Chapter 1 -selena-

1334 Words
=☆=☆=【Selena's POV】=☆=☆= "Huy! Ang lalim naman ng iniisip mo." Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Hope, "Nakakagulat ka naman e! Wala 'to!" sagot ko sa kaniya habang pareho kaming nakaupo sa gilid ng building sa Montalvon habang si Bruce naman ay nakahiga ang ulo sa hita ko habang natutulog. "Siguro iniisip mo nanaman yung nangyari sa mga magulang mo noh?" wika niya na ikinangisi ko, "Hindi noh!" Pero in reality, Iniisip ko talaga sila. Like what if naiwasan yung aksidente na nangyari kila mama four years ago? Siguro ang saya pa rin namin hanggang ngayon. "Ang bilis no? Apat na taon na ang nakakaraan pero yung sakit nandito pa rin sa puso ko." turan ko sa kaibigan kong si Hope habang ang kamay ko ay hinahaplos ang buhok ni Bruce. Sa harapan namin ay may nakatayong karton na may nakasulat na "Please help." at sa harap naman nito ay isang maliit na baso kung saan an ibang mga tao ay naghuhulog ng bariya. Kinuha ko ang baso at binilang ang pera. Kahapon ay buong araw kaming hindi kumain dahil hindi sapat ang perang nalikom namin. Napansin ko na may papalapit na lalaking naka itim na suit at ng makalapit ito sa pwesto namin ay nagbakasakali ako at nanlimos sa kaniya, "Can you get that dirty cup out of my way!" ani nito sa akin bago tumingin sa kinauupuan ko. Nang makita niya ako ay nginisian niya ako. "Jusko bata. Ang lakas-lakas mo pa, bakit hindi ka na lang maghanap ng trabaho, hindi yung nanlilimos ka diyan! Dinadamay mo pa yung bata!" inis nitong ani sa akin sabay lakad paalis habang umiiling. Old me would react inappropriately pero sa apat na taon na naririnig ko yun ay nasanay na lang ako. Kung alam lang nila kung gaano ko tina-try na makahanap ng trabaho. Sobrang dami ko nang napasahan ng resume ko pero hindi pa rin ako natawagan kahit isa. Karamihan kasi ng tao ay hindi alam ang pinagdadaanan naming mga pulubi. Oo nakaupo lang kami sa tuwing nakikita n'yo kami pero hindi ninyo nakikita yung hirap na pinagdadaanan namin bago pa kami umupo sa gilid ng building na ito. "Ate! Nagugutom na po ako!" ani sa akin ng kapatid ko na kakagising lang. Napatingin ako sa mga bariyang nakalagay sa maliit na baso. Inalog-alog ko ito ng mahina habang binibilang. Pwede na ito. Makakabili na ako ng mga tinapay sa bayan. "Sige, pupunta ako ng bayan at pagbalik ko ay may mga pagkain na akong dala." ani ko kay Bruce habang pinipisil-pisil ang kaniyang pisngi at tumatawa, "Bantayan mo muna si Bruce ah!" wika ko naman kay Hope at tumango ako at iminuwestra ang kaniyang kamay ng thumbs up. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagsimula ng lumakad. Malayo ang bayan dito. Halos sampung kilometro ang layo. Sa pagkakasuma ko, halos dalawang oras akong maglalakad makapunta lang ng bayan. Panigurado ako na kapag nalaman ng iba na naglalakad ako ng dalawang oras papuntang bayan, sasabihan nila ako ng 'bakit hindi na lang kayo doon manlimos?' Although we tried pero sobrang delikado duon. Naalala ko nung sinubukan naming mag stay duon, muntik na kaming masaksak ng kapatid ko at ni Hope. Kahit na pulubi na kami, marami pa ring masasama ang loob na hoholdapin tabi kaming mga pulubi makalikum lang sila ng pera. Kaya naisipan na lang naming tatlo na bumalik sa Montalvon City. Masusungit man at matapobre ang ibang tao, tiyak naman na mas ligtas kami dito. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga taong nakita ko. Maayos ang mga pamumuhay at higit sa lahat, buo ang pamilya. Malayo na rin ang nalalakad ko at medyo malapit na rin ako. Ang palatandaan ko kasi na malapit na ako sa bayan ay ang nakakatakot na lumang abandunadong mansyon. May malalaking puno din sa loob ng malaking bakuran. Sa tuwing nadadaan ako dito ay binibilisan ko ang paglalakad. Pakiramdam ko kasi ay may mga matang nakatingin sa akin kapag nadadaan ako dito. Ewan ko ba, basta ang weird sa pakiramdam. Nang makalagpas ako ng mansyon ay bumalik na ako sa normal na speed na paglalakad. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay nakikita ko na ang makukulay na ilaw na nanggagaling sa bayan. Tumakbo na ako dahil medyo nagdidilim na. Kailangan kong makauwi ng maaga para makakain na si Bruce at si Hope. Nang makarating ako sa loob ng palengke ay agad akong pumunta sa kung saan ako palagi bumibili ng pagkain. "Hi po, ate Sheril!" pagbati ko sa kaniya, "Hi, Selena! Ang matagal-tagal din bago ka nakabalik ah! Kamusta na kayo ng kapatid at kaibigan mo?" pangangamusta niya sa amin. Ngayon lang ako nakabalik dito sa bayan dahil ngayon lang kami nagkaroon ng sapat na pambili ng pagkain. Kaya nung mga nakaraan ay humahanap lang kami ng pagkain sa mga basurahan. Madalas ay sa basurahan ng mga kainan. "Ah! Ngayon lang po kasi nakalikom ng sapat na pera. Naku! Kung alam mo lang kung gaano namin namiss ang mga tinapay na binebenta mo ate Sheril!" Kumuha na ako ng pagkain na sasapat sa budget ko at ng makapili na ako ay binayaran ko na, "Wag ka ng magbayad!" turan sa akin ni ate Sheril. Hindi lang iyun at dinagdagan niya pa ng iba pang tinapay ang kinuha ko, "Hindi ka na iba sa akin!" Iniabot niya na sa akin ang plastic na puno ng mababango at masasarap na tinapay. "Maraming maraming salamat po ate Sheril. Sobrang bait mo po talaga! Hayaan mo ate Sheril. Kapag nakahanap ako ng trabaho ay ikaw agad ang iti-treat ko sa labas kasama sila Bruce at Hope." masaya kong sabi sa kaniya. "Naku! Kahit huwag na! Ang importante sa akin ay ang kaligtasan niyong tatlo. Oh sige na at bumalik ka na sa kapatid mo. Malaki ang dilim at baka maabutan ka pa." Muli ay nagpasalamat ako sa kabaitan niya at lumakad na ako palayo. Bago ako tuluyang umalis ng bayan ay huminto muna ako sa isang maliit na tindahan upang bumili ng inumin namin nila Bruce. Nang makabili ako ay patuloy na akong naglakad. Hindi pa ako nakakalayo ay nararamdaman ko na ang malalaking patak na dumadampi sa aking balat. Lalo ding lumaki ang dilim at sinabayan pa ito ng malalkas na kulog at nakakatakot na kidlat. Tumakbo na ako kahit alam ko na hindi na ako aabot sa Montalvon. "Ayan na ang ulan!" sabi ng isang residente hindi kalayuan sa akin. Saglit lang ay naramdaman ko na sa balat ko ang lumalakas na mga patak. Unti-unti na ring nababasa ang kalsadang aking tinatahak. Lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo ngunit tumigil din muna ako upang sumilong sa isang malaking puno. Sa sobrang lakas ng hangin ay wala ring nagawa ang malaking puno upang protektahan ako sa ulan. Lumingon-lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling makakita ng ibang mapagsisilungan. May nakita nga ako sa hindi kalayuan ngunit halos magtulakan na naman ang mga tao duon at hindi ko alam kung bakit ang iba ay napapatingin sa akin. Napalingon ako sa likuran ko at nagulat ako ng makita ko ang abandunadong bahay. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na napansin na dito pala ako nahinto. Okay lang yan Selena. Titila din ang ulan tiwala lang. Kaya mo 'to. Napalingon ako sa plastic na hawak ko. Pumapasok na ang ulan sa loob ng plastic at unti-unti ng nababasa ang mga tinapay na ibinigay sa akin ni ate Sheril. kailangan ko ng gumawa ng paraan. Habang lumilingon-lingon pa ako sa mga pwede kong pagsilungan ay bigla akong napalingon sa abandunadong mansyon ng biglang bumukas ang pinto. Napaiwas agad ako ng tingin at tinaasan ng balahibo. Napayuko ako sa takot at nililibang ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng ritmiko gamit ang aking mga paa. Muli akong napalingon sa plastic na puno ng tinapay. Bigla kong naalala ang nagugutom kong kapatid. Hindi pwedeng mabasa ang mga tinapay kung hindi ay wala nanaman kaming kakainin. "Desperate times call for desperate measures." Tumakbo ako papasok ng abandunadong mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD