Prologue
Lola
Mahalaga para sa akin ang estado at kapangyarihan. Ayoko na nauungusan ako ng iba. Gusto ko na ako ang bida at ang pinaka pinag-uusapan. I always wanted the spotlight to aim at me.
Sa pagpasok ko sa larangang ito, marami akong sinuong na butas ng karayom. At ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako kailanman makokontrol o mamamanipula ng iba. Sa buhay na ito, ako ang may hawak ng kapalaran ko at ako ang masusunod kung sino ang luluhuran ko o ang paaamuhin.
Lumaki akong sabik sa atensyon at papuri. Simula kasi nang ipamigay ako ng sarili kong ina sa bahay-ampunan, naging uhaw ako sa ngiti at pagbati. Mas gusto ko na makaalis sa lugar na iyon. Mas nakatuon ang atensyon ko sa paghahanap ng paraan para makaligtas at mamuhay nang maayos at matiwasay. Mas itinuon ko ang atensyon ko sa pangarap na makatagpo ng bagong mga magulang. Iyong mayaman at maimpluwensya. Iyong maibibigay ang mga bagay na hindi ibinigay sa akin ng mga tunay kong magulang. Gusto kong makaalpas sa pedestal na kinalalagyan ko. Gusto kong umahon at kalimutan ang kung anong bahid ng nakaraang ako.
****
All smiles na hanggang tainga ko ang iginawad ko sa harap ng maliit na camera ng cellphone ko sabay kaway at nagpa-cute na tila may kaharap akong maraming tao.
Kaunting tiis na lang, Lola Lee. You're so good at lying in front of them so why bother and get tired so easily?
"That's all for this day, Lolalicious! Thank you for spending all your time for me. Kitakits ulit sa susunod na vlog! Bye!" pagpapaalam ko sabay umaksyon ng flying kiss na tila isang cute na Korean Actress na napapanood ng karamihan sa TV.
After that promiscious goodbye, I clicked the end record button and dropped the smile I plastered on my face. Kahit 5 minute-live lang ang ginawa ko ay nakakangalaw pa rin talaga. And in seconds, milyon na agad ang views ko.
Napapalatak ako at bahagyang napaangat ang sulok ng aking labi. Kung nakikita lang ako ng mga fan ko, tiyak na malalaman nila kung paano sila naging isang uto-u***g mga nilalang na walang ibang ginawa kundi ang sundan at alamin kung paano ako mamuhay.
Tsk. Waste of time.
For reasonable humans, siguradong nasasabi nila na walang kwenta ang panonood ng vlogs ko. My contents were always about how to live a luxurious life with the boys I dated. I let people invade this space to insult them of the kind of life they have. Kasi kaya kong mamuhay nang ganito pero sila naroon pa rin sa pedestal na kinalalagyan nila at nanghihinayang sa buhay na mayroon sila. Wala silang ibang ginawa kundi ang mainggit sa buhay na mayroon ako.
And yes, I feel shitty whenever I do this. But what's the sense of feeling shitty? I like how they recognize me. Isang live ko lang ay talagang nag-aabang na ang mga tagasubaybay ko. They want me all over their spaces. They want me because I have a life that they didn't have.
Isang katok ang pumutol sa malalim na pag-iisip ko. Judging how five brief knocks thrown at my door, alam ko na kaagad kung sino iyon. Mabuti na lang ay natapos ko na ang video, kung hindi, baka magwala ako nang di-oras. Ang ayaw ko sa lahat ay ang iniistorbo ako.
Iniluwa ng pinto na iyon si Scarlet, isang user-friendly na actress. Yes, naggagamitan lang kami. I don't know about her feelings, pero sa parte ko, ginagamit ko lang siya dahil sikat din siya katulad ko. Marami siyang followers at fans kaya magandang sumasakay ako sa kasikatan niya para palagi akong nakikita sa spotlight. It's how opportunists do. That's how we exist.
I heard her scoffed and hand-combed her hair. Nakasalubong ang dalawa niyang kilay. Too bad, mas maganda ako sa kanya kaya 'di ko type ang pagsimangot niya. Walang poise. "I can't believe you're still not dressed up! Pupuntahan na natin si Direk. Ang sabi niya, dapat nando'n na tayo para sa script rehearsal. Don't tell me hindi ka a-attend?" bungad niyang tanong sa akin nang makapasok siya sa kwarto ko.
Napairap naman ako at bumalik ng higa sa malambot kong higaan. I'm inside my condo unit. Naisipan ko talagang mag-vlog dahil katatapos lang ng renovations na pinagawa ko. I need a change, of course. At dahil useless na ang dead air sa ilang araw sa buhay ko, I need to do something or else I will be long forgotten by the people who also follow Scarlet around as an actress.
The bed I used to have is a queen-sized pale all-white bed with a normal duffet sheet. Nakakairitang tingnan. Dahil bored ako ay naisipan kong ipabago ang lahat sa paligid ko. Isa na doon ay ang gawing king-size ang higaan at gawin itong modern classic style katulad ng kama ni Jennifer Lopez sa last interview sa kanya sa America. With the trusted interior designer that I have, naging successful ang 5-minute vlog ko kanina.
"Hayaan mong maghintay ang direktor, b***h. The offer is not even worth it to get serious at. You can't possibly compare it to your last project. Why are you all serious? What's with the face? Wala naman sigurong target locked person na involved dito, 'di ba? It's just a petty project!" komento ko naman habang naglalagay ng Korean facial mask at humarap sa vanity mirror sa tabi ng higaan ko. Pati ito ay pinabago ko na rin. Sa tuwing makikita ko na ang repleksyon ko rito ay mas nagagandahan na ako sa sarili ko.
Hayy... Ang ganda mo talaga, Lola Lee. Isa kang diyosa!
Napaupo na rin si Scarlet sa kama at napabuntong-hininga. "Lolita, money is nothing for me. What matters to me is my career and the fans. Gusto kong i-accept ang challenge nila na magkaroon naman ako ng role na mas kawawa pa sa last role ko. I like being the kawawa, mas sumisikat ako," Scarlet sarcastically laughed. Knowing her, may addiction din siya sa katanyagan, kaya palagi kaming nagkakasundo. Oh, opportunists always be opportunists.
"Ewww, b***h! Stop calling me Lolita. I feel so old. Hindi ko rin gets ang parents ko kung bakit ganito ipinangalan sa akin, e. May galit yata sila sa akin. Ugh!" Iyon talaga ang mas inuna kong sabihin.
Speaking of my name... matagal ko nang ipinagpipilitan sa parents ko na palitan nila pati ang first name ko, but unfortunately, iyon talaga ang natipuhan din nilang name ng baby nila noon kaya ayaw nilang palitan ang sa akin. I feel so harrassed at that time. Pero wala na akong magagawa, kaya ginawan ko ng paraan para ma-remember lang ng mga friends ko sa alta sociadad na ang name ko talaga ay "Lola". As in, Low-Laa.
"But come to think of it, bakit hindi na lang kaya ikaw ang tumanggap sa role, instead of being always the kontrabida? Ayaw mo no'n? You will be higher than your rank as of this moment. What do you think?" biglang suhestiyon ni Scarlet. I was still preoccupied by my first name when she dropped that bomb out of her mouth.
Napairap ako sa kanya. "Duh! Don't you dare ask me that. I will not definitely do that. Never!" mariin kong tanggi. Puro kontrabida roles ang kinukuha ko dahil mas madali kong makukuha ang atensyon ng mga viewer. Mas nakakainis na role, mas mahirap kalimutan. Kapag lagi akong second role, mas madaling kainisan and at the same time, kagiliwan nila dahil sa paningin nila, maalwan ako sa buhay at ako ang bida sa totoong buhay.
"Are you really sure about that, b***h?"
"Of course, b***h! Sure na sure!"
"Kahit ang makakatambal mo pa ay ang tinaguriang Filipino's sexiest man alive?"
My jaw dropped when I heard the coined name. Bigla akong napatayo at napaharap kay Scarlet. "Sexiest man alive you mean..." I trailed off my sentence and saw how Scarlet slowly nodded her head like she's telling me she can really read my mind. "James Dean Ferrer? Are you hell serious with that, b***h?"
Instead of answering, a curve suddenly traced on her lips. An evil and wicked plan is now coming out of my precious mind. Napangiti na rin ako.
Ito na ba ang hinihintay kong big break? Makakadaupang palad ko na ba talaga siya? I can't believe it!
Just thinking of him made my heart pound faster.
At last... James Dean Ferrer...