CHAPTER 41

3624 Words

KANINA pa nakadapa sa gitna ng talahiban si Kieran. Mula roon ay nakikita niya ang pagdating ng maraming sasakyan sa loob ng isang malawak na factory sa San Lucas, dalawang bayan pa mula sa San Andres, gamit ang kaniyang thermal night vision binoculars. Maraming bantay sa paligid kaya hindi siya basta-basta makakalapit sa lugar na iyon. Lalo pa at mag-isa lang siya. Pauwi pa lang kasi galing Australia ang pamilya ng pinsan niyang si Dean para sana humabol sa kasal ni Reese. Ayaw naman niya na problema agad ang isalubong niya rito kaya hindi na muna niya ito tinawagan. Umaasa si Kieran na kaya niyang iligtas sina Reese at mga kaibigan nito nang mag-isa. Kaya kahit sa mga anak, pamangkin, at iba pang kaibigan na kasalukuyang nasa Hacienda Ramona naman ay hindi muna siya humingi ng tulong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD