CHAPTER 36

2719 Words

"GANDA?! Ano ang ibig sabihin nito?!" Gulat na napabalikwas ng bangon si Ganda nang marinig niya ang malakas at galit na sigaw ni Nanay Teresita. Sa totoo lang ay kanina pa niya iyon naririnig. Ang akala niya ay panaginip lang. Kaya ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makitang nakatayo na ito sa paanan ng papag. At kasama pa si Tatay Piko na nakahawak sa baywang habang nakatingin sa kanila ni Reese na noon ay mabilis ding napabalikwas ng bangon. "At ikaw naman, lalaki! Ano ang ginawa mo kay Ganda, ha?" Namumula sa galit din ang mukha nito. "Bakit nakahubad iyan?" Lalong namilog ang mga mata ni Ganda nang makitang halos hubo't hubad nga siya. Kaagad niyang hinila ang kumot at itinakip iyon sa kaniyang katawan. "Pinakialaman mo ba ang anak ko, lalaki ka?" Nagkating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD