Chapter 4

4565 Words
KATATAPOS lang ng klase nina Toni at naglalakad sila palabas ng University nang tumunog ang cellphone niya. Napangiti pa siya nang makita ang pangalan ng kasintahan. "Hello, beautiful!" bungad kaagad nito nang sagutin niya ang tawag "Hi, handsome!" sagot niyang may malapad pa ring ngiti. "How's your day, Sweetheart?" "Hmm... kanina okay naman, pero parang ngayon hindi na." "Aww... why po?" malambing ang tinig na aniya rito, hindi alintana ang nagtatakang tingin ni Kevin na kasabay niyang naglalakad. Patay malisya naman si Tin na humigit kumulang alam na kung sino ang kausap niya. "I hate seeing my girlfriend with another guy." Kunot ang noong magpalinga-linga siya sa paligid. Nakikita niya ako? "Huh? Nasaan ka po Sweetheart? "Nandito sa labas ng school ng girlfriend ko, susunduin ko sana siya, pero may kasabay na pala siyang iba." anito sa pinalungkot pang tinig. Lalo niyang pinagbuti ang paglinga-linga sa paligid. "Huh?! Sweetheart, please... tell me where are you... papaunahin ko na sina Tin, tapos pupuntahan na kita." "Sure? Baka nakaka-istorbo ako sa inyo..." Ipinaikot niya ang mga mata... alam naman niyang nakikita siya nito. "Of course, miss na po kita." malambing niya sabi. "I'm here, sa harap ng burger stand, black nissan patrol." Nakita niya nga ang sinabi nitong sasakyan na nakaparada sa harap ng burger stand "Ikaw 'yon? Kaninong car 'yan?" "Hiniram ko lang 'to sa friend ko, para walang makakita sa atin." Natawa siya sa sinabi nito. "Ikaw talaga! Sige po, paalam na ako sa kanila, tapos punta na ako diyan." "Okay. " Pagkababa ng tawag ay saka lamang niya napansin na nakahinto na pala sila sa tapat ng gate at sa kanya nakapako ang tingin ng tatlong kasama. Alanganin niyang nginitian ang mga ito at nag-iwas ng tingin kina Kevin at Lloyd. Kay Tin niya ipinaling ang tingin. "Ahm... Bez, una na pala kayo." tiningnan niya ito ng makahulugan at base sa marahang pagtango nito ay alam niyang naintindihan nito ang nais niyang sabihin. Bumaling siya kina Kevin at Lloyd at nginitian ang mga ito. "Paesenya na, next time na lang pala ako sasama sa inyo maglunch. May lalakarin pala ako, nakalimutan ko." Kahit nagtataka ay nakuhang ngumiti ni Kevin, habang wala naman siyang nakitang kakaiba sa ekspresyon ni Lloyd. Nakangiting tumango lamang ito habang nakaakbay sa kasintahan. "Gan'on ba?" ani Kevin. "Hatid na kita sa pupuntahan mo," alok pa nito. Mabilis siyang umiling. "No thanks. Tuloy n'yo na lang 'yung lunch n'yo." Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Kevin. Tumingin naman siya ng makahulugan kay Tin... anyong nagpapasaklolong segundahan ang sinabi niya, na mabilis naman nitong naintindihan. "Oo nga, Kevin, let's go. Hayaan mo na 'yang bestfriend ko, kaya niya na sarili niya." Tumingin muna si Kevin kay Tin bago bumalik ang tingin sa kanya. "Sure?" paniniyak pa nito. "Sure." nakangiti pa niyang sabi. Lumapit siya kay Tin upang humalik sa pisngi nito. "Thanks." bulong niya bago lumayo dito. Doon lamang siya tinapunan ng nagtataang tanong ni Lloyd na alam niyang narinig ang ibinulong niya sa kasintahan nito. Matamis niya lang itong nginitian. NANG makaalis ang tatlo ay saka pa lamang siya naglakad patungo sa sasakyang sinabi ni Greg. Sa passenger's seat na siya dumeretso at agad na binuksan ang pintuan niyon... hindi na naka-lock. "Hi." bati niya rito nang makasakay. "Hi, yourself." walang ngiting sabi nito na binuhay na ang makina. Tumatakbo na sila nang muli siyang bumaling dito. Hindi niya matiis ang katahimikan lumulukob sa buong sasakyan. "Galit ka?" alanganin niya tanong dito. Wala pa ring imik na umiling ito. Humugot na lamang siya ng malalim na paghinga at saka bumaling ng tingin sa labas ng bintana. Alam niyang may kinalaman si Kevin sa pagsusungit nito. "School mate pala kayo ng Kevin na 'yon? Akala ko ba pinsan lang siya ng boyfriend ni Tin?" maya-maya ay sabi nito. Noon siya lumingon at tumingin dito. "Yeah." aniyang may kasama pang tango. "Nagpatransfer siya sa school last week." "At nanliligaw na siya sa iyo?" wala pa ring makikitang emosyon sa mukha nito. "Nagseselos ka?" nangingiting tanong niya rito. Sumulyap lang ito sa kanya na tila ba sinasabing, 'tinatanong pa ba 'yon?', bago ibinalik muli ang mga mata sa daan. Nangingiti pa ring umiba siya ng upo. Nakaharap na dito. "Sweetheart, wala ka pong dapat na ikaselos kay Kevin, ikaw nga ang man of my dreams, remember?" Mataman siyang nakatitig dito kaya't nakita niya ang paglambot ng ekspresyon nito at ang pinipigil na ngiti. "Ayee... kinilig!" tukso niya pa rito sabay sundot sa tagiliran nito na ikinaigtad ng binata. "Sweetheart, i'm driving," "Isa pa uling sundot sa tagiliran nito ang ginawa niya. "Sabihin mo munang hindi ka na galit at kinikilig ka." pangungulit niya rito. Hinuli nito ang kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito saka pinagkawing ang mga daliri nito. "Sweetheart, alam mong hindi ko kayang magalit sa'yo," ani Greg at minsan pang hinalikan ang kamay niyang hawak pa rin nito. "At kinikilig ka?" nakangiti pa ring kulit niya muli dito. Parang siya yata ang kinikilig! Urgh! Nakangising inindatan lamang siya nito. "Saan mo gustong kumain?" tanong nito kapagkuwan. Umangat ang isang kilay niya sa tanong nito. "Baka may makakita sa'tin." Unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi nito. Nakaramdam naman siya ng pangongonsensya. Ayaw niya isipin nito na ikinahihiya niya ito. Pero natatakot talaga siyang may makakita sa kanila at makarating sa ate niya. Siguradong mahabang paliwanagan kung bakit sila magkasama ng binata. "Sorry." aniyang nagbaba ng tingin. Nakakunawa namang pinisil nito ang kamay niya. "It's okay." saka siya nito binigyan ng nakakaunawang ngiti. "Don't worry, we'll eat somewhere na walang makakakita sa atin." Muli siyang ngumiti ito at tumango. Napakaswerte niya talaga sa pagiging understanding ng nobyo kahit minsan alam niyang hindi ito sang-ayon sa gusto niya ay pinipilit pa rin siya nitong intindihin. Wala na talaga siyang mahihiling pa rito. Binitiwan nito ang kamay niya at dinampot ang telepono nito. Maya-maya lamang ay may kausap na ito. Hindi niya gaanong nainitindihan ang mga sinabi nito ngunit kumabog ang dibdib niya at napaawang ang mga labi nang marinig niya ang salitang 'suite'. Jusko, maghohotel na yata kami! Ready na ba ako? Nang ibaba nito ang tawag ay ang lapad ng ngiti nitong sumulyap muli sa kanya. Nawala ang ngiti nito sa mga labi nang makita ang reaksyin niya. "Are you okay?" tanong nito habang pasulyap-sulyap sa kanya at muling ibabalik ang tingin sa kalsada. "Ahm... I heard, you reserved a suite, for us?" paniniyak niya sa narinig. "Yeah, why?" parang walang anuman na sabi nito. Kahit malamig ang sasakyan, pakiramdam niya ay pinawisan siya nang kumpirmahin nito ang narinig niya. "Ahm... ah, Sweetheart..." hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Kunot noong sinulyapan siya nitong muli. "Is there a problem, Sweetheart?" Muli nitong inabot ang kamay niya na ikinapitlag niya pa. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Greg. "Sweetheart...?" nagtatanong ang mga mata nito. "Sweetheart... ahm... I d-don't think... ahm.." hindi niya alam kung papaano sasabihin ditong hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay. "I d-don't think, i'm ready for that." Kunot ang noong tumingin ito muli sa kanya... anyong naguguluhan sa sinasabi niya. "Sweet--" "Please, try to understand, Sweetheart... nag-aaral pa ako, and mag-e-eighteen pa lang, ako in two weeks time... ayoko naman na kapag tinanong ako ng anak natin kung kailan ako na-de-verginize, seventeen ang isasagot ko sa kanya... that's not even a legal age, right?" Unti-unting namilog ang mga mata ni Greg sa sinabi niya. Tila noon lamang rumehistro sa isip nito kung ano ang ibig niya sabihin. "Sweetheart..." pagpapatuloy pa rin niyang hindi pinansin ang anyo nito. "...pwede bang after ko na lang mag-eighteen?" nananantiya pang aniya rito. Pumuno sa buong sasakyan ang paghagalpak ng malakas na tawa ni Greg. Hitsurang aliw na aliw. Siya naman ang nangunot ang noo rito. "Sweetheart..." hindi pa rin naghuhupa ang tawa nito. "I wasn't thinking of that, you silly!" "Eh, ano ang gagawin natin sa motel?" takang tanong pa niya. "Hotel, Sweetheart... not motel." hindi pa rin ito nakakarecover sa katatawa. Sinamaan niya ito ng tingin at sinimangutan. Pinagtitripan ba siya nito? Pilit naman nitong pinigil ang pagtawa ngunit naroon pa rin ang kislap ng pagkaalis sa mga mata. "Sweetheart... mali ka ng iniisip. Wala akong balak na masama noong naisip kong magpabook ng hotel." "Eh, ano nga ang gagawin natin d'on? Huwag mong sabihing manananghalian lang tayo doon?" "I'm telling you now... manananghalian lang tayo doon." Binigyan niya ito ng nagdududang tingin. Natatawa pa ring hinalikan nito ang kamay niya. "Trust me, Sweetheart... I am never after that. Kakain lang talaga tayo d'on." seryoso na ito sa pagkakataong iyon. Tila nais iparamdam sa kanyang totoo ito sa sinasabi. "And I want to be with you... iyong tayong dalawa lang. Where I could kiss you and nobody will see and judge." Bagaman naroon at mababanaag ang labis na pagmamahal sa mga mata nito... there's something else na hindi niya matukoy. Nangunot ang noo niya. "Sweetheart--" "It's okay, Sweetheart. I love you... and it's all that matters." madamdaming sabi ni Greg. Muli siyang nakaramdam ng pangongonsensya. Alam niyang nahihirapan ito. Dahil nasa legal nang edad si Greg, alam niyang hindi ito sanay na itinatago ang relasyon. O, na itinatago ito. "I'm sorry, Sweetheart, alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon natin." humilig pa siya sa balikat nito. "Don't worry, two weeks na lang po, and magiging legal na tayo." nag-angat siya ng tingin at ipinatong ang baba niya sa balikat nito habang nakatingin dito. Muling may nakiraang kung ano sa mga mata nito na hindi niya matukoy, inignora na lamang niya. "And, in two weeks, promise ready na ako." Kunot-noo munang tumingin ito sa kanya. At nang sa tila ay naiproseso na sa utak kung ano ang sinabi niya at matamlay itong ngumiti sa pagtataka niya, at saka siya hinalikan sa noo. "Silly." mahinang anito. "That's not what I want you to promise." seryoso nitong sabi. Nahihiwagaan na talaga siya sa nobyo. "What, then?" "I want you to promise me, that you'll finish your studies, the soonest time possible. After your graduation, you'll see me... patiently waiting to claim what you were offering. I'll gladly claim it by that time. Promise me, you'll wait..." Muling nangunot ang noo niya. "Ako talaga?" Ngumiti ito sa kanya ngunit hindi naman umabot sa mga mata nito. "Yeah, you. Because I already made a promised that I will wait for you... until such time that you are ready. For me... for us. And I promised that I am always there, in every steps of your way." matapos nitong sabihin iyon ay mariin siya nitong hinalikan sa noo. "I love you." Lalo yata siyang naguluhan. "BEZ, nasaan ka na ba?" "Heto na, malapit na po. Kasi naman, ang aga-aga ng pina-schedule mo sa spa eh..." tinawagan siya ng kaibigan kahapon at sinabi nga na nagpa-appointment ito sa isang kilalang Spa. Regalo da nito iyon sa kanya sa kanyang kaarawan. Nang araw na iyon ang ika-labing walo niyang kaarawan. Tinanong siya ng mga magulang niya kung gusto raw ba niya ng magarbong party at imbitahin ang mga kaklase niya ngunit tumanggi siya. Sinabi niya nais lamang niya magdinner kasama ang ate niya at mga kaibigan. Sina Tin, Lloyd at Kevin lamang naman ang masasabi niyang mga talagang kaibigan niya sa school. Iyong iba ay mga pawang kakilala lang. Kahit na sinabi niya na kay Greg ang tungkol sa birthday dinner niya ay sinabihan pa rin niya ang kapatid na imbitahan si Greg. Baka kasi magtaka ito kung bakit bigla na lamang sumulpot doon ang kaibigan nito. Noong una ay bahagya itong natigilan sa sinabi niya bago animo wala sa loob na marahang tumango. "Hoy, Maria Antoinette... birthday mo po ngayon, no... so, I have to pamper you, from head to toe." litanya ng kaibigan niya. "Pwede naman kasing wala eh. Dinner lang naman mamaya sa bahay, so bakit pa kailangang may ganito?" "Basta. Bilis na kasi, kanina pa ako dito ha!" "Heto na. Nasa entrance na ako." NANGUNOT ang noo ni Toni nang silipin niya ang cellphone niya. Tapos na silang magpa-spa ni Tin. Nagpa-manicure at pedicure din sila... at pinilit din siya nitong magpa-salon. Ewan ba kung ano ang trip ng kaibigan niya at kahit pa anong tanggi niya ay hindi ito pumayag hangga't hindi siya napapahinuhod. Ayon dito ay regalo daw nito iyon sa debut niya. Isang black credit card ang ibinabayad nito sa bawat transaksyon na ipinagtaka niya. Kailan pa ito nagkaroon ng black card? Ang alam niya ay walang limit ang mga ganoong uri ng credit card. Nang matapos ay niyayaya pa nga siya nitong magshopping na mariin niya nang tinanggihan. Masyado nang malaki ang nagasta nito sa kanya maghapon... maski nga sa pagkain ay ito pa rin ang nagbayad ng lahat--gamit ang black card na hawak nito. Maghapon na ang lumipas ngunit wala pa rin siyang naririnig na pagbati mula kay Greg. Nakalimutan ba nito ang kaarawan niya? Kahit tila nais niya nang magtampo sa kasintahan ay binigyan niya pa rin ito ng benefit of the doubt... baka naman busy lang ito. Pinili niyang itext na lamang ito kaysa mag-isip ng kung ano-ano. FROM : MY SWEET T Sweetheart... Paramdam niya rito. Sa kulang isang buwan nilang magkasintahan, kapag namimiss niya ang nobyo ay magtetext lamang siya ng gan'on at agad na itong tatawag sa kanya. Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin tumutunog ang cellphone niya. Napansin marahil ni Tin ang maya't- maya niyang pagsilip sa cellphone niya. "May problema, Bez?" tanong nito. Dahil wala naman siyang itinatago rito ay sinabi niya ang bumabagabag sa kanya. "Hindi pa 'ko binabati ni Greg." nakalabi pang sabi niya. Unti-unting naghugis 'O' ang mga labi ni Tin. "Ow! Baka busy lang?" tila walang anumang sabi nito. "Kahit isa text ng HBD lang 'di niya ba masingit? Three letters lang 'yon, Bez!" naghihimutok pa rin niyang sabi. Alanganin itong ngumiti na hindi niya pa mawari kung ngiti o ngiwi. "Magshopping na lang kasi tayo... masaya ka na, nakabawin ka pa." may mahiwagang ngiting nagtatago sa mga labi nito. Patay-malisya naman itong tumingin sa kanya. Naiiling namang muli siyang tumipa sa hawak na cellphone. FROM : MY SWEET T Parang gusto ko nang magtampo ah, birthday ko na, wala man lang paramdam? Wala man lang bati? Anyways, gusto ko lang ask kung ano'ng oras ka pupunta mamaya sa bahay. Magkasama pa kami ni Tin, sabi niya kasi, eto raw gift niya sa akin, eh... buong araw niya akong pinamper. Pero pauwi na rin kami, for the dinner. Naghintay pa siya ng ilang sandali, at nang wala pa rin reply ay muli siyang nagtipa ng mensahe. FROM : MY SWEET T Sobrang busy mo ba talaga,.hindi ka makareply? Okay. Hindi na ako mangungulit. 8 Sana lang, hindi ka masyadong busy para makapunta mamaya sa bahay. Kung pwede lang huwag na ituloy ang dinner, eh. Matapos maipadala ang mensahe ay niyaya niya na si Tin umuwi. Sumulyap naman muna ito sa relo nito bago pumayag. HALOS papadilim na nang makarating sila sa bahay. Nangunot ang noo niya nang makitang sarado pinto at patay ang mga ilaw. "Bakit walang tao rito? Nasaan kaya si ate? Akala ko ba magpapaluto siya, para sa dinner natin? Sina Lloyd at Kevin, ano'ng oras daw pupunta?" aniyang bumaling sa kaibigan. Nagkibit ito ng balikat bago sumagot. "Malay. Sila Lloyd, i-text ko na lang daw sila, kapag nandito na tayo, hahabol daw sila." Laglag ang balikat na bumaling siyang muli sa pinto. May isa pang panauhin na kanina niya pa hinihintay magparamdam, pero parang nakalimutan na nito ang araw na ito. Akala pa naman niya ay magiging masaya ang araw na ito. "Lika na, pasok na tayo. Malamok dito, ha." pukaw sa kanya ng kaibigan. Matamlay na binuksan niya ang pintuan para lang magulat sa nakita. SURPRISE!! Sabay-sabay na sigaw ng mga taong inabutan nila sa loob ng bahay. Naroon ang ate niya, kasama sina Lloyd at Kevin at siyempre, si Greg, na ang laki ng ngiti sa kanya. Nakangiting lihim niyang inirapan si Greg dahil sa hindi nito pagpaparamdam sa kanya maghapon, iyon pala ay kasama ito sa nag-prepara ng kaarawan niya, at gayundin sa pagsorpresa sa kanya. Gayundin si Tin na kaya pala pilit siyang inabala maghapon. "HAPPY BIRTHDAY, TONI!!" sabay-sabay na bati ng mga ito sa kanya. "Grabe, thank you talaga! Akala ko wala nang birthday na magaganap, eh." maluha-luha niyang sabi. "At ikaw, bez, kasabwat ka, ano?" naninita ngunit nakangiting baling niya sa kaibigan. Nakangiti rin ito na nag-peace sign pa sa kanya. "Napag-utusan lang po. Happy Birthday, Bez, enjoy your night." anito at hinalikan pa siya sa pisngi. Isa-isang nagsilapitan ang mga ito sa kanya upang bumati at magbigay ng regalo. Nang lumapit si Kevin upang bumati at ibigay ang regalo nito ay hinalikan din siya nito sa pisngi. "Happy Birthday." "T-thank you, kain na kayo doon." "Okay. Ikaw?" "Sige lang, susunod ako." Nakita niyang nagsalubong ang makakapal na kilay ni Greg at umiwas ng tingin. Tumalikod ito upang kuhanin ang isang bungkos na sunflower na ngayon niya lang napansing nakapatong sa mesa at lumapit sa kanya. "Happy Birthday, Sweetheart." bati nito, at inabot sa kanya ang bulaklak at isang mahabang kahitang kulay pula. Pinanlakihan niya ito ng mga mata at sumulyap sa ate niya na tila sinasabing, 'hindi niya pa alam'. Nginitian lamang siya nito at hinalikan sa noo. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan sa klase ng ngiti nito, parang may iba. Parang may lungkot! "Okay ka lang?" pabulong na tanong niya rito. "Of course, huwag mo akong intindihin, okay lang ako. Napagod lang siguro ako sa preparations. I want you to be happy on your special day." nakangiti pa rin ito ngunit nag-iwas ng tingin. "Anong oras natin kakausapin si ate?" "Later, Sweetheart. Let's eat, first." tumikhim muna ito bago sabihin iyon. Hindi niya alam pero, parang may mali talaga, hindi niya lang matukoy. "Hmpf. Baka napapraning lang ako. Hindi bale, magsasabi naman na kami kay ate mamaya, mawawala na rin siguro itong nararamdaman ko'ng kaba." iyon na lang ang inilagay niya sa isip niya. Habang kumakain ay sobrang sweet ni Greg sa kanya. Sobrang asikaso nito sa lahat ng pangangailangan niya. Napapansin niyang, napapakunot-noo si Kevin sa pagtataka kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa. Kapag napapatingin naman siya sa ate niya at tinitingnan niya kung ano ang reaksyon nito sa nakikita ay agad itong umiiwas ng tingin. "May mali ba talaga, o, ako lang ito? Hay... nasisiraan na yata ako ng bait. Baka masyado lang akong kinakabahan, or, na-e-excite?" Maayos na nairaos ang birthday niya sa piling lang ng mga piling kaibigan, at siyempre pa, ni Greg. Wala na siyang mahihiling pa sa kaligayahang nararamdaman. Isa na lang ang kulang. Ang masabi nila ni Greg sa ate niya ang tungkol sa kanilang relasyon. Pagsapit ng alas-dose ng hating-gabi ay nagpaalam nang umuwi sina Tin, Lloyd at Kevin. Nagpaiwan si Greg, at alam niya kung bakit. Bumalik na naman ang kaba sa dibdib niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pasimpleng iniabot ni Tin kay Greg ang itim na credit card na maghapon nilang ginamit. Pasimpleng nag-iwas ng tingin ang kaibigan na may pinipigil na ngiti sa mga labi. Nag-aakusa naman ang tinging ibinaling niya sa kasintahan na sinagot lamang nito ng matamis na ngiti at kindat. Nailing na lamang siya. Sinenyasan niya itong ihahatid lamang sina Tin na tinanguan lamang nito. "Happy Birthday, uli, Bez. Pa'no? alis na kami? Ihahatid pa ako nitong dalawa, eh." paalam ni Tin sa kanya nang ihatid niya ang mga ito sa labas. Nauna na sina Lloyd at Kevin sa sasakyan. "Goodluck, Bez." sabi nito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Alam nito ang tungkol sa balak na pagtatapat nila ngayong gabi. "Thank you. I think, I need that, Bez. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni ate. Baka isumbong niya ako kila mama. Baka sabihin nila, sayang lang ang paghihirap nila doon sa ibang bansa, magbo-boyfriend lang pala ako dito." "Ano ka ba, bez? Mag-relax ka nga. Ang nega nito... think positive! Magiging okay ang lahat." anitong tinapik pa siya sa balikat. "Sige na, baka naiinip na si Papa Lloyd d'on. Hay nako, parang gusto kong maawa sa hitsura ni Kevin kanina, akala niya makakadiga siya ngayong gabi, eh binakuran ka ni Fafa Greg." bulong nito. "Sira ka talaga. May ipapaliwanag ka pa sa akin bukas, ha." pilya lang iting ngumisi. "Sige na, masyado na kayong gagabihin, thanks sa pagpunta ha, ingat kayo." aniya rito at kumaway pa sa dalawang lalaking nasa loob ng sasakyan na pawang nakatingin sa kanila, gumanti naman ang mga ito ng kaway. Pagpasok niya sa bahay ay si Greg na lang mag-isa ang naroon at naka-upo sa sofa, talagang hinihintay siya. "Umalis na iyong suitor mo?" naka-angat ang kilay ngunit nakangiting tanong nito. Nakangiting ipinaikot niya lang ang mga mata na ikinatawa lang nito. "Nasaan na si ate?" natatakang tanong niya rito. "Umakyat na, matutulog na raw siya. I-lock mo na lang daw ang pinto, pag-akyat mo." walang anumang sagot nito. "Ha? Bakit hindi mo pinigilan? Akala ko ba ngayon tayo magsasabi sa kanya?" "Come, sit beside me." aya nito at inilahad pa ang kamay sa kanya. Inabot naman niya iyon at naupo sa espasyo sa tabi nito. "Sweetheart, bakit hindi mo pinigilan si ate? Akala ko ba--" "I already told her." agap nito sa sinasabi niya na ikinagulat niya. "Huh? When?" aniyang bumaling dito. "Does it matter? Ang mahalaga, nasabi ko na." anitong iniakbayam siya at kinabig palapit dito habang hawak pa rin ang kamay niya. "And...?" aniyang humarap dito. "And, what?" kunot-noo itong yumuko sa kanya. "Ano'ng sabi niya? Ano'ng reaksyon? Hindi ba nagalit?" sunud-sunod na tanong niya rito. Kibit-balikat lang ang isinagot nito sa kanya at inihilig ang ulo sa sandalan, habang halos ay yakap pa rin siya. "Nakaka-inis naman 'to, eh..." aniyang hinampas pa ito ng mahina sa dibdib. "Bakit?" natatawang tanong nito na nilinga siya. "Iyon lang 'yon? Kibit-balikat lang? Dali na, kwento na kasi." aniyang nakatingin pa rin dito. Nakangiting masuyong pinisil nito ang ilong niya. "Huwag mo nang isipin iyon, okay? Ako na bahala d'on. For the meantime, didn't I promise you, something?" anas nito at hinawakan ang baba niya at lalong iniangat paharap dito. "Huh?" namula siya nang maalala ang tinutukoy nito. Sa halip na sumagot, ay dahan-dahang bumaba ang labi nito sa labi niya, and gave her, her very first real kiss. It lasted for a minute or more, hindi na niya namalayan, basta ang alam niya lang, it feels heaven to be kissed by her first and only love. Napadilat siya nang bitiwan ni Greg ang labi niya. "I love you, Sweetheart. Lagi mong tatandaan 'yan, ha. Kahit na ano ang mangyari, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko." punung-puno ng damdaming anas nitong hindi pa rin inilalayo ang mukha sa kanya. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito, at ramdam niya ang init na hatid niyon sa kanya. Muli ay bumalik ang kunot ng noo niya. "Sweetheart, may problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang may iba sa iyo, hindi ko lang matukoy kung ano, pero nararamdaman ko." "Wala akong problema, imahinasyon mo lang iyon." anito ngunit umilap ang mga mata. Muli itong humilig sa sandalan at kinabig siya sa dibdib nito. Iniyakap niya naman ang braso rito at lalong idinikit ang katawan dito. Naramdaman niya ang mas paghigpit pa ng yakap nito at hinalikan siya sa ulo. "Basta palagi mong tatandaan, mahal na mahal kita, Sweetheart. Ikaw lang. Kung hindi rin lang ikaw, huwag na lang." mahinang sabi nito. Nang tumingala siya rito ay nakita niya ang mariing paggalaw ng adam's apple nito, tanda ng pagpipigil ng emosyon. Natatakot na talaga siya sa ikinikilos nito. "Mahal na mahal din kita, Sweetheart. Kung hindi rin lang ikaw, huwag na lang din." aniyang muling sumanding sa dibdib nito. "Iyong gift ko sa'yo, palagi mong isusot, ha. Puso ko iyon, ibinibigay ko na sa iyo. Wala naman nang ibang pwedeng magmay-ari noon, kundi ikaw. Simbolo iyon ng pagmamahal ko sa iyo, maaari mong tunawin pero babalik at babalik sa pagiging buo. At katulad ng puso ko, mawasak man ito at muling mabuo, bandang huli, ikaw pa rin ang nagmamay-ari nito." at lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa kanya. Kung maaari nga lamang siguro siyang ipasok sa katawan nito ay ginawa na nito sa sobrang higpit. Halos alas kwatro na ng madaling araw nang magpaalam na umuwi si Greg. Walang pagsidlan ang kaligayahan niya sapagkat buong magdamag silang magkasama. Kwentuhan lang at asaran. Saglit ay nakalimutan niya ang pag-aalala sa isip niya. Iyon na yata ang pinaka-masayang kaarawan niya. Bago ito umuwi ay niyakap pa siya ng mahigpit at hinalikan ng mariin sa labi. "Huwag kang magpapahalik sa iba, ha. Please? Promise me." anas nito habang nakatitig sa labi niya at masuyong hinahaplos ng thumb finger nito. Hindi niya maipaliwanag, pero lungkot talaga ang nakikita niya sa mga mata nito. "Of course, from now on, ikaw na lang ang pwedeng humalik sa akin. Promise." "Thank you. You don't know how much, that means to me. I love you." at isang masuyong halik muli ang ipinagkaloob nito. "Sure ka, okay ka lang?" aniya nang maghiwalay ang mga labi nila. "Yeah. Akyat ka na, Sweetheart. Ako na ang maglo-lock ng pinto. I love you." anito bago pa muli siyang mabilis na hinalikan sa labi. "I love you, too. Mag-iingat ka sa pag-uwi, ha. Text mo ako, kapag nasa bahay ka na." Iyon lang at umakyat na siya sa itaas. Isa pa uling lingon ang ginawa niya nang nasa pinaka-ituktok na siya ng hagdan. Nakita niyang naroon pa rin ito at naroon na naman ang malungkot na ngiti sa labi nito na umabot hanggang sa mga mata nito. Nang makapasok sa silid niya ay agad niyang binuksan ang regalo nito. May ngiti sa mga labing maingat niya iyong kinuha at itinaas sa harapan niya. Isa iyong gintong kwintas na may palawit na hugis puso. Sa likod niyon ay may naka-ukit na mga letra. G&T Nangingilid ang mga luhang dinala niya iyon sa dibdib. "Oh, Greg!" Hanggang sa makatulog siya ay walang text na dumating mula kay Greg. Nang kinabukasan ay wala pa ring text galing dito ay nag-alala na siya. Ilang beses niyang tinawagan ang numero nito ngunit ring lang iyon ng ring ay wala naman sumasagot. Nag-aalala pa ring itinext niya na lamang ito. FROM : MY SWEET T Swit❤, ano na po ang nangyari sa iyo? Bakit wala ka pa ring text? Tinatawagan kita, hindi mo sinasagot. Nag-aalala na po ako. NGUNIT sumapit na ang tanghali ay wala pa rin siyang marinig mula rito. Muli niya itong itinext. FROM : MY SWEET T Swit❤, lunchtime na, wala pa ring text? Please, kahit isang text lang, at least, alam kong okay ka. DUMAAN pa ang ilang oras, wala pa rin. FROM : MY SWEET T Swit❤, may nangyari ba? May nagawa ba akong mali? Kanina lang noong umalis ka, okay tayo, 'di ba? Ano ba ang nangyayari? NGUNIT oras uli ang kanyang binilang at lumipas, wala pa ring sagot mula rito. Hindi niya na alam ang iisipin niya. FROM : GREG PLEASE, TAKE GOOD CARE OF HER. I HOPE, TAMA ITONG GINAWA NATIN AT PARA ITO SA KABUTIHAN NIYA. GOD KNOWS, HOW MUCH I LOVE HER. BUT AS PROMISED, LALAYO MUNA AKO, TAKE GOOD CARE OF HER, PLEASE! FROM : Okay. I will, and thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD