Chapter 2

1510 Words
Natampal ni Thea ang dibdib pagkaalis ni KH sa ibabaw niya. Hindi pa siya maka-get-over sa ginawa nito. Hanggang ngayon, nag-aalburuto pa rin ang dibdib niya. Ang lakas-lakas ng kabog talaga. Sa kisame lang siya nakatingin. Dinig na dinig niya ang sunod-sunod na paghinga ng binata sa tabi niya. "What's your name?" tanong nito sa kaniya. Napalingon siya sa binata. Sa kisame din pala ito nakatingin. Bumangon siya kapagkuwan. Sinundan siya nito ng tingin kaya nahigit na niya ang comforter na nakalaylay sa sahig. Ibinalot niya iyon sa sarili. "Thea po," magalang na sagot niya habang pinupulot ang bag na nasa sahig din. "Thea..." Ulit nito habang hindi inaalis ang tingin sa kan'ya. "Pasens'ya na po kayo, akala ko po kasi walang tao ngayon dito. Ako nga po pala ang maglilinis ngayong gabi dito. Sige po," nahihiyang sabi niya at lumabas ng silid na balot pa rin ang katawan ng comforter. Sinabunutan niya ang sarili nang makalabas na ng silid nito. Hindi niya akalaing doon pala ang inoukupang silid ng amo. In fairness, ang kisig at ang guwapo nito sa personal. Ang daming fans nitong nagkakandarapa sa Pilipinas, at isa na siya roon. Lamang siya sa mga ito dahil siya, nahawakan lang naman niya ang dibdib nito. Kinikilig na nagpapadyak siya sa sahig. Speaking of sahig, ginawa pa siyang sahig nito, nagpush-up pa mismo sa ibabaw niya. Sayang lang at 'di dumapo ang labi nito sa kan' ya. Napangiti siya sarili. Masuwerte siya kahit papaano. Hindi niya tuloy maiwasang tanungin ang sarili, kung may nobya na ba ito. Wala kasing nali-link na babae dito. Marami ring spekulasyong bakla ito. May kung anong tinig ang kumontra sa isiping iyon. Pinilig niya ang sarili para palisin kung ano man ang gumagambala sa isipan niya. Natigilan siya bigla ng maalala si Vina. Si KH ba ang Keith na sinasabi ni Vina na bagong boss? Bakit hindi man lang sinabi nito na si KH pala ang bagong boss nito. Alam niyang nagmula ito sa mayamang pamilya, pero hindi niya akalaing pamilya nito ang may-ari ng HDA. At ito pa pala ang magiging kliyente niya ngayong gabi. Ibig sabibin magreretiro na ito sa pagiging singer? Sayang naman, hindi pa nga siya nagpa-autograph dito. Nakaka-inlove din ang boses nito. Pumasok siya sa banyo na nasa kabilang silid. Binilisan niya din ang pagbibihis para matapos na siya sa paglilinis. Gusto niyang unahin sana ang silid ni KH pero naroon pa rin ito. Hiyang-hiya siya sa nangyari kanina. Kusina na lang ang inuna niya. Sinunod niya ang sala nito. Hindi naman ganoon kadumi dahil mukhang alaga naman sa linis ang Penthouse. Akmang bubuksan niya ang pangalawang silid para linisin nang bumukas ang pinto ng binata. Hindi niya maiwasang hagurin ito ng tingin. Bagong paligo ito, naamoy niya ang sabon na ginamit nito. Naka-casual lang ito. Mukhang lalabas pa ito kahit gabi na. Sabagay, uso sa mga mayayaman ang night life. O, di kaya makikipag-date din ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng lungkot. Itinuon  na lang niya ang tingin sa pinto at binuksan na iyon. Mabilis na pumasok siya sa loob at sumandal sa dahon ng pintuan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon para sa isang lalaki. Sa isang sikat at mayamang lalaki pa. Mahirap ding abutin. Napabuntong-hininga tuloy siya. Kakasimula pa lang niya maglinis nang bumukas ang pintuan. Iniluwa no'n ang binata. "Lalabas lang ako. Lock the door, please," sabi lang nito at umalis na. Hindi man lang nito hinintay ang sagot niya. Kanina lang ay may pagka-pilyo ito. Ngayon naman parang seryoso na ito. Binilisan niya ang paglilinis sa dalawang silid. Pinakahuling nilinis niya ay ang silid nito. Buti na lang hindi pa ito bumabalik. Mukhang nay pinuntahan nga ito. Inabot siya ng dalawang oras sa paglilinis. Sadyang binilisan niya. Usually kapag ganoon kalaki mga tatlo, o apat na oras siya naglilinis. Hindi naman kasi madumi kaya mabilis. Pinalitan niya ng bagong sapin ang kama ng tatlong silid. Pakiramdam niya pagod na pagod siya ngayong gabi. Alas-diyes na siya naka-alis sa Penthouse ni KH. Nanghinayang siya dahil wala ito nang umalis. Hindi naman siya nag-aalala sa bayad dahil boss naman ito ni Vina. Dumaan siya sa Al Satwa para doon kumain. Marami kasing Filipino dishes ang inihahain doon. Kapag nasa Al Satwa ka, para ka na ding nasa Pilipinas. Doon din sila namimili ng mga groceries, namamasyal, at nagkikita-kita. Mabilis siyang nakatulog pagdating sa apartment nila. Tulog na tulog ang ibang kasamahan sa sala. Si Zoe naman ay halos kasabay niyang pumasok. Magkasama sila ni Nanay Belen sa silid. Panggabi ito kaya wala siyang kasama kapag natutulog. Gaya ng nakagawian, maaga siyang naggising at nagluto ng mga babaunin. Maaga rin siyang nakaalis ng tinutuluyan. Kaka-tap niya pa lang ng card papasok nang mag-ring ang telepono ko niya. Si Vina iyon. Pinagalitan siya nito. Bakit daw hindi niya hinintay ang boss nito kagabi. Hindi pa niya naikuwento dito ang unang pagkikita nila ng boss nito. Siguradong pagtatawanan siya nito, kung sakali. Ipinaalam nitong meron ulit siyang kliyente mamayang gabi. Sana tuloy-tuloy na para naman makaipon siya ng marami. Hulog talaga ng langit ang kaibigan niya. Noon pa man ito na ang naging sandalan niya. Mabilis lang lumipas ang maghapon niya. Parang hinihila ang araw niya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Sa HDA ulit siya dumerecho pagkalabas ng trabaho. Hawak na kasi ng kaibigan, ang perang pinagpaguran niya kagabi. Saktong dating niya nang makita itong palabas na rin. Himala, maaga yata ang labas nito. "Buti nakarating ka kaagad. May emergency lang, Friend. Umakyat ka na lang ulit sa Penthouse, hinihintay ka ni Sir Keith." Salubong nito sa kaniya. May hawak din itong telepono, at mukhang may kausap pa ito sa kabilang linya. "S-sa Penthouse ulit? Tapos ko na 'yon kagabi, ah." Reklamo niya sa kaibigan.  Ang selan naman masyado ng Keith na ito, kausap niya sa sarili. "Oo, nakita ko nga pero may bagong kalat daw. Hindi ko rin alam kung bakit maraming kalat. Akyat ka  na lang sa taas, Friend. Ah, nga pala nasa kan'ya din ang sahod mo kagabi. Kaya talagang aakyat ka para tingnan ang sinasabi nitong kalat at para makuha mo din ang perang pinaghirapan mo. O, siya sige, mauna na ako." Paalam nito sa kaniya sabay tapik ng braso niya. "Ingat!" pahabol niya dito. Pagdating sa loob ay binigyan siya ng temporary pass ng receptionist. Hindi siya pinadaan sa may elevator na nasa harap. Pinasakay siya nito sa private elevator. Derecho na iyon sa pinaka-taas. Kinakabahang inihakbang niya ang mga paa palapit sa pinto ng Penthouse. Naka-dalawang doorbell siya bago bumukas iyon. Nag-iwas siya ng tingin nang mapansing nakatapis lang ang binata. Lagi na lang bang gano'n ang outfit nito kapag magkikita sila? Wala na namang sapin ang katawan nito. Nakaka-tempt. "Hi," nakangiting sabi nito sa kan'ya. "H-hello, S-sir!" nauutal niyang sambit. "Come in," anito at niluwagan ang pintuan para makadaan siya. Napalunok siya ng malanghap ang mabangong amoy nito. Ang bango naman kasi. Naiilang tuloy siya. Nagpatiuna na ito sa kaniya pagkasara nito ng pintuan. Hindi maalis ang tingin niya sa katawan nito. Ito ba ang pinagtsi-tsismisan ng madla na bakla ito? Oh, God! Ang ganda din ng hugis ng butt nito. Bumaba din ang tingin niya sa mabalahibong legs nito. Umakyat ulit ang tingin niya sa likod nito. Bigla niyang natampal ang ulo. Ang green niya mag-isip ngayon. Bakit hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam kapag ibang lalaki ang kaharap o kasama? Napakunot-noo nito nang lumingon sa kan'ya. Tumingin ito sa kamay niya na nakahawak sa ulo niya. "Are you okay, Thea?" anang baritonong boses nito na ikinatigil niya sa paglalakad. "P-po?" takang tanong niya. "I'm asking you kung okay ka lang ba?" Napatingin siya sa kamay niyang nakahawak pa rin sa ulo. Bigla niyang pinalis iyon at hinarap ng maayos ang binatang amo. "O-okay lang naman po ako. Ahm, kumati lang ang ulo. Tama, kumati lang," aniya dito at mapaklang ngumiti. Hindi pa rin mawala ang kunot-noo nito. Lumapit ito sa kan'ya kaya sunod-sunod ang paglunok niya ng laway. Napasinghap siya nang hawakan nito ang ulo niya. Inilapit pa nito ang sarili sa kan'ya kaya nailang siya. Matangkad ito, hanggang balikat lang siya nito. "Marami ka bang dandruff sa ulo?" tanong nito sa mahinang boses habang sinisipat ang buhok niya. Muntik na siyang bumunghalit sa tawa. Siya, madaming dandruff? Ang arte niya kaya pagdating sa buhok. Mamahaling shampoo at conditioner kaya ang gamit niya. Kinukuskos niya din ang ulo, dahil iritado siya kapag sobrang kati ng ulo niya. Hindi niya napansing gumuhit ang ngiti sa labi niya. Nag-angat siya ng tingin sa binata. Titig na titig ito sa kan'ya partikular na sa labi niya. Bigla niya itong naitulak nang dahan-dahang binaba nito ang mukha sa kan'ya. "I'm sorry," Hinging paumanhin niya dito. Ngumiti lang ito sa kan'ya. Mayamaya ay nagpaalam ito na papasok sa silid nito. Kaagad na hinanap niya ang sinasabi ni Vina, na kailangan niyang linisin. Tumuwad-tuwad na siya sa kusina, maging sa sala pero wala siyang nakikitang lilinisin. Hindi kaya nasa silid nito? Napangiwi siya ng maalala ang nangyari kagabi sa silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD