"BEZ, jobless na naman ako..." nakapangalumbabang malungkot niyang sabi sa kaibigan.
Mula nang maka-graduate siya ng kolehiyo ay ilang beses na rin siyang nag-apply at natanggap sa trabaho. Ngunit lagi na ay kung hindi siya tinatanggal ng mga asawa, o girlfriend ng mga nagiging amo niya, ay disimulado naman siyang minumolestiya ng amo niya kaya't nagreresign siya.
"Huh?! Three days ka pa lang, ah. Ano na naman ang nangyari?" gulat na tanong ni Tin matapos ibaba ang hawak nitong milk tea.
Dahil restday ni Tin ay napagkasunduan nilang magkita sa paborito nilang tea house. Medyo matagal na rin naman mula nang huli silang nag-bonding ng sila lamang dalawa. Madalas ay kasama nila sina Lloyd at Kevin, o, pareho silang busy kaya't wala nang oras para magkita pa sila.
Pahablot na inabot niya ang milk tea na nasa harapan at sumimsim muna doon bago nagsalita.
"Putcha, m******s pala iyong may-ari ng company. Pagbigyan ko lang daw siya, kahit isang gabi lang, at ipo-promote niya daw ako agad." pakiramdam niya ay na-high blood siya nang maalala ang sinabi ng huli niyang naging boos. "Ang kapal ng face, eh, ang pangit niya kaya, no. Feeling niya papatulan ko siya? Ayon, hinampas ko ng folder sa mukha!"
Nanlaki ang mga mata ni Tin sa sinabi niya. "Ginawa mo 'yon? Sira ka, mamaya maimpluwensya pala 'yon, pina-blacklist ka, mahirapan ka nang maghanap ng trabaho."
Paismid siyang ngumiti dito.
"Hindi niya gagawin 'yon, no. May asawa at mga anak 'yon, takot niya lang sa eskandalo."
"Eh, pa'no 'yan? Tambay ka na naman?" parang pati ito ay namroblema sa sitwasyon niya. Noong isang buwan lang, nag-resign ka kasi nahuli mo ang boss mo na binobosohan ka pala, bago 'yon, iyong ka-work mo, hina-harass ka... Hay nako, bez, why so pretty, kasi? Lagi na lang pinag-iinteresan!"
"Hay nako, ewan ko nga ba..." she heaved a frustrated sigh. "Ang gusto ko lang naman, makapag-tranaho eh, para magamit ko naman ang pinag-aralan ko. Bakit ba laging may mga m******s at epal sa mundo?" naiiling na muli siyang sumimsim ng milk tea. "Ikaw? Kumusta naman 'yong work mo?"
Nagkibit ng balikat si Tin bago sumagot.
"Ayon, okay naman. Medyo nakaka-stress nga lang kasi ang.sungit ng manager namin, pero carry naman, kaysa wala."
"Haist, ang malas natin sa work!" minsan pa siyang bumuntong-hininga na tila pasan ang mundo. Nang mapatingin siya sa kaibigan ay tila may umilaw na bumbilya sa isip niya. "Eh, kung magtayo na lang tayo ng sarili natin?" nakangiting aniya rito.
"Huh?! Eh, ano naman ang itatayo natin? Kaya ba natin?" kunot ang noong balika-tanong nito.
Saglit siyang nanahimik at napaisip kung ano nga ba ang magandang itayo nilang negosyo. Iyong pasok sa field nila. Kapwa sila gumraduate sa kursong Hotel and Restaurant management. Ano pa nga ba ang pinakamalapit na negosyo sa kursong iyon?
Pagkain!
"Ahhmm... why not, catering business? Hindi naman natin kailangan ng malaking kapital d'on, kasi kapag may client naman, magbibigay naman sila ng half na down p*****t, 'di ba? Kailangan lang, makapag-produce tayo ng mga gagamitin natin, like plates, spoons, trays, warmers, and all, 'di ba?" hingi niya ng opinyon dito. "Ask mo kaya sina Lloyd and Kevin kung gusto nila makisosyo sa atin, mas hindi masyadong mabigat kung marami tayo."
Agad ding sumilay ang ngiti sa mga labi ng kaibigan.
"Ay, parang bet ko 'yan, Bez... at least tayo na ang boss ngayon, 'di ba?"
"Korek!" abot hanggang tainga rin ang ngiti niya sa sinabi nito.
Hindi pa man ay nakakaramdam na siya ng sobrang excitement sa pinag-uusapan nila.
"Sige. pag-uusapan namin ni Lloyd 'yan. Sana pumayag siya." naroon din ang saya at excitement sa tinig nito. "Ang alam ko, iyong dating restaurant nila pina-close 'yon kasi wala nang magma-manage, hindi na maasikaso ng parents niya. So, may place na sila, and may mga kitchen tools na rin. Tingnan na lang natin, kung ano pa ang mga pwedeng magamit."
"Talaga?! Good. Maganda 'yan, mas lalong hindi malaki ang ilalabas nating pera. Teka... baka hindi pumayag ang parents niya, nakakahiya."
Ipinaikot ni Tin ang mga mata. "Papayag 'yon, no! Buti nga bibigyan natin ng direksyon ang buhay ng unico hijo nila, eh. Kaysa naman ayun, panay lang ang COC sa bahay, sustentado eh."
Tinawanan niya ito ng nakakaloko.
"Nice...! Parang asawa lang pumutak, ah!"
"Hay nako, eh, papano ko siya pakakasalan kung puro sarap lang ang gusto niya sa buhay? Ano? Aasa lang kami sa parents niya? No way!" tila kunsumidong litanya pa rin nito.
Nakangiting tinaasan niya ito ng kilay.
"Bakit? Niyayaya ka na ba?"
"Of course!" taas naman ang noong sagot nito. "After graduation pa lang, actually. Sabi ko lang, hindi pa ako ready."
"Naks... gumaganun pa! Tapos kapag iniwan ka, iiyak-iyak ka!" kantiyaw niya rito.
"Sira. Siyempre naman, no, isipin din namin ang future. Saka, hindi ako iiwan n'on, mahal na mahal ako n'on."
Natutop nito ang bibig nang kagyat na mawala ang ngiti niya sa sinabi nito.
"Ay, sorry naman... hindi nakabusina." alanganing anito na nag-peace sign pa.
Mabilis din naman niyang ibinalik ang ngiti niya.
Ayaw niya ng bad vibes ngayon, baka malasin ang negosyong binabalak nila.
"Lukaret ka talaga!" nakangiting aniya rito. "Basta ha, kausapin mu agad si Lloyd kung willing ba sila makisosyo sa atin..."
"Of course. Akong bahala, papayag 'yon."
"SIS, ano na ang plano mo, saan ka na ulit mag-aaply?" tanong ng ate niya habang kumakain sila ng hapunan.
Naikwento na niya rito kung ano na naman ang nangyari sa trabahong pinang-galingan niya. Gayundin, sa iba pa, bago iyon.
Inabot niya ang baso ng tubig at uminom muna bago sumagot.
"Iyon na nga sana ang ibabalita ko sa iyo. Nagbabalak kami ni Tin na magtayo na lang ng sarili naming business." kaswal na sabi niya at muling sumubo.
"Talaga? Maganda nga iyan. Ano naman ang balak ninyong buksan?" tanong ng ate niya sa pagitan ng pagsubo.
"Catering sana. Tutal, pareho kaming HRM ang tinapos, bagay sa amin ang business na 'yon, 'di ba?"
"Hmm... tamang-tama, matutulungan ko kayo sa mga client n'yo. Pwede ko kayong irecommend sa mga client namin."
Flower shop ang business ng ate niya, at ng mga kaibigan nito. Mayroon nang sampung branch ang mga ito sa iba't ibang parte ng bansa.
"Kung kailangan mo ng extrang budget, magsabi ka lang, ha." muli ay sabi ng ate niya.
"Hayaan mo, ate, tatandaan ko iyan. Sa ngayon, may pera pa naman ako, eh." nakangiting sabi niya.
"Kayo lang bang dalawa ni Tin? Gusto mo bang makisosyo ako, or, hanap tayo ng iba na willing mag-invest sa business n'yo? Para hindi kayo masyadong mabigatan sa budget."
"Hmm..." umiiling na sabi niya. "Hindi ate, niyayaya namin sina Lloyd at Kevin. Relax ka lang, ate. Kaya namin 'to. Don't worry, 'pag hindi na, magsasabi talaga ako sa iyo."
"Okay." tumatangong sabi nito, bago kunot-noong tumingin sa kanya. "Maiba ako, iyon bang Kevin ay nanliligaw pa rin sa iyo, o, boyfriend mo na?"
Nagtataka man sa biglaang kuryosidad ng kapatid sa estado ng buhay-pag-ibig niya ay nakangiti niya pa rin itong sinagot.
"Sus, hindi, no! Matagal ko 'yong tinapat na hanggang friends lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya."
"Ahh... naitanong ko lang." lalo siyang nagtaka nang umilap ang mga mata nito. "I suggest, huwag ka muna papasok sa isang relasyon, baka pagsisihan mo lang."
"Promise, wala talaga."
"Teka... nagka-boyfriend ka na ba?"
"Huh..?! A-akala ko...--" nagtaka siya sa tanong nito.
Kung ganoon ay nagsinungaling din si Greg sa kanya noon?
Baka hindi naman talaga nito sinabi sa ate niya na magnobyo na sila, at wala talaga itong balak na sabihin, dahil wala rin naman itong balak na seryosohin niya.
Pinigilan niyang bumalatay ang sakit sa mga mata niya.
Wala na siyang balak na ipaalam pa sa ate niya ang nakaraan.
Para saan pa?
"Anong akala mo?" kunot-noo ang ate niya.
"A-ahh... wa-wala. Kalimutan mo na. Hindi ko alam kung seryosohan iyon o lokohan, kaya hindi ko rin alam kung oo, o, hindi ang isasagot ko." humigpit ang hawak niya sa kutsara sa tinatakbo ng isip niya.
"Huh? Bakit?" tila lalong lumalim ang kuryosidad ng kapatid.
Nagkibit muna siya ng balikat. "Sabi niya, mahal niya ako, pero iniwan niya ako noong mga panahong akala ko, siya na talaga." tila may bikig sa lalamunang sabi niya. "Noong asang-asa na ako na totoo lahat ng sinasabi niya. Sinabi niya sa aking mahal niya ako, tapos isang araw, biglang hindi na siya nagparamdam, biglang ayaw niya na..." namalayan niya na lamang na pagpatak ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Agad na tumayo ang kapatid niya at masuyong hinagod ang likod niya, matapos siyang abutan ng tissue.
"Sis, baka naman may reason kung bakit niya ginawa iyon."
"Paano ko malalaman kung wala naman siyang sinabi? Ni hindi siya nagpaliwanag," sumisigok pang sabi niya. "Kung nagpaliwanag siya, pakikinggan ko naman siya, eh. Kung sinabi niya sa akin kung ano'ng problema, pilit ko siyang iintindihin. Sana, sinabi niya man lang sa akin ang dahilan niya, kung bakit biglang ayaw niya na. Kung nagkulang ba ako, o, kung sumobra ba? Eh, di sana, baka sakali, naayos pa namin. Hindi iyong, bigla na lang siyang naglahong parang bula. Buti pa siguro, kung nambabae na lang siya, eh. At least, kahit papa-ano, baka ipinaglaban ko pa siya! Hindi iyong basta niya na lang akong iniwan ng walang kalaban-laban!" dahil mula nang mangyari iyon ay ngayon lamang nakapaglabas ng sama-loob, hindi niya maiwasang mapa-hagulgol.
"Shh..." pag-aalo ng ate niya habang panay ang hagod sa likod niya. "Lagi mong tatandaan na laging may dalawang mukha ang mga pangyayari. Anong malay mo, hindi niya rin naman ginusto 'yong mga nangyari. Saka, masyado ka pa namang bata n'on. Malay mo, iyon ang sa tingin niya, na mas tamang gawin. Believe me, balang araw, maiintindihan mo rin ang mga nangyari. And, hopefully, pagdating ng araw na iyon, buksan mo ang isip at puso mo para magpatawad." malungkot na sabi ng ate niya na nagpalito sa kanya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" aniyang tumingala rito habang nagtutuyo ng luha.
"Nothing." blangko ang ekspresyon ng mukha nito. "Sige na, umakyat ka na at magpahinga. Ako na ang bahalang maglipit dito."
NANG nasa silid na siya ay hindi naman niya makuhang magpahinga.
Pakiramdam niya ay muling bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman niya nang mga panahong iyon, na inakala niyang naibaon niya na sa limot.
Binuksan niya ang pinaka-ilalim na drawer sa tabi ng kama niya at kinapa sa pinaka-dulo ang isang kahon.
Nang makapa iyon ay maingat niya iyong inilabas at binuksan.
Lalo siyang napa-iyak nang tumambad sa kanya ang laman ng kahon.
Iyon ang kuwintas na iniregalo sa kanya ni Greg noong ika-labing walong kaarawan niya.
Kinuha niya iyon at pinakatitigan ang mga letrang naka-ukit doon.
Tandang-tanda niya pa ang mga sinabi nito nang ibigay sa kanya ang kuwintas.
Simbolo raw ito ng pagmamahal nito sa kanya.
"Puro kasinungalingan lang ang nakapaloob sa iyo. Ibenta kaya kita, nang makita niya ang hinahanap niya?" parang tangang umiiyak na kausap niya sa kuwintas. "Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na ihampas kita sa pagmumukha niya." aniyang mapait na tumawa. "Hindi bale, sa susunod na magkita kami, sisiguraduhin ko na maglalaway na lang siya sa akin. Who you, talaga siya sa'kin!" aniyang lumuluha pa rin.
Natigil lang ang pag-e-emote niya nang tumunog ang cellphone niya.
Si Kevin.
Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tawag.
"KEVIN..." bungad niya rito n pilit pinatatatag ang tinig.
"Hi," masiglang bati naman ni Kevin. "Nasabi na sa amin ni Tin ang tungkol sa plano n'yo... and we're in!"
"Talaga?!" tuwang sabi niya. "Thank you! Malaking tulong iyon sa amin ni Tin, lalo na, at may place na pala sina Lloyd, at least hindi na tayo uupang place para sa kitchen."
Kahit papaano ay napagaan ng balitang dala ni Kevin ang bigat ng dibdib niya.
"Nako, nung kinausap kami ni Tin, nanginginig pa si pinsan. Patay na patay..." anito saka malakas na tumawa.
Na nakapagpatawa rin sa kanya.
"Loko ka talaga!" naiiling pang sabi niya. "Sige na, kita-kita na lang tao para maplantsa ang mga details."
"Okidoki. See you... goodnight."
"Goodnight. And thank you, uli."
"Anytime. You know that."
"HI, still awake?" bati agad ni Greg nang bumkas ang kabilang linya.
"Yap. Kahihiga ko pa lang."
"So, ano nang balita? How is she?" tanong niya rito.
Sa loob ng dalawang taon ay ito ang naging koneksyon niya sa dalagang iniibig. Ibinabalita nito sa kanya ang lahat ng mga nangyayari sa dalaga at kung minsan ay hinihilingan niya itong panakaw na kuhanan ng litrato ang dalaga, saka ipadala sa kanya.
"Ayon, nag-resign na naman siya sa present job niya dahil kinukursunada na naman siya ng boss niya."
"What?! DAMN!" nagtatagis ang mga ngipin na halos ay sigaw niya
"Yes. Gusto pa yata siyang gawing kabit." pagbibigay impormasyon pa rin ng kausap.
"f**k HIM!" napakuyom ang kamao niya sa sinabi nito.
Ilang saglit na pinakalma niya muna ang dibdib bago nagsalita.
"Anyway, kumusta naman siya? Is she okay?" medyo mahinahon na siya sa pagkakataong iyon.
"Oo naman. Nagpaplano sila ni Tin na magtayo ng catering business para hindi na raw sila mamasukan."
"Good. Mas mabuti na nga siguro iyon. And besides, baka matulungan ko pa sila
pagdating doon. But of course, with a little help from you, again."
Sure. Anything for her happiness."
"Thank you, goodnight!"
"You are always welcome, Greg. Goodnight."