CHAPTER 3

1653 Words
PAGKATAPOS mahiram ang tsinelas ni Asyong ay bumalik na sa loob ng mansiyon si Reese. Pero nang mapadaan siya sa dirty kitchen at nakita niya ang maitim na kaldero ay pinahid niya roon ang kaniyang palad at saka ipinahid naman sa mukha at damit niya. Paalis na sana ang binata nang mapadaan siya sa sala at naroon ang kaniyang pamilya. "Hey, Reese! What did you do to my handsome face?" tungayaw ng ka-quadruplet niyang si Tucker. "Mukha kang pulubi." "Mahirap lang pero hindi pulubi," agad naman na depensa niya na ngingiti-ngiti lang. Ni hindi niya pinansin ang pagrereklamo din ng dalawa pa nilang ka-quadruplet na kamukhang-kamukha niya dahil identical sila. "Saan ba kasi ang lakad mo, Anak?" tanong sa kaniya ng inang si Mommy Reza at halata ang pigil na tawa sa mukha. "Eh, tapos naman na ang Ati-Atihan, ah." "Manliligaw po ako, Mom. Liligawan ko uli si Ganda," sagot niya at nginitian ang ina. Natatawa na iiling-iling lang si Mama Reza. "Hindi naman ako tututol dahil maganda at mabait naman ang batang iyon. Masipag pa. Pero ihanda mo lang ang sarili mo dahil usap-usapan na ayaw daw no'n sa mayayaman at playboy pa na gaya mo. Ikaw rin, baka ma-basted ka lang uli." "Kaya nga po ganito ang hitsura ko, eh," may pagmamalaki na itinuro pa ni Reese ang sarili. "At tumigil na rin ako sa pambabae simula nang makita ko siya." "That is so stupid," paghihimutok na naman ni Tucker. "Paano kung may makakita sa'yo na babaeng may gusto sa'kin at mapagkamalan kang ako? Isipin pa ng mga iyon na ang weird ko." "Weird agad? Hindi ba puwedeng in love lang?" "Sino'ng in love?" Ang kanina'y matamis na ngiti sa mga labi ni Reese ay unti-unting naglaho nang marinig niya ang boses ng ama mula sa kaniyang likuran. "Itong binata mong bakasyunista. Aakyat daw uli ng ligaw kay Ganda," nangingiting sagot ni Mama Reza sa asawa. Mayamaya pa ay nakatayo na si Daddy Kieran sa harapan ni Reese. Pilit niyang itinago sa lahat ang biglang pagbabago ng anyo niya habang kaharap ito. "Wala namang masamang gawin ang lahat para sa pag-ibig. Basta wala kang nasasaktan na ibang tao," nakangiting payo nito sa kaniya at saka tinapik ang magkabilang balikat niya. "Okay?" "Yes, Dad," walang kangiti-ngiti na sagot ni Reese. Kapagkuwan ay pasimple siyang lumayo rito para maalis ang dalawang kamay nitong nakapatong sa mga balikat niya. Pagkatapos ay nilingon niya ang ina. "Alis na ho ako, Mom. Wish me luck," at saka lang bumalik ang ngiti niya. "Good luck, bro! Wala ka sanang makasalubong na mga aso sa daan," pahabol pa ni Tucker sa tonong nang-aalaska. Nang marinig ang salitang "aso" ay napatigil sandali si Reese. Saglit siyang pinanginigan ng mga tuhod. Pero walang makakapigil sa kaniya sa pag-ibig niya kay Ganda. Kahit aso pa! MEDYO malayo-layo rin ang kubo nina Ganda mula sa mansion. Nasa dulo na ito ng Hacienda Ramona. Kaya pala hindi niya ito kilala. Hindi kasi siya nagagawi roon sa tuwing nagbabakasyon siya rito. At nauubos na raw ang nilalako nitong lumpiang shanghai bago pa makarating sa lugar nila. Pero dahil nga gusto niyang magmukhang maralita kaya hindi na nagdala ng kotse si Reese at nagtiyagang maglakad. Punong-puno siya ng kumpiyansa sa sarili kahit para siyang gusgusin na naglalakad sa gitna ng mataas na sikat ng araw. Ngunit kung kailan tanaw na niya ang bahay ni Ganda ay saka naman biglang may itim na tuta ang sumalubong sa kaniya. Kinahol nang kinahol siya nito at ganoon na lang ang takot ni Reese. At nang tumakbo ito papunta sa kaniya ay muntik na siyang mahimatay. Mabuti na lang at nakatakbo siya agad at eksakto namang may puno ng aratiles sa di-kalayuan. Umakyat siya roon. "Damn!" napamura siya nang muntik na siyang mahulog nang mabali ang sangang hinawakan niya. Para siyang unggoy na lumambitin doon. At ang makulit na tuta ay ayaw pa rin siyang tigilan sa pagkahol kahit nasa itaas na siya. Paano siya nito makakapanligaw kay Ganda? "Shoo! Shoo!" mayamaya ay pagtataboy niya sa tuta na mukhang walang balak na lubayan siya. Umupo pa talaga ito sa ilalim ng puno ng aratiles hanggang sa mapagod ito sa pagkahol sa kaniya at nakatulog. Sinamantala iyon ni Reese para dahan-dahan na bumaba. Sa totoo lang ay buwis-buhay ang ginawa niyang iyon. Malapit na sana siyang makababa nang biglang may sumigaw nang malakas mula kung saan, dahilan para magising na naman ang tuta. Napatingala ito sa kaniya at kinahol na naman siya. Napabalik na naman tuloy sa itaas ng puno si Reese. Dahil ayaw siyang tantanan nito kaya nagtiyaga muna siya roon habang tinatanaw ang bahay ni Ganda. Nanakit ang kaniyang leeg sa kahihintay na lumabas ito. Masilayan lang niya ang ganda nito, kompleto na ang araw niya! Mayamaya ay nakita niya ang stepfather ni Ganda na lumabas mula sa kubo. Nanlaki ang mga mata ni Reese nang makitang hila-hila nito ang crush niya habang umiiyak at nagpupumiglas. "Tsong, parang awa n'yo na ho! Huwag n'yo akong dalhin doon. Magluluto na lang ako at magtitinda ng maraming lumpia para marami akong maibigay na pera sa inyo ni Nanay. Basta huwag n'yo lang akong ibenta sa club," mula sa kinaroroonan ay narinig ni Reese na pagmamakaawa ni Ganda. Galit na napakuyom si Reese. Ngali-ngaling tumalon siya mula sa puno ng aratiles kung wala lang sana roon ang tuta na nakita niyang nginangatngat pa ang Spartan na tsinelas ni Asyong hanggang sa naputol ang strap niyon. "Hey, you! Stop doing that!" Sa inis niya ay namitas siya ng mga bunga ng aratiles at pinagbabato iyon sa tuta. Pero sa halip na umalis ay nilaro pa nito ang mga iyon na animo'y nagsa-soccer. Nang makita ni Reese na pati ang ina ni Ganda ay nagagalit na rin dito ay lalong naging helpless ang pakiramdam niya. Mabuti na lang at biglang dumating ang isa pa nilang kaibigan ni Asyong at best friend ni Ganda, si Buboy. "Hey, 'tol!" malakas na tawag niya rito. Papunta yata ito sa bahay ni Ganda. Palinga-linga naman sa paligid si Buboy at hinahanap ang tumatawag dito. Bigla itong napabunghalit ng tawa nang makita siya. "Hoy, gago! Ano ang ginagawa mo diyan? Unggoy ka na ba ngayon?" pang-aalaska nito sa kaniya habang palapit sa puno ng aratiles na kinaroroonan niya. Nakalapit ito na hindi man lang kinakahol ng tuta. Sumalubong pa ito kay Buboy at dinila-dilaan ang luma at punit-punit na pantalon ng kaibigan niya. "Nandito ka lang pala, Bantay. Kanina pa kita hinahanap, eh." Nanlaki ang mga mata ni Reese sa nakita. "Gago ka talaga! Tuta mo pala 'yan?" "Oo!" sagot ni Buboy na binuntutan nito ng malakas na tawa. "Inutusan ko talaga 'to para takutin ka." "Asshole!" Binato niya ito ng mga bunga ng aratiles. Dinampot din ni Buboy ang mga bungang ibinato niya sa tuta nito kanina at ibinato pabalik sa kaniya. "Sira-ulo ka rin!" Mayamaya ay natigil ang pagbabatuhan nilang dalawa nang makita nilang pilit na isinasakay ng stepfather nito sa Ganda sa isang lumang pick up truck. "'Tol, tulungan mo si Ganda!" "Ayoko nga! May baril ang hayop na Piko na 'yan. Mabaril pa ako." Tiningala siya nito. "Bakit hindi ka bumaba diyan at ikaw ang tumulong? May gusto ka sa kaniya, 'di ba?" Tiningnan niya ito nang masama. "Kung wala lang ang tuta mo na iyan, kanina pa sana ako nakababa rito." "Iyon lang pala, eh." Kinuha ni Buboy ang aso nito at saka binuhat. Nang makita ni Reese na malapit nang maisakay sa pick up truck si Ganda ay nagmamadali na bumaba sa puno ng aratiles si Reese. Ngunit sa kamalas-malasan ay natusok sa sanga ang kaliwang braso niya. Na-out-of-balance siya at nahulog. At bigla na lang siyang nawalan ng malay... MARIING napapikit si Reese matapos sariwain ang alaalang iyon. Wala sa sarili na napatingin siya sa kaliwang braso niya na may peklat. Hindi iyon nawala kahit labindalawang taong na ang lumipas. Kung paanong hindi rin naghilom ang sugat sa kaniyang puso na dulot ng masakit na kahapong iyon. Pagkatapos mag-shower at magpalit ng damit ay lumabas na sa washroom si Reese at bumalik sa kaniyang opisina. Naabutan niya si Yassi na nakabihis na rin at nagre-retouch ng make up nito. She's undeniably pretty and sexy. At hindi na iyon nakapagtataka dahil dati itong commercial model ng isang slimming product. Pero iniwanan ang magandang career para maging assistant secretary niya. Isang buwan na rin itong nagtatrabaho sa kaniya at sa loob ng mga panahong iyon ay hindi nabakante ang opisina ni Reese sa mainit nilang pagtatalik. Pero mabilis humupa ang attraction niya sa isang babae. Kaya one month lang ang time frame niya para magpalit. Nililinaw din niya iyon sa bawat babaeng nagiging fling niya at hina-hire niya bilang assistant secretary. Na ang ibig sabihin ng "assistant secretary" para sa kaniya ay babaeng magbibigay sa kaniya ng aliw kapag napapagod at nababagot na siya sa opisina sa maghapong trabaho. "You're fired." Natigilan ang babae at lumingon sa kaniya. "W-what?" "I said you're fired." Tuluyan na itong humarap sa kaniya. "Pero hindi pa tapos ang six month contract ko as your assistant secretary, Sir." "But you know the deal," balewala niyang sabi at saka bumuga ng marahas na hininga. Matalim ang tingin na ipinukol sa kaniya ni Yassi at saka galit na dinampot ang mga gamit. "You're a jerk!" bulyaw pa nito sa kaniya bago nagdadabog na lumabas ng opisina niya. Nang makaalis ang babae ay iiling-iling na pinindot ni Reese ang intercom para kausapin ang executive assistant niya. Kailangan nang mapalitan lahat ng mga gamit niya sa office na may bakas ni Yassi. Dahil siguradong sa susunod na araw lang ay panibagong assistant secretary na naman ang makakapiling niya roon. Katatapos lang niyang kausapin ang executive assistant nang makatanggap siya ng text message. Lumiwanag ang mukha ni Reese nang mabasa ang nilalaman niyon. Kahit ang puso niyang tila piniga kanina ay unti-unting lumuwag at sunod-sunod na tumibok nang mabilis. We already found her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD