CHAPTER 1
DAISUKE'S P.O.V.
Naiinis ako sa mga reporter at mga photographer na kanina pa tanong nang tanong sa 'kin, sa bawat kilos ko. Kasabay noon ang pag-click ng camera. Minsan nakakainis na ang maging artista. Wala kang privacy.
"Daisuke! Saan ka pupunta?" tawag sa akin ng manager kong si Tita Malou.
"Uuwi na!"
Hinabol niya ako hanggang sa hallway ng isang building dito sa Quezon City, may press conference kami with the Directors of a new movie na pagbibidahan ko.
"C-mon Daisuke! Come here! Hindi pa tapos ang press conference."
Hindi ko siya pinansin sinipat ko ang relo ko. Past eight in the evening na. Kailangan kong umabot sa party namin ng mga college friend ko.
"Daisuke please!!"
Nilingon ko ang manager ko, at tinitigan ko ng matalim."I don't care about the meeting. I already told you. I have important things to do, and you're pushing me to go with you! It's up to you to explain to them. After all, you're good at that!"
Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar ko iyon nang mabilis.
Walang nagawa si Tita Malou kung hindi ang tanawin na lang ako hbang papalayo.
Arrison Restobar,
"Guys look who's coming!" wika ni Fidel
"Yeah! It's Daisuke Britain." wika ni Loue
"Kamusta na guys?" sabi ko ng lumapit ako sa kanila.
Binigyan ako ng alak ni Fiddel Morin, one of my college friend.
"Thank you, pare! Ako na lang ba ang kulang?" tanong ko.
"Yeah! Exactly! Akala namin hindi ka makakapunta dahil busy ka sa pagiging artista," wika ni Loue Santos.
Sa aming lima siya ang mahilig sa babae, hindi naman nakapagtataka iyon dahil naging Campus Prince si Loue noong nag-aaral pa kami.
"Dice, kumusta ang pagiging hot actor?" tanong ni Toffee.
Toffe Sebastian, siya naman ang happy go luck sa 'ming apat. Hindi siya nagbabanat ng buto, gusto niya mag-relax dahil sooner kapag kailangan niyang hawakan ang mga business nila magiging stressful ang mga magiging araw niya. Sa aming apat siya ang pinakuripot. Kahit nga kayang-kaya niyang gumastos ng millions everyday. Hindi niya ginagawa.
Sinaid ko ang alak nasa baso ko tapos muli akong kumuha ng alak. "Nakakapagod walang privacy."
Inakbayan ako ni Loue. "Okay lang 'yan Dice. Maswerte ka nga! Kasi halos lahat ng mga sexy at naggagandahang mga artista. Nakikita mo at nahahalikan mo ng libre." ngumisi pa ito.
"Ulol! Wag niyo akong itulad sa inyo mga manyak!"
Tumawa ang tatlo. "Oh- C-mon Dice, 'wag mong sabihin hindi ka nakakaramdam ng konting init kapag hinahalikan mo sa set ang Leading Lady mo?" Pang-aasar ni Fidel sa'kin.
"Trabaho lang iyon. Wala akong malisya iyon! "
"Ows? Anyway how about a kiss of a man?" tanong ni Toffee.
Nakakabadtrip na! Pinagti-tripan nila ako
"What do you mean?" Hindi na maipinta ang mukha ko sa asar.
"Napanood namin yung pelikula mo na bading ang role mo. Bagay sa iyo pero walang eksena na nag-kiss kayo ng partner mong lalaki. Why?" tanong ni Fidel
"Ano ito hot seat?" irita kong sagot.
"Gusto lang naming malaman?"
Tanong ni Fidel.
"Ayoko ng kiss sa kapwa ko lalaki nakakasuka."
"So, hindi mo kaya?" tanong muli ni Fidel.
"Kaya ko basta sinabi ng Direcktor, trabaho iyon.
Nagkatinginan ang tatlo tapos ngumiti. Lumapit sa 'kin si Fiddel. "I dare you to kiss that bartender in five seconds." He even pointed to the bartender, and I'll give you my condo unit in Libis Quezon city if you can do it. Here's the key!". He took out the key and placed it on the table.
"f**k you!" I said bitterly.
"Yeah! I'll give you my expensive car. Porsche 918 Spyder!" wika ni Toffee.
"Whooaah! How expensive! Millions. Wow!" wika ni Loue.
Tumango si Toffee." Yes, he's just in the garage unused.'
"So what, Dice, dare? I'll give you my house in Tagaytay when you do it," wika ni Loue.
"I have to go!"
"Hey! Dice, don't leave!" Awat nila sa 'kin.
"f**k! 'wag niyo akong pigilan!"
"Ano ba 'yan! Dice, minsan lang tayo magkakasama aalis ka pa," wika ni Toffee.
"Ayokong pinagti-tripan ako!"
"Fine! Kung ayaw mo! Just for fun lang naman yung dare na iyon," wika ni Loue.
"Just for fun? gusto mo ikaw ang gumawa!" Inis kong sagot.
"Kung si Loue ang i-di-dare tama na diyan ang isang case na pulang kabayo," Sabay tawa ni Fiddel.
"Sa akin yelo na lang! Ako na bibili ng yelo iyon ang pusta ko," sagot naman ni Toffee.
"Mga ulol! Ang cheap naman ng pusta niyo sa 'kin, pagdating kay Dice millions, s a'kin pang sunog baga lang!"
"Kasi naman! Kahit unggoy sa Zoo papatusin mo! Basta inabot ka ng libog. Yang Dare na paghalik. sus! sisiw sa 'yo 'yan!" sagot ni Fidel.
"Tama si Fiddel, kahit bakla nga pinapatos mo! Kahit yung mga tigbebente lang okay lang sa 'yo," muling humalakhak si Toffee.
"Mga Gago! Anong palagay niyo sa akin, lalaking cheap?" Binato pa ni Loue ng isang kahang sigarilyo ang dalawa sa inis
"Oo, matagal!" duet pa ang dalawa.
Napailing na lang ako at uminom na lang ng alak.
"Back to Daisuke. Ano Dice kaya mo ba?"
Huminga ako ng malalim.
"Hindi talaga ako titigilan ng tatlo, "Okay fine! But no camera's, no video's. I swear I'll kill you."
Tumango ang tatlo at ngumiti. Halatang natutuwa sa kalokohan. Imagine, milyon ang mawawala sa kanila para sa dare.
Tumayo ako at kinausap ko ang bartender. Gulat na gulat ito pero nang sinabi ni Fiddel na tatanggalin siya sa trabaho Napilitan itong pumayag . Si Fiddel kasi ang may-ari ng restobar na ito.
"Sir, saglit lang po hindi pa ako ng toothbrush!"
Napangiwi ako. "Yuck!"
Narinig kong humalakhak ang mga hudas.
"Dice, bigyan mo ng imported na mouthwash." Sabay tawa ni Fiddel.
"Oh, heto." Hinagis ni Loue ang mouthwash na laging bitbit niya. "Imported 'yan. Lahat ng bacteria at badbreath tanggal diyan." Tumawa pa ito.
"Mga bwiset!"
"Go! Dice! Go Dice!" sigaw nila.
"Sir, tapos na po ako mag-toothbrush at mag-mouthwash."
"Just close your eyes, don't try to open your eyes or else I'll kill you! " warning ko sa bartender. Tumango lang ito sa 'kin.
Huminga muna ako ng malalim,
Tapos unti-unti akong lumapit sa bartender nang idinampi ko ang labi ko bigla akong naduwal. Hindi ko talaga masikmura.
"Go! Dice! You can do it!" wika ni Toffee.
"Isipin mo sexy babae kahalikan mo!" Sabay tawa ni Loue.
"Go! kaya mo 'yan! Parang kagat lang ng langgam 'yan!" wika ni Fiddel
"Mga bwiset kayo!!" Inis kong sigaw sa kanila.
Muli kong inilapit ang labi ko. Pumikit na lang ako, tapos nag-count down ang tatlong hudas 1... 2... 3... 4...
Biglang may nag-click ng camera. Bigla akong kumalas at nilingon ang kumuha ng picture sa amin.
"Sino iyon?" Tumakbo si Fiddel at Toffee para sundan ang kumuha ng picture.
"Sino yung kumuha ng picture?" tanong ko.
"Hindi namin alam! Bigla na lang sumulpot. Tara sundan natin," sabad ni Loue.
"Fvck!" Patay ang career ko nito pagnagkataon.
Hinabol namin pero hindi namin nakita. Nakasuot ito cap na red at nakasuot ng red jacket. Ang bilis niyang nawala. Halos inikot na namin ang buong lugar. Wala kaming nakita, lugo-lugo kaming bumalik sa restobar at pagod na umupo.
"I'm sorry Dice, kasalan ko," wika ni Fiddel.
"Sorry, Dice, hindi namin gustong mangyari ito, kasiyahan lang talaga dapat iyon!" ani Loue.
"Sorry, Dice." wika ni Toffee.
Gusto ko silang gulpihin sa galit ko, pero wala na akong magagawa. Isa pa may kasalanan din ako kasi pumayag ako.
Huminga ako ng malalim. "Sigurado bukas wala na akong career."
"Pagpi-fiestahan ang picture na iyon, sa social media, dyaryo, magazine at news," wika ni Toffee.
"Ngayon pa lang ipa-track niyo na ang mga website para hindi na kumalat," sabi ko.
"Sige! Tutulungan ka namin Dice, tutal kasalanan namin ito," sagot ni Toffee.
"Thank you guys. 'Yung premyo ko ibigay niyo na sa 'kin, dahil bukas wala na akong career.
Isa-isang kinuha ng tatlo ang mga susi ng bahay, condo, at kotse.
"Kami na bahalang magpalipat sa pangalan mo."
"Dice, pagkailangan mo ng statement namin at kailangan naming magpa-interview sabihin mo lang," wika ni Loue.
"Salamat!"
"Baka kasi ma-discover kaming artista na ipapalit sa iyo, mas pogi naman kami sa 'yo," dugtong pa ni Toffee.
Tinitigan ko sila ng masama. Akala ko pa naman concern sila iyon pala gusto lang magpa-discover.
"Mga siraulo!"
Tumawa ang tatlo. Bahala na bukas. Matagal ko rin gustong mag-quit sa pagiging artista. Baka siguro ito na ang oras, bahala na si batman sa mga susunod na araw.