CHAPTER 43-PRESENT TIME: WELCOME TO ISLA BELLA, SKY JEWEL!

3924 Words

Present time... MARAHAS na napabuntong-hininga si Ganda. Ngayon na lang niya uli malinaw na naalala ang nakaraan na iyon. Napakuyom siya nang maramdaman niya ang kirot sa kaniyang dibdib. Ngayon lang din muling nanumbalik ang takot niya nang araw na iyon. Sumabog ang sasakyan. Pero masuwerte na mukha lang niya ang inabot ng apoy dahil bumagsak na siya sa tubig. Mabuti rin at hindi siya sa malalaking bato tumama. Bagaman at hindi niya alam kung anong himala ang nangyari na nabuhay pa siya sa kabila ng malakas na agos ng tubig na tumangay sa kaniya. Nagising na lang si Ganda na nasa ospital na siya. Napulot pala siya ng isang biyuda na nagmamay-ari ng isang resort sa Bacolod. Si Crisanta Dela Vega. Dahil karugtong ng ilog ang dagat na iyon kaya marahil ay doon siya tinangay ng malakas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD