Isang linggo ng matamlay si Thea. Hindi pa rin siya makapaniwala. Iniwan siya ni Keith na hindi man lang nagpapaalam. Hanggang saan niya panghahawakan ang sinabi nitong babalik? Nawalan siya ng gana magtrabaho sa gabi nitong nakaraan. Napatingin siya sa kaibigan na palapit sa kan'ya. May dala itong pagkain. Kakatapos lang nilang mag-window shopping dito sa pinaka-malaking mall ng Dubai. Napilitan lang siyang sumama kay Vina. Para libangin ang sarili. "Kainan na!" masayang sabi Vina. Inilapag nito ang pagkain sa mesa nila. Ngumiti siya dito ng mapakla. Tinulungan niya itong ayusin ang mesa nila. "Grabe! Busog na busog ang mata ko sa ganda ng mga bilihin, buti hanggang window lang talaga tayo," natatawang sabi nito. "'Pag mayaman na tayo, mabibili na natin ang mga nakita mo kanina," an