"Hell, no!" malakas na sigaw ni Keith sa kapatid na si Blake Kent. Gusto nitong siya ang mag-ayos ng problema sa isang branch ng hotel nila sa Dubai.
Isang taon na, simula ng mag-merge ang Hotel de Astin sa Hernandez Group of Companies. Isa lamang sa nadagdag sa business nila ang hotel at casino. Halos lahat na yata ng business ay pinasok na nila.
"Dammit, Keith! Dalawang buwan lang ang hinihingi ko sa'yo! Hindi ko puwedeng pabayaan ang asawa ko na manganak ulit, na wala ako. Wala ako sa tabi niya nang ipanganak niya si Astin. Kaya sana maintindihan mo na gusto kong bumawi sa kan'ya sa ikalawang pagkakataon," may himig na pagmamakaawa ng kuya niya sa kaniya.
"Eh, 'di ako na lang ang magbabantay kay Kendra sa ngayon-"
"F*ck! Hanggang ngayon ba umaasa ka kay Kendra? Asawa ko na siya, Keith. Asawa ko na. Hindi ka mahal ng asawa ko, kaya nga hindi ka niya pinakasalan. Dahil ako ang mahal niya. Kaya tigilan mo na ang pag-iilusyon mo na 'yan! Marami pang babae d' yan. 'Wag mong isentro ang buhay mo sa asawa ko. Sa tingin mo ba matutuwa si Kendra kapag nalaman niya na hindi mo pa pala kmi tanggap? Hanggang kailan ka aasa, Keith? Kailangan mong mag-move-on. Malay mo sa Dubai mo makikilala ang babaeng para sayo. Tanggapin mo ng wala na kayong pag-asa ng asawa ko."
Natahimik siya sa sinabi ng kapatid, kasabay no' n ang pagkuyom niya ng kamao. Gusto niyang sagutin ang kapatid .
Oo, hanggang ngayon, si Kendra pa rin ang mahal niya. Umaasa pa rin siya. Anong magagawa niya kung tinamaan talaga siya kay Kendra. Siya ang unang nakilala nito, hindi ang kuya niya. Kaya dapat sa kan' ya lang si Kendra. Pero tama ang kapatid. Kailangan niyang mag-move-on.
Akmang aalis siya nang hawakan ng kuya niya ang braso niya.
"Please?" anitong nagmamakaawa.
"Pag-iisipan ko, kuya." Pinalis niya ang kamay nito at dali-daling naglakad paakyat ng hagdan.
Magdamag na pinag-isipan ni Keith ang pinag-usapan nila ng kapatid. Tatlong buwan ang pahinga nila ngayon ng kabanda. Kakabalik lang nila mula sa Thailand. Tatlong linggo ang inilagi nila doon. Ang buong akala niya makakapagpahinga siya. Hindi pala. Dahil heto, gusto ng kapatid na siya ang pumunta ng Dubai. Sinabi na ito ng ina at ama sa kan'ya. Hindi siya pumapayag.
Nag-research siya kung may ibang pagkaka-abalahan ba sa Dubai. Mukha namang maganda ang mga pasyalan. Tatlong araw lang silang namalagi sa Dubai noon para tumugtog sa mga high-end na hotel at bar doon.
Tuwang-tuwa ang kapatid nang sabihin niyang pumapayag siya. Maging ang magulang ay ganoon din. Ito ang pangalawang beses na magtatrabaho siya ng matagal sa kompanya nila.
Kaagad na nagpa-book ang kapatid ng ticket niya papuntang Dubai. Wala itong sinayang na oras, talagang kailangan na niyang umalis para matapos din kaagad.
*****
Eto na po ang hinihintay ng iba hehe, ang kuwento ni Keith Hernandez.