Chapter 3

1701 Words
Napaayos si Thea ng tayo nang bumukas ang silid ni KH. May damit na ito. "Sayang," bulong niya. "Do you cook?" tanong nito sa kan'ya kapagkuwan. Palapit ito sa kinatatayuan niya. Napakunot-noo siya sa tanong nito. Bakit ba nito natanong iyon? H'wag nitong sabihing ipagluluto niya ito, imbes na ipaglinis ito? "Bakit po?" balik-tanong niya dito. "Ako ang unang nagtanong, Miss Contreras. Yes or no lang ang sagot," anang binata sa masungit na himig. Napaawang siya ng labi. Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito. Mas interesado siya sa kung paano nito nalaman ang apelyido niya. "P-po?" "Damn!" bulong nito pero dinig niya pa rin. "Marunong ka bang magluto?" "O-opo," sa wakas ay nasagot niya. "Good. You're hired," anito at iniwan siya. Natigilan siya saglit. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Anong hired ang pinagsasabi nito? Naguguluhang sinundan niya ito. Patungo ito ng kusina. Nang makarating ito ng kusina, nilingon siya nito. Akmang ibubuka nito ang labi para magsalita nang unahan niya. "Sir, cleaner po ako. Hindi cook," imporma niya dito. "I already know that, Thea. You did great last night, actually. But tonight, I need your expertise in cooking, and please, sarapan mo." Hindi niya pinansin ang paraan ng paghagod nito sa kan'ya. "Sir, hindi nga po-" "Anong ginagawa mo dito sa Dubai, Thea? At, bakit ka nagpa-part-time na cleaner kahit may trabaho ka pang iba? Answer me. Bilis," agaw nito sa sasabihin niya. "Para magtrabaho. Makaipon at makapagpatayo po ng sariling bahay," wala sa sariling sagot niya. "Iyon naman pala, eh. Bakit mo a-ayawan ang ang alok ko kung gano'n? 'Di hamak na mas magaan ang magluto kesa maglinis. Isa pa malaki ang sasahurin mo sa akin. Basta maging mabait ka lang," Napatingin siya dito ng derecho. Mukhang seryoso ang kaharap sa sinasabi nito. "Paano po ang ibang kliyente ko," "Simple lang. Tell them that you are mine now. I mean, sa akin ka na magtatrabaho sa gabi. You will be my cook starting tonight. I love Filipino dishes, Thea. Feeling ko nasa Pilipinas ako kapag kumakain ng mga gan'yang luto. I used to travel before, at isa 'yan sa hinahanap-hanap ko," seryosong k'wento nito. Mukhang nakumbinsi siya sa huling sinabi nito. Kahit sino naman dito sa Dubai mas gusto ang pagkaing pinoy. Inisa-isa nitong itinuro ang mga gagamitin sa pagluluto gaya ng mga gulay, karne at kasangkapang gagamitin. Aliw na aliw siya habang nagsasalita ito. Pakiramdam niya kinakantahan siya nito. Ngayon niya lang napansing mapula ang labi nito. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng labi nito? Kinikilig siya sa isiping iyon. Napapagaya siya dito sa tuwing napapalabi ito. Naaliw din siya sa tuwing tumataas ang kilay nito. Perpekto rin ang ilong nito, ang galing din ng pagkakagawa sa mga labi at mata nito, bumagay sa mukha nito. Siguro, maganda at g'wapo din ang magulang ng adonis na ito. Napaayos siya ng tayo nang makita siya nitong titig na titig sa mukha nito. "Are you with me, Miss Contreras? May dumi ba ako sa mukha?" nakunot-noo nitong tanong. "Y-yes," nauutal niyang sagot. Parang gusto niyang magsisi sa sagot dahil hinawakan nito ang kamay niya. Pakiramdam niya, may kung anong boltahe ng kuryente ang gumagapang sa kan'ya, umaabot iyon hanggang sa kaibuturan niya. Nagulat siya nang ilapat nito ang kamay niya sa mukha nito. "Wipe it." Utos nito habang hindi nito inaalis ang tingin sa kan'ya. Napalunok siya sa sinabi nito. Wala namang dumi, ang dumi ay nasa utak niya mismo. Paano ba niya sasabihin dito? Pinagpapantasyahan na niya ito nang di nito nalalaman. Wala sa sariling hinaplos niya ang pisngi nito. Napatigil siya nang makitang pumikit ito. Malaya niyang pinaglakbay ang paningin sa mukha nito. Parang gusto niyang kabisaduhin ang bawat sulok niyon. Kitang-kita niya ang pagpigil nito ng hininga. "f**k!" Bigla niyang pinalis ang kamay sa mukha nito nang marinig itong nagsalita. Nag-iwas siya ng tingin. Paniguradong namumula na ang mukha niya. Biglang kabog ng malakas ang dibdib niya. Baka pagalitan siya nito. "I think, I'm done here," anito at iniwan na lang siya. Nakailang hakbang na ito nang tawagin siya nito. "Ahm, bago ko makalimutan, Thea. Aside from cooking, you will do household chores also. " Natigilan siya. Akala ba niya taga-luto lang siya nito? Ba't di nito sinabi kanina na magiging katulong pala siya? Naiiling na sinundan niya ito ng tingin. Napapasabunot ito sa buhok nito. Narinig niya din ang sunod-sunod na pagmumura nito. Hinarap niya ang mga sangkap pagkapasok nito at sinimulang hiwain. Mukhang pang-chicken curry ang mga naroong sangkap kaya iyon ang niluto niya. Matagal bago lumabas ng silid nito si KH. Paglabas nito, bagong paligo na naman ito. Baka diring-diri sa kamay niya. Nag-pokus na lang siya sa niluluto niya. Alam niyang nakatunghay ito sa kan'ya. Luto na rin ang kanin kaya nag-ayos na siya ng mesa. Naghugas muna siya ng maigi ng kamay dahil baka mandiri na naman ito. Naghanda siya ng plato, kobyertos at baso na gagamitin nito. Naglabas din siya ng pitsel mula sa ref nito. Pinatay niya ang kalan at nagsandok ng uulamin nito. Sinunod niya ang kanin. Naglagay din siya ng tubig sa baso nito. "Tapos na po," magalang niyang sabi at tumingin dito. Nakasandal ito sa glass wall ng kusina nito. Sobrang layo nito sa kan'ya. Problema kaya nito? Lumapit ito sa mesa kapagkuwan. Umikot ito sa kaliwa. Halatang umiiwas ito sa kan'ya na para bang may germs siya, at takot itong mahawaan. Nagpaalam siya nang maupo na ito. "Sa sala po muna ako, Sir." Paalam niya at tumalikod na. Nakadalawang hakbang pa lang siya nang maulalingan ang tinig nito. "Sit down," matigas na sabi nito. Siya ba ang kinakausap nito? At, pinapaupo siya? Lumingon siya dito. Madilim ang mukha nito kaya napaisip na naman siya kung anong nagawa niyang kasalanan. Baka hindi masarap ang pagkakaluto niya. Pero bakit pinapaupo siya nito? "A-ako po ba ang kinakausap n'yo, Sir?" Napapitlag siya nang ibagsak nito ang hawak na kutsara sa plato. "May iba pa ba akong kasama dito, Miss Contreras?" halata ang inis sa boses nito. "Do I need to repeat-" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito. Bumalik siya at dali-daling naupo sa upuang nasa harap nito. Nagpakawala na naman ito ng buntong hininga kaya napakunot-noo na siya. "Paano ka kakain kung wala kang plato at kutsara sa harapan mo, Thea?" inis na naman nitong tanong. Parang gusto niyang pagalitan ang sarili. Pero teka, wala naman kasi itong sinabi na kakain din siya. Literal na sinunod niya lang ito. Sabi nito na maupo siya. Eh di naupo siya. Wala namang problema. Sabay pa silang napatayo ng binata. Kukuha sana siya ng pinggan. Nagkatinginan sila ng binata mayamaya. "Maupo ka." Utos nito. Napalunok na lang siya at naupo. Wala na siyang nagawa nang kumuha ito ng plato at kutsara. Tumayo pa ito ulit at kumuha ng tinidor. "Gusto ko laging may kasabay kumain, kaya pag-out mo mula sa trabaho, h'wag kang kakain sa kung saan. Dito lang. Sasabayan mo ako," anito at sumubo ng pagkain. Tumango na lang siya dito. Tanging tunog ng kobyertos at pinggan na lang ang naririnig ng mga oras na 'iyon. Nabibingi siya. "Paborito niyo po ba ang chicken curry?" pukaw niya dito. Natigilan ito at tumitig sa kan'ya. "Hindi. Paborito kasi 'yan ng babaeng mahal ko," anito na hindi inaalis ang tingin sa kan'ya. Natigilan siya sa pagnguya. Kaya pala halos pang-curry ang rekados na stock nito. Ang suwerte naman ng babaeng tinutukoy nito. May kung anong lungkot siyang naramdaman. Sayang, may mahal na pala ito. Ngumiti siya dito kapagkuwan at itinuloy ang pagkain. Hanggang sa paghugas ng mga pinagkainan ay malungkot siya. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi nito na may mahal na itong iba. Disappointed siya, slight lang naman. Napasigaw siya nang mabitawan ang babasaging baso. Napatakip siya ng bibig kapagkuwan. Napatingin siya kay KH na humahangos palapit sa kan'ya. "Are you okay?" tanong kaagad nito. Tumango siya dito sabay tingin sa sahig. Naupo siya at akmang hahawakan ang nabasag na baso nang marinig ang boses nito. Sa sobrang gulat niya dito. Sumagi ang daliri niya sa matalim na bahagi ng basong basag. Nanlaki ang mata niya ng makita ang dugong umagos sa daliri niya. "Damn!" ani ni KH sabay hila sa kan'ya patayo. Iginiya siya nito sa gripo at hinugasan ang kamay niya. Hindi tumitigil ang dugo sa pag-agos. Napasigaw siya ng umangat siya sa ere at inupo nito sa counter ng kitchen. Napsinghap siya nang inilapit nito ang sarili sa kan'ya at may inabot sa taas ng kabinet. Napatingin siya dito, partikular na sa mukha. Gumagalaw ang kilay nito, maging ang labi ay kumikibot habang may inaabot ito sa taas niya. Napalunok siya nang maramdaman ang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito. Hindi niya mapigilang mapalabi. Sunod-sunod ang paghinga niya dahil dito. Buti na lang nakuha na nito ang gustong kunin. Dahil kung hindi baka tuklawin na siya nito. Medicine kit pala ang kinukuha nito. Naglabas ito ng bulak at hinugasan ng alcohol ang sugat niya. Saka nilagyan nito ng betadine. Binalot din nito iyon pagkatapos. Hindi niya maiwasang mapahanga sa binata. Lalo lang lumalakas ang kabog ng dibdib niya dito. Nagtama ang kanilang paningin nang mag-angat ito ng tingin. Magkapantay na sila nito. Napatingin ito sa labi niya. Naabutan din nito ang paglunok niya. Akmang iiwas niya ang tingin nang hawakan nito ang batok niya at walang sabi-sabing hinalikan ang nakaawang niyang labi. Hindi siya agad nakahuma sa ginawa nito. Nakatingin lang siya sa binata. Nakapikit ito habang nilalasap ang birhen niyang labi. Hindi niya alam kung anong gagawin. First kiss lang naman niya ang adonis na ito. "Move your lips, baby," anas nito at muling sinakop ang labi niya. Kagaya ng utos nito, kumilos siya. Tinugon niya ito. Sinalubong niya ang bawat halik nito. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Ginagaya niya lang ito. Hinawakan nito ang mga kamay niya at iniyakap sa batok nito. Matagal-tagal ang pinagsaluhan nilang halik, kaya kapwa sila hingal nang bumitiw. "Sir, KH..." anas niya. Nakaawang ang labi nito nang tumitig sa kan'ya. "Keith. Call me, Keith, Thea. Do you have a boyfriend?" anitong humahangos na animo'y galing sa takbuhan. Umiling siya dito bilang pagtugon. Ngumiti ito sa kan'ya ng matamis sabay sabing, "Good."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD