"GANIYAN ba talaga kayong mga lalaki? Walang ibang gusto sa'ming mga babae kundi katawan?" galit na hinampas ni Sky Jewel si Reese nang makabawi siya. "Perverts!" "Hey, what are you talking about?" natatawang wika nito sa kaniya. "Iniisip mo ba na gusto kong palitan ng s*x ang tulong na ibibigay ko sa'yo?" "Ano pa ba?" He laughed sarcastically. "I have a lot of women to do that for me. Libre at kusa pa," proud na proud pa nitong sabi. Bakit parang pamilyar sa kaniya ang linyahang iyon? "Ang ibig kong sabihin, kailangan ko ang katawan mo para magtrabaho sa'kin dito sa isla. Nasa biglaang bakasyon kasi ang katulong ko." Nakagat niya ang ibabang labi sa pagkapahiya. Iyon naman pala. Siya lang itong green minded. "Talaga? Kailangan lang kitang pagsilbihan? Tapos tutulungan mo na akong