CHAPTER 44—IMBESTIGA PA MORE

1136 Words

TAPOS na silang kumain ng hapunan ni Reese. Kasabay din nila ang pamilya ni Mang Gaston. Nang makita niya ang mabait na pakikitungo ng binata sa mga ito ay napatunayan ni Sky Jewel na hanggang ngayon ay napakabait pa rin nitong tao. Ang pagiging babaero pa rin talaga ang maipipintas lang niya rito. Idagdag na nga niya pala ang pagiging unpredictable na nito. Minsan mabait, minsan naman ay masungit sa kaniya. "Tulungan ko na ho kayo, Aling Rosa," pagpiprisinta ni Sky Jewel nang maabutan niya itong naghuhugas ng mga plato sa kusina. Siya rin ang naghatid doon ng mga pinagkainan nila. Nag-insist siya kahit anong saway sa kaniya nito. Umalis naman kasi agad sina Reese at Mang Gaston dahil may kailangan daw ayusin sa labas, kasama si Ken-Ken. Nakangiti na umiling si Aling Rosa nang ling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD