CHAPTER 5

2834 Words
NANLALAGKIT ang pakiramdam ni Sky Jewel dahil sa maalat na hanging nasagap ng katawan niya sa dalampasigan kanina. Kaya pagkapasok na pagkapasok niya sa kuwartong doble yata ang laki sa kuwarto niya noon sa Antipolo ay gusto na agad niyang maligo. Tinungo niya ang pintuan ng banyo. Sumalubong sa kaniya ang modernong disenyo na halos puti ang ang mga imported tiles na ginamit. Soundproof ang buong lugar na iyon. May free standing soaking tub pa na nakapuwesto malapit sa bintana. Mamahalin kahit ang disenyo ng glass panelling and partitions. May makikita rin na malaking vanity mirror na kumpleto sa necessities at novelties gaya na lang ng mga branded lotions, mamahaling pabango, at kung ano-ano pang kailangan ng isang babae sa katawan. Sky Jewel almost smiled. Sa sobrang mamahalin ng mga iyon, ang iba roon ay ngayon lang niya nakasalamuha. Kahit pa isa siya sa itinuturing na pinakasikat na runway model sa buong mundo at anak pa ng isang multi-millionaire. Hindi rin boring ang disenyo ng toilet na naroon. In fact, maituturing na iyon ni Sky Jewel na smart toilet. Dahil bukod sa bidet, air dryer, heated seat, at lights, naka-touchless flushing na rin, automatic deodizer, at motion-activated ang lid at upuan. The floors were also heated which provide a consistent temperature throughout the room. Mayroon ding fireplace sa loob ng banyong iyon. May nakabukod talaga na seating area para puwede kang mag-relax bago o pagkatapos magbabad sa bath tub. Ngunit higit na nakakalula ang pagkakaroon niyon ng home spa. Kumpleto iyon mula sa hot tub, sauna, steam room, massage room at changing area. Kaya kahit isang taon siyang nakakulong doon ay nakakapag-relax pa rin si Sky Jewel. Nakatulong iyon para mabawasan ang kalungkutan at pag-aalala niya. Bago tinungo ang double shower para maligo ay dumaan muna sa kitchenette ang dalaga at nagtimpla ng kape. Pang-apat na tasa na niya iyon simula kaninang umaga. Iyon ang isa sa mga addiction ni Sky Jewel na hindi niya kayang pigilan. Dinala niya ang tinimplang kape sa balcony kung saan ay may isa pang bath tub. Best spot iyon para sa kaniya kapag nasa loob siya ng banyo. Lalo na kapag gabi. Nakakapag-stargazing siya mula roon habang nagkakape o kumakain ng snacks. Sino ang mag-aakala na sa liblib na islang iyon ay may ganoon ka-modernong bahay? At kung sino man ang may-ari niyon, siguradong hindi lang milyonaryo kundi isang bilyonaryo. Ibig sabihin, ganoon kayaman si Boss? Kung hindi pera, ano nga kaya ang totoong pakay nito sa kaniya? Posible kayang..? Sky Jewel emphatically shut her eyes. Sa ngayon ay hindi iyon ang primary reason na iniisip niya. Dahil naniniwala siya na kagagawan ito ni Romualdo Sanchez. Isa itong Filipino-Mexican businessman na mahigpit na kalaban ng ina niyang si Crisanta. Ang ipinagtataka lang niya, isang multi-millionaire lang din ang matandang iyon gaya ng ina niya. Paano nito nagawang utusan ang katulad ni Boss na triple ang yaman? Hindi kaya dahil magkasama sa sindikato ang mga ito? Noong una pa man ay alam na ni Sky Jewel ang mundong ginagalawan ng grupo ni Boss. Sa klase pa lang ng mga kasuotan at mga armas ng mga ito ay parang mga miyembro na ng isang triad o ng isang gang o kaya ay ng isang mafia. She smirked bago sumimsim ng kape sa tasa. Kaya hindi niya lubos na mahangaan ang kayamanan ni Boss, eh. Dahil siguradong galing iyon sa masama. FEELING fresh na si Sky Jewel nang lumabas siya sa banyo. Halos dalawang oras yata siyang nanatili roon. Iyon na palagi ang routine niya. Wala naman kasi siyang makausap sa labas. Mas mabuti pa sa loob ng banyong iyon at nakakapag-relax pa siya. Maliban sa maiksi at puting bathrobe ay wala nang ibang suot si Sky Jewel nang tunguhin niya ang walk-in closet. Bahagyang nakalabas din ang kaniyang makikinis na dibdib at mga hita. Pakembot-kembot at nagha-hum pa siya nang pumasok siya roon. Ngunit gayon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang nakabukas lahat ng cabinet at drawers. Wala ni isang damit ang natira at nagkalat pa sa sahig ang ibang kagamitan niya. Para iyong ni-ransack! At nang tingnan ni Sky Jewel ang mga drawers ay lalo siyang napamulagat nang malaman na kahit ang mga undies niya ay nawawala rin. Wala siyang nakikita ni isa na puwedeng isuot. Naningkit ang mga mata niya. Iisang tao lang ang naiisip niya na puwedeng gumawa niyon sa kaniya. Siguradong gumaganti ito sa ginawa niya kanina. Humahangos na lumabas ng kuwarto niya ang dalaga. Tinahak niya ang malawak at mahabang hallway ng ikalawang palapag na iyon. Sa sobrang lapad niyon ay puwede nang magbisekleta patungo sa master's bedroom. Nakasalubong niya ang isa sa mga tauhan ni Boss. Matangkad ito at guwapo. Pero hindi Pinoy. Isa yata itong Canadian dahil sa accent. Pero isa ito sa napakaraming tauhan ni Boss na paminsan-minsang gumaganti sa mga ngiti ni Sky Jewel. "Where's Boss?" kalmadong tanong dito ng dalaga. Ayaw niyang ipakita rito ang inis at baka pati ito ay maging suplado na rin sa kaniya. Hindi bale nang hindi siya kinakausap nito. Malaking bagay na iyong may kangitian siya kahit papaano. "Is he in the master's bedroom? I want to see him." Ang akala ni Sky Jewel ay pipigilan siya nito nang maalala niyang rule number one nga pala sa bahay na iyon ang bawal pumasok sa master's bedroom ang kahit sino maliban kay Boss. Pero tumango lang ang lalaking nakaitim na tuxedo at may bitbit na namang armalite. "Thanks." Matipid na ngumiti siya rito at ganoon din ang iginanti nito bago siya tinalikuran. Ngunit bago iyon ay napansin niyang saglit itong napasulyap sa cleavage niya pero agad din namang nag-iwas ng tingin. Itinuloy ni Sky Jewel ang mabilis na paglalakad patungo sa master's bedroom. Nasa tapat na siya ng pinto niyon nang bigla siyang mapalingon sa kanan niya. Muntik na siyang mapasigaw nang makitang nakatayo roon ang matangkad at guwapong lalaki na Pinoy din at sa hula niya ay nagsisilbing kanang kamay ni Boss. Ito kasi ang palaging kausap at pinagbibilinan ng huli sa tuwing umaalis ito. In short, ito ang nagsisilbing mayordomo sa mansiyon na iyon. At ito rin ang lalaking narinig niya noon na nagsalita sa loob ng mansiyon nila sa Antipolo, noong gabing dinukot siya ng mga ito. Napakuyom si Sky Jewel at nagtagis ang bagang niya pero hindi siya nagpahalata. "Saan ka pupunta?" tanong nito sa pormal na tinig. This man did not even have a friendly bone in his body. Tulad ng boss nito, once a blue moon lang din ito kung ngumiti at magsalita. Lalo na kapag siya ang kaharap. Palagi rin itong may dalang armalite at may nakasabit na magasin sa katawan. Akala mo ay palaging lulusob sa giyera. "To the moon?" pabalang na sagot ni Sky Jewel. May ideya siya na ito ang inutusan ni Boss na mag-ransack sa walk-in closet niya. Dahil batas din sa bahay na iyon na tanging silang tatlo lang ang puwedeng pumasok sa room niya. "Lilipad ka talaga papuntang moon kapag sinubukan mong pumasok diyan sa kuwarto ni Boss. You know the rules." "Wow. Nagsasalita ka pala?" she teased. Kagaya ng amo nito, iyon na rin ang pinakamahabang litanya na narinig niya sa lalaking ito na hindi rin niya alam ang pangalan. Sinisitsitan lang niya ang mga ito kapag gusto niyang tawagin. Pero nahihirapan na siyang humarap sa mga taong walang pangalan. Kaya nagsisimula na siyang mag-isip ng palayaw na ibibigay niya sa mga ito. "Papasok ako sa loob. Kailangan kong kausapin si Boss dahil wala akong maisuot," nakikiusap na ang tono niya. Balik na naman siya sa pagbabait-baitan sa mga ito. "No." "Yes." Hindi ito sumagot at tiningnan lang siya ng may pagbabanta nang hawakan niya ang doorknob. "Pipihitin ko na ito." Pinandilatan lang siya nito ng mga mata. "Bubuksan ko na talaga at papasok na ako sa loob." Ganado pa sana siyang asarin ang masungit na lalaki nang ambahan siya nito ng armalite. Mabilis pa sa alas kuwatro na inalis niya ang kamay sa doorknob at napaatras ng dalawang hakbang mula sa pinto ng master's bedroom. "It's a prank," sabay sabi ni Sky Jewel. Napansin niya na parang napahinga ito nang malalim at ibinaba na ang hawak na armalite. Pero kung inaakala nito na sumusuko na siya, well, iyon ang malaking pagkakamali nito. Dahil hindi siya papayag na magpakalat-kalat sa mansiyon na iyon na walang maayos na suot. "Papasukin mo ba ako o maghuhubad ako rito," kapagkuwan ay panakot niya sa kanang kamay ni Boss at inumpisahang kalasin ang tali ng robe niya. Hindi ito nagsalita at itinutok na naman sa kaniya ang baril. Pero hindi nagpasindak ang dalaga. She knows he cannot really do that. Dahil kung gusto siyang patayin ng mga ito, dapat ay noon pa. Hindi na sana siya umabot ng one year sa piling ng mga abnormal na ito. "Sige ituloy mo. At ituloy ko rin ang paghuhubad." Tuluyan nang nakalas ni Sky Jewel ang tali ng bath robe niya at isang hawi na lang ay siguradong makikitaan na siya. Wala naman siyang balak na ituloy iyon. Sinusubukan lang niya ang lalaking ito. "Ano? Papapasukin mo ba ako o maghuhubad ako dito?" Akmang hahawiin na niya ang suot nang biglang sumigaw ito. "Sige na nga!" Napangiti si Sky Jewel at mabilis na ibinalik sa pagkakatali ang bath robe niya. "Bibigay naman pala, eh. Pinatagal pa..." Ang sama ng tingin nito sa kaniya bago halatang napipilitan na binuksan ang pinto ng master's bedroom. Hindi iyon naka-lock kaya pala ganoon na lang ang takot nito kanina nang akmang bubuksan ni Sky Jewel. "Boss is just in the bathroom. Sasabihin ko lang sa kaniya na nandito ka. At huwag na huwag kang umalis diyan sa kinatatayuan mo." Masama pa rin ang tingin na iniwan sa kaniya ng lalaki bago ito umalis. Sinundan naman ng tingin ni Sky Jewel ang pinto na pinasukan nito. Wala siyang balak na maghintay nang matagal doon. Bihis na bihis na siya. Kabag ang abutin niya nito kapag hindi agad siya nakapagsuot ng kahit undies man lang. Mula sa kinatatayuan ay naulinigan niya na nag-uusap ang mag-boss. Hindi na nga siya nakapaghintay at nagmamadali na sinundan ang pinto na pinasukan ng lalaki. Nakikita niya na maliwanag doon. Ito na kaya ang pagkakataon niya para makita ang mukha ni Boss? She did not know why. Pero bakit parang na-excite siya bigla? Ngunit ang excitement na iyon ni Sky Jewel ay hindi rin nagtagal dahil agad na namatay ang ilaw sa loob ng banyo nang pumasok siya roon. Naiwang nakabukas ang nag-iisang dim light na nasa balcony pa. Bagaman at naaninag pa rin niya ang lalaki na nakatayo sa isang sulok. Pero ang hindi inaasahan ng dalaga ay nang makita niya si Boss na nagmamadaling bumalik sa jacuzzi. Inilubog nito ang kalahati ng hubo't hubad na katawan sa tubig. Bandang ibabang parte lang ng katawan nito ang abot ng malamlam na ilaw kaya bigo na naman si Sky Jewel na makita ang mukha nito. Pero hindi niya napigilan ang matawa nang makitang nakasapo ang dalawang kamay ni Boss sa pagkal*l*ki nito. Ngunit agad din niya iyong itinigil bago pa man ito mapikon uli sa kaniya. "I'm naked. So leave," he commanded her in a deep baritone voice. "No. Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nag-uusap," may determinasyon sa boses niya. Pero d-in-edma na naman siya ni Boss. Tahimik itong nakahawak pa rin ang dalawang kamay sa pagkal*l*ki nito. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nitong itago iyon. May pagka-shytype pala ang lalaking ito? Baka naman maliit kaya nahihiyang ipakita? O baka sobrang laki at ayaw niyang himatayin ka kapag nakita mo? paglalaban ng isip ni Sky Jewel. "Aalis ka ba o hindi?" mayamaya ay untag nito sa kaniya, mababakas sa boses ang iritasyon. "Hindi nga ako aalis hangga't hindi tayo nag-uusap," giit niya. "Kanina pa tayo nag-uusap pero wala ka namang sinasabi kung ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin. Sinasayang mo lang ang oras ko." Lihim siyang napa-wow dahil sa mahabang sinabi na naman ni Boss. Iyon nga lang, may galit na sa boses nito. "Bakit mo pinakialaman ang walk-in closet ko? At bakit kinuha mo lahat ng mga damit ko?" agad niyang sabi bago pa siya nito ipakaladkad sa kanang kamay nito na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa likuran niya. Nagbabantay. As if naman, kaya niyang saktan ang Boss nito. "That's your punishment for trying to escape again," mababakas ulit sa boses nito. "Pero prank nga lang 'yon. Hindi ka naman mabiro," mababa na ang boses ni Sky Jewel. Nagsisimula na siyang kabahan at mag-alala. Walang sinasabi si Boss na hindi nito tinutupad. Tahimik na naman ito. Mukhang walang balak na bawiin ang sinabi kahit pa isulat niya sa noo nito na biro nga lang talaga iyon. "Kung ganoon, hahayaan mo lang akong magpakalat-kalat dito sa mansion mo na naka-bath robe? Na wala man lang suot na bra at panty?" Narinig niya na bahagyang napaubo sa likuran niya ang kanang kamay nito. Samantalang nanatiling kalmado naman si Boss. Maliban sa tubig na nakita nakita niyang medyo gumalaw. "At hanggang kailan mo ako hahayaan na ganito?" parang maiiyak nang tanong uli ni Sky Jewel kahit wala namang sumasagot sa kaniya. Katahimikan uli ang namayani sa paligid habang nag-iisip si Sky Jewel kung paano na naman niya mapagsalita si Boss. At kung paano niya magawang ipabawi rito ang parusa sa kaniya. "Kapag hindi mo ibinalik sa'kin ang mga damit ko, maghuhubad ako rito." Ginamit niya kay Boss ang panakot niya sa kanang kamay nito kanina. At hiling niya na sana ay effective din iyon. Hinawakan na rin niya ang tali ng suot na roba. "Ano? Gagawin ko na talaga." "You can leave now," sa halip ay narinig niyang wika ni Boss sa seryosong boses. "Hindi nga ako aalis hangga't—" "I'm not talking to you," parang napipikon nang sagot ni Boss. At nang maramdaman ni Sky Jewel ang mga yapak sa likuran niya palabas ng banyo ay saka lang niya na-gets na ang kanang kamay nito ang pinapaalis at hindi siya. Nakaramdam siya ng kaba nang silang dalawa na lang ni Boss ang naiwan. Lalong kumabog ang dibdib niya nang makitang sa wakas ay inalis na nito ang dalawang kamay na nakahawak sa pagkal*l*ki nito. Namilog ang mga mata niya nang malamang tama ang huling hinala niya kanina. Nakamamatay nga ang sobrang laki niyon! At bago pa man siya mahimatay ay mabilis nang tumalikod si Sky Jewel nang makitang akmang aahon mula sa tubig si Boss. Para siyang nanigas sa kinatatayuan nang maramdaman niya ang presensiya nito na palapit na sa kaniyang likuran. Sinundan pa iyon nang tuluyang pagdilim ng paligid. Pinatay pala nito ang natitirang ilaw sa banyo. "H-huwag kang lumapit sa'kin," halos paos niyang pakiusap. Pero hindi sumagot si Boss at lalong hindi ito nakinig sa kaniya. Dahil patuloy pa rin niyang naririnig ang papalapit nitong mga yapak. "Take off your robe." Napalunok si Sky Jewel nang sa wakas ay narinig niya uli ang boses ng lalaki. Nanuyo kahit ang lalamunan niya. "W-what if I don't?" "Then I will. And dont try me, woman. Hindi ako nagbibiro." Ilang beses siyang napalunok ng laway. Ramdam niya sa boses ni Boss na seryoso nga ito. Siguradong totohanin talaga nito ang paghubad sa kaniya at baka mahimatay na talaga. "No one has dared to challenge me yet," tumalim ang boses ng lalaki at naramdaman niya na tuluyan na nga itong nakalapit sa likuran niya. Baka isang hakbang o dangkal na lang ang pagitan nila. Damang-dama na kasi niya ang init ng katawan nito. Mariin siyang napapikit at mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ni Sky Jewel. Ano ba kasi ang nakain niya at pati ang Boss ay hinamon niya? Pero kailangan na niyang mamili sa choices na ibinigay nito. Knowing him, lalo itong nagagalit kapag pinaghihintay. Baka madagdagan na naman ang parusa niya. Hinawakan na ni Sky Jewel ang tali ng bath robe niya. Handa na siyang maghubad sa harapan nito. Tutal, madilim naman ang paligid. Iilan lang ang naaninag niya na natatamaan ng malamlam na ilaw mula sa kuwarto. Pinatay kasi ng kanang kamay nito ang ibang ilaw bago ito lumabas. "I don't like waiting. I'm so impatient. And you know that," dagdag pa ng lalaki. Siya naman ngayon itong nawalan ng sasabihin. "Ito na nga, o. Maghuhubad na. Atat naman masiyado 'to..." Pikit-mata at pilit nilalabanan ang kaba na dahan-dahang kinalas ni Sky Jewel ang pagkakabuhol ng bath robe niya. Hanggang sa namalayan niyang tuluyan na iyong nalaglag sa sahig. Nagbuhol-buhol ang kaniyang hininga at nagtaasan ang kaniyang balahibo nang maramdaman niyang may malapad na dibdib ang dumikit sa likod niya at mainit na hininga na tumama sa likod ng tainga niya. Boss... sambit na lang niya sa isip dahil siya naman ngayon ang biglang napipi. She felt cold. Hindi niya alam ang gagawin. Gayon man, pakiramdam ni Sky Jewel ay pinagpapawisan siya nang malapot. Para siyang kinakapos ng hininga. "P-please don't..." she almost begged nang maramdaman niyang may malalambot na labi ang lumapat sa earlobe niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD