FREYAH'S P.O.V. Nakangiti ako sa kay Dice, habang nasa counter siya at bumibili ng pagakain namin. Ibang-iba na talaga si Dice, dahil naging mabait na siya sa"kin. Ilang beses niya ba akong tinawag na Honey. Ang sarap pakinggan. Parang gusto kong ipabago ang pangalan ko sa NSO gagawin kong honey at hindi na Freyah. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na naging mabait na si Dice sa'kin. Kung nasasapian siya wag na sana siyang bumalik sa dati. Tulad ngayon, okay lang sa kanya ang kumain kami sa fastfood chain. Kahit alam kong hindi naman talaga siya kumakain sa ganitong lugar. Mahilig kasi si Dice, kumain sa mga sikat na Restaurant. ayoko naman do'n kumain. Bukod sa mahal kumain kaunti pa. At ang hirap pa'ng kumain. Dahil sa mga kubyertos nila, nakaka-stress kumain sa gano'n. Kaya dito k