Chapter 7: Painful Nostalgia

2080 Words
Lola's POV Seeing the laundry, the laundry wires, and the bubbles, they all made me turn into a fragile child I used to be. Flashes of my fragment memory came all back to me in a manner of seconds. Pakiramdam ko ay may nakatarak na kung anong matalim sa may ulo ko. Nanunuot ang sakit nito hanggang sa dalhin na ako ng aking kamalayan sa aking nakaraan... "Lolita! Lolita!" pagtawag sa akin ni Mama. Galit na galit siya at pinapapasok ako sa loob ng kwarto niya. “Anong ginawa mo sa uniform ko?! Bakit ang laki ng butas?” sigaw niya sa akin nang makalapit ako. Napayuko ako sa kahihiyan. Nagsimula nang manginig nang husto ang katawan ko. Sa tuwing ganito na ang tono ng kanyang pagsigaw ay nahihintakutan na ako. “M-Ma… k-kasi po… nakalimutan ko kanina—” Naputol ang pagrarason ko nang biglang dumapi ang palad ni Mama sa aking pisngi. Literal na tumalsik ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya. Anim na taong gulang pa lang ako nito. Ang rason kung bakit ito nangyari ay dahil sa nangyari kanina. Nagsasaing ako tuwing madaling araw dahil maaga ang pasok ni Mama sa opisina. Iyon ang pinaka importante na ginagawa ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Suportado ko ang lahat ng ginagawa ni Mama. Mahalaga sa akin ang mapasaya ko siya. Kaya sa murang edad ay namulat na ako sa mga bagay na iniintindi ng isang average na legal age na tao. Isang naiibang madaling araw ang bumungad sa akin. Alas dos kwarenta ay nakabangon na ako. Nagsaing na ako at nagluto ng paborito ni Mama na Adobong Manok. Para sa iba ay bata pa ako para magluto ng mga putahe na tulad nito pero para sa akin ay isa itong karangalan na hindi ko kailanman ipagkakait sa sarili ko. Gusto kong maging katulad ng Mama ko. Gusto ko na ring magtrabaho. Maraming nagsasabi na masyado kong minamadali ang sarili ko na mag-mature, pero hindi ko iyon ininda dahil ang mahalaga sa akin ay ang makamit ko ang pinapangarap ako. Ang maging tulad ni Mama. Inutos sa akin ni Mama ang plantsahin ang damit niya. Masyadong mataas pa ang kabayo sa height ko kaya tumutungtong ako sa upuan para magplantsa. Kahit na hirap na hirap ako ay sinikap ko na gawin ang pagpaplantsa. Ito pa ang pangalawang beses na nagamit ko ito. Noong unang ginamit ko siya ay nagkandapaso-paso pa ako. Kalaro ko lang din ang nagturo sa akin paano gumamit ng platsa. Sa kasagsagan ng pamamalantsa ko, tinawag naman niya ako dahil kumukulo na ang sinaing. Nasa sala siya no’n at nagbabasa ng diyaryo at nagkakape. Kahit na gusto kong mangatwiran na kaya naman niyang gawin iyon ay hinayaan ko na lang. Ang laging nasa isipan ko ay kakayanin ko anh lahat ng ito. Kahit antok na antok, sinunod ko siya at nakalimutan na nakadikit pa rin ang uniform ni Mama sa plantsa. “Paano ako papasok ngayon ha?!” Habang sinasabi niya 'yon ay pinagsasampal niya ako. "M-Mama, tama na po! Sorry po! Hindi ko na uulitin. Hindi na po!" "Hayop ka talaga sa buhay ko! Palamunin ka na nga, sakit ka pa sa ulo ko! Bwisit!" sigaw niya pa sa akin. Kinuha niya ang plantsa na hanggang ngayon ay nakasaksak pa rin sa kuryente. Doon na ako nanlamig at napaatras nang unti-unti. Nanlaki ang mga mata ko at patuloy sa pag-iling. "M-Mama, a-anong gagawin mo? Mama..." Nagpatuloy ako sa aking pag-iyak. Nanginginig ako sa takot. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit at pagkasuklam sa akin. "Dapat hindi ka na nabuhay. Sana hindi na lang ikaw ang naging anak ko!" Sumigaw siya at saka ako pinaso ng plantsa sa aking likuran. Napahiyaw ako sa sobrang sakit. Dinig na dinig ko pa ang pinong tunog ng pagkakalapat ng nakapapasong katawan ng plantsa. Ilang beses akong umiyak, sumigaw, at nagmakaawa sa kanya. Ito ang alaala na ayaw ko nang balikan ngunit kusang nagpaparamdam ng mga sakit na hindi ko kayang tagalan. Hanggang sa unti-unti akong nilukob ng kadiliman… I woke up looking at a white ceiling. May ugong ng aircon akong naririnig. The stinging smell of the alcohol lingered in my nose one reason I cringed a little. Sa amoy pa lang, alam ko nang nasa ospital ako. Ang alaala ng huling tagpo bago ako nagising ang biglang sumagi sa isipan ko. Ah, I collapsed during the taping. Kasama ko pa si JD! Nakakahiya! Hindi naman ako madalas na nadadala sa ospital pero dahil sa mga naging role ko sa movies at teleserye na puro ospital ang settings, kabisadong-kabisado ko na ang amoy ng lugar na tulad nito. Minsan nurse, minsan doktor, at kung minsan ay pasyente ako sa ibang eksena. Napalingon ako sa aking gilid at nakita ang pigura ni JD na nakaupo habang nakahalukipkip. Napaupo ako sa aking hinihigaan at hinarap siya. Halata sa hilatsa ng kanyang mukha ang pinaghalong pag-aalala at pagkainis. Pero hindi iyon nakabawas sa pagiging gwapo niya. He wore a different cotton shirt na kulay crema at humahapit sa kanyang nakakapanlaway na katawan. Nakasuot siya ng simpleng pantalon at naka-rubber shoes. His hair is a little rugged. I can imagine his fingers being buried their sexily while I was asleep. Kahit sa mga simpleng ganoon ay namamangha ako patungkol sa kanya. But now that he has seen me awake, his sophisticated aura becomes a nightmare to me. Ang mga mata niya ngayon ay nanghuhusga at nanunukat ng pagkatao. Sa ganoong tingin ay nanliliit na ako nang husto pero wala na akong pakialam. Mahalaga sa akin ngayon ay mas nakalapit na ako sa isang tulad niya. Maisasakatuparan ko na ang plano ko na sumakay sa kasikatan niya. “Finally, you’re awake…” sarcastic na komento niya nang makita ang paggising ko. “Pagkatapos mo akong hampasin at sampalin nang malakas, ikaw pa 'tong hinimatay. Nananadya ka ba talaga?” tanong niya pa. Hindi ko na lang pinansin ang mga tanong niya. Pagod akong makipag-argumento. Wala rin namang saysay. Binigyan ko ng ilang segundong katahimikan ang sarili ko at pumikit. Napakunot-noo ako at tiningnan siyang muli. “Ano bang nangyari?” He huffed an unbelievable breath. “Napakaimposible mong babae. Ganyan ka ba kadesperada para lang makuha ang atensyon ko?” Napasinghap ako dahil sa narinig mula sa kanya. “A-ano’ng sabi mo?” Halos hindi ako makapagsalita sa mga nasabi niya. Ngayon ko lang narinig na sinabi 'yon ni JD sa akin. Oo, ramdam ko naman na ayaw niya sa akin simula pa lang. But that doesn't mean he's entitled to say those words to me! May damdamin din ang tulad kong oportunista. When I say I didn't intend somethinh and we seriously gave our all, and when people tried to invalidate our efforts, of course, masakit! Kahit ako ay naman alam na aabot ako sa ospital nang dahil lang sa eksenang iyon. Hindi ko alam na makaka-trigger siya sa mga bagay na nais kong kalimutan. Ang nakaraan kong pilit kong ibinabaon sa hukay. "You heard me, right? Ano pa nga ba ang ginagawa mo kung hindi isang palabas lang, 'di ba? You approached me on purpose because of this project, 'di ba? And you made that insolent confession to the media para pag-usapan ka at para mawalan ako ng choice kundi ang pumayag sa pinagsasabi mo. Anong akala mo, hindi ko malalaman ang pakay mo? I have ways to know, woman. At hindi ang isang tulad mo ang magpapaikot sa akin," he said with conviction. Although 80% of his words were true about my actions, but it still hurts big time. Parang may punyal na itinarak sa puso ko sa paraan ng pagkakasabi niya. Bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay tila isang sampal sa aking mukha. Nahubaran na niya ako kahit na wala pang nag-uumpisang romansa na namamagitan sa aming dalawa. Hinubaran niya ako pero sa isang nakakahiyang paraan. No, Lola. You will not cry in front of him. Don't you dare! paalala ko sa aking sarili. Malamlam na mga mata ay tumingin lang ako sa kanya. Nagtagis ang mga bagang ko at pinigilan ang mga luha ko na dumanak sa aking pisngi. "Are you done? Salamat sa pag-aalala. Makakaalis ka na..." I coldly said and was about to go back to bed when I heard a knock. Magsasalita pa sana si JD nang biglang may pumasok sa kwarto. It was Jaxx. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha ko na hindi ko na mapigilan. Sobrang sakit talaga ng mga sinabi niya. Hindi ko iyon matanggap lalo pa at nanunumbalik na naman sa akin ang nakaraan. Hindi ko na inabalang batiin pa ang bagong dating at kaagad na tinanggal ang dextrose na nakakabit sa ugat ko sa kaliwang kamay. Hindi ko na ininda ang sakit na dulot niyon. “Anong ginagawa mo, Lola? You’re not yet fine. May lagnat ka!” sigaw ni Jaxx sa akin. Ah, that explains why I feel so mushy and fragile. Sobrang sakit pa ng balat ko kapag hinahawakan o nasasanggi. Pero kahit na i-remind niya ako sa kalagayan ko, hindi ko pa rin siya pinansin. I turned to the door's way and was about to walk near it when suddenly, a hand blocked my way. Hinarangan ako ni Jaxx. Pagkaangat ko ng aking ulo ay nakita ko ang nag-aalala niyang mukha. He's obviously unhappy about what I am doing. But ai can't hold my tears anymore and I have to go out of this room or else I'm going to drown. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Umalis ka sa dinadaanan ko, Jaxx…” malamig na tono kong pagsagot sa kanya. Halos hindi ko siya madiretso ng tingin. Natatakot ako na makita niya ang kahinaan sa mga mata ko. Ngayong ganito ang estado ng pag-iisip ko, hindi ko kayang makipag-usap sa kahit sino. “Mataas ang lagnat mo, Lola. Hindi kita hahayaan na umalis,” pamimilit pa niya. Hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan at akmang dadalhin sa aking higaan pero winakli ko ang kanyang kamay. “Pabayaan mo ako. Gusto kong mag-isa. 'Wag n’yo akong susundan,” pinal na sabi ko sabay nilagpasan si Jaxx. Nahagip pa ng mga mata ko ang pagtagis ng mga bagang ni JD at nakatingin lang sa kama kung saan ako nakahiga kanina lamang. That moment took me thousands of images in my head. Pictures of someone who badly wounded me just like how my biological mother did to me. More than a physical wound could ever give me. Sa puntong ito, aatras na ako sa kasunduan namin ni Scarlet. Hindi ako stable para isakatuparan ang mga plano niya. I indeed failed and I am happy that I did. Kasi kung ipagpapatuloy ko ito, tiyak na hindi lang iyon ang matatanggap ko mula sa kanya. Maraming masasakit na salita pa akong kakainin mula sa kanyang bibig at lahat iyon ay titiisin ko dahil lang sa magkatrabaho kami. Who cares about this project? Who cares about the Great James Dean Ferrer? At this point, I lost my crave for fame. I lost my crave for attention. I just wanna detach myself from all the people who ridicule and humiliated me for no reason. May hangganan din ang pananakit ng ibang tao sa akin. Hindi ako habangbuhay na bato at manhid. Hindi habambuhay ay ididikit nila ako sa pinanggalingan ko. Sa masalimuot na nakaraan ma ayaw ko nang balikan. Bakit kasi ngayon pa ito dumating? Bakit hindi pa noon na handa naman akong gumaling mula sa sakit na dulot sa akin ng kahapon? Bakit ngayon pa? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Bawat paglakad ko ay siyang pagbagsak ng mga luha ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko. Hindi ko na halos makita ang nilalakaran ko. Unti-unti na ring bumibigat ang dibdib ko. It's beginning to clog my air passage. Malalalim na ang aking paghinga. May hagdan pa akong binabaan at kahit sobrang labo na ng paningin ko ay sinikap ko na makatayo nang maayos. Unti-unti akong nakakaramdam ng maliliit na karayom na tumutusok sa aking kamay at paa. Kasunod niyon ay ang pagmamanhid ng buo kong katawan. My knees jerked that moment. Akma akong mapapaupo ng pagbagsak sa hagdan nang may pares ng matipunong braso ang biglang sumalo sa akin. I turned to the one who caught me in mid-air and saw his worried face. A rare face that I didn't know I would see before I finally closed my eyes and devoured by the darkness. "Lola... Lola, are you okay? Gumising ka!" Then, everything stopped.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD