man lang ginawa kundi ang tumingin lang.
OMG! Mga duwag ba 'to sila? Para sa maliit na ahas ay hindi na sila makagalaw? Ang aarte!
Napairap ako at nagpamaywang sa harapan nilang lahat. Pailing-iling akong binalingan ang isa sa mga staffs na may hawak ng isang manipis na steel bar. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. "Give me that..." pag-uutos ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat niyang ekspresyon lalong lalo na ang mga tao na nasa paligid ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng sexy na hindi natatakot sa ahas?
"P-po?"
"I said, give me that. Bilis na!" I spat at him.
Gulat man ay tumalima na lang ang lalaki at ibinigay sa akin ang steel bar.
Nang mahawakan ko na ito ay may isang matipunong braso ang pumigil sa akin. Pagkalingon ko ay natigilan ako nang makita ang seryosong mukha ni JD.
Nakakunot ang noo niya sa akin at galit na tinitigan ako. "What do you think you're doing? Don't you think this is too much? Can't you please save your show for later? Can't you see that we're in a situation here?" he hissed at me. He is also being careful to catch everyone's attention at alam ko na ayaw niya rin akong mapahiya. Nagtitimpi lang talaga siya.
Nadismaya ako sa sinabi niya. Ganito na ba kababa ang tingin niya sa akin? Isang maartenna babae lang ba ang buong pag-aakala niya sa pagkatao ko? Imbes na magustuhan ko ang sinabi niya ay mas lalo akong nainis. I just smiled at him nicely in a very prententious way, saka ko dahan-dahan na tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. "Don't worry about me, babe. Kaya ko na 'to. Watch me!" I winked at him at nilingon ang ahas na hanggang ngayon ay patay-malisya lang sa nakapaligid sa kanya. Sana all!
I forwarded my body near the snake. May isang lalaki na nakahawak ng sako na nasa kabilang banda ng komosyon. Sinenyasan ko siya na lumapit nang paunti-unti. Maya-maya ay hinampas ko na ang steel bar na hawak ko sa lupa at ginamit iyon para bahagyang maipit ang ulo ng ahas. Of course, hindi ko papatayin ang ahas dahil mata-tabloid ako ng di-oras at kakasuhan ng PETA ng animal abuse. Kung sa ibang pagkakataon ito ay tiyak na ang probinsyang style ang gagawin ko.
Narinig ko ang natatakot na paghiyaw ng mga tao sa paligid ko lalo na nang makita nila ang pangingisay ng ahas. Kaagad na kumilos ang lalaki na may hawak na sako at mabilis niyang ipinasok ang ulo ng ahas. Matapos niyon ay inilusot ko na ang buong katawan ng ahas sa loob ng sako gamit ang bakal na hawak ko at mabilis na isinarado iyon.
Nakarinig ako ng masigabong palakpakan pagkatapos niyon. Napalingon ako sa direksyon ni JD ngunit hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin sa anyo na hindi ko aakalain na maipapakita niya sa isang tulad ko.
Ano ba itong nakikita ko sa kanyang mga mata? Pag-aalala?
Hindi. Hindi naman iyan ang nararamdaman niya. Imposible.
Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong hilahin. Agad akong nabangga sa kanyang matipuno at matigas na dibdib. Kinabig niya ako upang yakapin.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Napatigil lang ako at hinayaan na sakupin ako ng mainit niyang yakap.
It seemed like the time had stopped in front of me. Pati ang pagtibok ng puso ko ay tila tumigil na. Hindi ko na marinig ang iba pang nagsasalita sa likuran ko. Ang bukod tanging nararamdaman ko ngayon ay ang init na nagmumula sa pagyakap niya sa akin.
Tila isa itong panaginip. At kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising. Ayoko nang magising. Dito sa panaginip na ito, hindi ako kinaiinisan ng isang tulad ni JD. Napakasaya nito.
Pero isa lang ang nagpagising sa akin sa panaginip na ito. Ang mga katagang narinig ko sa aking tenga mula sa kanya nang ilapit niya ang kanyang bibig.
"Today, you're not gonna win..."
Napakurap ako dahil doon at hindi nakagalaw hanggang sa iniwan na naman niya ako sa ere na parang walang nangyari.
Shuta. Ibalik mo ang panty kong nalaglag!
****
Matapos ang mahabang komosyon na iyon ay nagdesisyon na akong bumalik sa post ko. Nakasimangot ako habang nagpapaypay ng script sa may leeg ko. Si Jaxx naman ay busy sa pagpapayong sa akin. Hinayaan ko na lang din siya na maging extra sweet sa akin. Hindi pa man din ako gumagawa ng paraan para mapalapit kay Jaxx pero mas lumalapit pa siya sa akin kaysa kay JD.
I frowned and continued to roll my eyes. Konting tiis na lang, Lola. Makakalbo mo rin ang Gaia na 'yan! I convinced myself.
Matapos ang dramatic na paghuli sa snake, natigil na rin ang kaartehan ni Gaia at pinaghiwalay na sila ni JD. Infairness naman sa mga staff, kahit hindi ko pa iutos, nailayo na nila agad si JD sa mahaderang Gaia na 'yon.
Oras na ng blocking at patuloy lang ako sa pagre-rehearse ng lines ko. When my name and JD’s name were called, saka ako tumayo at puwesto sa isang bangketo. The scene we’ll take is going to be at the back part of the house. There are cable and metal wires across the room and a big basin full of dirty clothes already soaked in detergent powder and water. Umupo ako sa may bangketo sa harap ng mga labahin at aakto na maglalaba.
Kahit na lumaki ako sa luho, I was raised by my foster parents well. Naranasan ko pa rin ang maglaba since gano’n din ang pinamana sa akin na buhay ng biological mother ko. I would always help her wash the clothes and in times I would be hit on the face kapag nagkakamali ako. Yeah. Ganoon na klase ng pagpapalaki ang naranasan ko sa tunay kong magulang.
As Direk Bim shouted the word ‘action’, I started to work on the clothes.
Biglang papasok si Franz sa eksena, JD’s character, at uupo sa tabi ko.
“Hi!” he greeted me. Sana totoo na lang 'yan!
I did not reply. Sinusunod ko ang script. Pareho kami ng mood ni Jenny, my character, gusto namin magtaray! Naiinis pa rin ako sa sinabi niya kanina. Bwisit siya! Paano niya nagawang paglaruan ang damdamin ko kanina porque marupok ako pagdating sa kanya?
“Uy, galit ka pa rin ba? Ano ba kasing ginawa ko?” clueless na tanong ni Franz.
“Ano ba kasi ginagawa mo rito?” Sa wakas ay tanong ko bilang si Jenny. Ang gusto ko talagang sabihin ay bwisit ka, JD! Pero ang sarap mo pa ring yakapin, hayp ka!
“Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko.”
“Kailangan pa ba? Nasabi mo na ang gusto mong sabihin sa marami, 'di ba? May kulang pa ba, Franz? Ay mali… sir!” Agad akong tumayo at nagpamaywang. “Pasensya ka na, sir, kung hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts mo, ha? Hindi ko obligasyon na pansinin ka. At mas lalong hindi ko obligasyon na magpaliwanag kung bakit hindi kita pinapansin. Nasabi mo na, 'di ba? Tindera lang ako sa palengke ng mga hito at kung ano-ano pang isda. Malansa amoy ko. Mabaho ako, oo! Tanggap ko na 'yon. Pero hindi mo kailangang sabihin sa iba. Ano bang nakakatuwa kapag topic n’yo ang mga mahihirap? Ganyan na ba kayo ka-conceited? Feeling entitled manghamak? At alam mo? Okay na ako. Okay na okay. Kaya pwede ba? Umalis ka na bago ko pa labhan 'yang pangit mong mukha!” Joke lang sa part na pangit ka. Sobrang gwapo mo nga at kaunti na lang makakalimutan ko na naman ang linya ko dahil sa'yo!
“S-sandali lang, Jenny. There must have been a mistake—” Nang hawak niya ang braso ko, agad kong pinadapo ang palad ko sa mukha niya. Nilakasan ko para maramdaman din niya ang galit ni Lola Lee! Para 'yan sa pang-aalaska mo sa akin kanina!
“Mistake? Ginagawa mo pa akong tanga. Hoy, Franz! Mahirap lang ako pero hindi ako bobo! Alam ko kung sino ang pinag-uusapan ninyo ni Travis. At tama naman kasi talaga siya. Bakit ako pa ang napili mong bolahin? Bakit ako pa napili mong utuin? Para ano? Dahil akala mo masisilaw mo ako sa yaman mo? Ang kapal ng mukha mo!” Agad ko siyang pinaghahampas sa dibdib, dala na rin ang tsansing pero nilakasan ko talaga kasi naiinis ako. Para naman makaganti ako sa sinabi niya sa akin kanina. Grr!
Hindi nagtagal ay sinalo ng dalawang kamay ni JD ang mga hampas ko at agad akong na-corner sa pader. Pareho na kami ngayon ng character ko na napatulala sa kagwapuhan ni JD. Nakita ko ang natural na pagpula ng kanyang mukha at ang paghahabol ng hininga. Sobrang lakas siguro talaga ng pagkakahampas ko. Shet. Bakit ang pogi mo pa rin? Pahampas ulit, please!
“It’s not you we’re talking about, Jenny. It was Dan. At kahit kailan, hindi kita binobola at inuuto. I chose to be with you because I love you! I love you, Jenny. I love you and I don’t know why I can’t stay away from you. There! Nasabi ko na. Masaya ka na? I could never hurt you, Jenny. I would die if I ever hurt you. I’m sorry if I’m not brave enough to tell you the truth. Just please…” he said wholeheartedly as his character.
Lola, 'wag kang hihimatayin. Si Franz lang ang nagsasalita, hindi si JD. 'Wag kang mag-hyperventilate. Inhale… exhale…
After convincing myself, I saw JD’s face about to reach mine. Ilang hibla na lang ang agwat ng mga mukha namin, hanggang sa ako na ang nag-iwas ng mukha.
Sayang, ang pabebe kasi nitong character ko. Ayaw pa magpa-kiss ngayon sa scene. Ugh!
“Umalis ka na…” I finally said. Ang arte mo, Jenny! Sayang ang kiss!
“J-Jenny…”
“Umalis ka muna. Gusto ko munang mag-isa. Please…”
Ilang saglit na nakatitig si JD sa akin bago nagpasya na bitiwan ako at umalis. Doon, unti-unti akong umiyak at humagulgol. Real tears. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagsikip ng dibdib ko.
“Cut!”
Agad akong nagpunas ng luha, pero ang weird… ayaw tumigil. There are series of memories suddenly rushing inside my mind.
I heard someone called my name pero hindi ko na mausisa kung sino. Unti-unting lumalabo ang paningin ko. I started to panic quietly. Here goes this damn anxiety! Bakit kung kailan nasa trabaho ako ngayon pa aatake?
Napakapit ako sa may pader na pinakamalapit sa akin at nag-attempt na habulin ang nahihirapan kong paghinga. Habang tumatagal ay bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Ipinilig ko pa nang mabuti ang ulo ko para lang mawala itong pakiramdam na ito pero lalo lang lumala ang lahat.
Biglang lumalim ang paghugot ko ng hininga. Maging ang pandinig ko ay unti-unting nawawala.
Bigla-bigla ay nandilim ang paligid ko at saka ako nawalan ng malay...