A/N: WARNING! SPG. FREYAH'S P.O.V. Nakasimangot ako, habang paulit-ulit kong tinitingnan si Dice. Habang nagda-drive siya ng kotse. Pauwi na kasi kami ng bahay, naiinis na ako sa kanya. Mukha kasing nababaliw. Pangiti-ngiti siya habang nakatuon ang pansin ang mga mata sa kalsada. paulit-ulit kong tinitingnan wala namang nakakatawa sa kalsada. "Ha-ha-ha!" Tawa ni Dice. Ang kaninang pagngiti-ngiti niya ay nagkaroon na ng tunog. Sa inis ko binatukan ko siya baka kasi nawawala na siya sa sarili kaya binatukan ko siya malay mo bumalik sa katinuan. Halos dumikit na ang ulo niya sa manibela. "F*ck!" Biglang preno niya, ang Talim ng tingin niya nang tumingin siya sa'kin. "Bakit mo ako binatukan?" Inis na tanong niya. "Ayan, bumalik ka na sa katinuan. Batok lang pala ang katapat mo." kam