bc

Parallel hearts

book_age16+
50
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
reincarnation/transmigration
mystery
another world
like
intro-logo
Blurb

[ROMANTASY] Isang maulang gabi ang naging dahilan kung bakit nakarating si Selena sa isang abandonadong mansion. Ang abandonado at mahiwagang mansion na magpapabago ng takbo ng buhay niya. Isang hindi pangkaraniwan ang magaganap sa pagtuntong ng kanyang mga paa sa loob ng mansion. Sa magkaibang mundo ay makikilala ni Selena ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso at magdadala sa kanya sa mahiwagang mundo ng binata. Imposible ba na makasama at makatuluyan ni Selena ang binatang nabubuhay sa ibang mundo?

Halina at alamin natin ang buhay at kapalaran na naghihintay kay Selena at sa lalaking itinitibok ng kanyang puso.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE -selena-
=☆=☆=【Selena's POV】=☆=☆= "Sino yan?" pagtatanong ko ng may kumatok sa pinto. Wala sila mama at papa sa bahay dahil namili sila ng mga pagkain sa bayan. Ang kasama ko lang sa bahay ay ang aking kapatid na si Bruce. Alam kong hindi sila mama at papa ang kumakatok sa pinto dahil pinalaki nila kami na huwag bubuksan ang pinto kapag hindi namin narinig ang limang ritmikong katok na kinalakihan namin, knock, knock, knock....... knock, knock. Tatlo lang ang katok. "Police Department," Police Department??? Nabalutan ng pangamba ang buo kong katawan. Agad kong binuksan ang pinto at as expected, bumungad sa akin ang tatlong pulis. Isa sa kanila ay babae. Nakatayo ito sa harapan ng pintuan habang ang dalawa naman ay nasa likod nito. Napatingin ako sa hawak ng isang pulis na nasa likod ng babae. Isang pamilyar na gamit ang nasa loob ng ziplock. "Wallet yan ni papa. Anong nangyayari?" pagtatanong ko sa mga pulis kahit naglalaro na sa utak ko ang mga posibleng nangyari sa kanila. At wala ni isa sa naiisip ko ang maganda. Muli akong napatingin sa ziplock at duon ko nakita ang bakas ng dugo. Nanlambot ang tuhod ko at napahawak ako sa door frame. "No, no, no! Hindi 'to maaari." nag-gigilid na ang luha ko. Napatingin ako sa kapatid kong anim na taong gulang pa lamang na naglalaro sa sopa. "I'm so sorry!" ani ng pulis na babae. Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Paano na kami ng kapatid ko? I'm only seventeen and my little brother is just six years old. Nilapitan ko ang katapid ko at niyakap ito ng mahigpit habang umiiyak, "Why are you crying?" pagtatanong sa akin ng kapatid ko. Sa mga oras na iyun, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya dahil kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Parang kanina lang ay kasama pa namin sila mama at papa at nanunuod kami ng palabas tapos ngayon, wala na sila. Hindi na namin sila makakasama pang muli. Kung alam ko lang na huling araw na pala nila, dapat ay niyakap ko na sila ng sobrang higpit. Yung tipong hindi na sila makakaalis para maiwasan ang pangyayaring ito. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang kapatid ko, though adaption is never an option. Ayokong lumaki kami ng magkahiwalay. Lalo na ngayon na si Bruce na lang ang mayroon ako. At kung nabubuhay pa sila mama at papa, siguradong hindi rin nila gugustuhin na magkahiwalay kami ni Bruce. Tatlong araw na ang nakakalipas at huling araw na rin ng burol nila mama at papa. Hindi ko alam kung naiintindihan ni Bruce ang mga nangyayari. Nakatulala lang siya sa urns nila mama at papa na nakapatong sa magarbong lamesa na napapalibutan ng mga piguring anghel. Sa huling araw ay marami-rami ang dumalo sa burol, kadalasan ay ang mga katrabaho nila. Nagpa-abot lang sila ng pakikiramay at yung iba ay umalis din kaagad. Kinabukasan. Inihatid na namin ng kapatid ko sila mama sa huli nilang hantungan. Nang mailibing na sila mama at papa ay nagpaalam na ang mga nakiramay sa amin at ako na lang at ang kapatid kong si Bruce ang naiwan sa sementeryo. Sa mga oras na ito, walang pumapasok sa utak ko kung hindi ang magiging buhay namin ng kapatid ko ngayong ulila na kami. Ang naiwang pera sa amin nila mama ay nauwi halos lahat sa burol at sa lupang pinaglibingan nila. Buong gabi ay hindi ako nakatulog. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak lang ng umiyak habang ang kapatid ko ay mahimbing na natutulog. Pinagkakasya ko lang ang natitirang pera para sa pagkain namin at sa pambayad ng upa ng bahay. Sumubok din akong maghanap ng trabaho ngunit sa dami kong pinagpasahan ng resume ko, ni isa ay walang tumawag sa akin. Kailangan kong maging matatag para sa kapatid ko dahil ako na lang ang inaasahan niya. Gusto ko sanang makahanap ng trabaho bago pa tuluyang maubos ang natitira naming pera. Unti-unti nang nauubos ang pera namin at ang huling option ko na lang ay ang ibenta ang iba naming gamit sa bahay. Ang mga pera na napagbentahan ng mga gamit ay iniipon ko para sa susunod na upa ng bahay at pati na rin sa pagkain namin. Unti-unti nang nauubos ang gamit namin at wala pa rin akong mahanap na trabaho. Dumating na ang araw na walang wala na talaga kami. Araw na ng bayad sa upa pero ang nasabi ko lang ulit sa land lord ay "Walang wala po kasi kami ngayon, pwede ko bang sa susunod na lang po ulit kami magbayad? Gagawan ko na lang po ng paraan." "Naku anak! Apat na buwan mo ng sinasabi yan e. Pasensya na, business is business. Kapag hindi pa kayo nakapagbayad sa isang linggo, wala na akong magagawa kung hindi ang paalis kayo sa bahay na ito." ani niya sa akin na may halong awa. "Sige po," wika ko habang nagpipigil ng luha. Sinarado ko na ang pinto at pumunta sa kwarto kung saan naglalaro ang kapatid ko. "Ate, ate! Laro tayo!" Tuwang-tuwa na sabi sa akin ni Bruce. Nilapitan ko siya ng may pilit na pag ngiti sa aking mga labi. "Ano ba yang nilalaro mo?" pagtatanong ko sa kaniya, "Eto pong niregalo sa akin ni papa at ni mama bago po sila mamatay." Nagulat ako sa sinabi niya. So aware siya sa mga nangyayari, "Ine-enjoy ko na po ngayon ate kasi pwede natin 'tong ibenta. Baka po mabenta natin ng malaki para po may pambili tayo ng pagkain." Inosente niyang komento pero grabe ang mga luhang bumuhos sa aking pisngi. Niyakap ko siya ng mahigpit, "Hindi mo na kailangang ibenta yan. Gagawa ako ng paraan para may pambili tayo ng pagkain." pangako ko sa kaniya na hindi ko alam kung matutupad ko. Patuloy akong naghanap ng trabaho pero sa kasamaang palad ay wala talagang tumatanggap sa akin. Hindi ko alam kung dahil sa bata kong itsura or dahil wala akong experience sa kahit anong trabaho. Araw na ng pagpapalayas sa amin ng kapatid ko sa bahay na inuupahan namin. Wala na akong ibang maisip na paraan. Ayoko namang makipag-talo sa landlord dahil sa huli, kami pa rin ang talo. Baka ma-involve pa ang pulis at malaman nila ang kalagayan namin pagkatapos ay dalhin kami sa DSWD. Ayokong magkahiwalay kami ng kapatid ko. "Pasensya na ah! Mag bi-birthday ka ng wala tayo kahit bahay." Niyakap ko siya, "Okay lang po ate! Ang importante po ay kasama kita." Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Sana ay kasing tatag ako ng batang ito. Kinuha ko na lang ang mga damit namin ni Bruce at inilagay sa school bag namin. Huminto na rin kami sa pag-aaral dahil hindi ko kayang tustusan ang pag-aaral naming dalawa. Iniwan na namin ang lahat at damit na lang ang mga dinala namin. Pumunta kami sa Montalvon City. Nadadaan kasi ako duon kapag naghahanap ako ng mapagtatrabahuhan. Pumwesto lang kami sa isang gilid ng building kung saan may isang pulubing babae na tila ba ay kasing edad ko lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Real About My Husband

read
26.1K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.5K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.9K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

Lady Boss

read
2.2K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook