bc

Once Upon A Time in Dubai (Tagalog)

book_age18+
17.3K
FOLLOW
49.2K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
drama
twisted
bxg
office/work place
virgin
love at the first sight
actor
like
intro-logo
Blurb

--WARNING! Not suitable for young readers(R-18)---

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya.

Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya.

Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra.

Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal.

Hanggang kailan siya magiging rebound?

Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?

******

PS: Basahin niyo po muna ang MY SECRETARY OWNS ME para maintindihan niyo ang Prologue Heheh

chap-preview
Free preview
Prologue
"Hell, no!" malakas na sigaw ni Keith sa kapatid na si Blake Kent. Gusto nitong siya ang mag-ayos ng problema sa isang branch ng hotel nila sa Dubai. Isang taon na, simula ng mag-merge ang Hotel de Astin sa Hernandez Group of Companies. Isa lamang sa nadagdag sa business nila ang hotel at casino. Halos lahat na yata ng business ay pinasok na nila. "Dammit, Keith! Dalawang buwan lang ang hinihingi ko sa'yo! Hindi ko puwedeng pabayaan ang asawa ko na manganak ulit, na wala ako. Wala ako sa tabi niya nang ipanganak niya si Astin. Kaya sana maintindihan mo na gusto kong bumawi sa kan'ya sa ikalawang pagkakataon," may himig na pagmamakaawa ng kuya niya sa kaniya. "Eh, 'di ako na lang ang magbabantay kay Kendra sa ngayon-" "F*ck! Hanggang ngayon ba umaasa ka kay Kendra? Asawa ko na siya, Keith. Asawa ko na. Hindi ka mahal ng asawa ko, kaya nga hindi ka niya pinakasalan. Dahil ako ang mahal niya. Kaya tigilan mo na ang pag-iilusyon mo na 'yan! Marami pang babae d' yan. 'Wag mong isentro ang buhay mo sa asawa ko. Sa tingin mo ba matutuwa si Kendra kapag nalaman niya na hindi mo pa pala kmi tanggap? Hanggang kailan ka aasa, Keith? Kailangan mong mag-move-on. Malay mo sa Dubai mo makikilala ang babaeng para sayo. Tanggapin mo ng wala na kayong pag-asa ng asawa ko." Natahimik siya sa sinabi ng kapatid, kasabay no' n ang pagkuyom niya ng kamao. Gusto niyang sagutin ang kapatid . Oo, hanggang ngayon, si Kendra pa rin ang mahal niya. Umaasa pa rin siya. Anong magagawa niya kung tinamaan talaga siya kay Kendra. Siya ang unang nakilala nito, hindi ang kuya niya. Kaya dapat sa kan' ya lang si Kendra. Pero tama ang kapatid. Kailangan niyang mag-move-on. Akmang aalis siya nang hawakan ng kuya niya ang braso niya. "Please?" anitong nagmamakaawa. "Pag-iisipan ko, kuya." Pinalis niya ang kamay nito at dali-daling naglakad paakyat ng hagdan. Magdamag na pinag-isipan ni Keith ang pinag-usapan nila ng kapatid. Tatlong buwan ang pahinga nila ngayon ng kabanda. Kakabalik lang nila mula sa Thailand. Tatlong linggo ang inilagi nila doon. Ang buong akala niya makakapagpahinga siya. Hindi pala. Dahil heto, gusto ng kapatid na siya ang pumunta ng Dubai. Sinabi na ito ng ina at ama sa kan'ya. Hindi siya pumapayag. Nag-research siya kung may ibang pagkaka-abalahan ba sa Dubai. Mukha namang maganda ang mga pasyalan. Tatlong araw lang silang namalagi sa Dubai noon para tumugtog sa mga high-end na hotel at bar doon. Tuwang-tuwa ang kapatid nang sabihin niyang pumapayag siya. Maging ang magulang ay ganoon din. Ito ang pangalawang beses na magtatrabaho siya ng matagal sa kompanya nila. Kaagad na nagpa-book ang kapatid ng ticket niya papuntang Dubai. Wala itong sinayang na oras, talagang kailangan na niyang umalis para matapos din kaagad. ***** Eto na po ang hinihintay ng iba hehe, ang kuwento ni Keith Hernandez.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.1K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook