bc

My Sweetheart (Completed)

book_age16+
34.8K
FOLLOW
183.0K
READ
family
age gap
second chance
goodgirl
student
drama
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Gregorio Delgado.

Pangalan pa lamang nito ay napapangiti na si Toni. Best friend ito ng ate niya at ultimate crush niya mula pa yata nang malaman niya ang kahulugan ng salitang iyon.

Paano kung malaman niya na may katugon naman pala ang nararamdaman niya para rito?

Would she take the risk?

Considering na malaki ang agwat ng edad nito sa kanya?

And she did.

Nang bigla na lamang itong mawala ng parang bula, which caused her her first heartache.

After two years ay bumalik ito declaring his undying love for her.

Will she again consider?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Bez... punta ka rito." "Bakit, ano meron?" "Wala... bored lang. Hindi ako makaalis, bantay ako sa dalawang kapatid ko. "Hay nako bez, not now. Alam mo naman kapag saturday hindi ako pwede di ba? Nandito siya. "Wahhh... at ipagpapalit mo talaga ako sa pagpapa-charming mo sa bestfriend ng ate mo ha. "Ang hard mo naman. Hindi ako nagpapa-charming no, gusto ko lang naman siya makita kahit sa malayo lang." "Eh, ano pala tawag mo d'on?" "Wala... basta 'wag ka nang ano diyan, alam mo naman na fifteen pa lang ako sobrang crush ko na siya, eh. "Hay nako, Maria Antoinette. Bakit kasi hindi mo pa aminin na crush mo siya, para magka-alaman na kung may pag-asa ba yang pagsinta mo." "Ano ka ba? Para namang gan'on lang kadali 'yon, no. Papatulan ba ako 'non? Eh, feeling ko nga, may something na sila ng ate ko, eh." "Ouch. So, hanggang tingin ka na lang talaga?" "Hayaan mo na, bez, masaya na ako dun. At least nakikita ko siya kahit once a week. "Ikaw na inlove." "Bez, konting support naman diyan." "Oo na. Ikaw pa ba? Kung san ka masaya, suportahan taka. Anyway, kita na lang tayo sa school, sa monday." "Okay, thanks. Kitakits." HINDI pa man naibababa ni Toni ang hawak sa cellphone ay narinig niya na ang rinig ng ate niyang tinatawag siya mula sa labas ng silid. "Sis, baba ka na, lunch na tayo. May dala si Greg na california maki. 'Di ba favorite mo 'yon?" "Okay, coming." Kahit nahihiya, ay walang nagawa si Toni kundi bumaba at sumalo sa tanghalian. Wala siyang maidahilan, dahil hindi naman siya nakakain ng almusal, at tanghali na siyang nagising, kaya hindi niya masasabing busog pa siya. Habang kumakain, ay hindi niya alam kung paano makakaiwas sa dalawang kaharap niya, na masayang kumakain, habang nagkukwentuhan. Kung alam lang niya na masisira ang appetite niya sa ka-sweetan ng dalawa, ay nagpa-mamaya na lang siya sa pagkain. Wala sa loob na napalakas ang buntong-hininga niya at agad na napatingin si Greg sa kanya. "Ang lalim n'on, ah, okay ka lang ba? Ayaw mo ba ng food?" kunot-noong tanong nito. "Ang layo pa ng binilihan ko niyan, kasi sabi ng ate mo, favorite mo raw yan." anitong nakatingin sa california maki na nasa plato niya na nagkahiwa-hiwalay na, dahil kanina niya pa tinutusok-tusok ng tinidor. "So nagpapalakas siya sa akin kaya siya bumili nito, at baka sakaling magustuhan ko siya para sa ate ko?" lalong sumama ang panlasa niya sa naisip. "Sis, okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ng ate niyang nakatingin na rin sa kanya. "Ahh... wala ito. Medyo napuyat lang ako kagabi sa pagbabasa ng pocketbooks." agad na sagot niya sa dalawa at nagpakawala ng pilit na ngiti at nag-iwas ng tingin. Maya-maya lang ay tumayo na siya. "Akyat na ako ate. Ahm... Greg, pasensya na ha, puyat lang talaga ako." sandali itong tumingin sa kaniya at sumulyap sa plato niyang halos wala namang nabawas. "K-kakainin ko 'yang california maki mamaya, tulog ko lang 'to. Sakit talaga ng ulo ko." at ng puso ko. Dagdag ng isang bahagi ng utak niya at alanganin ang ngiting tumalikod na, bago pa man ito makasagot. Hindi niya alam, pero nararamdaman niya pa rin ang tingin ni Greg sa kanya, kahit nakatalikod na siya. Isang napalaking pagkakamaling nilingon niya pa ito. Agad na nagtama ang paningin nila, ngunit hindi niya mabasa ang ibinabadya ng tingin nito. Namula yata pati punong-tainga niya nang ngitian siya nito, kaya't nagmamadali siyang lumabas ng kusina at patakbong umakyat ng hagdan para maitago ang pamumula niya. Pagpasok niya ng silid, ay habol ang hiningang isinara niya ang pinto at hawak ang dibdib na sumandal doon. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan muli ang kaibigan, na agad naman nitong sinagot. "Bez, helpppp... hindi yata ako makahinga." bungad niya agad dito. "Ha? Bakit? Ano nangyari sa'yo? Okay ka lang ba? Bakit hindi mo sabihin sa ate mo? Ano'ng nararamdaman mo?" "Sila nga ang dahilan, kung bakit hindi ako mahahinga, eh, nadurog na yata ang puso ko." aniya sa tinig na kunwaring naiiyak. "Huh? Wait... pinoprocess ko pa. Okay. Kwento na, dali. Ikaw talaga, akala ko kung ano na." "Ayun nga, tinawag ako ni ate para mag-lunch. Hay nako, hindi kinaya ng powers ko, panay ang harutan nila sa harap ko, parang mag-jowa." Narinig niya ang pagtawa ng kaibigan sa kabilang linya. "Loka ka talaga. Akala ko kung ano na 'yon." "At juskolerd! Muntik nang malagot ang hininga ko nung ngitian ako ni Greg. Grabe, ang bilis ng t***k ng puso ko." Wala naman masabing tawa lang ng tawa si Tin. Ang bestfriend niya, at nag-iisang may alam ng pagsinta niya kay Greg. "Sige lang, tawa pa." aniya sabay irap sa hangin na animo nakikita ng kaibigan. "Oa mo naman kasi, bez. Akala mo naman girlfriend kang nagseselos diyan." "It hurts, kaya. Sa harap ko pa sila naglalambingan." nakalabi pang aniya. "Bez, hindi naman nila alam na head over heels ka pala kay Greg, no. Ano ka ba? And besides, BF yun ng ate mo, I mean bestfriend." at binuntutan muli iyon ng paghagikgik. "Haist, 'yon na nga eh. Ang hirap ng kalagayan ko. Gusto ko siyang laging nakikita rito, pero nasasaktan lang naman ako kapag nandito siya, kasi super close sila ng ate ko." "Ibaling mo na lang kasi sa iba 'yang nararamdaman mo... ang dami mong suitors, eh. Sila na lang, at least, ka-age pa natin. Si Greg, twenty-five na 'yon, no, ang tanda na." "Grabe ka naman makatanda diyan... seven years lang age gap namin, no. Saka kapag twenty-one na ako, twenty-eight siya, hindi na halata 'yon." "Oo nga... iyon eh, kung gusto ka rin niya. Eh, kaso, bata nga ang tingin niya sa iyo... little sister, hindi ka papatusin n'on." "Aray naman... ang hard mo naman sa akin. " "Ginigising lang kita sa ilusyon mo, girl. maka-compute ng age gap, akala mo may future sila." "Bestfriend pa ba talaga ang tingin mo sa akin? Ang sakit na ha." "Kaya ko sinasabi sa'yo lahat 'to, kasi nga bestfriend kita... ayokong umasa ka sa wala at masasaktan lang pagkatapos. Ako lang yung tao na magsasabi sa'yo ng mga bagay na, oo nga, at masakit, pero para din naman sa kabutihan mo, pagdating ng araw." mahabang litanya sa kanya ng kaibigan. "Oo na. Alam ko naman 'yon... kaya nga mahal na mahal kita, eh." "Mas mahal, kesa kay Greg?" "Hmmm... teka, papakiramdaman ko pa." "Ahh.. ganon? Teka... maitext nga si papa Greg, at masabi 'yan lahat." Malakas siyang tumawa sa reaksyon nito sa sinabi niya. "Joke lang, no. Saka wala ka kaya number niya, no. Ako nga wala eh." "Anyway, sundin mo na lang payo ko sa'yo. Mag-entertain ka ng suitors at baka makalimutan mo ang kahibangan mo kay papa Greg. Hayaan mo, pag-iisipan ko 'yang sinabi mo... sige na, bez, tulog muna ako... parang sumakit nga talaga ang ulo ko." "Huu... lovesick yan. Sige na, natakasan na yata ako ng kapatid ko, sabi ko, 'wag lalabas eh." "Sige na, hanapin mo na. Lagot ka sa mama mo." From : 0917000000 Hi, kumusta pakiramdam mo? Okay ka na ba? To : 09170000000 Huh? Who you, po? From : 09170000000 Si Greg 'to... hiningi ko number mo sa ate mo. To : 09170000000 Huh? Bakit po? I mean, bakit mo po hiningi number ko kay ate? From : 09170000000 Wait, i'll call, ha. Para makapag-usap tayo ng maayos. HINDI nga naglipat saglit ay tumunog ang cellphone niya. "Kalma, Toni." aniyang hinahagod-hagod pa ang dibdib sa pinaghalong kaba at kilig. Jusko! Si Greg kaya 'to! Huminga muna siya ng malalim bago naglakas ng loob na sagutin ang tawag. "H-hello..." "Hi. So kumusta ang pakiramdam mo?" masigla at tila walang anuman namang sagot ng nasa kabilang linya. "Ahm... o-okay naman na po ako." "Are you sure?" paniniguro pa nito. "Yeah." lumunok muna siya ng mariin bago nagpatuloy. "Ahm... bakit mo nga pala hiningi 'yung number ko sa ate ko?" ulit niya sa tanong niya sa text kanina. "Wala lang. Gusto lng kitang kumustahin, parang matamlay ka kasi kanina nung kumakain tayo eh." "Ahh... okay lang po ako. Medyo puyat lang po talaga." Ahh.. okay. Pwede bang humiling sa'yo?" Ahm... okay lang naman po. Ano po 'yon?" "Will you drop the 'po'? Parang kasing ang tanda ko na, kapag ganon, eh." "Ahh... sori. Sige po." "Ayan na naman yung 'po', mo. Aist..." "S-sorry." mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilin ang mapatili sa kilig. "Hindi ba ako nakaka-istorbo sa pamamahinga mo?" "Hindi, no... okay lang." "Oh my God, Greg.. kung alam mo lang.." piping sigaw ng isip niya. "Ilang taon ka na nga?" kapagkuwan ay tanong nito. "Malapit na akong mag-eighteen, three months na lang." "Ahh... bata pa rin." tila dismayadong anito. "Hindi na kaya ako bata. Siguro nga, para sa'yo, bata pa yon... twenty-five ka na kasi, eh." "Uuyyy... pa'no mo nalaman age ko?" "Urgh.. s**t Toni. Ang daldal mo." napapukpok siya ng nakatikom na kamao sa noo niya dahil sa pagkadulas niya rito. Pwede ba niyang aminin dito na hindi lang ang edad nito ang alam niya ukol dito? "H-huh? 'Di ba, magka-age lang kayo ng ate ko, halos?" palusot niya. "Ahh.. okay. Akala ko, pinagtanong mo rin." "Hindi, no!" Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Why sound defensive?" "Haist... why sound assuming?" Muli ay tumawa lang ito. "Joke lang, po." agad na bawi niya sa sinabi niya. "Ayan na naman, yang po mo" "Ay sorry uli, kuya Greg." napangiwi siya sa pagtawag dito ng kuya. "Kuya ka diyan, hindi mo nga ako tinawag na kuya kaninang magkaharap tayo, eh." "Ayaw mong tawagin kitang kuya?" Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib niya. "Ayawwwww." "Why? Bestfriend mo ang ate ko, so, parang kuya na rin kita. And besides, malay mo maging kayo ng ate ko, eh, di sanay na akong tawagin kang kuya." Ouch.. masokista lang ang peg, teh? "And who gave you the idea, na magiging kami ng ate mo?" "Wala lang, naisip ko lang. 'Di ba, yung iba ganon? Nagkakatuluyan 'yung mag-bestfriend?" "Well, yeah. Most of the time." wika nito. "Ikaw? Gusto mo ba akong maging kuya?" "No." mabilis niyang sagot bago pa man niya maisip ang isinagot niya. "I mean... ahm--" "Don't worry... I don't want you for a sister-in-law, either." "H-huh?" "Nothing. Sige na matulog ka na. Goodnight, Sweetheart." iyon lang at naputol na ang linya. Ang ending... lalo siyang hindi nakatulog. Haist!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistakes (Montemayor Series3)

read
368.2K
bc

The Fall of Alistaire

read
224.3K
bc

Game of Pleasure: Triv Sauler

read
672.0K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
343.3K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.9K
bc

His Property

read
951.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook