FREYAH'S P.O.V. Habol ang pagtakbo ko habang sinusundan si Daisuke, hawak-hawak niya ang kamay ko, kung kaya't wala akong choice kundi ang tumakbo. Sa liit ng hakbang ko, natural na tumakbo ako sa dambuhalang mga hakbang ni Daisuke, sa kawayan ba naman nitong binti ewan ko lang kung magawa mo pang maglakad. Hirap na hirap akong tumakbo O kahit maglakad. Dahil sa sobrang sakit ng suot kong sandals. Ilang beses ba akong muntik ng masubsob sa suot kong sandals na may three inches ang taas. Dagdagan mo pa ang suot kong gown na feeling ko gagalisin ako. Dahil sa sobrang kati sa balat ng tela, wala naman akong magawa dahil kailangan daw naming dumalong dalawa ni Dice dahil hahanapin daw ang presensya namin ng Daddy niyang may kaarawan. "Dice, pahinga naman tayo. Napapagod na ko eh,"react ko sa