CHAPTER 35

1817 Words

PAUBOS na ang alak na dala ni Reese. Halos isang baso na lang ang natira sa huling bote. Lasing na ang tatlong lalaki. Ganoon din si Ganda kahit huli lang naman siyang uminom at isang baso lang naman yata ang naubos niya. "Sibat na ako. Tatlo na ang paningin ko," mamaya maya ay nabubulol nang wika ni Buboy. Tumayo ito na tutumba-tumba. "Kayo na lang ang umubos niyan at baka dito pa ako magkalat sa sala ni Ganda." "Ayoko na rin. Para na akong masusuka," si Asyong din at sinisinok-sinok na. Luluray-luray na rin itong tumayo. "Kailangan ko pang umuwi at baka hanapin ako ni Tatay." "Uwi na rin talaga ako. Baka nakawin ang ulam kong tuyo sa bahay," sabi uli ni Buboy at saka inakbayan si Asyong. Umakbay din dito ang huli. "Sige, 'tol. Sabay na tayo." "Sabay-sabay na tayong umuwi. Ubusin mu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD