Chapter 1

1648 Words
Mabilis na naligo si Thea para pumasok ng opisina. Inayos niya din ang mga babauning damit at pagkain. Pagkatapos kasi ng siyam na oras sa opisina, nagpa-partime cleaner din siya. Gusto niyang makaipon, para makabili siya ng sariling bahay. Para hindi na siya hamakin ng ina. Hindi pa sapat ang naipon niya. Nagde-deposit pa rin naman siya sa account ng magulang, bilang suporta sa mga ito. Kahit alam niyang may pera ang mga ito, galing sa sustento ng mga kapatid. Sa kabutihang palad, sinuwerte naman siya sa abroad. Ikalawang taon na niya dito sa Dubai ngayon. Yes, isa siyang OFW dito sa Dubai. Dahil lang naman sa kaibigan niyang si Vina kaya siya narito ngayon. At ang magulang niya ang naging dahilan kung bakit siya napapayag ng kaibigan na magtrabaho dito. Graduate siya ng BS Tourism, pero wala siya sa sariling field. Nasa isang construction firm siya ngayon nagtatrabaho bilang office staff. Pagkatapos ng graduation niya, nag-apply naman siya sa Pilipinas. Kaso hindi siya pinalad na makakuha ng trabaho na may kinalaman sa kurso niya. Malayo man sa kurso niyang tinapos, tinanggap niya pa rin ang alok ng kaibigan. Ikaw na kasi pag-almusalin ng ina mo ng sermon. Hindi pa ito nakokento, ginagawa pa niyang tanghalian. Minsan naman desert pa sa gabi. At, sa lahat ng desert, iyon ang nakaka-umay. Paulit-ulit pa. Nakalimutan niyang sabihin, minsan alarm clock pa niya ito sa umaga. Laging bunganga ng ina kung kailan ba siya magkakatrabaho. Isang taon na daw siyang tambay. Mabuti pa daw ang ibang kapatid niya, may mga stable na daw na trabaho. Tapos nakapag-asawa pa ng mayaman. Alam niya ang pinaglalaban nito. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Napaka-aga pa para mag-asawa. Napatingin si Thea sa wallclock. Oras na ng pag-alis niya. Bitbit ang sling bag at shoulder bag na may lamang damit at pagkain nang lumabas siya ng silid. Matipid din siya, imbes na lumabas para kumain. Nagluluto na lang siya. "Morning, folks!" masayang sambit niya ng madaanan ang mga ka-room-mate sa sofa. Paroo't-parito ang ilan dito. 'Yong iba may bitbit na kape, tinapay at kung anu-ano pa. May mga nakapatong din na towel sa ilang kasamahan niya. Naghahanda na rin ang ilan sa pagpasok. "Morning din, Theang! Ingat!" nakangiting tugon ni Zoe. Isa itong transwoman. Sa salon naman ito nagtatrabaho. "Ingat, bunso!" halos sabay-sabay naman na bati ng mga nasa sala at kusina. Oo, bunso ang tawag ng mga ito sa kan'ya. Siya kasi ang pinakabata sa lahat ng kasamahan. Pero, siya lang ang bukod tanging nag-oopisina. Siya lang ang nakapagtapos ng kolehiyo kumpara sa mga ito. Kung hindi sales lady, cleaner, parlorista, o di kaya construction worker ang trabaho ng mga ito. Kinawayan niya ang mga ito at nagmamadaling lumabas. Siya ang nauunang pumasok sa mga kasamahan. Maaga ang pasok niya, samantalang ang mga ito ay tanghali. Nagpapasalamat siya dahil wala siyang kasabayan sa kusina nila minsan. Malaya siyang nakakakilos at nakakapagluto. Muntik na siyang ma-late dahil sa banggaan kanina. Buti na lang nakapagpreno agad ang sinasakyang taxi. Busy day para sa kanila dahil may audit ngayon. Pero last day naman na. Galing pa sa main branch nila sa Pilipinas ang nagka-conduct ng audit. Pinoy ang may-ari ng construction firm na pinapasukan niya. Hindi akalain ni Thea na aabutin lang ng alas-dos ang audit. Nagmamadali na kasi ang mga auditor nila. "May booking ka mamaya?" Napalingon siya sa lalaking nagsalita. Si Clark pala. Isa rin itong pinoy na nakipagsapalaran dito sa Dubai para matustusan ang pamilya nitong naiwan sa Pilipinas. Nauna lang siya rito ng tatlong buwan. Sa pagkakaalam niya, single at breadwinner ito ng pamilya. Matangkad at maporma ito. Wala rin siyang alam na may dine-date ito. Marahil, pamilya ang nasa top priority ng binata. "Wala pa akong natatanggap na text, eh. Bibigyan mo ba ako ng gagawin mamaya? Sayang kasi ang oras ko mamaya. Sanay na ang katawan kong kumayod pagkatapos dito," pabirong sabi niya. Minsan kasi nirerekomenda siya nito sa mga kakilala. Nagpapart-time din ito. Ahente naman ng isang kilalang real estate dito sa Dubai si Clark. "Wala pang tumatawag, eh. Yayain sana kitang mag-bar-hopping mamaya. Para makapag-relax naman tayo. Puro trabaho na lang kasi inaatupag natin, eh. Sagot ko naman. Sige na, please?" pagmamakawa nito sa kan'ya. Natawa siya dito. True, wala silang inatupag kung hindi ang magpayaman. Ang tagal. Ang hirap talagang magpayaman, kailangan mong kumayod ng kumayod. "'Pag walang booking, go ako," nakangiting sabi niya dito. 3 months ago pa yata ang huling punta niya ng bar. Ngumiti naman ito sa sagot niya. Nagpaalam ito sa kan'ya nang tawagin ito ng department head nila. Palabas na siya ng ladies room nang makatanggap ng tawag mula sa kaibigang si Vina. Naghahanda na siya para sumama kay Clark. Wala siyang part-time ngayong araw. Nanghinayang tuloy siya. "Naka-out ka na ba, Friend? May gawa ka ba ngayon?" sunod-sunod na tanong nito sa kan'ya. "Hmmn, wala. Pero sasama ako ngayon sa katrabaho ko sa bar, papasyal lang," natatawang sagot niya dito. "Ay, sayang. Magpapalinis kasi 'yong bagong boss namin ng unit niya," malungkot na sabi nito sa kabilang linya. Biglang nagpantig sa tainga niya ang sinabi nito. Kanina pa siya naghihintay ng booking, kung alam lang nito. Ano pa nga ba ang priority niya? Eh,' di ang maglinis! "Hey, hey. Kanina pa ako naghihintay ng gagawin, Friend. Akala ko nga nakalimutan mo na ako, eh," may himig na pagtatampo iyon. "Asus, naging abala lang po, kasi dumating nga 'yong bagong boss naming bossy! Ano, okay na tayo, huh? Hintayin kita dito sa hotel, bago ako mag-out," "Thank you, Friend. Libre na lang kita sa Sunday. Pambawi man lang," natawang sabi niya sa kaibigan. Masayang pinuntahan niya si Clark sa table at nagpaalam na hindi siya makakasama. Nalungkot ito sa sinabi niya kaya sinabihan na lang niyang babawi siya sa susunod. Nag-taxi siya papuntang Hotel De Astin pagkalabas ng opisina. Pagdating niya ng hotel ay naka-abang na ang kaibigan sa kan'ya. Isang receptionist si Vina sa HDA, sayang lang at wala ng bakante nang magpunta siya dito sa Dubai. Kaya, sa construction firm na lang siya naipasok ng kaibigan. "Tara, akyat na tayo sa taas. Sabi ng manager namin kanina, aalis daw yata si Sir Keith. Kaya siguradong hindi ka maiilang magtrabaho," ani ng kaibigan habang nasa elevator sila. Nasa 19th floor ang kinaroroonan ng unit ng boss nito. Iyon na din ang huli at pinakamataas na floor ng hotel na iyon. Akala niya simpleng unit lang ang sinasabi ni Vina, isa pala iyong Penthouse. At sobrang laki niyon, iniisip niya tuloy kung anong oras siya matatapos. Walang nga roon ang boss nito nang pumasok sila. Iniwan na din siya ng kaibigan mayamaya dahil may lakad pa daw ito. Nilibot niya muna ang paningin sa loob ng Penthouse na iyon. Magagara din ang mga kagamitan doon kahit bihirang tirahan. May tatlong pinto doon. Binitbit niya ang bag at pumasok sa pinaka-unang silid para magbihis. Tutal, wala naman ang amo niya ngayong gabi, naisipan niyang magbihis ng pambahay para comportable siyang magtrabaho. Una niyang hinubad ang damit at sinunod ang pantalon. Tanging bra at panty lang suot niya ng mga sandaling iyon. Hinigit niya ang bag na pinatong sa kama. Akmang bubuksan niya ang zipper ng shoulder bag nang makarinig ng sunod-sunod na mura mula sa likuran niya. "Goddammit! s**t!" Napaawang siya ng labi ng mapagsino ang nagsalita. Natulala siya sa adonis na kaharap. Wala itong suot na pang-itaas, kaya kitang-kita ang itinatago nitong angking kakisigan. God! Sino bang hindi makakakilala sa lalaking ito? Isa yata ito sa hinahangaan niya pagdating sa musika. Si KH lang naman ang kaharap niya! Ang vocalist ng New Dawn band! "f**k!" anito ulit sa kan'ya. Bigla siyang nahimasmasan sa narinig. Mabilis na hinigit niya ang damit pero hindi sapat para maitago niya ang sarili. Sunod-sunod ang paglunok ng kaharap. Panay alon ng adams apple nito. Bigla siyang napaupo sa kama nang makitang humakbang ito palapit sa kan'ya. Hindi siya mapakali dahil sa tinging pinupukol nito sa kan'ya. Kinakabahang sumampa siya sa kama. Hindi niya inaalis ang tingin sa binatang titig na titig din sa kan'ya. Sinipa nito ang bag niyang nasa sahig. Nabitawan niya iyon kanina. Bigla niyang hinila ang comforter ng kama at itinago ang sarili. Napasigaw siya ng hilahin nito ang comforter at sumampa din sa kama. Nakitaan niya ng pagngisi ito. Ganito ba talaga si KH sa personal? Nakakatakot pala! "A-anong gagawin mo sa akin?" nanginginig na tanong niya sa binata nang itulak siya nito pahiga. Pinaghiwalay nito ang mga hita niya kaya sunod-sunod ang kabog sa dibdib niya. Naiinitan siya. Kahit kabado hindi niya mapigilang ma-excite. Napapikit siya nang gumalaw ito at pumuwesto sa ibabaw niya. Naramdaman niya ang paglubog ng magkabilaang gilid ng ulo niya. Naramdaman niya ang paa nito sa baba niya. Na-curious siya sa ginagawa nito sa taas niya. Nagtama ang kanilang mga mata nang magmulat siya. God, nagpu-push-up ito sa ibabaw niya? Titig na titig ito sa kan'ya. Napapikit siya nang makitang palapit ang mukha nito sa kaniya. Hinintay niyang dumapo ang mukha nito sa kan'ya, pero walang dumapo. Iminulat niyang muli ang mga mata. "I was about to exercise at the gym tonight. Alam mo ba iyon? Nawalan na ako ng ganang lumabas dahil sayo. Kaya dito na lang ako mag-e-exercise, mas madali akong pagpapawisan," nakangising sabi nito sabay sulyap sa katawan niya. Napalunok siya nang mapansing nakatitig ito sa labi niya. Bumaba din ang tingin nito sa dibdib niya habang patuloy sa pagpu-push-ups. Akmang tatakpan niya ang dibdib ng masagi niya ang dibdib nitong walang saplot. Natigilan ito sa ginagawa. Sunod-sunod ang paglunok nito. Kagat-labing ibinaling na lang niya ang tingin sa kanang bahagi niya. Naramdaman niya ang unti-unting pagbasa ng mukha at ng dibdib niya. Marahil, iyon ang pawis na nagmumula dito. Nagpatuloy naman ito sa pag-push-ups hanggang sa mapagod ito. Nakahinga siya ng maluwag nang umalis ito sa ibabaw niya at pabagsak na nahiga sa gilid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD