Chapter 2

5321 Words
ABALA si Toni sa pagbabasa ng pocketbook nang marinig niya ang ilang mahihinang katok mula sa labas ng pintuan bago marahang bumukas iyon at iluwa ang ate niya. "Hi, sis, busy ka?" tanong agad nito habang naglalakad palapit at naupo sa paanan ng kama niya. " Hindi naman, ate, why?" sagot niyang isinara ang binabasa at hinarap ito. "May out of town ako, with friends, this weekend, sama ka?" Alanganin siyang ngumiti dito. "Nyek, sabi mo nga, with friends, ano gagawin ko d'on?" "Wala lang." nagkibit pa ito ng balikat. "Baka lang gusto mo mag-unwind. Ma-relax lang." She pouted. "Baka ma-OP lang ako d'on, teh." "Hindi naman siguro. Nandun naman si Greg. Siya pa nga nagsabi, na baka gusto mo raw sumama, eh." Ilang saglit siyang natigilan nang marinig ang pangalan ng binata. "Wehh...?" hindi makapaniwalang paniniyak pa niya rito. Tama ba ang narinig niya? Na si Greg pa mismo... ang ultimate crush niya ang nagyaya sa kanyang sumama? Juskolord! Kinikilig yata siya, wala pa man. "Oo nga, kulit. Pwede ka rin magsama ng friends mo, if you want." pangungumbinsi pa rin ng kapatid niya. "Sige. Pag-iisipan ko 'yan." ngunit sa loob-loob niya ay buo na sa loob niyang sasama talaga siya. "Ask ko na rin si Tin, kung gusto niyang sumama. Sure ka, okay lang, ha?" kunwa ay nag-aalangan pang sabi niya. "Oo nga, sabi. Kulit lang?" "Sige. Update kita kapag nakausap ko na si Tin." sa ayaw at sa gusto nito ay pipilitin iya talaga itong sumama. Para naman may mapaglabasan siya ng kilig niya kapag hindi na kinakaya ng puso niya. Nakakahiya naman kung atakihin siya doon sa kilig, di ba? "Sige," anang ate niya na tumayo na at muli naga lalabas ng pintuan. "Updatw me agad, ha. Para masabi ko kay Greg at maipareserve kayo ng mauupuan." "Yes, ate." PAGLABAS na paglabas ng ate niya sa kanyang silid ay dinampot niya agad ang kanyang cellphone upang tawagan ang kaibigan. Matapos ang ilang ring ay sinagot nito ang tawag. "May gagawin ka ba sa weekend?" walang ligoy na tanong agad niya rito. "Hmm... wala pa yata. Bakit?" "Gusto mo marelax?" "Bakit? Magpapa-spa tayo? Parang need ko na nga yan..." "Hindi, no. Nagyayaya si ate, out of town sa weekend." "Oh ngayon? Ano'ng kinalaman ko d'on?" "Siyempre, sasama ka." sabi agad niya rito. Hindi niya na ito binigyan ng pagpipilian. Saglit na natahimik ang kabilang linya sa sinabi niya. "Sino-sino mga kasama?" "Mga friends nya." "Hmm... I smell something fishy..." nasa himig agad nito ang panunukso. Kilalang-kilala talaga siya ng kaibigan. "Ligo mo kaya yan..." "Nako, nako, nako... Maria Antoinette, kilala kita. May kinalaman si fafa Greg dito, no?" nagsususpetsang anito. "Ikaw naman, kailangan din naman natin magrelax, 'di ba?" pagmamaang-maangan pa rin niya. "Asus... yung totoo? Don't me, bez, ha. Aminin mo na kasi." "Tss. Oo na sige na. Sa'yo pa ba ako makakapagtago?" "So?" alam niyang nagpapakwento lang ito. "'Yon na nga, siya pa raw nagbigay ng idea kay ate na isama raw ako. Baka kung hindi ako sumama, hindi na maulit 'yon. Kaya grab the opportunity na lang, 'di ba?" tuloy-tuloy na kwento niya rito. "Hay nako, bestfriend. Hindi ko alam kung tama ba itong pangungunsinti ko sa kahibangan mo... baka ang ending, masaktan ka lang, sa kaka-asa mo." Alam niyang concern lang sa kanya ang kaibigan. Dangan naman kasi, ang batang puso niya... may kakulitan talaga. "Bez, sige na. Just support me na lang dito. Promise, hindi kita sisisihin kapag nasaktan ako." patuloy niyang pamimilit dito. "Gaga ka, matitiis ba kita?" tila walang nagawang sumuko na lamang ito sa pangungulit niya. "Basta hinay-hinay lang sa paglande, ha." "Grabe ka sa'kin, paglande talaga?" "Nga pala, pwede ko bang isama si Lloyd ko? Para naman ma-enjoy ko rin ang pangungunsinti ko sa'yo." maya-maya ay tanong nito. "Sige na, may sarili naman siyang sasakyan saka driver, so, hindi siya makakasikip." "At ako talaga malande, ha?" naka-angat ang isang kilay na aniya rito. Natawa naman si Tin sa sinabi niya. "Oo na. Sige na. Dahil mag-bestfriend tayo, pareho na tayong malande." "Sige na nga. Bestfriend with the same lande, flocks together." lalong lumakas ang tawanan nilang dalawa. "Loka-loka ka talaga." tumatawa pa ring sabi nito. "Sige na, inform ko muna si Lloyd, at baka mag-commit pa 'yon sa weekend." "Sige. Inform ko na rin si ate, na sasama tayo." Pagbaba niya ng telepono ay agad siyang bumaba ng kama at tumakbo papuntas sa silid ng kapatid niya. "Attttteeee!" FROM : GREG Hi. Musta? Ano gawa mo? FROM : TONI Heto po, nagpapa-antok. FROM : GREG Haist... FROM : TONI Why, po? FROM : GREG 'Yan na naman kasi 'yung 'po', mo. FROM : TONI Ay, sorry naman... FROM : GREG Can I call? FROM : TONI Sure. HINDI nga naglipat-saglit ay tumunog ang telepono niya. Ilang beses muna siyang huminga nga malalim bago sinagot ang tawag "Hi." "H-hello..." "Ahm... nasabi na ba sa iyo ng ate mo?" tanong agad nito. "'Yung lakad sa weekend?" "Yap." "Yes." "And...?" "Yap. Join kami, sayang naman, minsan lang ma-invite, eh." "Sino kasama mo?" "Si Tin, 'yung bestfriend ko. And, okay lang ba kung kasama bf niya?" "Oo naman. mas marami mas masaya." mabilis na pagpayag ng binata. "Ikaw? wala ka bang isasamang bf?" Oh my gosh... as if, he's fishing for an info., kung may boyfriend na ba ako. Kikiligin na ba ako? Sa isip-isip niyang itinapat pa sa dibdib ang cellphone. Muli, kinalma niya muna ang sarili bago muling itinapat sa tainga ang aparato. Baka mahalata siya nito. "Wala akong bf, no." nang makabawi ay kaswal niya sabi. "Talaga? Sa ganda mong 'yan?" tila hindi makapaniwalang sabi naman ng binata. Jusme! Yung heart ko po, pakibalik sa pwesto. Magkakasakit yata siya sa puso kung lagi niya itong makakausap ng ganito. "Let's just say, na 'yung guy na gusto, ko may iba yatang gusto." "Ouch." pakikisakay nito sa sinabi niya. "Yap. Sad no?" aniyang pinalungkot pa ang tinig. "Ikaw? Gf mo, kasama?" "Hmm... let's say, na yung girl na gusto ko, may iba na rin palang gusto." panggagaya ni Greg. "Sad no?" Napkunot ang noo niya. Wala naman akong alam na nagugustuhan ng ate ko, ah. "Linya ko yan, ah. Gaya-gaya ka." aniya saka mabining tumawa. "And masyado pa siyang bata. Dyahe manligaw. Mahirap makipag-compete sa mga kaedad niya, baka mapagtawanan lang ako." dugtong nito sa pinalunkot pa ring tinig. Omg. Omg. Omg. Ako ba 'yon? "Ay, gan'on? Hindi naman siguro. Bakit hindi mo i-try?" "Basta... nakakahiya, eh." "Malay mo naman. Cute ka naman, stable... saka mukhang seryoso sa life... walang reason para hindi ka niya magustuhan." Kung ako lang 'yon, nakuuuu... "Hmm... kung ikaw yung girl, example lang ha... magugustuhan mo ba ako, kahit ang layo ng agwat ng edad natin?" Ako na lang kasi,eh... papatol ka rin lang naman pala sa bata, bakit hindi na lang ako? Promise, hindi kita pahihirapan. Napalabi pa siya sa naisip. "Hmm... oo naman, no. Nasa iyo na kaya lahat ng qualities." buong puso niyang sagot dito. "Hindi mo naman ako binobola niyan?" tila hindi naniniwalang tanong nito. "Bakit naman kita bobolahin? Totoo naman lahat ng qualities na binanggit ko, 'di ba?" "Hala ka..." Nangunot ang noo niya sa sagot nito. "Bakit?" "Baka naiinlove ka na sa akin ha..." anito at sinundan ng pagtawa. Huli ka na sa balita, Greg. Matagal na akong inlove sa'yo. "Hindi ko alam na kasama pala sa qualities mo ang pagiging assuming?" sa halip ay sabi niya. "Aray naman..." kunwa'y nasaktan ito sa sinabi niya. Tinawanan niya lang ito. "Joke lang naman po." Narinig niya rin ang pagtawa sa kabilang liny. "Ahm... kumusta naman kayo ng ate ko?" ewan kung bakit nagkalas siya ng loob na itanong. "Okay naman kami, bakit?" "Is there any instance, na nagkagusto ka sa kanya?" kagat-kagat niya ang thumb finger niya habang tinatanong iyon. Tanong na kahit siya ay hindi yata handa sa magiging sagot. "Huh? Wala no. Ang maton ng ate mo, eh." parang nagulat pa ito sa tanong niya. "Ganon? Isusumbong kita..." kahit na papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Kung totoo nga ang sagot nito. "Seryoso, wala talaga. Sobrang platonic ng relationship namin." "Ahh... akala ko magiging kuya kita, eh." "Gusto mo ba akong maging kuya?" tila nananantiyang tanong ni Greg. "Wala naman akong choice, 'di ba? Kung magkakagustuhan kayo ng ate ko, eh." nagkibit pa siya ng balikat na animo wala lang. Ouch. Ayoko kaya... "Ganon? Sabagay. Pero sinasabi ko sa'yo, hindi mo ako magiging kuya lang." naroon ang katiyakan sa bawat pagbigkas nito ng salita. "Eh, ano pala? "Bodyguard." anito bago malakas na tumawa. "Nakaligtaan na naman natin ang oras. 2am na, may pasok ka pa bukas." Parang ayoko pumasok! "Nyaks... bodyguard ka diyan." tila wala na lang masabing sagot niya. "Oo nga. 2am na... ikaw din, may work pa bukas." No choice. Tsk. "Sige na, matulog ka na. Goodnight." "Goodnight." SATURDAY MORNING "Sino 'yang kasama n'yo?" pabulong na tanong ni Toni sa kaibigan nang makahanap ng tiyempo. "Pinsan ni Lloyd 'yan, nagpilit sumama." pabulong din nitong sagot. "Girl, crush ka raw niyan sabi ni Lloyd, kaya nagpilit." "Huh?" bahagya pa siyang lumayo sa kaibigan at nilingo ang sinasabi nitong pinsan daw ng kasintahan nitong si Lloyd saka bumalik muli ang tingin sa kaibigan. "Eh, ngayon ko lang nakita 'yan, eh," "Tama. Pero ikaw, nakita ka na raw niyan, nung napunta tayo kina Lloyd at doon tayo gumawa ng project. Hindi lang daw nagpakita kasi nahihiya raw sa'yo. Ayee... may balak na yata manligaw sa'yo 'yan." wala pa man ay panunukso na agad nito. "Che!" ingos niya rito. "Pwede ba? Nako, ngayon pa ba, na mukhang nagkaka-pag-asa na ako kay Greg?" Agad na umilaw ang mga mata niya nang mabanggit ang pangalan ng binata. "Grabe, bez, katext ko siya n'ong isang gabi... ang sweet niya... he even called me sweetheart. OMG." abot ang kilig na pabulong na kwento ni Toni sa kaibigan. Irap naman ang isinagot nito sa kanya. "Sige lang inday, asa lang tayo ha?" "Haist... panira ka ng moment." kunwa'y inis na inirapan niya rin ito saka mahinang tinampal sa balikat. "Kasi naman bez, ikaw na nga nagsabi, na may iba siyang gusto, 'di ba?" natatawang paliwanag nito. "At least, out na sa list of karibal mo ang ate mo, 'di ba?" "Hay nako, ewan ko sa'yo." naka-ingos pa ring aniya. "Basta NO, ako diyan sa cousin mong hilaw. Wait ko na lang na matauhan si papa Greg ko na ako pala ang mahal niya." "Apply ka sa PAG-ASA, pagka-graduate mo, bagay ka d'on." "Che! Sige na nga, bumalik ka na d'on sa jowa mo. Baka mamiss ka n'on agad." Tatawa-tawang naglakad naman ito agad pabalik sa kasintahan. Naiiling naman sa sumunod din si Toni dito. PAGDATING nila sa isang beach resort sa batangas ay kanya-kanya na silang pasok sa mga cottage na naka-assign para sa kanila. Dahi kasama ng ate niya ang mga girl-friends niya sa iisang kwarto, ay hiniling niyang baka pwedeng si Tin na lamang ang kasama niya sa isang pang kwarto, bilang hindi naman siya kasali sa grupo ng mga ito. Pumayag naman agad ang ate niya. Si Lloyd na ang nagprisintang magbayad ng kwartong ookupahin nila ni Tin. Nakita niyang saglit pa itong nagtalo at si Greg, dahil nagpipilit ang huli na siya ang magbabayad. Sa bandang huli, wala itong nagawa nang hindi pumayag si Lloyd na ipaako rito ang kwartong ookupahin ng kasintahan. Napansin niya ang matamang tingin ng ate niya kay Greg na nag-iwas lang ng tingin. Kasama ni Greg ang mga lalaking kaibigan niya sa iisang silid. Habang magkasama si Lloyd at ang pinsan nitong si Kevin sa isa pa. "Buti pumayag si ate Dawn na bumukod tayo ng room, no?" sabi ni Tin nang makapasok na sila sa silid nila. "Oo nga, eh. Nakakahiya naman kasi sa mga friends niya, kung doon din tayo sa room nila. At least, dito, solo natin." "Oo nga, parang ang sososyal pa naman ng mga friends niya." "Hindi naman, mga career women na kasi sila, kaya ang hirap na sabayan. Mababait naman sila, kapag nagpupunta sila sa bahay, never pa naman may nang-snob sa'kin." aniya habang inilalabas ang damit niyang panligo. "Sabagay." anito at lumapit sa kanya. "Bez, may napansin ako." "Ano 'yon?" hindi lumilingon ditong tanong niya. "Nagpipilit si fafa Greg kanina na magbayad ng room natin." himig nanunuksong sabi nito na naupo sa harap niya. "Dito daw kasi matutulog ang mahal niya." nangingiting sagot niya. "Asa..." anitong inirapan siya. Natawa na lang siya sa kaibigan. "Sa tingin mo, bakit kaya?" nasa mukha pa rin nito ang kuryosidad. "Malay ko. Baka naisip niya lang, na siya kasi ang nagyaya sa atin dito." "Sa'yo lang, no." "Sira." Tumawa lang ito at inayos na rin ang mga gagamitin. "Dalian mo na, bez, ligong-ligo na 'ko." maya-maya ay sabi nito sa kanya. "Oo na po. Heto na. Excited ka lang mag-moment sa jowa mo, eh." nakangiting tukso niya rito. "Huu... palibhasa, wala kang ka-moment, eh. Pagtyagaan mo muna si Kevin." "Sira ka talaga. Mamaya marinig ka ni Lloyd, sabihin, pinagtitripan mo pinsan niya." "Sus... 'di naman magagalit 'yon. Baka matawa lang din 'yon. Tara na nga." yaya nito nang makitang pareho na silang nakabihis. "BEZ, may napansin ako." sabi agad ni Tin na hinila siya saisang tabi, malayo sa karamihan. "Ano na naman 'yon, Christina Marie? Ikaw, kanina ka pa kumo-quota sa pang-asar sa'min nyang pinsan mong hilaw, ha." inis na inirapan niya ito. Naaawa na siya doon sa tao na hindi na yata pinanumbalikan ng normal nitong kulay dahil sa katutukso ni Tin. Baka permanente nang maging kulay kamatis ang pobre. Ngunit tinawanan lang siya nito. "Eto naman, joke lang naman, eh." "Sira ulo ka, mamaya nyan, magkasabay pa kami ng apply sa PAG-ASA." Lalo lang lumakas ang tawa ng bruha. "Anyways, Bez, yung kwento ko." tinagtag pa nito ang braso niya. "Ano ba 'yon?" alam niyang hindi rin naman siya titigilan nito hanggat hindi nailalabas ang nasa loob nito. "Bago ang lahat, gusto kong ipaalala sa iyo, na 'wag muna umasa, ha, sapagkat ito ay haka-haka at kuro-kuro ko lamang... wala pa itong nakalap na solidong ebidensya." Loka-loka talaga 'to. "Christina Marie, ano nga?????" nauubusan na ng pasensyang singhal niya rito. "Eto na.. makabuo ng pangalan, Maria Antoinette?" anitong may kasamang irap. Sinamaan niya ito ng tingin. "Oo na... game na." sa wakas. "Ayun nga, kanina pa, n'ong kumakain tayo at todo asikaso sa'yo si Kevin, parang tingin ko, masama ang tingin ni fafa Greg sa inyong dalawa." nasa boses nito ang pang-iintriga. "TALAGAAAA????" mabilis namang nakuha ng sinabi ng kaibigan ang buong atensyon niya. "Ooopppssss... 'wag kumapslock, at bawasan ang question mark, pati na rin ang A. Ramdam na ramdam ko 'yung intensity. Gaya ng sinabi ko, 'wag masyado umasa, ha. Baka lang badtrip, siya talaga at nadamay lang kayo." Dagling nawala ang ilaw sa mga mata niya sa sinabi ng kontrabida niyang bestfriend. "Ano ba yan, binawi agad ang saya ko... hmfp!" irap niyang muli dito. "At hindi mo ba napapansin, na 'yong isang kapatid ng friend ng ate mo, super close sa kanya? Kulang na nga lang, subuan siya, eh." hindi niya alam kung nang-iintriga pa rin ito o nang-aasar na lang, eh. "Pinasaya mo lang ako'ng saglit, no? Tapos may karugtong nang intriga." "Bakit ikaw, hindi mo ba nakikita?" angat ang kilay na tanong nito. "Nakikita..." she said, pouting. "See?" "Ano sa tingin mo, bez? Siya kaya 'yong sinasabi ni Greg, na gusto niyang ligawan, kaya lang, masyado pang bata?" "Ewan. Eh, sa tingin ko naman, hindi na siya kailangan pang ligawan ni Greg, eh. Mukhang wala pang sinasabi si Greg, I do na agad ang sagot ng bruha. Kita mo nga makadikit..." lumagpas ang tingin nito sa kanya at tinanaw ang nasa likuran niya. Hinayon niya ang tinitingnan nito at hindi sinasadyang nagkasalubong ang mga mata nila ni Greg... isang irap tuloy ang ibinigay niya rito, sa pagsasalubong ng mga kilay ng binata. "Tingin ko din.. talande! Hay nako, ewan ko ba. Hindi ko na alam ang iisipin at mararamdaman. Sana pala, hindi na lang tayo sumama dito." "Sabi ko naman sa'yo, i-enjoy mo na lang ang company ni Kevin kesa mag-mukmok ka diyan," "Oo na, susubukan ko. Anyway, mabait naman siya, at mukhang gentleman." "Oo naman, no. Nasa lahi nila 'yon." FROM : 09320000000 Hi.. FROM : TONI Who are you? FROM : 09320000000 Kevin po... FROM : KEVIN Ahh... ikaw talaga, bakit hindi mo na lang ako kausapin? Eto lang ako, eh. FROM : KEVIN Hehe... nahihiya po kasi ako, eh. FROM : TONI Sus... ano ka ba? FROM : KEVIN Okay lang ba, hiningi ko kay Tin number mo? FROM : TONI Oo naman, okay lang. FROM : KEVIN Ahh.. thanks ha, hindi mo kasi ako sinusungitan. FROM : TONI Ano ka ba? Wala 'yon, no. Saka, pinsan ka ni Lloyd, kaya friend na rin kita. FROM : KEVIN Ouch... friendzone agad? FROM : TONI Haha... ikaw talaga. FROM : KEVIN Haha.. joke lang po. Sige, lusong na 'ko, ha, Kulit ni Lloyd, eh. Maya na lang uli. FROM : TONI Haha... sige. Kanina pa ligong-ligo 'yan. Ayaw pa ni Tin, eh... mainit pa raw. FROM : KEVIN Ikaw, ayaw mo pa rin? FROM : TONI Mamaya na ako. Sabay na kami ni Tin FROM : KEVIN Ahh... sige po. MAG-ISA siyang nakaupo sa beach lounge chair nang maramdaman niyang may lumapit sa kanya at maupo sa tabi niya. Kahit hindi niya ito lingunin, sa amoy pa lamang nito at base na rin sa malakas na kabog ng dibdib niya, aoam niya na agad kung sino ito. "Hi" Nilinga niya itong at tipid na nginitian. "Hi." "Akala ko ba, wala kang kasamang bf?" maya-maya ay tanong nito, nasa dagat ang tingin. "Wala nga." kunot ang noong sagot niya. "'Yong lalaking kasama niyo?" hindi pa rin sa kanya nakatingin na wika nito. "Ha? Hindi ko bf 'yon, no. Pinsan 'yon ni Lloyd, nakisabit lang din." "Ows?" naka-angat ang isang kilay na sa wakas ay tumingin din ito sa kanya. "Kulang na lang ipagbalat ka ng hipon, ah," Oh my gosh, Greg. Nagseselos ka ba? "Ganon lang siguro siyang ka-caring sa kaibigan." "Ganon na ba uso ngayon?" "Yap. Katulad n'ong friend mo." "Sino?" bahagya nitong ikinunot din ang noo. "'Yong Nicole..." "Ahh... 'yon ba?" huminga ng malalim ang binata at muling tumanaw sa dagat. "Ganon lang talaga siya, bata pa eh. Tingin niya siguro sa akin kuya niya, kaya laging nakadikit. Wala kasi sa bansa kuya nila, nagtatrabao sa Germany." Bakit parang pakiramdam niya ay nagpapaliwanag ito sa kanya? "Ahh... akala ko ba, ayaw mong magpaturing ng kuya?" "Ibang usapan naman 'yon." "Ano'ng pinagkaiba?" tumingin siya rito. "Basta. Hindi mo pa maiintindihan, sa ngayon." "Try me." "Balang araw, ipa-iintindi ko rin sa'yo." "Ang tagal ng balang araw." Mahina itong natawa at tumingin sa kanya. "Ikaw talaga. Anyway, bakit ayaw mo pang maligo?" "Wala lang. Ang init pa kasi, eh. Sabay na lang kami ni Tin, mamaya, pagbaba ng araw. Hanggang bukas pa naman tayo dito, 'di ba?" "Tama yan. Huwag ka muna lumusong, may syokoy sa dagat." "Huh?" takang aniya. Natawa ang binata sa pagtataka sa mukh niya. "Wala.. Joke lang." Ilang sandali silang nanahimik at kapwa nakatingin lang sa karagatan nang basagin nitong muli ang katahimikan. "Sweetheart..." "Hmm.." OMG! "Huwag ka muna magpapaligaw ha..." Shocks, Greg. Malapit nang lumabas ang puso ko sa ribcage niya. Sweetheart... aww, Greg... huwag naman masyado. Ilang beses muna siyang lumunok bago nakuhang sumagot. "H-huh? Bakit naman?" Hindi na maipaliwanag ng dalaga ang kabang nararamdaman niya. "Wala. Bata ka pa kasi, eh." Urgh! "Dalaga na kaya ako. In three months time, eighteen na 'ko..." inis na aniya rito. "Basta..." Ang huling sinabi nito bago tumayo na at naglakad papalayo habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay. LAST NIGHT IN BATANGAS "Bez, bilisan mo naman diyan, no. Mag-i-start na sila kumain, nandito pa rin tayo." aniya sa kaibigang nasa loob pa ng cr. "Oo na, wait lang. Sa dami ng pagkain d'on, hindi naman siguro nila 'yon basta mauubos, no." "Hindi naman 'yon, eh..." "Eh, ano pala?" anitong kalalabas lang ng cr. "Namiss mo lang si fafa Greg, eh. Sus... 'di ka nga makalapit eh, may nakabakod." naka-angat ang kilay na sabi nito sa kanya. "Hay nako, paalala mo pa." naiinis na sabi niyang naupo sa gilid ng kama. "Akala ko pa naman, magkaroon ako kahit konting moment dito." nakangusong sabi niya. "I told you, kay Kevin ka na lang. Wala ka pang kaagaw. Pogi rin naman." sulsol pa nito habang nagsusuklay. Patamad siyang nahiga sa kama at niyakap ang isang unan. "Ayoko ng pogi, ang totoy." "Grabe maka-totoy, eh, magka-edad lang kayo. Ano ka pala? Nene?" pang-aasar pa nito. "Heh! Nakakarami ka na sa akin, ha. Tara na nga. Sabi, boodle fight daw, meaning, dapat sabay-sabay, 'di ba? Anong petsa na? Baka tirik na mata nila sa gutom, sa tagal mo." aniyang inirapan ang kaibigan, at lumakad na papuntang pinto. "Oo na... eto na. Ang pikon mo." natatawang naiiling na sabi nito. PAGDATING nila sa tabing dagat kung saan naisipang maglatag ng malaking mesa, at doon kumain ng sabay-sabay, ay naroon na ang lahat, at sila na lang talaga ang wala. "Hay nako, dumating din." 'bulong' ni Nicole, na alam naman nilang sadyang inilakas upang marinig nila. "Bez, awatin mo 'ko, susubuan 'ko 'yan ng buong alimango, kasama sipit." nanggigigil na 'bulong' din ni Tin. "Sige, pili pa kita ng malaki." ganting 'bulong' niya rin at nagngisngisan sila. "Halika na kayo ditong dalawa, at nang makakain na tayo. Hindi pa naman kayo late, kaka-set-up pa lang." yaya ng ate niya sa kanila at pinandilatan sila ng mga mata. Ganoon din ang ginawa ng ate ni Nicole sa kapatid nito. Alam niyang narinig ng mga ito ang 'bulungan' nila. Nang mapatingin siya ay Greg ay napansin niyang nagpipigil ito ng ngiti at nakatingin sa kanya. Naiiling na nag-iwas na lang siya ng tingin. Dahil naka-pwesto na lahat ay dalawang pwesto na lang ang bakante. Na sa tingin niya ay sadyang binakante para sa kanilang dalawa. Ang isa, ay sa pagitan nina Greg at Kevin, at ang isa naman, ay sa pagitan nina Kevin at Lloyd, na siyempre pa, ay pinuwestuhan ni Tin upang makatabi ang kasintahan. Kaya wala siyang choice, kundi pumuwesto sa pagitan nina Greg at Kevin. Maya-maya pa, ay magana na silang sabay-sabay na kumain. "Tikman mo 'tong--" sabay na sabi nina Greg at Kevin, na pareho ring natigilan. Parehong nahinto sa ere ang mga kamay nito. Habang hawak ni Greg ang hinimay na alimango at si Kevin naman ay ang binatalang hipon. Natigilan si Dawn sa eksena at lihim na nangiti at napataas ang kilay. Pigil naman ang tawa ni Tin habang ipinagpapatuloy ang pagkain dahil nakita nito kung paanong napa-awang ang labi ni Nicole sa eksena. Tila kapwa naman napahiya ang dalawa at ibinaba na lang ang kamay at ipinagpatuloy ag pagkain. "Hon, parang gusto ko rin ng hipon... ay ng alimango pala." pilyang sabi ng kaibigan niya. Pinandilatan niya ito at sinenyasang tumahimik na tinawanan lang nito. Habang kumakain ay patingin-tingin na lang si Greg sa kanila dahil hindi pa rin tumigil si Kevin sa kaaasikaso sa kanya at kahihimay ng iba't ibang klase ng seafoods. Habang pilit namang kinukuha ni Nicole, na nasa kabilang bahagi nito, ang atensyon sa binata. Maya-maya pa, ay tapos nang kumain ang lahat. Nagkayayaang gumawa ng bonfire at kwentuhan at konting inuman. Beer ang sa mga lalaki at tanduay ice naman ang sa mga babae. Akmang kukuha si Toni ng tanduay ice nang harangin siya ni Greg. "Wait, allowed ka bang uminom?" tanong nitong matiim na nakatingin sa mga mata niya. "Yap. Tanduay ice lang 'to, 'no. Nako, kung alam mo lang kung ilan ang napapatumba namin ni Tin nito kapag nag-aaway sila ni Lloyd." nakangiting bulong niya para hindi marinig ni Tin at itinuloy ang pagkuha ng alak. "Hoy. Narinig kita, ha." ani Tin, na hindi niya alam na kasunod niya na pala. "'Wag kang maingay, mamaya marinig ka ni Lloyd, lumaki pa ulo nun." anitong kumuha na rin ng alak sa cooler. Inabot ni Greg ang hawak nilang bote at binuksan bago ibinalik muli sa kanila. Agad na umalis si Tin at bumalik sa tabi ng nobyo. Tatalikod na rin sana siya nang magsalita si Greg. "Pwede bang dito ka muna? Kwentuhan muna tayo." "Bakit? Ayaw mo ba d'on? Para masaya." "Bakit? Dahil nandoon si Kevin?" tanong nitong deretsong nakatingin sa mga mata niya. Lumagok ito sa hawak na beer nang hindi binibitiwan ng tingin ang mga mata niya. "Wala akong sinabing ganon, no. Mas marami, mas masaya." Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot. "Dito na lang muna tayo. Ayoko d'on, ang iingay nila. Hindi pa nakakarami 'yang mga 'yan, hintayin mo kapag nakarami na 'yan, lalong ang gugulo." "Mga kaibigan mo sila, dapat sanay ka na. Si Tin nga, kahit lasing o hindi, makulit 'yan. Sanay na 'ko." natatawang sabi niya. Nakita niyang medyo nangiti ito sa sinabi niya. "Sanay naman na ako. Hindi lang maiwasan na minsan, gusto ko rin ng katahimikan." anitong yumuko at tumitig sa hawak na bote ng alak. "Hmm... hindi ka ba hahanapin ni Nicole?" Napangiti si Greg sa sinabi niya. "Huy... bakit ka nakangiti diyan?" "Wala lang, may naisip lang ako." nakangiting umiiling-iling itong nakatingin sa kanya. Maya-maya ay dumating na nga si Nicole na mukhang kukuha rin ng alak. "Hi. Bakit nandito kayo?" anitong kay Greg nakatingin bago tila nagdududang lumingon sa kanya. "Wala. Kumuha lang ng alak. Pabalik na nga ako d'on, eh." aniyang tumalikod na at lumakad pabalik sa mga kaibigan. Agad namang tumayo si Kevin pagkakita sa kanya at inalalayan siya sa pag-upo. Kung muli lang siyang lumingon ay makikita niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Greg. "Greg, paki-open naman 'tong bote, oh..," malakas na sabi ni Nicole, na tila talagang ipinaririnig sa kanila. Napabuntong-hininga na lamang siya. "Ano'ng nangyari?" pabulong na tanong sa kanya ni Tin na ang mga mata ay na kina Greg at Nicole. "E, 'di nganga. May dumating na hipon." ganting bulong niya rito upang hindi marinig ng mag-pinsan. "Akala ko naman, makaka-score ka na." Sinaman niya ng tingin ang kaibigan na nakangiti lang. "Gaga ka talaga. Gusto mong sinabunutan ako ng ate ko diyan?" "I mean, akala ko magkaka-lovelife ka na. Istorbo talaga 'yung hipon na 'yon. Akala niya naman, ikinaganda niya yung yellow bikini niya. Hello...? Wala kaya siyang boobs, puro balakang. Bakit ba kasi hindi ka nag-bikini, eh, mas sexy at mas makinis ka kaya d'on." inis na sabi nitong muling nilingon ang dalawa at pairap na binawi ang tingin. "Sira ka talaga. Hayaan mo na lang sila, inom na lang natin 'to." niyang itinaas ang bote sa harap ng kaibigan. "Cheers..." sagot nitong pinagpingki ang mga boteng hawak nila. At sabay nilang tinungga ang bote. Naiiling na nakatingin lang sa kanila ang magpinsan. FROM : GREG Hey... Gulat na nag-angat siya ng tingin nang makita niya kung sino ang nag-text. Sinalubong siya ng matiim na titig ni Greg. FROM : TONI Bakit? FROM : GREG Pang-apat na bote mo na 'yan, sure ka, kaya mo pa? FROM : TONI Huh? Nakaka-apat na bote na ba 'ko? Buti ka pa bilang mo, ha... FROM : GREG Haist... Sweetheart, namumula ka na. FROM : TONI Ano ulit? FROM : GREG Sabi ko namumula ka na... FROM : TONI Hindi 'yon.. FROM : GREG Haist.. Nang mag-angat siya ng tingin dito at ngising-ngisi itong nakatutok ang tingin sa cellphone nito. FROM : TONI Nevermind. FROM : GREG Sweetheart.. Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay nakangisi pa rin ito ngunit nakatingin na sa kanya. FROM : TONI Bakit mo ako tinawag na ganon? Sweetheart mo ba ako? Dahil nakainom ay medyo lumakas ang loob niya. FROM : GREG Ayaw mo ba? FROM : TONI Ahm... paano si Nicole? FROM : GREG Bakit naman napasok si Nicole? FROM : TONI Wala lang. Naisip ko lang. FROM : GREG Huwag kasing kung ano-anong iniisip mo. Ano? Will you be My Sweetheart? FROM : TONI Huh? Hmm... FROM : GREG Pumapayag ka ba? FROM : TONI Paano si ate? Baka magalit siya... FROM : GREG Huwag mong alalahanin 'yon, ako'ng bahala d'on. Ano? Pumapayag ka ba? FROM : TONI YES. FROM : GREG Thanks... you don't know, how happy, you made me. 'Yung mga problema, 'wag mo munang intindihin 'yon. Akong bahala 'don. Ang importante ngayon, akin ka na. Wala nang bawian 'yan, ha.. FROM : TONI Natatakot pa rin ako kay ate... FROM : GREG Ako rin naman. Kapag naiisip ko, kung gaano kalayo ang agwat ng edad natin, naaalangan pa rin ako... pero ang hirap pigilan. Saka baka maunahan pa ako niyang katabi mo. FROM : TONI Hmpf! At 'yong katabi mo? Nag-angat siya ng tingin at inirapan ang binata. FROM : GREG Hahaha... Sweetheart, 'wag kang magselos dito. Mas maganda at sexy ka dito, no! FROM : GREG Hmpf! Basta, urong konti. Kulang na lang magkandungan na kayo, ah... FROM : GREG Selosa pala ang Sweetheart ko, ha... FROM : TONI 'Di lang halata... grr! FROM : GREG Eto na po, uusod na po. Ikaw din, usod ka din konti, ha.. FROM : TONI 'Yan? FROM : GREG Konti pa. FROM : TONI 'Yan? FROM : GREG Konti na lang. FROM : TONI 'Yan? FROM : GREG Better. "GOODNIGHT, Sweetheart." malambing na anas ni Greg habang kausap niya sa telepono. Katulad niya ay tulog na rin marahil ang mga kasama nito sa silid kaya ito bumubulong. "Tulog ka na ha. Dami mong nainom, naka-limang bote ka." "Okay lang po ako." ang lapad ng ngiti niya habang kausap ang binata na ngayon ay opisyal niya nang kasintahan. "Ikaw talaga, sabi ko naman sa'yo, kaya 'yon," Bawat kuha niya kanina ng inumin ay nagtetext ito upang ipaalala kung nakakailang bote na siya. Tinataasan na nga siya ng kilay ni Tin dahil panay ang text niya habang umiinon sila. "Sa tingin mo, nahalata ba tayo ni ate kanina? Ikaw kasi, text ka nang text eh... halatain tuloy masyado." "Eh, ano naman? Sasabihin din naman natin sa kanya 'yon. Hindi ko lang sinabi kanina kasi gusto ko, kausapin siya, privately." "Ahm... Sweetheart, pwede bang huwag muna nating sabihin kay ate? Pwede bang secret na lang muna natin 'to?" nakikiusap ang tinig na sabi niya. Saglit na natigilan ang nobyo sa sinabi niya. "Why? Ikinakahiya mo ba ako, dahil malayo ang agwat ng edad natin?" sa pagkakataong iyon ay iba ang timbre ng boses nito, nawala ang suyo. "Of course not... gusto ko kaya isigaw sa buong mundo na sa wakas napansin din ako ng ideal man ko..." mabilis niyang sagot. Ayaw niyang isipin nito ang ganoong bagay sapagkat malayong-malayo iyon sa isip niya. "Then, bakit ayaw mong ipaalam sa iba?" Kasi nga po, bata pa ako... and hindi pa allowed mag-bf, until mag-eighteen ako. Sweetheart, three months na lang naman eighteen na ako eh... para lang hindi masabi nila mama na sinuway ko sila." Rinig niya pa ang paghugot nito ng malalim na paghinga. "Then, let's continue this relationship kapag eighteen ka na." "Huh? Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin, eh. Please, intindihin mo naman ako..." "Okay." tila wala na lang nagawa na pagsuko nito. "Pero sa debut mo, sasabihin na natin sa ate mo ha... wala nang excuse?" "Promise. Thanks, sweetheart." nakahinga siya ng maluwag sa pagpayag nito. "Hindi pa rin ako makapaniwala." "Maniwala ka na, dahil wala nang atrasan 'to. sige na, matulog ka na, maaga pa tayong aalis bukas." sa pagkakataong iyon ay bumalik na ang dating suyo sa tinig nito. "Goodnight, I love you." "Goodnight, 8." "Anong 8?" "I love you po yan... kapag binilang mo siya, eight letters 'yon." Mahina itong natawa nang marinig ang paliwanag niya. "Ahh... ganon ba? Hirap mag-girlfriend ng bata, daming alam." "Che! Bata ka diyan" Muling natawa ang binata. "Sige na, dalaga ka na, in three months time. Goodnight... 8." "Nice... bilis matuto, ah." tinawanan lang siya nitong muli. "Sige na matulog na tayo. Sweetdreams...8" Sweetdreams... Sweetheart."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD