Lola's POV
Nakailang pilit na si Scarlet sa akin kinaumagahan nang bumisita siya sa condo ko sa Makati. I admit, ngayon ko lang naiisip na nakakainis ang kaibigan kong ito. Ang hirap na niyang gamitin sa alta sociadad. Masyado na akong nagagasgas sa mga galaw ko kay JD. Simula nang samahan ko ang bruha na 'to ay puro na lang kamalasan ang nangyayari sa buhay ko. Isa na roon ay ang nangyari kagabi.
Well, ano pa nga ba ang ginagawa ng b***h na 'to sa tabi ko? Pinipilit lang naman ako nito tungkol sa nangyari kagabi.
Of course, kalat na sa buong Pilipinas ang nangyaring rebelasyon na pinapakalat ko ng buong gabing iyon at heto ako, nakatalukbong ng kumot sa loob ng kwarto at ayaw pa sana magpaistorbo. Ayaw ko na sana na may isang tao na nakakakilala sa akin ang kakausapin ako tungkol sa nangyari. I can't even face my manager! Wala ako sa mood. Hanggang ngayon ay hindi ko pa matanggap ang lahat. Ito lang talagang b***h na 'to ang mapilit at gustong pumasok sa loob kahit ilang beses na akong nagdadahilan na masama ang pakiramdam ko. Nagsinungaling pa talaga akong may sakit pero hindi umubra sa kanya ang alibi ko na iyon. She knew me very well. Well, who can smell liars? Only liars!
“Ano nga kasi ang nangyari, b***h? Dali na, kwento mo na kasi!” pamimilit pa niya. Ilang beses niya akong inuyog-uyog para lang mahilo ako at mapilitang bumangon pero nagmatigas ako.
Bahala ka d'yan!
Ungol lang ang naisagot ko sa kanya at nagpatuloy sa pagpapanggap ko. "'Wag kang magulo. kagigising ko lang. Gusto ko pang matulog..." pagsisinungaling ko pero ang totoo, hindi talaga ako nakatulog. Kapag naaalala ko talaga ang nangyari kagabi sa loob ng sasakyan ni JD, parang gusto kong sumigaw sa sobrang kahihiyan…
“How about I give you that token you’ll never forget?” JD’s voice became low and inviting. I can hear his sharp breathing as he started to approach my area of responsibility.
Wait lang. What is he doing?!
Sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin, automatic na napapikit ako nang mariin habang naka-cross fingers ang magkabilaang kamay ko. Hindi ako nakapag-isip ng ibang bagay kundi ang mapapikit. Sa ganitong sitwasyon ay bobo talaga ako. I admit, malakas lang akong kumapit sa lalaking gullible. Manipulative ako pero hindi ko alam ang gagawin ko kapag ibang tao na ang kumokontrol sa sitwasyon na gusto kong kontrolin.
This time, sa tingin ko ay nakahanap na ako ng katapat. Ang isang tulad ni JD Ferrer ang magiging downfall ko. Isang leon na handang lumapa ng kanyang susunod na biktima.
Pero ang tanong: handa na ba akong magpalapa sa isang malaking leon na tulad niya? Katapusan na ba ng mamahalin kong matte lipstick at madidikitan na ng nakapanlalambot na mga labi ng isang James Dean Ferrer?
Gosh, hindi pa yata ako handa! Pero bakit ganito? Tila hindi na sumusunod ang katawan ko sa inuutos ng utak ko.
Ilang sandali pa akong naghintay na maglapat ang mga labi namin pero wala akong naramdaman, hanggang sa narinig ko na lang ang roaring sound ng sports car niya at ang pag-andar ng sasakyan. Agad akong napadilat at napasulyap sa driver’s seat.
“Ihahatid na kita sa inyo. Masyado nang gabi…” he suddenly whispered. Lumamlam din ang kanyang mga mata ngunit sa daan na siya nakatuon at hindi sa akin.
Ilang beses pa akong napakurap-kurap ng mga mata bago ko natanggap ang mga nangyayari. I must have been so drunk with the margarita I took during the party. Totoo ba talagang kinakausap ako ni JD sa kalmadong tono?
Gosh, Lola! Kailan ka pa kinausap ni JD para malaman mo kung anong klaseng pakikitungo ang gagawin niya sa iyo? pang-ookray naman ng isang bahagi ng isipan ko.
Wala sa loob na napairap ang mga mata ko pagkakuwan. Nang matantiya na mukhang safe zone na ako, saka ako umayos ng upo at napatungo lang sa buong biyahe. We both sat in silence as he drove downtown. Ilang saglit lang iyon but it felt like forever. All I can feel right now is humiliation and distress.
Agad na huminto ang sasakyan sa harap ng condominium na tinutuluyan ko, not minding the question popping in my head where and how on earth did he know about my address. Wala na akong gana na magtanong. Gusto ko na lang na makaalis dito.
Oo nga at nakuha ko ang atensyon niya pero sa masamang paraan naman na hindi niya nagustuhan. Hindi siya naging masaya sa outcome na iyon. Bagkus, napahiya pa ako at nauto! Kung pwede ko lang na sampalin ang gwapo niyang mukha ay ginawa ko na. Pero hindi ko naman kayang gawin 'yun. Sayang ang face niya. Type ko pa rin naman siya, 'no!
Akma na akong lalabas ng sasakyan niya without saying anything nang bigla siyang nagsalita ulit.
“Don’t feel superior about doing what you want just because of what you have done earlier. I will make sure your gift will be accepted with pleasure. You want to play games? I’ll give you one. Sayang naman kung hahayaan ko na lang na masayang ang laro na gusto mo, hindi ba? Consider yourself lucky that I still have a lot of control over my body. Kung hindi, it would've been worse than you expected. You may go,” he ordered coldly.
Wala naman akong ibang masabi. Basta ko na lang nadatnan ang sarili ko na umibis sa sasakyan at sinarado ang pinto nito.
The engine roared once again. Nang makaalis na ang sports car niya, saka ako napabuntong-hininga at napapikit.
Shit, Lola. Ano ba itong pinasok mo? You’re in big trouble…
Napanganga si Scarlet nang sabihin ko sa kanya ang nangyari. It turns out na malala pala ang babaeng ito kapag may gusto siyang makuha mula sa akin. Sa sobrang nakakarindi kasi ng boses niya ay hindi na ako nakapagpigil at tumayo na. At doon ay sinabi ko na ang lahat tungkol sa ginawa ko at ni JD.
"Oh. My. Gosh!" she uttered while forming an O in her mouth. Itinabon na rin niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig. "G-ginawa niya talaga iyon, b***h?" natatawang tanong niya sa akin.
Napairap ako at sinamaan ko siya ng tingin. "Are you here to just laugh at me? Kasalanan mo 'to baka nakakalimutan mo ha!" asik ko sa kanya sabay nagpagpag ng kumot sa harap ko.
And speaking of horrible... I literally look one. Walang make-up, walang serum, walang kalatoy-latoy ang pagmumukha ko dahil sa sobrang stressed ako sa huling sinabi sa akin ni JD. Eyebags ko pa! Pakiramdam ko nga ay aayaw na ang utak ko na tumuloy roon sa project na kasama siya. Baka gawin na niya ang mga bagay na hindi ko magugustuhan. Natatakot ako. Sa aura pa lang niya kagabi pakiramdam ko ay mababalatan na ako nang buhay dahil sa mga titig niya.
Oo nga at gwapo siya. Oo nga at nakakatuliro siya kung tumitig pero nakakatakot pa rin siya! Ayaw ko na siyang makita pa kung sisirain lang din niya ang iniingatan kong pangalan. Mas sikat siya sa akin at hindi ko rin alam kung anong kayang gawin ng mga fans niya ngayong ipinakalat na ng mga taga-media na ako ang nagwagi sa isang tulad niya. Na ang isang tulad niya na playboy ay matatali sa isang tulad ko na local artist s***h oportunista.
"Duh! Ikaw naman ang gumagawa ng way para mapansin ka, b***h! I'm just here to give you some advice," rason naman ni Scarlet. "Anyway, 'wag mo nang dibdibin ang sinabi sa'yo ni JD. Aren't you happy that he's willing to participate in your schemes? Ibig sabihin lang niyan ay interesado talaga siya sa'yo!"
Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya. "How can you say that? Hindi mo ba alam kung gaano ako katakot kagabi dahil sa mga sinabi niya? Sanay ako na ako ang kumukontrol sa sitwasyon, not the other way around!"
"Duh! Makinig ka, bitch..." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tiningnan nang mataman sa mga mata. "This is your chance. Nakalapit ka na kay JD. Take that opportunity! Huwag kang matakot sa mga sinabi niya. You know, it's not always the last line that matters. The real game is..."
Napaisip ako sa sinabi sa akin ni Scarlet at hanggang sa matapos ang araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang isipin kung ano ang susunod kong gagawin kapag nagkita na kaming muli ni James Dean Ferrer.
****
After the punishing weekends, balik-taping na naman kaming lahat sa team. And as usual, inulan na naman kami ng bystanders sa set. The taping is held sa Bulacan. May isang bakanteng lote roon na medyo mahahaba ang talahib. May eksena kasi na kailangan na ganoon ang set-up.
It was a rough day that I had to pay for an ambulance just to drop me out of the traffic jam. Madalas na talagang escapade ang ambulance for an actress like me. Plus, the last week’s headline about me and JD is creeping the hell out of me. Kung dati ay sanayan lang ang labanan sa mga kontrobersya at sa mga makukulit na reporters, ngayon mas triple pa ang horror sa akin dahil sa nagagawa ng pangalan ni JD. Now, I’m really riding on his fame.
Kahapon kasi, napuno ang schedule ng manager ko dahil sa dami ng brand companies ang gusto akong kuhanin bilang endorser. Kahit hindi maganda ang timpla ng manager ko sa ginawa kong eskandalo last week, Tita Jet was still thankful that finally I’m on the spotlight. Natatabunan ko na halos ang ibang artista sa TV dahil sa ginawa kong ingay patungkol sa amin ni JD, and I’m really thanking him for not opposing with my plans. Biglang nawala sa isip ko ang plano na malaman ang totoong pakay niya kay Gaia Lopez. I’m just enjoying the fame, for now.
Isa lang sa hindi ko kayang bisitahin ay ang social media accounts ko. Takot na takot pa rin ako hanggang ngayon na buksan iyon at malaman ang mga sasabihin nila patungkol sa akin.
But then, nakalimutan ko ang PA kong si Michelle na walang kasing tabil na babae.
"OMG, Miss Lee!" bulalas niya na nakatakip pa ng bibig sa exaggerated niyang pagkabigla.
"No. Don't!" agap na pagpigil ko sa kanya nang hindi siya nililingon. Nakaharap lang ako sa salaman habang nakaupo at nag-a-apply ng loose powder sa pisngi gamit ang malaking brush. "Kung tungkol 'yan sa social media, manahimik ka na lang..."
"OMG! Siya? Hindi sila bagay!" bigla ay bulalas ni Michelle.
Napakunot ang noo ko at marahas siyang nilingon. Doon ko nakita ang pagbabasa niya sa kanyang cellphone. Muli akong napaharap sa salamin at inilahad sa kanya ang kamay ko. "Phone..." I ordered her.
"Ha? A-ano po 'yun, Ma'am?"
"Bingi ka ba o tanga lang? I told you to give me your phone!" sigaw ko pa sa kanya with matching gigil. Pagkatapos niyon ay hindi naman na siya nagprotesta at kaagad na binigay sa akin ang phone niya.
Doon ko na sinimulang magbasa ng mga nakalagay roon. Nakahantad sa akin ang isang article na nakalagay sa isang News Page. Patungkol ito sa revelation na ikakasal na kami ni JD.
JD Nation Forever: Siya?! Siya ang pakakasalan ng JD natin? E hindi naman 'yan kagandahan!
BB JD: What a slvt! Bakit siya pa? Siguro napikot lang niya ang BB JD natin! Aykennat!
Guillible JD Fling: She's not that pretty. Baka sa boobs lang niya naakit ang JD natin. Hayaan n'yo, girls. Magsasawa rin ang idol natin. Iiwan din 'yan. HAHAHAHAHA.
"A-ano?!" Napatayo na ako mula sa kinauupuan at napaturo sa cellphone na naiwan ko sa may mesa sa tabi ko. Galit na galit akong nakatingin doon na halos lumuwa ang mga mata mula sa socket ng mga ito. "Ako, iiwan? Slvt? Ha! Ang kakapal naman ng mga b***h na 'to. Bakit? Pakakasalan ba sila ng idol nila? Ni hindi nga sila kilala ni JD, e! Bwisit! Argh!" napatiling turan ko. Nakapamaywang pa ako at ilang beses napabuga ng marahas na hangin.
"Umm... Miss Lee..." Michelle tries to interrupt me but I am still angry at how those fans try to call me names.
"Ang kakapal talaga ng mga pagmumukha nila! Mga bwisit!" Marahas akong napalingon kay Michelle. "Ikaw ba kapag sinabihan ka ng ganito, hahayaan mo lang ba sila, ha? Grabe! Slvt na ba kaagad ako porque engaged to be married lang? Ano bang kasalanan ko sa mga 'yan? Pagmamay-ari ba nila ang tao na sinasabi nilang idol nila?" sunod-sunod na tanong ko.
"Umm... Miss Lee. Hindi naman ako papay—"
"Kaya nga, 'di ba? Sino ba naman kasi ang matutuwa sa mga comment na 'yan? Ah, bwisit! Next time, ayaw na ayaw ko nang naririnig ang mga 'yan. Naiintindihan mo ba?"
Agad na napatango si Michelle. Halata sa kanyang anyo na nahihintakutan na sa pagbe-vent out ko. "O-opo, Ma'am. Hindi na po mauulit. Sorry po..."
Matapos ang pagre-retouch ay nagbihis na ako at lumabas ng dressing room. We’re about to shoot the second quarter of the scenes in the movie. As usual, more intimate moments with JD, again. This time, mas maraming verbatim sa parteng ito. Although I have already rehearsed a dozen of times for the parts I partake in, it’s still not working. I’m an actress. And I’m more of the extrovert than being an introvert pabebeng actress. I need someone to reinact the parts for JD but he’s nowhere to be found. Handa akong lunukin ang lahat at isagawa ang dapat kong gawin kahit pa naiilang ako sa idea na kakausapin siya. Nasa kasagsagan ako ng paghahanap sa PA ko para maging proxy ni JD sa rehearsal ko, nang biglang nahagip ng mga mata ko si Jaxx.
I was quite surprised na nasa set siya. I suddenly stood up and asked Direk. “What’s Jaxx doing here, Direk?”
“Ay si Jaxx? He’ll play the part of Gary sa movie.” Gary is the love interest of Jenny, my character. So, si Jaxx ang magiging karibal ni JD as ‘Franz’ sa movie? This is nice! I think I know a way to get around JD nang hindi niya ginagawa ang pagbabanta niyang sisirain ang mga plano ko.
Agad akong lumapit kay Jaxx at kinawayan siya. "OMG! Jaxx, you're here."
“Hey, Lola! I’m so glad makakatrabaho na kita. By the way, congrats sa engagement ninyo ni JD. Okay na ba kayong dalawa?” bungad na tanong niya sa akin. Aw! This guy na talaga! Napaka-thoughtful at sweet! Sana all! Kung bakit kasi hindi niya kasing ugali si JD? E 'di sana hindi ako nahihirapan ngayon.
Nag-pout na naman ako. “'Yon nga eh wala siya dito. I’m having trouble with my script. Kami na susunod na sasalang sa camera but I’m not quite sure if I’ll deliver this right since it’s more verbatim than actions, e. Can you help me practice my lines? Pretty please?” Nag-puppy eyes pa ako sa kanya para mas effective. Kapag ganitong lumilitaw si Jaxx sa buhay ko, nagla-light up ang imaginary bulb ko sa ulo.
“Sure! Nandito pa lang naman ako para i-receive ang script ko from Direk kaya I can help you.” He smiled.
“Yay! Thanks a latte, Jaxx.” Hinila ko kaagad siya pabalik sa upuan ko sa set at binigay ang isang spare script ko sa kanya. “Dito tayo, dali!”
The rehearsal went well. May mga itinuro rin si Jaxx sa akin na effective gawin para mas maging makatotohanan ang lines ko against JD’s lines. Remembering that I should forget my maarte accents and all the English fluency inside of me. We were like that for almost 15 minutes hanggang sa may hindi inaasahang tao na biglang sinapawan ang atensyon ko sa rehearsal.
All from the movie staffs attended to Gaia’s direction. She just shouted at the top of her lungs. Sobrang sakit sa tenga ng paraan ng pagkakatili niya na ikinalingon naming lahat. After that, biglang sumulpot si JD sa likod ng babae, embracing her with both of his strong and protective arms.
“Snake! Snake!” sigaw pa ni Gaia na takot na takot habang mahawak siya ni JD para protektahan.
I can't help but roll my eyes. Bwisit talaga ang babaeng 'to!