KINABUKASAN ay naisipan ni Reese na lumabas ng kuwarto. Ilang araw na rin kasi siyang nakakulong roon. At pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nababaliw sa bawat araw na hindi niya nakikita si Ganda o kahit marinig man lang ang boses nito, sa halip na makalimutan ito. Pagbaba niya sa sala ay naabutan niya si Kendra Kiersten na parang may nilalaro na kung ano. She was just fifteen years old and one of the two princesses of their family. Ito at ang ka-triplets nitong sina Krae at Kiegan ang sumunod sa kanilang magka-quadruplet. At dahil dadalawang babae nga lang sa isang dosenang magkakapatid kaya may pagka-spoiled itong si Kendra at ang isa sa bunsong kapatid na si Khloe na may kakambal naman. Triplets din kasi ang sumunod kina Kendra na puro lalaki naman. "Eeny, meeny, miny, moe...