Lola's POV
“Pwede ba namin kayo ma-interview, Miss Lee and Mr.. Ferrer?” Matapos umalis sa harap namin ni Jaxx ay pumalit naman ang isang TV reporter.
Ngiti lang ang iginawad ko at gano’n din si JD.
“Of course! Ano po ang mga questions ninyo?” I said in a delighted tone. Ha! I should be awarded for Oscars. Kung ganito ang ginawa ko noong umpisa pa lang ay sana 'di na ako nahirapan pa, sabi ko sa aking sarili.
Kung hindi ako masyadong nagpakampante, e 'di sana matagal na akong naka-score kay JD! Kung bakit naman kasi napaka-cold niyang tao! Hindi ba siya naaapektuhan sa kagandahan ko? Mabuti pa si Jaxx ay napansin ako kaagad. Nagalit pa siya dahil hindi ako pinapansin ni JD. But little did he knows that I'm only bluffing. At kahit sa mata ng media ay hindi ko papalampasin ang pagkakataon na ito.
To corner a James Dean Ferrer.
Inilahad ng reporter ang isang maliit na microphone malapit sa amin at nagsimulang magsalita. “Ano na po ang score between you and JD Ferrer?” he asked.
“Ang totoo—” JD was about to finish his sentence when I suddenly interrupted.
“Actually, since naitanong n’yo na rin lang, JD is actually asking me something kanina kung hindi nga lang super dami ng mga kailangang kausapin. But since everyone’s been asking us, aamin na kami. We’re actually been dating for almost two years now, and now I’m engaged!” I exclaimed as I wiggled my fingers to show a diamond ring on it.
Lahat ng tao na nakarinig ng sinabi ko ay agad na napalingon at nanlaki ang mga mata sa direksyon namin. Kita ko rin sa peripheral view ko ang pag-iiba ng timpla ni JD sa sinabi ko. Nanatili lang itong nakaakbay sa braso ko at hindi hinayaan na mapahiya kami. Though, I could start to feel his hand being stiff. Tila sasabog na siya sa galit pero nakontrol pa rin niya ang sarili niya.
You will never get out of this mess, James Dean Ferrer. I will definitely be with you 'til the end of hell’s wrath. Para ito sa pagpapahirap mo sa akin na makuha ang attention mo, I laughed internally afterwards. Wala na siyang kawala sa akin. Ako na talaga ang scene stealer!
Nakita ko rin sa peripheral view ko ang pagsama ng timpla ni Gaia mula sa di-kalayuan habang nakatitig sa aming direksyon. I just gave her a faint smirk na hindi halos halata. Tata! Hindi mo na mababawi si JD sa akin, Gaia. Never!
Everyone was showing their shocked expressions while I kept my composure intact. Taas-noo akong ngumiti at patuloy na sinagot ang mga katanungan ng paparaming reporters na dumagsa sa harapan namin ni JD.
Sa ganitong kalapit na tanaw, mas napatunayan kong mas napaka-effective ni JD sa pagpapanggap when he tries to nod and affirm my lies without even shaking. Kung ibang tao ang titingin, tiyak na mapapaniwala sila sa mga kasinungalingan na sinabi ko because JD is so good at confirming. An actor indeed.
I haven’t had the time to praise his cool face with his newly trimmed hair and shaved mustache and beard hanggang sa kanyang patilya. He’s indeed perfect from head to toe, strong and very powerful in his black tux and shiny high class tictacs. Hindi ako masyadong exaggerated sa pagde-describe sa isang artistang katulad niya but I will no longer deny how his existence affects my whole being. His European ancestors must have put something in his face to make him look like a Greek god in motion and in live colour; hot flesh and hard muscles na hindi maitatago sa loob ng kanyang tuxedo. His manly scent screamed dominance and respect. Kahit isang kilometro ang agwat niya sa mga tao, surely everyone would bow to him before he could reach their places in normal view sa sobrang laki ng amount ng intimidation ang ibinibigay niya sa bawat tao na makakasalamuha niya.
JD is a silent giant serpent, a croc and a cunning snake. He can fake everything in front of everybody mapatunayan lang na isa siyang hari. Siya ang bida. And we are all nothing but his willing slaves.
“I think we have answered all of your questions for today. I should probably give my fiance a rest. She’s quite exhausted because of the event. Mind if we escape for a while?” Nagulat man sa sinabi ng katabi ko ay wala akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya nang marahan palayo sa mga tao. Dinig ko pa ang patuloy na pagpupumilit ng mga tao na makapanayam kami pero may mga lalaki nang humarang sa kanila.
Isang lalaki pa na naka-tuxedo ang lumapit kay JD at binulungan siya. I couldn't get a hold of what he's trying to say. I just let them do that secret code thing kahit nakakainip na rito.
“Kayo nang bahala sa mga 'yan. May gagawin lang muna ako. Just tell Direk that I have to leave early for an emergency,” sagot naman ni JD dito.
Hindi pa mawala-wala ang ngiti ko sa labi pero ang dibdib ko parang sasabog na sa sobrang kaba. Ano kayang gagawin sa akin ni JD? Will he be mad because of what I did? Will he kill me? Gosh! Hindi ko talaga pinag-isipang mabuti ang eksaktong gagawin ko kanina. I just actually did what I had thought to do after hearing Jaxx's words like as if it is on cue. At ang diamond ring ko? It's one of the gifts I received from my late father. Hindi alam ng iba na may ganoon ako. It just so happens that I decided to wear it for tonight's event. Sino ba naman ang mag-aakala na magagamit ko ang alibi na ito para makuha ang atensyon ni JD?
But looking back at how he became unprepared after I posed my prank up until he dragged me away from the reporters, sobrang daming tanong ang biglang sumulpot sa isip ko sa mga oras na 'yon dahil sa sobrang kaba na nadarama.
I know that I pushed too much of my luck to the limit, but it’s the only way to get to JD’s attention. Walang mangyayari sa misyon ko kung tutunganga lang ako sa harapan niya at patuloy na mangapa sa mga susunod na eksena sa taping. Nakakaurat na ang ilang beses na para akong nakikipag-usap sa hangin. Para lang akong umaarte nang mag-isa. Pakiramdam ko ay naging multi na ako at hindi niya ako makita. That hurt my ego big time kaya hindi ako makakapayag na ganoon na lang matatapos ang interaction namin. I need to make a move at kahit pa sabihin ng iba na ambisyosa ako, masasabi ko na proud na ako sa nagawa ko dahil nagawa kong nakawin ang atensyon niya sa hindi inaasahang pagkakataon.
Nagpatuloy ang panghihila ni JD hanggang sa mapunta kami sa harap ng mamahaling sasakyan niya. Hindi ako umimik. Pakiramdam ko kasi kung ibubuka ko ang bibig ko ay tiyak na bubugahan niya ako ng apoy sa sobrang galit. But damn! I can't help to admire how he looks tonight. Ramdam ko sa kanyang aura ang galit at pagkainis pero sa ekspresyon ng kanyang mukha ay mukha siyang masayang boyfie na hinahatid lang ang girlfriend niya papunta sa sasakyan. Mas lalo akong namamangha sa kanya. How to be insensitive ba?
Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko nang huminto kami sa harap ng sasakyan. Nagkatinginan kami saglit ni JD saka ko narinig ang kanyang boses. His face started to give me an emotionless one.
“Sakay…” Sa boses pa lang niya, halata ko na ang kanyang galit. Who wouldn’t? I just ruined his shady plans toward Gaia. That’s my second mission after getting into his life. I have to find out kung totoo ngang pareho kaming social climber. Confirming it myself is the only way. There's no harm in trying.
But how can he tell me to come inside instead of asking me all the schemes I made earlier? Hindi ba niya talaga tatanungin kung bakit ko iyon nagawa? Hindi man lang niya ba ako pupurihin sa pagkuha ng atensyon niya?
Pero infairness naman sa social climber na katulad niya, ha? May sarili siyang high class sports car. Ilang model na kaya ang nakolekta niya? Talaga bang social climber siya? Parang hindi ko mapaniwalaan ang mga akusasyon ni Scarlet sa isang James Dean Ferrer. Parang hindi makatotohanan.
“Didn’t you hear what I just said?” I stopped at the trail of my thoughts when JD spoke again.
“Ha?”
“Ang sabi ko ‘sakay’…” Halata sa boses niya ang pagtitimpi. Naramdaman ko bigla ang paglamig ng paligid at kulang na lang ay yakapin ko ang akingnsarili. Minabuti ko na kang na tumalima sa utos niya.
Sa loob ng sasakyan, tahimik na lumipot siya sa driver’s seat at binuhay ang makina. He didn't say anything afterwards.
Gosh! Nakakabingi ang katahimikan. I have to make a move. Think, Lola Lee! Think!
I decided to clear my throat. “W-wala ka bang sasabihin?” pag-uumpisa ko. I know it’s a lame start, pero iyon lang ang tanging paraan para mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa. I feel the suffocation inside the car as he started to be very silent.
“Ano bang pangalan mo?”
Hindi makapaniwalang napalingon ako sa kanya. Napakurap. “H-ha?”
“Does making me speak makes you a total deaf ?” he spat at me. Bawat salita na kumawala sa kanyang bibig ay magdulot ng masasakit na pinong kurot sa puso ko.
“No… Because I don’t believe you’re that stupid for forgetting my name kahit magkatrabaho na tayo at magkatambal pa. How dare you?!” Grabe lang, ha?! Ako kilalang-kilala ko siya pero ako hindi niya ako kilala? I don’t believe this!”
“How dare me? Ako ba talaga ang tinatanong mo ng ganyan? Did you realize what shame have you given me in front of my investors?” Yes, hindi naman lingid sa kaalaman ko na isang negosyante si JD, a very powerful one. He’s ranked 6th most powerful and richest person in the country last year. I know all about him, duh! Hindi pa ba sapat na obsessed akong makuha ang atensyon niya? Medyo sawa na rin kasi ako sa mga sikat na artista na puro casino ang kaabalahan sa buhay.
And so? That’s what you get for not even saying hi to me! Have you ever felt ashamed in front of everybody expecting someone to talk to you? gusto kong sabihin, pero pinigilan ko ang sarili ko. Of course, sino ang tao ang tatanggapin ang napaka-lame kong excuse? It is true that I’m so obsessed with wanting to ride on his fame. Ang suplado niya kasi, e. Kung ano-ano na tuloy ginawa ko para lang makuha siya at masolo ngayon.
“I-investors?” iyon na lang ang napili kong ulitin sa mga sinabi niya. Head-on, dumbfounded.
“Yes! That event is not just for the movie, but for my business. And yes, thank you very much for runing my birthday! I really don’t like your gift but as a respect, bakit hindi ko na lang patulan instead of shaming you in front of the reporters?” Napakurap ako dahil sa sinabi niya.
Halos hindi nagproseso ang mga sinabi niya sa akin. Information overload. Investors? Birthday gift? Sino ang may birthday? Siya? Ako ang nagbigay ng birthday gift na hindi niya nagustuhan? Come to think of it, wala akong dinalang gift. Hindi ko naman kasi alam na siya ang may birthday. Ang akala ko lang ay para ito sa launching amd promotion ng drama series namin. Oh my gosh! What have I done?!
Mas ikinagulat ko pa ang bigla niyang paglapit sa akin hanggang sa ilang hibla na lang ng buhok ang pagitan ng mukha namin. Halos nasakop na niya ang upuan kung saan ako nakaupo. Wala akong nagawa kundi ang mapaatras sa sandalan at manatili sa distansya na kaya kong tagalan sa pagitan namin. The air is so tight and tensed. Halos hindi ko na maalala na huminga.
I smelled his perfume, aftershave, and the lingering scent of an expensive red wine when his lips started to get close to my face. “Your gift is invalid without my token of approval. How about I give you that token you’ll never forget?” His voice became low and inviting. Nakakaliyo at nakakadala. I can hear his sharp breathing again as he started to approach my area of responsibility.
OMG. Is James Dean Ferrer about to kiss me right now? No hell way!