Napangiti si Thea nang makitang nag-aayos na ang ibang katrabaho, para umuwi.
Hindi niya pinahalata kay Clark na excited siyang mag-out ng opisina. Sabi niya kasi dito, wala siyang gusto kay Keith. At, alam na kasi nito, na nagtatrabaho siya sa gabi, bilang cook ng binata. Nakailang tanong pa ito kung wala ba talaga siyang gusto dito. Gusto lang talaga niyang panindigan ang sinabing, wala siyang gusto kay Keith.
Natawa siya sa sarili nang maalala ang sarili kanina, hindi pa man time ng uwian ay panay na ang tingin niya sa orasan. Ilang beses pa siyang nagdasal na sana bumilis ang oras. Excited lang siyang makita ang binata at kung ano na naman ang gagawin nito.
Parang gusto niyang matawa sa sarili. Para siyang teenager, hindi mawala-wala ang kilig. Kasi hanggang ngayon di mawala-wala sa isip niya ang ginawa ni Keith sa kan'ya. Una, tinawag siyang baby nito. Pangalawa ay hinalikan siya sa labi, at sa public pa. Pakiramdam niya, siya, ang pinaka-magandang babae ng mga sandaling iyon. At kung nasa Pilipinas siguro sila, baka kanina pa siya dinumog ng mga fans nito sa sobrang inggit. Lahat yata ng fans nito ay gustong mahalikan ang binata.
Sumabay pa siya sa paglabas nila Clark. Samantalang dati, lagi siyang nauuna lumabas ng building nila.
Lahat sila natigilan nang may humintong sasakyan sa harap nila. Isa iyong Nissan Sentra. Napaawang siya ng labi nang makilala ang lumabas mula sa driver seat. Napatingin siya sa langit bigla. Hindi naman maaraw, in fact malapit ng mag-agaw ang dilim at ang liwanag. Pero ang adonis na bumaba mula sa magarang sasakyan ay parang silaw na silaw sa sikat ng araw, kahit nakatago na ang araw.
Bago ito maglakad palapit sa kanila ay ngumiti muna sa kaniya saka tinanggal ang magara din nitong sunglasses.
Parang gusto niyang tumakbo ng mga sandaling iyon dahil sa kakaibang pukol ng mga kasamahan. May apat na pinay pa silang kasamahan ng mga oras na iyon, maliban kay Clark na kilala na ang lalaking palapit. Alam niyang kilala na ng mga ito ang lalaking palapit sa kanila, kaya umingay ang paligid.
"Diba si KH 'yan? Grabe, ang guwapo niya pala talaga sa personal!" kinikilig na sabi ni Marichu, na nasa tabi ni Clark.
Maging ang ibang katrabaho ay ganoon din halos ang reaksyon. Siya, nanatili lang sa kinatatayuan dahil titig na titig ito sa kan'ya. Nakakapagtaka na talaga itong Keith na 'to.
"Hi," nakangiting sambit nito nang huminto sa harap niya niya.
Napatingin siya sa mga katrabaho na abot tenga ang mga ngiti.
"Let's go," anito na ikinatigil niya.
"Ha?" Luminga pa siya, baka may iba itong sinasabihan. Pero, wala na siyang kasunod dahil ang ibang kasamahan ay nagkumpulan at nagbubulong-bulungan na sa kabilang gilid. "A-ako ba ang kinakausap mo?"
Bigla niyang inilihis ang sarili nang dumukwang ito. Baka halikan siya nito. Baka lang naman.
"May iba pa ba akong kakilala dito, baby?" anang paos na tinig nito sa tainga niya. Kinilabutan siya sa tinig nito.
Nailang siya sa posisyon nilang dalawa kaya umatras siya. Pero napasinghap siya nang higitin ni Keith ang beywang niya. Napahawak ang kaliwang kamay niya sa dibdib nito. Magkadikit na ang kanilang katawan. Ang init-init ng mga sandaling iyon kahit na wala naman ng araw.
Napatingin siya sa mga kasamahan na kinikilig na sa mga kinatatayuan ng mga ito. Pilit na ngumiti siya sa mga ito.
"Tara na. Gumagawa na tayo ng eksena dito," pabulong na sabi niya sabay tulak sa binata.
Hindi nakaligtas ang mahihinang tawa nito sa pandinig niya. Narinig din niya ang pagbati nito sa mga katrabaho niya, kaya nagtilian ang mga ito.
Init na init na ang mukha niya. Pakiramdam niya pulang-pula na siya. Bago pa man siya makarating sa magarang sasakyan ng binata ay nagpati-una na ito para pagbuksan siya. Ito rin ang nag-suot sa kan'ya ng seatbelt kaya pigil ang mga hininga niya. Titig na titig kasi ito sa kan'ya.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos nitong isuot ang seatbelt sabay ikot na sa driver seat.
Hindi siya makatingin ng derecho dito. Ibinaling niya ang tingin sa labas. Kahit kinikilig na siya sa mga kinikilos nito. Hindi pa rin mawala sa isip niya kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo nito. Biglang naging sweet. Tapos sinundo pa siya nito sa mismong pinagtatrabahuhan niya. At, paano naman nito nalaman na dito siya nagtatrabaho? Naguguluhan tuloy siya. Bakit kaya? Dahil ba sa nahalikan na siya nito? Sa tingin nito may karapatan na ito sa kahit anong gustong gawin nito?
Napakunot-noo siya ng ihinto nito ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Kagaya kanina, ipinagbukas at inalalayan siya nito. Nagpasalamat siya kahit papaano.
Inakay siya nito hanggang makapasok. Hiyang-hiya siya sa suot niya. Simpleng T-shirt at pantalon lang ang suot niya. Tapos naka bakpack at sling bag pa siya. Pero si Keith, hindi man lang nahiya na isama siya dito.
"Siya na ba ang tinutukoy mo?" ani ng isang lalaking naka-three-piece suit. Matikas din ito kahit na may edad na.
"Yes," dinig niyang sabi ni Keith habang ipinaghila siya ng upuan. Naupo si Keith sa tabi niya.
"Okay. She's simple yet gorgeous," nakangiting sabi ng lalaki. Sa kan'ya ito nakatingin.
"Yeah," sang-ayon naman ni Keith.
Napalunok siya bigla. Hindi kaya ibebenta siya ni Keith? Nahintakutan siya sa naisip. Inilinga niya ang paningin. Tiningnan niya ulit ang pinasukan nila. Iniisip niyang takbuhin ito mamaya kapag nakompirma niyang ibebenta siya ng binata sa may edad na lalaking ito.
Napatingin siya sa kamay ni Keith na nakahawak na pala sa kamay niya.
"Here..." Tumingin siya sa lalaking kaharap. May inilapag itong envelope sa mesa.
Binitawan ni Keith ang kamay niya at kinuha iyon. Binasa nito saglit ang nasa loob saka ibinalik. Inilapag ng binata sa harapan niya ang envelope.
"Ano 'to?" nagtatakang tanong niya sa binata.
Akmang sasagot ito nang magsalita ang kaharap nila.
"It's a contract. You're working as a cook for him, right? You need to sign it, Miss Contreras. Sariling pera niya kasi ang inilalabas niya para sa sahod mo. Lahat ng expenses o kung ano mang bayarin ni Keith ay kailangang naka-record. At, patunay lamang iyan na nagtatrabaho ka sa kan'ya at ang perang inilabas niya ay para sayo," paliwanag nito.
Sabagay, singer si Keith. Hindi ito basta-basta kung sino. Lahat ng gastos nito dapat naka-declare. May mga taxes din itong binabayaran.
Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya may gagawing hindi matino si Keith ng mga sandaling iyon.
Kinuha niya ang inilapag ng lalaki na ballpen sa harap niya. Hindi na niya inabalang basahin ito, tutal naman na esplika na ng kaharap. Mukhang hindi ito nagbibiro. Kailangan naman talagang legal ang pagtatrabaho.
Hinanap niya ang kan'yang pangalan at pinirmahan iyon lahat. Pagkatapos niya ay kinuha iyon ni Keith. Hinanap din nito ang pangalan nito saka pinirmahan.
Hindi rin naman nagtagal ang lalaki. Nagpakilala ito sa kan'ya bago umalis. Lester Medrano pala ang pangalan nito, at isa itong abogado.
Ang buong akala niya ay uuwi na sila. Tinawag ng binata ang waiter at umorder ito ng makakain, pang dalawahan iyon.
"Dito ka kakain? Ano pa't naging cook mo ako kung sa labas ka lang-"
"Rest day mo tonight, ite-treat kita. Okay?" nakangiting sabi nito at pinisil pa ang pisngi niya.
Hindi na siya umimik pagkatapos niyon. Naging abala ito sa telepono kapagkuwan. Panay ang iling nito habang nagbabasa, tapos nagtitipa din ito. Napatigil lang ang binata nang dumating ang order nila.
Hindi siya naka-ayaw nang pagsilbihan siya nito. Wala namang Pilipino na naroon kaya hindi na siya kumontra.
Napatingin siya kay Keith nang mapansing pamilyar sa kan'ya ang binabaybay nilang daan.
Uuwi na siya? Wala siyang pasok? Nagpirmahan lang pala sila ng kontrata. Sayang hindi niya makakasama ang binata kahit na ilang oras lang.
Nakaramdam tuloy siya ng lungkot. Napatingin sa kaniya ang binata nang humalukipkip siya.
Sa labas na lang siya tumingin ng mga sumunod na oras. Kalat na ang dilim. Mukhang matutulog siyang malungkot nito.
Malapit na sila sa apartment niya kaya umayos siya ng upo. Nang ihinto nito ang sasakyan ay kaagad na tinanggal niya ang pagkaka-buckle ng belt.
Nagpasalamat siya dito kapagkuwan. Akmang bubuksan niya ang pintuan ng sasakyan nang pigilan siya nito.
"Tatlong araw akong mawawala," paalam nito nang lingunin niya.
Nakatanga lang siya sa sinabi nito.
Bakit nito sinasabi sa kan'ya?
Malamang, cook ka niya! ani ng isang tinig sa isip niya.
Napahiya siya bigla sa sarili.
"Ah, okay. " Ngumiti siya dito at hinawakan muli ang pinto.
Hindi pa man niya nabubuksan nang higitin siya ng binata palapit dito. Hinawakan nito ang batok niya at mariing hinalikan sa labi. Pilit nitong pinapasok ang loob niya gamit ang dila nito. Kaya wala sa sariling binuka niya ang bibig at binigyang daan ito upang makapasok. Tinugon niya ang mga sumunod na halik nitong mapusok.
Bago pa man lumalim iyon ay naitulak niya ang binata. Nakaramdam siya ng takot bigla. Paano kung lumalim iyon? Hindi pa siya handa kapag nagkataon.
Nagtama ang kanilang mga mata nang tingnan ito. Humahangos pa rin ito.
Napahawak ito kuwelyo ng damit nito at ini-unbutton ang isang butones habang nakatitig sa kan'ya.
"Hindi ka magtatrabaho tuwing gabi sa loob ng tatlong araw, ha? Wait for me, okay?" saad nito.
Nahihiyang tumango lang siya dito. Gusto niya sanang tanungin ito kung saan pupunta. Sa huli, hindi na niya inabala ang sariling tanungin ito. Sino lang ba siya?
"Derecho ang uwi pagkagaling ng opisina!"
Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang boses ng binata. Nilingon niya ito. Binuksan pala nito ang bintana ng sasakyan nito pagkasara niya.
Tumango siya dito at ngumiti. Hinintay na lang niyang makaalis ang sasakyan nito bago nagpatuloy sa paglalakad.
Kung kanina, nag-aalala siyang matutulog ng malungkot, ngayon hindi na. Hanggang sa panaginip dala niya ang ngiti. Pakiramdam niya teenager siya. Grabe ang kilig na naradamdaman niya. Never pa siyang pinakilig ng mga lalaki before. Ngayon lang, at isang sikat pa na lalaki ang gumagawa no'n.
Matuling lumipas ang mga araw. Ngayon ang araw na sinabi ni Keith na babalik ito. Naghintay siyang tawagan ni Vina. Tumambay muna siya sa may kainang malapit sa HDA. Dalawang oras pa siyang naghintay bago nagpasyang umalis na. Umuwi siya sa apartment na malungkot.
Wala siyang karapatang magtampo, o magalit
Nai-text na niya si Vina, wala pa daw si Keith. Umuwi pala ito ng Pilipinas nang gabing iyon.
Tatlong araw pa ang muling lumipas, walang Keith na bumalik kaya doon siya nakaramdam ng lungkot. Umasa pa naman siya na magiging maganda ang araw niya, pero hindi, eh. Mukhang pinaasa lang siya ni Keith. Ang laki niyang tanga, nagpa-uto siya dito.
Namalayan na lang niya ang sarili na pumayag kay Clark, na mag-bar-hopping pagka-out nila ng opisina. Alam niyang hindi na babalik si Keith. Pumasok na rin sa account niya ang perang kinita niya mula trinabaho dito. Wala na itong utang sa kan'ya. Wala ng magkokonekta sa kanila ng binata.
Pero, ang tanga niya! Umasa talaga siya.
Napa-ismid siya nang malasahan ang alak. Wine lang siya dati kapag napapasama dito. Pero ngayon, gusto niyang maglasing ngayon. Gusto niyang makalimot kahit sandali. Friday bukas, walang pasok sa opisina kaya maglalasing siya.
Hindi niya alam kung nakailang lagok siya ng alak. Basta nang yayain siya ng mga kasamahan sa gitna ng dance floor ay hindi na siya nahiya. Ibig sabihin, tinamaan na siya. Umiikot na rin ang paligid niya. Nakisabayan siya sa tugtog, kung maharot ito, maharot din ang mga kilos niya. Wala na siyang pakialam ng mga sandaling iyon. Panay pa ang tawa niya habang sinasabayan ang musika.
Nakapikit siya habang umiindak ng mga sandaling iyon. Pero napasigaw siya nang bigla siyang umangat sa ere. May bumuhat sa kan'ya. Alam niya, dahil nakikita niya ang taas ng bar na iyon.
Natigilan siya sa pagsigaw nang makita ang pamilyar na mukha ng taong bumuhat sa kan'ya. Naka-sombrero ito. Mukhang ayaw pa ring maalis sa sistema niya ang binata. Nag-iilusyon na siya! Masama na ito.
Nasisilaw siya kapag nakikita ang mga ilaw na patay sindi kaya naipikit na lang niya ang mga mata. Nawalan na rin siya ng lakas dahil ramdam na niya ang epekto ng alak at ng antok.
Namalayan na lang niya ang sariling naka-upo na sa upuan ng sasakyan. Suminghot siya dahil pamilyar sa kaniya ang amoy ng sasakyan.
Hanggang sa ganitong sitwasyon ba naman naalala niya ang binata. Hindi na nga siya babalikan.
"Hindi na nga, eh. Wala na siya. Paasa siya... " naisatinig niya sabay tampal ng dibdib.
"Dammit!" Iyon ang huling narinig niya bago siya lamunin ng antok...