Chapter 5

1509 Words
AFTER TWO YEARS.. "Bez, malapit na graduation, pa-make-over tayo..." Nag-angat si Toni ng tingin mula sa mga reviewers na nasa harapan niya nang magsalita ang kaibigan. "Huh? Bakit? Okay na yan, maganda na tayo, no! No need." nakangiti niyang sabi ngunit dahil kilalang-kilala siya ni Tin, nakita agad nito na walang buhay ang ngiting pinakawalan niya. Lihim itong malungkot na nailing. Sa loob ng dalawang taon ay ilang beses niya ring binalak na kausapin si Greg kung bakit nito iyon nagawa sa kaibigan niya. Naramdaman at nakita niya kung gaano nito kamahal si Toni nang kausapin siya nito na gawing espesyal ang araw iyon para sa nobya, habang ito naman ang punong-abala sa paghahanda ng dinner party para dito. Kaya't hindi siya makapaniwala nang sabihin sa kanya ni Toni na iniwan siya ni Greg at hindi niya alam kung bakit. Makailang beses siyang tumawag dito... at may ilang pagkakataon ding pumunta siya sa opisina nito para makausap lamang ang binata ngunit laging sinasabi ng sekretarya nito na out of town daw ang binata. "Saka, may isang exam pa tayo, next week, remember? So, exam muna, baka hindi tayo maka-graduate, kapag bumagsak tayo, no." muling sabi ni Toni sa kalmadong tinig. "Ikaw, babagsak?! E, kulang na nga lang 'yong mga libro mo na lang ang kausapin mo, eh. Mula noong mawala si Greg, parang ayaw mo nang maki-socialize." Doon muling nagbaba ng ulo si Toni at ibinalik ang tingin sa binabasa. "Bez, don't say bad words, please..." mahina niyang sabi. Nagpakawala si Tin ng isang buntong-hininga. "Bez, it's time for you, to move on. Two years, in the making na iyang topak mo, no." Muli siyang nag-angat ng tingin at ginawa ang lahat ng makakaya niya upang pakaswalin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nagpakawala pa siya ng pilit na tawa. "Topak ka diyan. Topak ba para sa iyo ang mag-aral ng mabuti, para magkaroon ng magandang future?" Ngunit hindi pa rin kumbinsido ang kaibigan. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, eh. I mean, socialize... lumabas ka naman sa lungga mo. Entertain suitors, make friends! Ako na lang yata ang kaibigan mo, eh." ani Tin. Wala siyang pakialam kung nagmumukha na siyang pakialamera. She just want her bestfriend back to her old self. Iyong masayahin niyang kaibigan. Iyong puno ng buhay. "Not that nagrereklamo ako, pero nag-aalala ako sa'yo, Bez..Lagi mong ipinapakita na okay ka, ngumingiti ka kahit hindi umaabot sa mga mata mo. Bez, i've known you, since we're both in elementary, for me not to noticed that you're still hurting." wika nito sa malumanay na tinig. "Please, speak up! Hindi makakatulong sa iyo kung sasarilinin mo lang 'yan. Mula nang umalis si Greg, wala kang pinag-sabihan ng feelings mo, ayaw mong aminin sa amin na nasasaktan ka." Unti -unting nangilid ang mga luha niya sa mga sinabi ng kaibigan. May katotohanan ang mga sinabi nito. Mula nang umalis si Greg ay wala siyang pinag-sabihan ng kung ano ang nararamdaman niya. Kahit minsan, ay hindi siya dumaing na nasasaktan siya. Pilit niyang ikinakaila, maging sa sarili na malaki ang epekto sa kanya ng ginawang pag-iwan sa kanya ni Greg. Pasimpleng pinahiran niya ang nanlalabo nang mga mata, sanhi ng mga luhang nagbabanta nang pumatak, saka pinilit na ngumiti. Ngunit malinaw pa rin iyong nakita ng mapanuring mga mata ng kaibigan. Malungkot itong napailing. "Hay nako, Bez, haba ng litanya mo. I'm over it, okay? Sige na sasama na ako sa iyo sa make-over na gusto mo, pero after na ng exam, okay?" Wala nang nagawang marahan na lamang iting tumango. "May usapan pala kami ni Kevin na magre-review ng sabay bukas ng gabi, sama ba kayo ni Lloyd?" pag-iiba ni Toni sa usapan. Alam nitong umiiwas siya. "Bez, tanong ko lng, bakit hindi mo na lang bigyan ng chance si Kevin? Malay mo siya talaga ang 'the one' mo, 'di ba?" Ipinaikot niya ang mga mata. "Hay bez, ayan ka na naman sa pagiging cupid mo, napag-usapan na namin 'yan no." Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Correction... ikaw lang ang nagsalita. Ayon sa kuwento mo sa akin, nakayuko lang siya at wala lang magawa dahil tinakot mo na kahit bilang kaibigan, mawawala ka kapag nagpilit siya!" Napabuntong-hininga siya. Totoo ngang iyon ang sinabi niya kay Kevin kaya lulugo-lugo itong wala nang nagawa kundi mahinang tumango. "Bez naman, eh... hindi pa talaga ako handang pumasok ngayon sa isang relasyon." aniya rito. Not that, hindi pa ako nakaka-move-on, ha, pero baka hindi ko na kayang magtiwala uli." "Bez, two years nang laging nakabuntot sa iyo 'yang si Kevin, no. Sa tingin mo ba, iiwan ka rin niyan kapag binigyan mo siya ng chance? Lumipat pa nga 'yan sa school natin para lang makasama ka lagi, ano pa ba ang kulang?" "Christina Marie...!!!" tila kunsumido niya nang mariing angil sa buong pangalan nito. "Makabuo naman!" irap ni Tin sa kanya. Matipid niya itong nginitian. "Sorry, bez, one day, mag-o-open din ako, ayoko pang pag-usapan, baka mawala ang focus ko sa exam, eh." nagpapa-unawang sabi niya na lamang dito. "At iyong kay Kevin, ayokong maging unfair sa kanya. Kung sasagutin ko siya, dahil lang mahal niya ako, unfair iyon. Wala talaga akong maramdaman sa kanya, eh... ayoko siyang gawing rebound. Kung pwede lng talagang turuan ang puso, ginawa ko na." "Osha..." pagpapatianod na lamang nito. "Basta kapag ready ka na, nandito lang ako, ha." Noon lamang siya matamis na ngumiti. "Promise!" aniyang itinaas pa ang kanang kamay. "'SIS, may early graduation gift ako, para sa'yo." "Wow! Talaga, ate?" Nakangiting inabot sa kanya ng kapatid ang isang malapad na pulang kahon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano ang laman niyon. "Wow, ate, totoo ba 'to? Hindi kaya 'to gold plated lang?" nanlalaki pa rin ang mga mata, ngunit naka-ngiti nang sabi niya. "Isuot mo iyan sa graduation mo, ha." "Oo naman, ate. Ang ganda kaya." nakangiti pa ring sabi niya, na hindi inaalis sa regalo ang tingin. Kinuha niya iyon sa kahon at isinuot. Isa iyong gold bracelet na may palawit na puso. Isang tingin pa lang ay makikita nang mamahalin ito. Bahagyang nangunot ang noo niya at natigilan siya nang mapagmasdan ang palawit ng bracelet. "Baka coincidence lang..." aniyang pilit iwinaksi ang ibinubulong ng puso. Kung nag-angat siya ng tingin, ay makikita niyang teary-eyed na nakatingin sa kanya ang ate niya. AFTER THE EXAM "Yesss! Sa wakas, ga-graduate na rin tayo. Nag-bunga na rin ang lahat ng pinaghirapan natin!" abot ang ngiting bulalas ni Tin. Palabas na sila ng University, kasama si Lloyd, na nasa tabi ni Tin, at si Kevin naman, ay sa tabi niya. Nakagitna sila sa dalawang lalaki. "Ano? Celebrate tayo? Sagot ko..." nakangiti ring baling ni Kevin sa kanya. Tatanggi sana si Toni, pero naunahan siyang sumagot ni Tin. "Hep...! Bawal tumanggi, minsan lang ako madamay diyan sa libre ni Kevin, ha, tatanggi ka pa? Ikasisira na ng friendship natin, 'to." sabi nito sabay kindat kay Kevin na lalong lumawak ang ngiti. "Oo na, ang oa mo talaga, sasama na po." naiiling na sabi niya sa kaibigan. "Yown...!" napasuntok pa sa hangin na sigaw ni Kevin. "Tara na, baka magbago pa ang isip." "Dahil diyan, ako ang mamimili ng restaurant." ani Tin. Nawala na ang pansin ni Toni sa mga kaibigan nang mapadako ang tingin niya sa tapat ng burger stand. Isang pamilyar na sasakyan ang nakita niya. Sobrang dilim lang ng tint kaya't hindi niya makita ang loob, pero sigurado siyang may tao doon. Pilit niyang pinaliit ang mga mata upang aninagin ang kung sino mang tao doon na naka-upo sa driver's seat, pero umusad na paalis ang sasakyan. Nagkibit na lamang siya ng balikat. "Imposible..." sa isip-isip niya. GRADUATION DAY ISA-ISA nang tinatawag ang mga nagsisipagtapos. Nang tinawag ang pangalan niya ay nakangiti siyang umakyat ng entablado. Nakangiting humarap siya sa mga tao at nakataas ang katatanggap lamang na diploma na nag-bow siya, katulad ng itinuro sa kanila sa rehearsals nila. Gayundin, ay upang bigyan ng daan ang kinausap ng ate niya na litratista. Nangunot ang noo niya nang isang pamilyar na mukha ang mahagip ng paningin niya sa pinalikod na bahagi ng auditorium. Dahil tinawag na ang pangalan ng kasunod niyang nagtapos, ay kailangan na niyang umusad at bumaba sa kabilang bahagi ng entablado, at bumalik sa kina-uupuan niya. Hanggag maka-upo na siya ay pilit pa rin siyang lumilingon at pilit na hinahanap ang pamilyar na mukha, ngunit wala na ito sa puwesto nito kanina. KAHIT nakaupo na ay panay pa rin ang lingon niya sa bahaging iyon upang patotohanan kung totoo nga bang nakita niya ito, o, namalik-mata lamang siya. Nabaling ang atensyon niya nang maramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niyang nasa bulsa niya sa loob ng suot na toga. FROM : BESTFRIEND TIN Bez, kanina ka pa lingon ng lingon diyan. Nilingon niya muna ang kinaroroonan ng kaibigan na sa kanya nga nakatingin. Nagtatanong ang mga mata nito. Nagtipa siya ng mensahe para dito. FROM : BESTFRIEND TONI Bez, I think, I saw him. FROM : BESTFRIEND TIN Him, who? FROM : BESTFRIEND TONI Greg...! FROM : BESTFRIEND TIN WHAT?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD