Napangiti si Thea nang makababa ng eroplano. Napapikit siya at lumanghap ng hangin. Polluted, pero nakakamiss ang ganitong amoy ng Pilipinas. Only in the Philippines. Napatingin siya sa mga kasabayan sa arrival area. May kaniya-kan'yang sundo ang mga ito. Napangiti siya ng mapakla. Siya, hangin lang yata ang yumakap sa kan'ya para salubungin at i-welcome back siya. Hindi niya maiwasang isipin ang mga magulang at kapatid. Walang kaalam-alam ang mga ito na nakauwi na siya. Bibisitahin na lang niya ang mga ito kapag okay na ang problema niya. Pero paano kung hindi magiging maganda ang resulta ng lakad niya? Napabuntong-hininga na lang siya. Nakaramdam na siya ng paninigas ng tiyan kaya binilisan niya ang lakad palabas. Kaagad na nagpara siya ng taxi. Sa Quezon City siya nagpahatid kapagk