Napatingin si Thea sa wallclock na nasa silid ng binata. Ala-una pa lang pala ng madaling araw. Akala niya umaaga na. Akmang tatayo siya nang higitin ni Keith ang beywang niya. "Where are you going, hmmn?" anitong nakapikit ang isang mata. "Magba-banyo lang. Ano ka ba? Matulog ka pa nga!" "Okay. Kiss muna," anito at ngumuso. Natatawang tinampal niya ito at tinulak pahiha. Nakangiti ito habang nakapikit ang mga mata. Binalot niya ang sarili ng comforter. Lumapit siya sa closet ng binata at naghanap ng damit nito. Napangiti siya nang makita ang boxer nito. Gamit na ang kinuha niya. Pagkatapos magdamit ay pumasok na siya ng banyo. Kakatapos niya lang maghugas ng sarili nang bumukas ang pintuan ng banyo. Iniluwa no'n ang binata. Napangiti ito nang makita siyang itinataas ang suot. "Ang