CHAPTER 4

1530 Words
One year later... PARANG turista lang na naglalakad sa tabing-dagat si Sky Jewel at pinapanood ang sunset. Nakayapak na dahan-dahan niyang binabaybay ang pabalik sa mansion na naging tahanan, no, naging kulungan pala niya sa loob ng isang taon. She looked around. Kahit isang taon na siyang naroon ay hindi pa rin niya alam ang eksaktong kinaroroonan. Ang tanging alam lang niya ay nasa malayong isla sa Mexico siya. Iyon ang sabi sa kaniya ng isa sa mga napakaraming bantay niya sa lugar na iyon. Ni wala siyang ideya kung gaano kalayo ang islang iyon sa city o kahit sa kasunod pa nitong isla. She was in the middle of an island with clear water, and powdery, soft white sand. Walang ibang makikita kundi mga nakahilera na puno ng niyog. Wala ring ibang kabahayan maliban sa tinutuluyan niya. Kahit bangkang de sagwan ay wala rin siyang nakikita. In short, there was no sign that she can escape from there! Kaya siguro hinahayaan lang siyang maglakad-lakad at libutin ang buong isla. Dahil hindi pa naman siya baliw para lumangoy sa walang kasiguruhan, at magpakain sa pating. Bagaman at isang taon na niyang sinusubukan na tumakas doon at isang taon na rin siyang bigo dahil sa tuwina ay nahuhuli siya ng kaniyang mga bantay. At minsan naman ay ang boss ng mga ito ang nakakahuli kay Sky Jewel at kulong ng ilang araw sa kuwarto niya ang parusa. Speaking of the boss! Nang maalala ang taong pinuno ng mga dumukot sa kaniya na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita ang mukha o kahit nalalaman man lang ang pangalan, binilisan na niya ang paglalakad. Kailangan niyang makabalik sa mansion bago pa dumilim. Ganoong oras kasi ito dumadating sa isla. At kapag hindi siya nito naabutan sa bahay ay siguradong kulong na naman siya ng ilang araw. Sh*t! Napamura si Sky Jewel nang mapansin niya ang nag-iisang bansot na niyog sa lugar na iyon. Palatandaan niya iyon kung gaano na siya kalayo sa mansion. Ibig sabihin, kahit tumakbo man siya ay aabutin pa rin siya ng dilim bago pa man siya makabalik sa mansion. HINIHINGAL at pawisan si Sky Jewel nang sa wakas ay natanaw na niya ang mansion, kung saan ay may hindi mabilang na mga armadong kalalakihan ang nakabantay. But it's too late for her dahil tuluyan nang lumubog ang araw. Wala siyang magawa kundi ang harapin ang parusa na naman niya. She stopped running and took a loud breath. Parang wala sa sarili na napatingin siya dagat. May nakita siyang lalaking nakatalikod at nakalubog ang kalahating katawan sa malalim na parte ng tubig. Medyo madilim na ang paligid ngunit nakikita pa rin niya mula sa kinatatayuan ang matitipunong bisig nito. Naglandas ang tingin ni Sky Jewel pababa sa likod ng lalaki. Ang paghanga sa mga mata niya ay napalitan ng gulat at kaba nang makilala ang nagmamay-ari sa likod na iyon. She could not be wrong! Dahil isang taon na halos puro likod lang nito ang nakikita niya. Boss! Nang sumisid ito ay saka naman dali-dali na naglakad si Sky Jewel papasok sa malawak na gate. Ngunit bago pa man siya makarating doon ay bigla na lang may nagsalita sa di-kalayuan sa kaniya. Muntik na siyang mapatili dahil sa gulat. "You're late." Kahit ang malamig na boses na iyon ay kilala na ng dalaga. Dahan-dahan siyang lumingon dito. "B-Boss..." Hindi naman nito sinasabi ang pangalan kahit ilang beses na siyang nagtanong, gayon din ang mga tauhan nito. Kaya nakiki-boss na lang din siya rito. "I'm sorry if I'm late. Napasarap lang ang pamamasyal ko. Ang sarap kasi ng hangin..." Ang haba pa ng ipinaliwanag ni Sky Jewel para lang hindi siya parusahan nito. Pero kahit isang salita ay wala siyang narinig na sagot ni Boss. Nakatago rin sa dilim ang mukha nito kaya hindi niya nakikita ang reaksiyon nito. Tanging matipunong katawan lang ang bahagyang nasinagan ng liwanag. Wala sa sariling napatitig siya sa katawan ng lalaki na walang ibang suot maliban sa swimming trunks. Tumutulo pa ang tubig mula roon. Napalunok si Sky Jewel nang masilayan na naman niya ang abs nito. At iyon pa talaga ang napansin mo, ha? "Enjoying the view?" untag sa kaniya ni Boss. Kung boses lang ang pagbabasehan, masasabi niyang guwapo ito kahit pa palaging malamig ito kung makipag-usap sa kaniya. She smirked para pagtakpan ang pagkapahiya. "Paano ko ma-e-enjoy ang view kung isang taon nang puro tubig at niyog lang ang nakikita ko sa paligid?" patay-malisya na sagot ni Sky Jewel. "Hanggang kailan mo ba kasi ako balak na ikulong dito? At ano ba talaga ang plano mo sa'kin? I've been staying here for a year now." Boss did not reply. Isang taon na itong pipi sa tuwing itinatanong niya ang tungkol sa bagay na iyon. Kahit ang mga tauhan nito ay halos kibuin-dili rin si Sky Jewel. Sa loob ng isang taon ay bilang na bilang lang niya ang mga oras nakausap niya ang mga ito. Lalo na si Boss. Na kung hindi pa niya gagalitin, aasarin o pipikunin ay hindi siya kikibuin. Malapit na nga siyang mapagkamalan na baliw dahil sarili na lang niya ang kinakausap palagi. Kumakanta na lang siya kahit boses-palaka siya para lang hindi siya mapanisan ng laway. Ang ikinaganda lang niyon, halos lahat ng tao sa islang iyon ay mga Pinoy. Naiintindihan siya ng mga ito kahit hindi siya sinasagot. Maging si Boss ay siguradong isang Pinoy din. Magaling itong mag-Tagalog. "Kung ayaw mo akong pakawalan, sabihin mo man lang sana sa'kin kung ano ba talaga ang plano n'yo sa'kin. At kung ano ang dahilan bakit n'yo ako kinidnap." Hanggang ngayon ay punong-puno pa rin siya ng katanungan. "Hindi naman mukhang kidnap for ransom ito. Kasi halata namam na hindi hamak na mas mayaman ka sa'kin." Hindi rin niya masabi na balak siya nitong pagsamantalahan dahil hanggang ngayon ay wala naman itong ginawa para masabi niya iyon. In fact, si Sky Jewel pa nga itong hindi mapigilan na tingnan ang katawan ni Boss kapag nakahubad. Katulad ngayon. Muli siyang napatitig sa mukha nito kahit kadiliman lang ang napala ng mga mata niya. Talagang once a blue moon lang ito kung magsalita. "Kung ayaw mo akong pakawalan, sabihin mo na lang sa'kin kung ano ang ginawa n'yo sa Mommy Crisanta ko. Kung okay lang ba siya," parang tanga na pagpapatuloy ni Sky Jewel dahil hindi naman sumasagot ang kausap. "At kung ano na ang nangyari sa bahay namin na tinadtad n'yo ng bala?" Nang hindi pa rin ito sumagot ay bigla na lang siyang nag-walk out. At hindi papasok sa gate kundi patakbo sa dagat nang may marinig siyang parang ugong ng speedboat. "Help! Help me! Hey, help!" malakas na sigaw niya habang nananakbo. At bago pa man makarating sa tubig ang mga paa ni Sky Jewel ay may malakas na kamay na ang humawak sa pulsuhan niya. Pinigilan siya nito at walang ano-anong isinampay sa balikat nito. Para lang siyang sako ng bigas kung bitbitin ng lalaki. Napakapit siya sa matigas na braso nito nang wala sa oras. Lalong hindi naging kumportable ang dalaga sa paraan ng pagbitbit sa kaniya ni Boss nang malamang nakaharap pala siya sa likuran nito at tanaw niya ang matambok nitong puwitan. Ayaw nga pala nitong ipakita ang mukha sa kaniya kaya palagi siyang patiwarik kung bitbitin nito sa tuwing nahuhuli siya na tumatakas. "Ibaba mo na ako, please. Nahihilo na ako," pakiusap niya rito. "Hindi naman totoo na tatakas ako, eh. As if naman na magagawa ko iyon? Gusto lang kitang inisin para magsalita ka." Walang imik na naglakad lang ito papasok sa gate. Narinig niya na binati ito ng mga tauhan na nakabantay roon. Naramdaman naman ng dalaga na tumango lang si Boss. Nilagpasan nito ang mga tauhan at saka dire-diretso sila sa medyo madilim na bakuran. At paanong hindi didilim? Eh, iilan lang ang ilaw sa mansion na iyon. Palagi pang nakapatay. Pili lang ang puwedeng buksan kapag naroon si Boss. Hindi naman niya iyon basta-basta mabubuksan dahil naka-voice command ang karamihan sa mga ilaw sa bahay na iyon. Malawak pero madilim na receiving area ng mansion ang sumalubong sa kanila. Pabagsak siya nitong ibinaba sa sofa. "Hindi naman talaga ako tatakas, eh. Prank lang 'yon," katuwiran na naman ni Sky Jewel bago pa magdeklara ng parusa niya si Boss. "Go back to your room now, woman," seryosong utos nito sa kaniya at hindi man lang niya maaninag ang mukha kahit anong sikap niya. "'Wag mong ubusin ang pasensiya ko dahil hinding-hindi mo magugustuhan ang parusa ko kapag nagkataon." Sa halip na matakot ay napangiti pa si Sky Jewel. Sa loob ng isang taon ay iyon na yata ang pinakamahabang narinig niya kay Boss. "There. Nagsalita ka rin," nakangisi pa niyang sabi bago tumayo mula sa sofa at sundin ang utos nito. Gusto niyang isipin ng mga ito na napagod na siyang manlaban at pagsubok-subok na tumakas sa loob ng isang taon kaya minsan ay bait-baitan siya sa mga ito. Lalo na kay Boss. Pero sa likod ng isip ni Sky Jewel ay may plano siya na matagal na niyang binuo at kumukuha lang siya ng tamang tiyempo. Kaya lang ang tanong, kailan iyon mangyayari at gaano iyon kasigurado?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD