Chapter 4

1892 Words
Tatlong araw na mula ng mangyari ang mainit na tagpong iyon sa pagitan nila ni Keith. Hiyang-hiya siya pagkatapos. Hindi man lang siya kumontra, bagkos ay tinugon ito. Ngayon niya lang napagtantong, sobrang rupok niya pala.  Bakit kasi ganoon ang epekto ng binata sa kan'ya?  Kontrol-kontrol din, 'pag may time! ani ng isang tinig sa isip niya. Pagkagaling sa opisina, dume-derecho na siya sa HDA. Inaabala niya ang sarili sa paglilinis sa tuwing lumalabas ng silid ang binata. Hindi naman niya totally maiwasan ito dahil amo pa rin naman niya. Panay ang utos nito sa kan'ya, kahit wala namang kuwenta ang mga pinapagawa nito. Puro mabibilis lutuin ang iniluluto niya. Kung kumakain man sila ng sabay, hindi niya ito kinakausap at binibilisan din niya ang pagkain. Kailangan, siya ang umiwas. Siya ang dapat kumontrol.  Napatingin siya sa gawi ng sala nang makarinig ng pag-strum ng gitara. Malapit na siyang matapos sa niluluto. Napangiti siya nang marinig ang sunod-sunod na pag-tugtog nito. Pamilyar sa kan'ya iyon. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pag-awit nito. "Can I call you baby? Can you be my friend? Can you be my lover up until the very end?" ani ng malamyos na himig ni Keith mula sa sala. "Puwede naman," wala sa sariling sagot niya dito, sabay ngiti. Bigla niyang tinakpan ang bibig, dahil baka marinig siya nito.  Smile na lang ginawa niya nang mga  sumunod na sandali. Lalo siyang ginanahan sa pagluluto dahil sa boses ng binata. Kung kilig man lang ang pag-uusapan. Magaling si KH, lalo na kapag nasa stage. Pero hindi pa siya nakapunta sa kahit anong concerts ng banda nito. Sa TV, Youtube at sa social media niya lang ito nakikita.  Malapit na siyang matapos sa paghahanda ng mesa. Tapos na din siyang magsandok ng ulam.  Tumingin muli siya sa gawi ng sala. Ibang awitin naman ang inaawit nito. Kasama iyon sa album ng banda nito. Gusto niya sanang patapusin ang ginagawa nito. Pero sa huli, hinayon din siya ng mga paa papunta sa sala. Baka kasi lumamig na ang sabaw. Sinigang na baboy ang niluto niya at may gulay din.   Napatigil ang binata nang makita siya. "Luto na po, Sir." Nakayuko siya ng bahagya. Ayaw niyang tingnan ito sa mata. "Okay. Sabayan mo akong kumain," anito at ipinatong ang gitara sa may center table. Nauna siyang naglakad pabalik ng kusina nito. Alam niyang nakasunod ito sa kan'ya.  Napatigil siya sa paglalakad nang unahan siya nito. Hinila nito ang lagi niyang inuupuan kaya napatingin siya dito. "Sit," anito at nginuso ang upuan.  Nahihiyang naglakad siya at umupo. "Thank you po," aniya dito. Hindi pa rin inaalis ng binata ang pagkakahawak sa upuan. "Cut the po, Thea, and please call me Keith," bulong nito sa kaniya. Biglang nagtayuan ang balahibo niya. Hindi dahil sa sinabi nito, kundi sa tinig nito. Bakit ba may pabulong-bulong pa itong nalalaman, eh, sila lang naman na dalawa ang narito ngayon.  "Understand?" anito ulit. Napapikit siya. "Okay." Pagkasabi niya ay naglakad na ito patungo sa puwesto nito. Nakatingin ito sa kaniya habang nagsasandok ng pagkain nito. Tahimik lang siyang sumusubo. Panay naman ang puri nito sa luto niya ng binata. Isang tanong, isang sagot lang siya dito lagi.  Muntik na siyang mabulunan ng tanungin siya nito. "Are you avoiding me?" anito at tumitig sa kan'ya. "H-hindi po," "Are you sure?" tanong ulit nito. "Opo," magalang niyang sabi. Pero napailing ito. "Sabi ng tanggalin mo ang salitang po, o kaya opo! Ganoon ba ako katanda, at nahirapan kang tanggalin ang po? Isa pang sabi ng po. Makakatikim ka sa akin ng- nevermind. Basta sundin mo na lang ako." Uminom ito ng tubig kapagkuwan. "O-okay," nahihiyang sabi niya dito. Naiilang siya sa tinging ipinupukol nito sa kaniya kaya hindi siya makakain ng maayos. "Why are you still single, Thea?" Napahawak siya sa lalamunan niya. Muntik na siyang mabilaukan sa tanong nito. Hinigit niya ang baso na may lamang tubig at ininom iyon. Pagkatapos ay tumingin siya dito. "Wala pang nagkakamaling manligaw, eh," sagot niya sa tanong nito. Narinig niya ang pag-tsk nito. "Why do women always say that? Parang proud pa kayong sabihing pagkakamali ang ligawan kayo?" "Hindi naman, nakasanayan lang kasi naming sabihin, instead na wala," Napaangat lang ito ng kilay sa sinabi niya. "Okay. Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?" Parang gusto niyang matawa sa tanong nito. Bakit ba nito tinatanong iyon? "'Yong mahal ako," tipid na sagot niya dito. Natigilan ito. Parang gusto niyang bawiin ang sanabi. Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi na ito umimik. Tatanong-tanong pa kasi, aniya sa isip. Sa kabilang banda ng puso niya, nakaramdam siya ng lungkot. May mahal na talaga ito. Humu-hoping pa naman sana siya. Pero bakit, nangahas itong halikan siya noong nakaraan? Dahil ba, gusto lang nitong maglaro ng apoy? At, siya ang napili nito? Panay ang buntong hininga niya habang naghuhugas ng mga pinagkainan. Pati tuloy siya hindi mapakali. Dapat okay sa kaniya na hindi nito pinapansin, umiiwas nga siya, diba? Pero traydor naman ang pakiramdam niya, nalulungkot, at naiinis siya. Hindi na kasi siya nito kinibo simula kanina. Natigilan siya sa paghakbang palapit sa sala nang marinig itong may kausap sa telepono. Galit na galit ito. "Ma, please, ayoko!Hayaan mong ako ang maghanap ng..." Hindi na niya narinig ang mga sinabi ni Keith sa kausap dahil nakita siya nito. Tinapunan lang siya nito ng tingin saka mabilis na pumasok ito sa silid nito. Mukhang personal na, at ayaw nitong marinig ng iba. Inabala niya ang sarili sa paglilinis. Araw-araw na lang niyang nililinis ang malinis. Nakokonsensya siya minsan. Hindi naman talaga madumi. Pero sabagay, pagluluto naman yata ang pinaka main task niya. Kakalabas niya lang ng ikatlong silid nang lumabas din ang binata. Napatingin siya sa hawak nitong telepono, basag na iyon. "Mag-ayos ka na, isasabay na kita, " sabi nito at pumasok muli sa silid nito. Mukhang hindi puwedeng tumanggi, wala ito sa mood. Hindi siguro naging maganda ang pakikipag-usap nito kanina sa telepono. Hindi naman madudurog ang telepono kung maganda ang usapan ng mga ito. Tumayo siya kaagad pagkalabas nito ng silid. Bihis na bihis na ito. Saan kaya ito pupunta ng ganoong oras? Sumunod siya rito nang maglakad ito patungong pintuan. Nahiya siya bigla ng hintayin siya nito sa pinto. Pinauna siya nito makalabas. May pagka-gentleman pa rin pala ito kahit na wala sa mood. Maging pagdating sa sasakyan ay ipinagbukas din siya nito. "Thank you," aniya dito nang umayos ito ng upo. Pilit na ngumiti lang ito sa kan'ya kapagkuwan. Kaagad na isinuot niya ang seatbelt pagka-sara nito ng pinto. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok. Bigla niyang iniwas ang tingin nang mapatingin ito sa kan'ya. Napasinghap siya nang bigla nitong inilapit ang sarili sa kaniya. Nakatitig ito sa kan'ya habang may kinakapa ito  sa gilid niya. Pigil ang hiningang sinundan niya ng tingin ang kamay nito. Hindi pala maayos ang pagkaka-buckle niya hanggang sa marinig niya ang pagtunog. Katunayan na naka-buckle na ng maayos. "Thank you..." mahinang sabi niya. Bago nito pinaandar ang sasakyan ay hiningi nito ang address niya, at itinipa iyon sa screen, na nasa harap nito. Tahimik ang buong biyahe nila hanggang makarating sa apartment niya. Baka ipagbukas pa siya nito, inunahan na niya itong buksan ang pinto sa gilid niya. Saka nagpasalamat dito. Tumango naman ito sa kan'ya. Akmang ilalabas na niya ang mga paa nang tawagin siya nito. "Thea..." Lumingon siya dito. "Good night. See you tomorrow," masuyong sabi nito sa kan'ya. Unang beses itong nagsabi ng ganoon simula ng magtrabaho siya dito. Puro tango at ingat lang ang naririnig niya dito. "Good night din. See you," nahihiyang sagot niya dito. Hinintay niyang makaalis ang sasakyan nito bago umakyat ng apartment. Pagbukas niya ng pinto ay sa kaniya lahat nakatingin ang mga kasamahan.  Kakaiba ang mga ngiti ng mga ito kaya nagtaka siya. "Bakit po?" takang tanong niya sa mga ito. "Sinong naghatid sayo, Theang? Boyfriend mo?" sunod-sunod na tanong ni Zoe sa kan'ya. "Hala, hinatid lang, boyfriend kaagad? Hindi ba p'wedeng nakisabay lang?" napapailing na sabi niya sa mga ito. Binigyan agad ng mga ito ng ibig sabihin. Nagmagandang loob lang  ang tao. "Asus, eh ba't sa'min walang naghahatid na naka-sports car? Ha?" Si Zoe ulit. "Oo nga," segunda naman ng ilan. Naiiling na iniwan niya ang mga ito. Pagka-pahinga ay naglinis siya ng katawan. Hindi pa rin maalis sa isip ng mga kasamahan ang nalaman ng mga itong may naghatid sa kan'ya. Si Zoe lang naman ang laging kasabayan sa pag-uwi. Baka dito galing ang tsismis. Kahit nasa banyo siya ay naririnig niya ang mga mapang-asar na mga sinasabi ng mga ito. Nakakahiya, kapag nalaman ito ni Keith. Inagahan niyang naligo kinabukasan. Baka siya na naman ang magiging desert ng mga kasamahan. Hindi tuloy siya nakapag-baon. Kaya nang dumating ang tanghalian, sumabay siya kay Clark na kumain sa labas. Dahil hindi naman niya kabisado ang menu sa restaurant na kakainan nila. Hinayaan niyang si Clark ang nag-order para sa kan'ya. Tutal nagmagandang loob naman ito na umorder para raw sa kan'ya. Inaabala niya ang sarili sa pagba-browse sa social media nang mapansing may nakatayo sa gilid niya. Dahan-dahang tiningala niya ito. "Keith!" bulalas niya nang mapagsino iyon. Ang guwapo nito sa suot na business suit. Ito ang unang beses na nakita niya itong nakasuot ng ganoon. "Yes, baby. It's me," nakangiting sabi nito sa kan'ya na nakapamulsa. Napalunok siya nang marinig ang endearment nito. Ito rin ang endearment nito sa kan'ya nang halikan siya nito. Hindi niya napansin na nakabalik na pala si Clark sa table nila. Nakatingin si Clark kay Keith habang inilalapag nito ang order nila. Napakunot-noo naman si Keith nang tumingin kay Clark. Nagsukatan nag mga ito ng tingin kaya napatikhim siya. Napalunok siya nang tumingin sa kan'ya si Keith ng masama. "Is he your friend, baby?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kaniya. Nasamid niya ang sariling laway dahil sa huling sinabi nito. Napatingin siya kay Clark na alanganin din ang ngiti. Hindi pa niya nasasagot si Keith nang magsalita ito ulit. "Baby..." Shit! Isa pa Keith, maniniwala na talaga akong para sa akin nga ang endearment mo! aniya sa loob-loob. "Sino siya, baby?" anito ulit. Parang gusto niyang sumigaw dahil sa kilig ng mga sandaling iyon. Siya nga ang tinatawag nitong baby! Tumingin muna siya kay Clark bago sumagot. Nakaupo na ito. "Ahm, katrabaho at kaibigan ko," sagot niya habang nakatingala siya kay Keith. Tumango-tango si Keith sa sagot niya. Magsasalita sana ito nang marinig nitong tinatawag ito. Sabay pa silang napatingin sa babae. Marahil empleyado nito, pormal kasi nitong tinawag si Keith. Sinenyasan nito ang babae saka bumaling sa kan'ya. Nagulat siya nang yumuko ang binata at mabilis na hinalikan siya nito sa labi. Literal na natigilan siya dahil sa ginawa nito. Hindi niya akalaing hahalikan siya nito sa publiko. Natanong niya tuloy sa sarili kung ano ang ibig sabihin ng mga ikinikilos nito. Kagabi iyon nagsimula. Hindi niya tuloy iwasang tanungin ang sarili kung sinadya ba nitong ihatid siya kagabi, o may lakad nga ba talaga ito. "See you later..." masuyong sabi nito sa kan'ya. Sinulyapan pa nito si Clark bago umalis. Hanggang sa pagbalik ng opisina nila, panay ang tanong ni Clark. Kung paano ba niya nakilala si Keith. Kilala pala nito si Keith. Sabagay, sino bang hindi makakakilala sa guwapo, at sikat na vocalist ng New Dawn?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD