FROM : KEVIN
Hi, kumusta?
FROM : TONI
Hello, ayos naman. You?
FROM : KEVIN
Ayos lang din. Saturday ngayon, gusto mo mag-hang out? Pupunta yata si Lloyd kila Tin, let's join them, para masaya.
FROM : TONI
Ahh... hindi ko alam kung papayagan ako, eh. May party dito mamaya sa bahay, birthday n'ong isang friend ni ate, dito daw gagawin, kasi nag-do-dorm lng 'yon dito sa manila, sa cebu ang bahay nila, eh, bawal yata sa dorm.
FROM : KEVIN
Ah, gan'on ba? Eh, kung kami na lang kaya pumunta diyan? Tamang-tama, libre na food. Hahaha... joke lang.
FROM : TONI
Hehe, sira ka talaga. Next time na lang. Nakakahiya naman mag-invite, hindi naman ako ang may birthday.
FROM : KEVIN
Sabi mo 'yan, ha.
FROM : TONI
Alin?
FROM : KEVIN
'Yung next time, hihintayin ko 'yan.
FROM : TIN
Ah, 'yon ba? Oo, promise, next time, babawi ako.
"Morning, ate." bati ni Toni sa kapatid pagbaba niya pa lamang ng hagdan
Ayon dito kagabi, ay sa bahay daw nila gaganapin ang kaarawan ng isa sa mga kaibigan nito sapagkat bawal magpa-party sa dorm na tinutuluyan ng kaibigan. Kaya't kahapon pa lamang ay abala na ito ng kalilinis at kaaayos ng bahay nila.
"Morning." anitong hindi man lamang siya nilingon at tutok ang atensyon sa pagkakabit ng bagong kurtina. "Nga pala... may delivery ka."
Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito.
"A-anong delivery? Kanino daw galing?"
"Hindi ko alam... wala namang nakalagay na card. Nandoon sa table sa kusina. Doon ko ipinatong kasi maaalikabukan dito, eh." nang matapos nitong ikabit ang huking kurtina ay bumaba na ito sa tinutuntungang bangko. "Ikaw ha, kanino galing 'yon, ha? May bago kang manliligaw? Sino ba un? 'Yung Kevin ba 'yon?"
"Psh. Hindi ko rin alam." sabi niya habang naglalakad na papunta sa kusina.
Humigit kumulang ay alam niya na kung kanino nanggaling ang bulaklak. Wala namang ibang magpapadala sa kanya niyon kundi ang kasintahan lang.
Sorry na agad, ate.
Sa isip-isip niya habang dinadampot ang bulaklak.
Malapad ang ngiting dinala niya iyon sa ilong at sinamyo. Napapikit pa siya nang malanghap ang bango niyon.
"F na F, ah." agad siyang nagmulat ng mga mata nang marinig ang tinig ng apatid niya.
Naroon ito at nakatayo sa may pinto ng kusina at nakahilig sa hamba niyon.
"Siyempre no... nakakaganda kaya ang mabigyan ng flowers." aniya sabay iwas ng tingin.
Agad siyang tumalilis palabas ng kusina at deretsong umakyat pabalik ng silid niya.
Nararamdaman niyang nagva-vibrate ang cellphone niya sa bilsa niya. Kung tama ang hinala niya, si Greg ang tumatawag.
PAGKASARA pa lamang niya ng pintuan ay inilabas niya ang cellphone sa bulsa... at tama nga siya, si Greg nga ang tumatawag.
"GOOD morning, Sweetheart..." bungad agad nito.
"Morning."
Inilapag niya muna ang bulaklal sa mesita sa tabi ng kama niya saka komportableng naupo sa kama.
"Sa'yo ba nanggaling iyong bulaklak?" paniniguro niya habang ang nagniningning na mga mata ay nakatutok pa rin sa katabing bulaklak.
"Yeah. Nagustuhan mo ba?"
"Yep. Ang ganda... thank you, Sweetheart."
"Basta para sa'yo, Sweetheart." malambing nitong sagot. "Dapat nga ako ang magdadala niyan mamaya, pagpunta ko diyan, eh. Kung hinahayaan mo na ba ako'ng magsabi sa ate mo."
"Don't worry, konting panahon na lang pwede mo na akong bigyan ng bulaklak, in person."
"Hay... Sweetheart. Ang tagal mong mag-eighteen." tila hirap na anito.
"Sweetheart, malapit na po iyon, huwag ka nang mainip."
"I'll get my real kiss when you turned eighteen, and that's a promise."
"Oo na po, kinikilig na po ako." which is true. Kilig na kilig na talaga siya.
Narinig niyang tumawa ang binata sa kabilang linya.
"Talaga? Kung hindi ka lang sana masyado pang bata."
"Nagsisisi ka na po ba?" nakagat niya ang pang-ibabang labi. Natatakot siya sa isasagot nito.
"Of course, not." mabilis naman nitong wika. "Ikaw? Nagsisisi ka na ba?"
"Lalong hindi, no. Dream come true kaya kita." mas mabilis niyang sagot bago pa man siya makapag-isip. "Akala ko talaga dati hanggang dream ka na lang. Tapos ngayon, heto, at love mo rin pala ako. Paano naman ako magsisisi?"
"Sabi ko na nga ba, dati ka pa may gusto sa akin, eh."
"Yabang."
Muling tumawa ang binata.
"Huwag kang mag-alala, dati pa rin kita gusto, hindi ko nga lang alam kung paano kita lalapitan. Masyado ka pang bata, at kapatid pa ng bestfriend ko. Paano kita lalapitan nang hindi iniisip ng bestfriend ko na sinasamantala kita? Nakakatakot yung feeling. Iyong gusto kita pero ayoko ring mawala yung bestfriend ko. Sabi ko sa sarili ko, titikisin ko na lang 'to, tutal marami pa namang iba diyan. Iyong hindi complicated--"
"Ah, ganon?" singit niya sa sinasabi nito.
"Shh... let me finish." sabi naman agad ng nobyo. "Ayon nga, hindi ko pala kaya. Noong nakita kita with that Kevin, parang ang hirap huminga. Hindi ko pala kaya'ng makita ka with another guy. Mababaliw ako. So, I decided to gamble."
My God, 101% na yata ang kilig ko! May itataas pa ba ito? Baka atakihin na ako dito.
Sa isip-isp ni Toni.
"Sinabi ko yung feelings ko..Kung lalayuan mo ako ng dahil doon, wala na akong magagawa. At least, I tried. Pero sobrang saya ko n'ong malaman ko'ng may katugon din pala y'ong feelings ko for you. Buti na lang, sumubok ako. And I won."
"Ahhhh... naiiyak, Sweetheart..."
"I promise, na sa sobrang saya at kilig ka lang iiyak ng dahil sa akin."
"Thank you, Sweetheart. Mahal na mahal po kita."
"Sweetheart, 'yong 'po'. Ang tanda ko tuloy pakinggan." muling reklamo nito.
Napangiti siya.
"Sweetheart, sign of endearment din po 'yan. And huwag kang mag-alala, kahit pumuti na lahat ng buhok mo, mahal pa rin kita."
"I love you."
"I love you, too."
Jusko, meron pa nga! 102% na!
"By the way, nandiyan pala ako mamaya sa inyo. Huwag kang aalis, please. I wanna see you. Okay lang ba?"
"Oo naman. hindi mo ba napapansin, every saturday talaga nasa bahay lang ako? Kasi gusto ko, nakikita kita. Kahit every saturday lang."
"Kaya pala. Kaya lang, nasa bahay ka nga, hindi ka naman lumalabas ng room mo. Lagi akong nakatingin sa hagdan, hoping na bumaba ka, and join us."
Kimi siyang tumawa.
"Nahihiya po ako, eh. Pero lagi naman kitang sinisilip, 'twing may chance ako."
"Ay, ang daya pala. Samantalang ako, hindi kita nakikita."
"Gan'on talaga." tawa niya rito. "Promise, mamaya bababa ako."
"Good. Miss na miss na kaya kita."
"Ikaw din po, sobrang miss ko na."
Ilang sandali pa silang nag-usap bago narinig ni Toni ang mga sasakyang tumigil sa labas ng bahay nila at ilang mga boses na nag-uusap sa ibaba.
"Sweetheart, nandito na yata ibang friends n'yo. Naririnig ko na sila." imporma niya sa kasintahan.
"Ah, gan'on ba? Maya-maya lang nandiyan na ako. May dinaanan lang talaga ako, then, deretso na ako diyan. Can't wait to see you."
"Ako din po. Sige na, baba na ako, baka may maitutulong ako sa kanila... 8.!
Isang tawa ang pinakawalan nito sa kabilang linya.
"888. 'Wag masyado magpapagod, ha."
"Okay po. Ingat."
NANG bumaba siya ay naroon na nga ang ibang mga kaibigan ng kapatid niya. Kanya-kanyang tulong ang mga ito ng mga pwede nilang gawin.
"Hi, guys. Happy Birthday, Dennise." malakas na sabi Charlotte, na kadarating lang.
Kulang na lang ay magbuhol ang mga kilay niya nang matawan ang kasunod nitong pumasok sa bahay nila.
Ang higad na si Nicole!
In her hot pink, spagetti strap costume, este, attire.
Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nakita niyang bahagyang nagsalubong ang kilay nito sa ginawa niya.
"Lakumpake!" sa isip-isp niya.
Alam niya naman kung bakit ito nandito. Para magpa-cute kay Greg. Napa-ingos siya sa naisip.
"Sorry, girl. Wala ka nang pag-asa." aniya sa isip niya at ipinagpatuloy na ang ginagawa.
Bago magdilim ay nagsidatingan nang lahat ang mga kaibigan ng kapatid niya, kabilang na rin si Greg.
Nang dumating ito ay agad na sumalubong dito ang pink na higad, na Nicole na iyon at humalik pa sa pisngi nito.
Natitigilang tumingin sa kanya si Greg at alanganing ngumiti.
Tinaasan niya lang ito ng kilay at tumalikod na upang kumuha ng pagkain.
Maya-maya ay naramdaman niyang may tumabi sa kanya sa mesa. Amoy pa lang nito ay alam niya na kung sino iyon.
"Hi." sabi nitong nakatingin sa kanya.
"Hi." tanging sagot niya rito.
Hindi niya ito makompronta dahil may mga kasabay silang kumukuha rin ng pagkain.
Nang matapos siya ay agad siyang lumayo rito at naghanap ng mauupuan.
Nakita niyang bakante ang upuan sa tabi ni Jace. Isa sa mga kaibigan ng ate niya at ni Greg.
Doon siya naupo at tahimik na kumain.
"Hi. Ang sarap ng pasta, no? Actually, ito lang talaga ang ipununta ka rito, eh." nakangiting sabi nito at binuntutan ng tawa.
"Yeah. Masarap." tumatango pang nakatingiting sagot niya na bahagya lamang lumingon dito.
Mabait si Jace at laging nakangiti. At ayon sa ate niya at sa mga maririnig niya tuwing naririto ang mga ito, kabi-kabila ang mga babae nito. In short, playboy.
"Gusto mong i-try 'yong caldereta? Ako ang nagluto n'on. Pampulutan sana 'yon, pero pwede kita ikuha, if you want."
Pilit siyang ngumiti rito. Ayaw niya naman itong bastusin dahil mabait naman ito. Hindi niya lang maiwasang mainis sapagkat, sa tuwing mag-aangat siya ng tingin ay nakikita niya si Greg na katabi si Nicole. Panaka-nakang nagku-kwentuhan ang mga ito habang kumakain.
So na-miss pala ako, ha? At sa harapan ko talaga?! Hmmp... bahala ka sa buhay mo!
"Toni..." pukaw nito sa atensyon niya. "Okay ka lang ba?" kunot-noong sabi nito.
"H-ha?"
"Sabi ko, try mo 'yung caldereta."
"Ahm... no, thanks." aniyang tumayo na. "Tapos na rin naman ako. Saka may lakad nga pala ako." at lumakad na siya patungong kusina upang ilagay doon ang kinainan niya.
"What was that?"
Napitlag pa siya sa gulat nang biglang may bumulong sa kanya.
Kahit hindi niya ito lingunin ay alam niya na kung sino.
"What?"
"You and Jace?" nahihimigan niya ang inis sa boses nito. "Bakit ka tumabi sa kanya?"
"Wala nang bakanteng upuan."
"Really? Dalawang magkatabing bakanteng upuan iyong inupuan ko, bakit hindi ka doon naupo?" pabulong na singhal pa rin nito.
"May naupo namang iba di ba?" malamig na sabi niya at sinabayan ng talikod.
Pipigilan sana siya nito ngunit sakto namang pumasok rin ng kusina si Jace dala rin ang platong pinagkainan nito.
Matamis itong ngumiti sa kanya na sinuklian niya naman ng isa pa uling pilit na ngiti at tuluyan nang lumabas ng kusina.
Kung lumingon lamang siya ay nakita niya sana ang lalong pagdidilim ng mukha ni Greg.
"Hey, dude. What's with the face?" naulinigan niya pang sabi ni Jace.
Hinanap niya ang kapatid upang magpa-alam na pupunta muna kina Tin. Agad naman siya nitong pinayagan at sinabihang mag-ingat.
PAG-AKYAT niya sa silid niya ay agad siyang nagbihis ng pang-alis at tinawagan si Tin.
"Bez, punta 'ko diyan..." nagmamaktol na bungad niya rito.
Bakas naman ang pagtataka sa tinig ng kaibigan niya nang sumagot.
"O, bakit? Akala ko ba, sabi ni Kevin, niyaya ka raw niya, ayaw mo at may party sa inyo?"
"Oo, nga."
"O, eh, bakit bigla kang exit?"
"Nandito si Greg..." sabi niya na lalong nagpataka sa kausap.
"And? Mas lalong nakakapagtaka... kung kailan kayo na, saka ka aalis nang nandiyan siya?"
"Hindi ako makahinga rito. Baka makasampal ako ng malanding pink na higad dito!"
Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya na tila nag-loading sa sinabi niya.
"Elaborate, please."
"Bez naman, eh..." maktol niyang muli. "Kasi nga, 'di ba S.O. kami ni Greg? So, hindi pa kami pwede maging sweet in front of everybody... ayon, sila ni Nicole ang magkatabi at parang sila ang mag-jowa." naiinis talaga siya at parang nakikinita pa rin amg eksena kanina. "Pagdating pa lang ni Greg, sinalubong na ng halik nung malanding pink na higad na 'yon."
Narinig niyang malakas na suminghap ang kausap.
"Really?! Sa lips?!"
"Sa pisngi lang naman. Kung sa lips 'yon, e, di hindi lang sana ganito ang reaksyon ko." baka nagrebulusyon na siya. "Pero, ang sakit pa rin sa mata... ay sa puso pala. Basta. Mababaliw na ako kapag nagtagal pa ako rito."
At ang bruha niyang kaibigan, pinagtawanan pa ang ipinagsisintir niya.
"S.O. pa kasi nalalaman. Sige na punta ka na dito. O, gusto mong pasundo kita kay Kevin?"
"'Wag na, magta-taxi na lang ako."
"Sige, ingat ka."
FROM : MY SWEET G
Hey, where are you going? Bakit nakabihis ka?
FROM : MY SWEET T
Hihinga.
FROM : MY SWEET G
What? Wait... okay sorry na. Nainis lang naman ako na makitang parang ang sweet n'yo ni Jace, eh.
FROM : MY SWEET T
Talaga ba? Nakita mo pala? I thought, busy ka sa pink na higad, eh.
FROM : MY SWEET G
Sweetheart naman, 'wag ka nang umalis, please...
FROM : MY SWEET T
Mukha namang hindi mo masyado mararamdaman ang pag-alis ko, may substitute naman, eh.
FROM : MY SWEET G
Sweetheart, umiiwas naman ako, hangga't makakaya ko eh.
FROM : MY SWEET T
Hindi iyon ang nakikita ko. Pagdating mo pa lang, sinalubong ka agad ng halik? Asawa lang ang peg?.Para kang asawa na umuwi galing sa trabaho, ah.
FROM : MY SWEET G
Sweetheart, wala naman 'yon, eh.. please, huwag ka nang umalis.
FROM : MY SWEET T
Basta ayoko pa rin ng nakikita ko..Parang kayo ang magkarelasyon kung maglambing siya sa iyo. Bakit ba kasi nandiyan 'yan?
FROM : MY SWEET G
Hindi ko alam. Sinama ng ate niya. Sweetheart naman... ikaw naman ang may gusto nito, 'di ba? Kung umaamin na ba tayo, e, di sana, wala tayong ganitong problema.
FROM : MY SWEET T
Balik na naman tayo diyan?
FROM : MY SWEET G
Okay, sorry na. Naiintindihan.ko naman, eh. Pero huwag namang ganito, please... bumalik ka na. Ang tagal kong hinintay itong araw na 'to, para makita ka, tapos ganito lang? Aalis ka naman?
FROM : MY SWEET T
Mukhang hindi naman masyadong kawalan, eh.
FROM : MY SWEET G
Sweetheart, huwag ka namang ganyan, oh. Please... bumalik ka na.
FROM : MY SWEET T
Hindi na ako pwedeng bumalik diyan. Magtataka si ate, nagpaalam na akong kila Tin ako matutulog.
FROM : MY SWEET G
Ano?! Ibig sabihin, hindi ka uuwi mamaya?
FROM : MY SWEET T
Hindi.
FROM : MY SWEET G
Sige, kung hindi na talaga kita mapipigilan, pumunta ka kila Tin, pero umuwi ka. Please naman, Sweetheart... minsan na nga lang tayo magkita, eh. For sure, uumagahin 'tong mga 'to. Hindi ako uuwi nang wala ka. Hihintayin kita, please.
FROM : MY SWEET T
Hindi ako sure. Basta bahala na.
FROM : MY SWEET G
Maghihintay pa rin ako. Mag-iingat ka. Isa pa 'to sa hirap sa sitwasyon natin eh. Hindi man lang kita maihatid. 8
"HUY, busy ka diyan sa kakatext ah..." ani Dawn, na hindi niya napansin na tumabi pala sa kanya ng upo.
"Ah... wala, unli, eh, sayang naman." sagot niya at sinundan ng buntong-hininga.
"Sino ba ka-text mo? At kailan ka pa natutong mag-text?" kulit pa rin ni Dawn.
Hindi ito sanay na nagte-text siya. Madalas ay puro tawag siya. Katwiran niya, mas madaling magka-intindihan kung tatawagan na lang.
Natuto lang siya mag-text nang maging sila na ni Toni.
At alam niya, marami pa siyang kayang gawin na hindi niya nakasanayan, para sa kasintahan. Ganoon niya ito kamahal.
Sa gilid ng mga mata niya ay napansin niyang nakatingin din sa kanya si Nicole at tila naghihintay din ng sagot niya.
Kanina niya pa napapansin na tila pilit nitong sinisilip kung sino ang ka-text niya.
Sa disimuladong paraan ay iniiwas niyang masilip nito ang text niya.
"Someone Special." maigsing sagot niya at kinindatan ito.
Nakita niyang nangunot ang noo ni Nicole.
"Waaahh... nakakainis ka. Bakit hindi ka man lang nagku-kwento?" tili nito at hinampas pa siya ng hinampas sa braso.
Natatawang umilag na lang siya.
"Soon. Kapag maayos na ang lahat, Dawn... you'll be the first to know. Promise." seryosong sabi niya.
"Ganyan pala ang nagagawa ng pag-ibig sa'yo, Gregorio, though, I like that." anito at parang batang ginulo ang buhok niya. "And I'm dying to meet this Special Someone." nakangising sabi nito.
HABANG lumalalim ang gabi ay isa-isa nang nagkakalasingan ang mga kaibigan niya.
Kanya-kanya nang pwesto ng tulog ang mga lalaki sa sala. Habang ang mga babae ay sa kwarto ni Dawn matutulog.
Hindi siya masyadong uminom sapagkat hinihintay niya ngang dumating si Toni.
Napatingin siya sa orasan sa pader.
Alas dose na. At nagkukukot ang kalooban niya sapagkat wala pa rin ang kasintahan.
FROM : SWEET G
Sweetheart, nasaan ka na? Twelve midnight na po, Cinderella.
FROM : SWEET G
Sweetheart...
FROM : SWEET G
Please, magreply ka naman para alam ko kung okay ka...
FROM : SWEET G
Galit ka pa ba? Please, huwag naman pong ganyan, nag-aalala na ako.
FROM : SWEET G
Sweetheart..
FROM : SWEET T
Pauwi na ako.
FROM : SWEET G
Thank God, nagreply ka rin..Huwag ka nang magalit, please... mahal na mahal kita. Alam mo naman 'yon, di ba?
FROM : SWEET G
Sweetheart...
FROM : SWEET G
Ingat ka na lng pauwi ha... mahal na mahal kita...
"GREG, pwede bang patulong pumunta sa cr? N-nasusuka ako..."
Nagulat pa siya nang pasuray na lumapit sa kanya si Nicole at muntik pang matumba sa harapan niya.
"Bakit bumaba ka pa? May cr sa kwarto ni Dawn." aniya rito.
"May tao." mahinang sagot nito.
Agad siyang tumayo at inalalayan itong lumakad papuntang cr. Pagdating doon ay nagsuka nga ito nang nagsuka.
Nang mahimasmasan ay naghilamos ito at muling bumaling sa kanya at iniangkla ang braso sa leeg niya upang suportahan ang sarili.
Inalalayan niya itong muli palabas ng cr at iaakyat na sana sa kwarto ni Dawn nang marinig niya ang humintong sasakyan sa harap ng bahay.
"Thank you uli sa paghatid, Kevin. Lloyd... una na ako." narinig niya pang paalam ng kasintahan.
Agad ang pag-ahon ng selos sa dibdib niya.
Bahagya pang nagulat si Toni nang pagpasok nito ay siya agad ang mabungaran.
Lalo na at madilim ang mukha niyang nakatingin dito.
Agad na umangat ang kilay nito at napalitan ng blangko ang ekspresyon nang makita ang ayos nila ni Nicole.
Naka-kapit ang kamay nito sa batok niya, habang naka-alalay naman siya sa baywang nito.
"f**k!"
Walang kibong pumasok ito ng bahay at nauna pang umakyat sa kanila.
Pabuntong-hiningang ipinag-patuloy niya ang pag-akyat sa hagdan at inihatid si Nicole sa kwarto ni Dawn.
KASABAY ng pag-aalala sa nabungarang eksena ni Toni kanina ay nagpupuyos din ang kalooban ni Greg sa kaalamang si Kevin ang naghatid dito.
Inihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha at pabuntong-hiningang tumingin sa hagdan patungong itaas ng bahay ng nobya.
Kinakain ng selos ang puso at isip niya.
Nang hindi na nakatiis ay nilingon niya ang mga naghihilik na kaibigan at nang matiyak na mahimbing na nga ang mga ito ay nagpasya siyang sundan ang kasintahan sa silid nito.
Hindi siya mapapakali hanggat hindi sila nito nagkaka-ayos.
Marami ang maaaring mangyari sa sandaling pagtatampo ng nobya. Mahirap hulaan ang tinatakbo ng isip nito kapag galit. Baka kung ano ang maisipan nito ay magsisi siya sa bandang huli.
"BEZ, bahay na 'ko..." imporma niya sa kaibigan nang tawagan ito.
"Ahh... okay. Sila Lloyd din nasa bahay na eh... kakatext lang." anito. "Kumusta naman ang sitwasyon diyan? Bati na kayo?"
Parehong malagihay ang boses nilang dalawa habang nag-uusap.
Kanina sa bahay nina Tin ay pinayagan sila ni Lloyd na uminom na dalawa ni Tin sapagkat sinabi ni Tin na kaya siya naroon ay dahil masama ang loob niya, ngunit hindi naman nila ipinaalam kung bakit.
Ayaw uminom ni Lloyd sapagkat magda-drive pa raw ito pauwi kaya't hindi na lamang din uminom si Kevin. Binantayan lamang sila ng mga ito. Nang maka-kapwa tig-limang bote na silang Tanduay Ice ay inawat na sila ni Lloyd at sinabing ihahatid na siya ng mga ito upang makapagpahinga na rin ang nobya.
"Hindi, no! Ewan, bahala sila! Magsama silang dalawa!"
"Asuuus! Kunwari pa, 'di mo rin naman matitiis 'yan."
"Not this time. Ang kakapal ng mga mukha nila, dito pa sila naglalandian sa bahay namin! Hindi man lang nahiya... magtataksil din lang, sa bahay ko pa!"
Dahil nga nakainom ay kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig niya.
Ang lakas naman ng tawa ni Tin sa kabilang linya.
Lasing talaga 'tong babaeng 'to.
Nakasimangot na sa isip-isip niya.
"Sige na nga! Matulog ka na, lasing ka na!"
Pinagtawanan lang siya nitong muli.
"Sino kaya lasing sa'ting dalawa?" tawa pa rin ito ng tawa.
"Oo na. Goodnight na. Inaantok na 'ko."
"Okay. Goodnight, bez."
Nang mawala sa kabilang linya ang kaibigan ay inilapag niya sa ibabaw ng mesita ang cellphone niya at kumuha ng bihisan saka pumasok sa loob ng cr upang maglinis ng katawan. Paglabas niya ay nagulat pa siya nang makitang nakaupo sa gilid ng kama si Greg na tila hinihintay talaga siya.
Agad na naalarma ang buong sistema niya.
Nasa iisang silid sila ni Greg... parehong nakainom. At manipis lang ang pantulog na suot niya.
Sumulyap siya sa pintuan bago binalik muli ang tingin dito.
"Bakit ka nandito?" malamig ang tinig na tanong niya rito. "Lumabas ka na... baka magising ang ate ko, tiyak na magagalit 'yon kapag nalamang nandito ka."
"Amoy alak ka." pormal na sabi nito.
Kung galit siya ay kita niya rin ang galit sa mga mata nito.
"So, kaya pala hindi mo ako mareplyan, kainuman mo pala ang Kevin na yon?" panimula nito sa malamig ding tinig. "At hinatid ka pa rito ha... ang sweet naman."
Tinaliman niya ito ng tingin.
"Si Tin ang kasama kong uminom at hindi si Kevin, not even Lloyd! Nagmamagandang-loob lang iyong tao. Kaysa mag-taxi akong pauwi, di ba? E, di hinatid niya na lang ako. Besides, nandoon din si Lloyd, so, hindi niya ako solong inihatid." sikmat niya rito sa mahinang tinig. Mahirap na baka magising ang ate niya, tiyak na malalagot siya kapag nalamang nasa loob ng silid niya si Greg.
"Look who's talking?" humalukipkip pa siya sa harapan nito. "Dinatnan kitang nakayakap nang halos sa pink na higad na 'yon!"
"Nahihilo siya, okay? Nagpunta siya sa cr para magsuka, inalalayan ko lang... at hindi ako nakayakap sa kanya, naka-alalay lang ako."
"WHATEVER!" ipinaikot niya ang mga mata at umalis na sa harapan nito. "Iinum-inom... hindi naman pala kaya." bulong niya pa habang lumiligid sa kabilang side ng kama.
Hinubad niya ang tsinelas na suot niya saka hinawi ang comforter at nahiga na. Si Greg ay nanatili namang nakaupo sa kabilang gilid.
"Lumabas ka na. I-lock mo ang pinto paglabas mo, ha. Matutulog na ko. Nakainom nga ako, 'di ba? Oo nga pala... break na tayo. Magsama kayo ng pink na higad na 'yon." kahit siya ay nabigla sa sinabi niya. Ngunit huli na para bawiin pa iyon. Bumiling siya ng higa, patalikod dito.
Noon pumatak ang mga luha niya.
Naramdaman niya ang paglundo ng kama sa kabilang side niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang hindi nito makita ang pagluha niya.
Nanigas ang buong katawan niya nang maramdamang niyakap siya nito mula sa likuran. Patagilid itong nakahiga at nakayakap sa kanya.
Napapitlag pa siya nang masuyo siya nitong halikan sa batok.
"Sweetheart, please... huwag na tayong mag-away. Okay, ako na ang mali. Dapat magpasalamat ako dahil hinatid ka nila dahil gabi na, baka mapano ka sa daan. Sorry na, 'wag ka naman agad magdesisyon ng ganyan. First quarrel pa lang, break na agad?"
Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang hikbi.
Naramdaman niya ang lalong paghigpit ng yakap ng binata sa kanya na sinundan ng mariing paghalik sa ulo niya.
"Sorry na. Hindi ko lng talaga maiwasang magselos. Natatakot ako kasi hindi malayo ang age gap nyo. Natatakot ako kasi mas bagay kayo. Natatakot ako kasi baka maagaw ka niya sa akin." mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya na tila ayaw na siyang pakawalan.
"Ako din. Natatakot din ako na baka maagaw ka ni Nicole sa akin." aniya sa pagitan ng paghikbi.
Kinabig siya ni Greg at iniharap dito saka muling niyakap.
"Sweetheart... iyong-iyo ako. Kahit kailan hindi ako magpapa-agaw."
"Baka kung siya ang girlfriend mo ngayon, hindi nyo na kailangang magtago... kasi mukhang okay lang naman sa ate niya kahit maging kayo, eh," parang batang sabi niya habang nakasubsob sa dibdib ng binata. "And twenty na siya... hindi masyadong malayo ang age gap nyo."
"Shh..." iniangat nito ng dalawang daliri ang baba niya at pinagtagpo ang kanilang mga mata. "Sweetheart, mahal kita. Sana paniwalaan mo iyon, at pagkatiwalaan. Hinding-hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakasakit mo."
Madamdaming sabi nito bago siya masuyong hinalikan sa noo.
"Huwag na tayong mag-away ha, please..." hinalikan siya nitong muli sa noo bago mahigpit muling niyakap. "Nakakatakot ka magalit Sweetheart... break agad."
"Sorry. Mahal na mahal lang po kita kaya ako nagseselos."
"At dahil, mahal na mahal din kita, wala kang dapat ikaselos."
"Sorry ulit." mahinang sabi niya na bahagyang lumayo dito at mabiis itong hinalikan sa mga labi.
Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito sa ginawa niya.
Nang makabawi ay bahagya itong lumayo at tumihaya ng higa sabay dipa ng dalawang braso. Nakaunan pa rin siya sa braso nito.
"Urgh! Don't do that again, Sweetheart." tila nahihirapang sabi nito.
"Do what?"
"I'm trying my damndest here to keep my promise." nasa anyo pa rin nito ang paghihirap.
"Promise?" kunot-noong sabi niyang nakatingala rito.
"That is to give you your first real kiss, when you turned, eighteen." malamlam ang mga matang bumaling itong muli sa kanya.
"Ahh..." tumatango pang sabi niya. "In a few months time, eighteen na ako, so, I won't mind, if you are going to give me some preview." nakangising tukso niya.
Saglit na nangunot ang noo nito sa sinabi niya. "Prev--" nang sa tingin niya ay nag-proseso na ang sinabi niya a utak nito ay unti-unti nang nagkahugis ang ngiti sa labi nito.
Natatawang pinitik nito ang tungki ng ilong niya bago hinalikan.
"Loko ka talaga. Sige na, matulog ka na. Baka nga makalimutan ko iyong pangako ko." akmang babangon na ito nang pigilan niya sa pamamagitan ng pagyakap dito.
"Dito ka na lang matulog. Promise, magbe-behave ako. Hindi na kita tutuksuhin."
"Sweetheart, kung ako lang, gustong-gusto ko... pero hindi pwede. Nakainom din ako... baka hindi ako magising agad, malalaman ng ate mo na dito ako natulog. I'm sure you don't want that to happen, right?"
Agad niya namang naintindihan ang sinabi nito kaya't marahan siya tumango at pinakawalan ito.
"Sweeetheart, lasing ka ba?" maya-maya ay tanong niyang nagpakunot ng noo nito.
"Not really, why?"
"Uwi ka na lang kaya?"
Lalong nangunot ang noo nito sa sinabi niya.
"Baka kasi gapangin ka ni Nicole sa baba kapag tulog ka na." nakalabi pang sabi niya.
Mahina itong natawa sa sinabi niya.
"Silly. 'Wag kang mag-alala, sisigaw ako agad."
"Greg!"
Tatawa-tawa pa ring hinalikan siya nito sa noo.
"Goodnight, Sweetheart. Stop thinking too much. I love you."
"I love you, too."
KINALUNESAN ay nagulat pa siya nang makasalubong niya si Kevin sa eskuwelahang pinapasukan niya.
"Hi." nakangiting bati nito sa kanya.
"H-hi.." alanganin ang ngiting sagot niya. "Anong ginagawa mo rito?"
"Enrolled na ako rito. Nag-trasfer ako.." anito sabay nakangising kumindat sa kanya.