=☆=☆=【Ryan's POV】=☆=☆=
=Highland Valley=
Ang madugong buwan ay simbulo ng madugong labanan. Ito rin ang simbulo na nagpapahiwatig na may mga panibagong karakter na mabubuo at lilitaw.
"Yah! Yah!" Ang lumalabas sa aming mga bibig sa tuwing sinasalo namin ang mga espadang umaatake sa amin. Habang inaatake ko ang aking kaibigan na si Chad Kauffman, hindi ko napansin na ang karakter pala nito na pinangalanan niyang Pearl Peay ay nasaksak sa puso ang aking karakter na pinangalanan ko namang Andrea Holden. Sa sobrang pagka distract ko sa dugong pumapalibot sa katawan ng aking karakter, hindi ko na namalayan na ang espada ni Chad ay nakadikit na pala sa aking leeg,
"The Kauffman's Team!" sigaw ng announcer na nakapwesto na tuktok ng mga manunuod at ang naka rolyong flag ay unti-unting bumababa na nagsisimbulo ng pagkapanalo ng isang team. Ang ibang manonood ay nagsisigawan sa tuwa at ang iba naman ay sa galit.
"Got you!" wika sa akin ng aking kaibigan na nakangiti,
"You're really good at it! Don't worry; I'll get you next time. I'll make sure to create a character that is way better than yours." pagbabanta ko sa kaniya sabay tawa kaming parehas.
"I'll wait!" mayabang naman nitong sagot. Muli kaming nagtawanan at nilisan ang Arena Battleground at iniwan ang sugatan kong karakter.
Namamangha talaga ako sa karakter na binuo ng aking kaibigan na si Chad. Sa sobrang galing ng pagsasanay na ginawa niya sa karakter niya ay pati ang karakter ng kapatid niyang si Charles Kauffman ay hindi ito matalo.
Umuwi na ako at pumunta sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking mahiwagang papel at ang aking panulat na baston.
Isinulat ko ang lahat ng mga gusto kong katangian na mayroon ang aking bagong magiging karakter. Gusto kong mahigitan pa ang karakter na mayroon ang aking kaibigan na si Chad.
To the wizard,
Please grant me a character that has long curly hair with an eye shaped like an almond. Sapat lang ang height na hindi tataas pa sa akin. I want a strong one. Yung hindi umaatras sa labanan.
That's all. I'll train it on my own.
Inirolyo ko na ang mahiwagang papel at iniabot sa isang itim na kuwago o mas kilala sa tawag na Ascalpus na nag-aantay sa labas ng aking bintana.
Nang maiabot ko ito ay nagpalit lang ako ng suot at lumabas din ng kwarto. Inaantay na ako ng aking mga kaibigan. Sa pagtatapos ng paligsahan ay tradisyon na pumupunta kami sa isang nakakasabik na Shadow Bazaar kung saan sa isang taon ay dalawang beses lang ito nagpapakita.
Dito mabibili ang iba't-ibang klase ng espada na may basbas ng mga makapangyarihang faerie. Ang paligid ay punong puno ng iba't ibang klase ng makapangyarihang kagamitan. May mga potion rin ditong mabibili na hindi mabibili sa kung saan saan lang.
Ito talaga ang pinaka-inaantay ng lahat, lalo na kaming mga pinagpala sa pilak at ginto. Karamihan ng mga mabibili mo dito ay may kapalit na tiba-tibang ginto at pilak. Kadalasan ay hindi mabibili ng mga ordinaryong tao lamang.
Excited kaming pumasok nila Chad at Charles sa loob ng Shadow Bazaar.
"Tagal kong inantay 'to!" tuwang-tuwa na ani ni Charles, "Mabibili ko na ang love potion para kay Reyna Abigail."
"Siraulo ka talaga!" wika ko sabay hampas sa dibdib niya. Matagal ng natitipuhan ni Charles ang aking ina. Sa tuwing magbubukas ang Shadow Bazaar ay laging bumibili ng love potion si Charles at hinahalo nito sa inumin ng aking ina ang potion kahit na alam niyang protektado ang matataas sa mga gan'yang potion dahil sa suot-suot naming mga natatanging singsing na binabasbasan ng mga wizard.
Naghiwa-hiwalay na kami dahil may iba't-iba kaming pinupunta dito. Si Charles ay ang mga potion, si Chad ay sa mga charms, at ako naman ay sa mga espada kahit na nabili ko na ata ang lahat ng klase. Bukod kasi sa nagbabakasakali akong may mga bagong klaseng espada ang dumating, hindi ko rin maiwasang mamangha sa espadang naka display sa isang mahiwagang babasaging kahon. Ang hawakan nito ay nababalutan ng mga puting diyamante at ang blade naman nito ay nakakasilaw sa kinang. Ibang-iba sa mga ordinaryong espada na tinitinda ng faerie na ito.
Ang espada daw kasi na iyun ay para lamang sa anak ng God and Goddess ng Highland Valley. Ang nagpapatakbo ng mundong ito. Ang magtangkang humawak nito ay mababalutan ng sumpa at ikukulong sa dungeon kung saan napapaligiran ng mga demons at djinn ang buong paligid. Ang mga nakukulong sa dungeons ay hindi na muling nakikita pa ng mga tao. Kaya wala talagang nagtatangka na humawak ng espada na iyun.
Naiisip ko pa lang ang kalagayan ng mga nakukulong duon ay kinikilabutan na ako.
"HUY! Sabi na nga ba at dito ka lang namin matatagpuan e!" Nagulat ako ng biglang hawakan ni Charles ang aking balikat.
"Muntik ka ng mamatay!" wika ko sa kaniya ng bigla kong mahawakan ang aking espada. Natawa sila sa sinabi ko.
"Tapos ka na bang tumitig sa mahiwagang espada na iyan?" pagtatanong ni Chad sabay turo sa espadang nasa loob ng mahiwagang kahon. "Alam mo, hindi talaga namin alam sayo kung bakit sinasayang mo ang oras sa kakatingin ng espada na yan. Dalawang beses lang nagpapakita ang shadow bazaar sa isang taon kaya enjoyin mo na. Lagi kang nandito e. Kahit ilang beses mong titigan yan, hindi mapapasayo yan."
Bago kami nagsimulang maglakad lakad sa mahabang daan ng shadow bazaar, tinignan kong muli ang espada. I wonder kung totoo ba ang sabi-sabi.
Habang naglalakad-lakad kami ay nakakita ako ng isang matanda na pinagtutulungan ng mga kalalakihan, "Hoy! Sigaw ko!" tinignan lang ako ng mga ito at nagpatuloy sa ginagawa nilang p*******t sa matanda,
"Dude! Let them be! Don't act like a savior of those low life." Charles said, then rolled his eyes to the back of his head,
"Sana ma-stuck yang pupil mo sa likod ng bungo mo," wika ko na ikinatawa naman ni Chad. Nilapitan ko ang nakakaawang matanda. Duguan na ang mukha nito at nanghihina na ang kaniyang katawan.
"I said stop!" muli kong pagsigaw sa tatlong kalalakihan,
"And if we didn't?" nagulat ako sa sinagot nila.
Napahawak ako sa espada na nakasabit sa kaliwang parte ng pang-ibaba ko. "Do you know who I am?" pagtatanong ko sa lalaking nagmamayabang sa akin,
Nagtawanan silang tatlo bago ako sagutin, "Oo naman. Ikaw lang naman ang prinsipeng laging talunan sa Arena." mayabang na wika nito sabay tawa muli nilang tatlo,
Napangisi ako sabay talikod sa kanila, "That's what we thought!" kahit nakatalikod ako ay nararamdaman ko na nakangisi siya at dahil sa ungol ng matanda ay alam ko rin na pinagpatuloy nila ang p*******t dito.
Inilabas ko ang aking espada at ng pagtalikod ko ay sinabayan ko ng pagtaas ng espada at pagbaba nito na naging dahilan ng pagkaputol ng buong braso ng nagmamayabang na lalaki.
Napasigaw ito sa pagkakaputol ng kaniyang braso.
"Woah, woah!" wika ng dalawa niyang kasama habang winawagayway ang mga kamay.
"That's just a warning!" wika ko habang nakaturo ang dulo ng espada ko sa mga mukha nila, "Sa susunod ay patatamain ko na ang espada ko sa mga ulo niyo." Inakay nila ang kasamahan nilang lalaki na kanina lang ay nagmamayabang ngayon ay nagmamakaawa na sa akin,
"Maraming salamat po prinsipe." wika sa akin ng matanda habang tinutulungan ko itong tumayo.
Nilapitan ako ng mga kaibigan ko, "Oh my god dude, that was so cool." tuwang-tuwang wika ng dalawa sa akin.
Bago ako umalis ay kinuha ko ang naputol na braso ng lalaki kanina at inilagay ko ito sa loob ng isang bag na gawa sa tela. Dinala namin ito sa isang lugar ng shadow bazaar kung saan nakakulong ang isang napakalaking lynx sa isang kwartel na bakal at ipinakain ito.
Makaraan ang mahabang gabi ay umuwi na rin kami at nagpahinga. Bukas ay makakasama ko na ang karakter na aking ipinagawa sa wizard.