FREYAH'S P.O.V. "I love you Freyah..." "I love you Freyah..." "I love you Freyah..." Sinampal-sampal ko ang sarili ko ng paulit-ulit. Hindi na kasi mawala sa isip ko ang huling sinabi ni Dice matapos naming magsiping dalawa. Limang Araw na ang nakakalipas ng mangyari ang bagay na iyon. Nilagnat pa nga ako dahil sa feelingko namaga ang hita ko, sabi ng isang katulong nila Dice, normal daw iyon. Mula ng araw na iyon. Hindi na muling umuwi ng bahay si Dice, natutulog na lang ito sa hotel O di kaya sa mga kasama nito sa taping, samantalang ako hindi makatulog dahil parang may echo sa tenga ko na paulit-ulit na naririnig ko ang huling sinabi niya, parang may sariling utak ito na paulit-ulit kong naiisip. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at agad akong nagtungo sa Kusina, madalas kasi