CHAPTER 13

1540 Words
Gusto ko siyang lapitan at aluin ngunit hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Ngayon ko lang nakita si Nicko na maging ganito ka emosyonal. "Totoo," mahinang usal ko. "Hindi ko itatanggi 'yon, after graduation makikipaghiwalay ako sa 'yo dahil gusto kong mag-focus sa pag-aaral at pangarap ko. Wala sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend, nadala lang ako sa mga kaibigan natin noon," paliwanag ko. "This past years bigla kang nagbago at hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan. Marami akong napapansin sa 'yo pero lagi mo akong inaaway. At ito na pala 'yon! May sakit ka pero wala ka man lang sinabi sa akin! Girlfriend mo 'ko-" "Ex!" mariing pagtatama niya. "Wala akong pakialam kung ano pang itawag mo! Sana sinabi mo pa rin sa akin-" "Para ano? Mag-stay ka? Dahil naaawa ka?" "Hindi sa gano'n-" "Gano'n 'yon, Lorren! Pipilitin mong mag-stay kapag nalaman mo na may sakit ako! Kahit alam mo na hindi mo naman talaga ako minahal!" punung puno ng sakit ang bawat sinasabi niya. "Oo! Handa akong gawin 'yon, Nicko. Dahil kahit pagmamahal lang ng isang kaibigan ang kaya kong ibigay sa 'yo, mahal kita at mahalaga ka pa rin sa akin! Pero hindi naging sapat 'yong friendship na 'yon dahil sinolo mo lahat! Hindi mo ipinaalam sa akin." "Para saan pa? Kakaawaan mo 'ko? Hindi na, Lorren. Tapos na tayong dalawa kaya umalis ka na! Hindi mo na mababago ang isip ko." "Susuko ka na lang ba agad kahit may chances pa?" nanlulumo kong tanong. "Tama na! Buo na ang desisyon ko. Hindi na ako magpapagamot," malungkot na sabi pa ni Nicko habang nakatanaw sa labas ng bintana. "Wala ng pag asa, Lorren. Sawang sawa na akong umasa!" "Paano ang mommy mo?" Nakita ko siyang matigilan. "Mahal ka n'ya. Handang gawin ni Tita Olivia ang lahat gumaling ka lang kaya tulungan mo naman ang sarili mo, Nicko." Sobrang sakit para sa akin na makita siyang ganito. "Mas magiging masaya sila kapag nawala ako." "Gago ka pala, eh!" Sabay kaming napalingon sa bukana ng pintuan at nakitang nakatayo doon si Micko. Kuyom ang mga kamao at masama ang tingin na ipinupukol sa kanyang kakambal. "Ano bang hinihimutok mo?! Hindi mo ba nakikita ang mga sakripisyo ni mommy sa 'yo? Ang hirap kasi sa 'yo puro sarili mo lang ang iniisip mo! Wala kang pakialam sa mga taong naghihirap para sa 'yo!" "Kaya nga gusto ko ng mamatay para matapos na lahat! Para wala ng mahirapan!" "Micko!" sigaw ko at mabilis ko siyang hinila palayo nang sugurin niya si Nicko at kwelyuhan. "May sakit s'ya! Ano ba?!" saway ko. "Napaka makasarili mo, Nicko! Kahit si mommy na lang sana ang inisip mo! Oo! Alam kong galit ka sa akin dahil pakiramdam mo inaagaw ko si mommy sa 'yo! Inaagaw ko lahat sa 'yo simula ng dumating ako dito! Ang gago mong mag isip!" nanggigigil na sigaw ni Micko. "Tulungan mo nga 'yang sarili mo! Dahil kung hindi ka naaawa kay mommy! Pwes ako oo! Tayo na lang ang meron s'ya! Iniwan na rin tayo ng daddy mo! Pati ba naman ikaw! Iiwanan mo rin s'ya?!" Halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ni Micko dahil sa galit. Napatingin pa si Micko sa kamay kong humawak sa isang braso niya. "Tama na," malumanay na awat ko pa sa kanya. Napabuga lang ito ng hangin at pabagsak na isinara ang pintuan nang lumabas. Dahan dahan akong lumapit kay Nicko na nakayuko. Alam kong umiiyak siya dahil nakita ko ang mga pumatak na luha sa kumot na nasa kanyang kandungan. "Nicko..." "Sa lahat ng pwedeng mamana ko ang sakit pa talaga ni daddy ang nakuha ko," mahinang sabi nito habang umiiyak. "Masama bang hilingin na mamatay na lang agad para hindi ko na maramdaman ang hirap at sakit?" "Alam kong nahihirapan ka na. Pero sana isipin mo rin ang mommy mo na handang magsakripisyo ng lahat para sa 'yo. Wala namang mawawala kung susubukan mo ulit na magpa-chemo hindi ba? Doon man lang mabawasan ang bigat na dinadala ni Tita Olivia, ang makita ka n'yang lumalaban para madugtungan pa ang buhay mo at makasama ka pa n'ya ng matagal," pahayag ko. Bumukas ulit ang pintuan at pumasok sa loob si Tita Olivia. Galing ito sa pag iyak base na rin sa pamumula at pamamaga ng kanyang mga mata. "Lorren, mabuti pa umuwi na muna kayo ni Sabrina. Hayaan na muna nating magpahinga si Nicko," ani Tita Olivia ng balingan ako. Tatayo na sana ako nang pigilan ni Nicko ang aking braso. Napatingin ako sa kanya dahil doon. "Isama natin si Lorren sa hospital, ma," Napatitig kami ni Tita Olivia sa isa't isa. Napangiti si tita sa kanyang narinig kasabay ng pagbalong muli ng kanyang mga luha. Inalis ko ang kamay ni Nicko sa aking braso at pinagsalikop ko ang aming mga palad. Nag angat siya ng tingin sa akin dahil sa aking ginawa. Ngumiti lang ako ng matamis sa kanya at napatitig rin sa mga kamay naming magkahawak. "Tubig po." Iniabot ko kay Tita Olivia ang isang bottled water. Narito kami ngayon sa labas at naghihintay na matapos ang chemo ni Nicko. "Ayos lang po ba kayo?" tanong ko pa dahil ang tahimik ni tita. Binuksan niya ang inumin at bumuntong hininga pa matapos uminom at isara iyon. "Pangatlong subok na namin ito, Lorren. Naiintindihan ko si Nicko kung bakit sumusuko na siya. Ang sabi kasi sa amin noon makukuha pa sa pagpapa chemo ang lahat, pero parang lumala pa," nanlulumong kwento ni Tita Olivia. "Hindi lang ako ang umasa sa salitang iyon ng mga doctor. At habang tumatagal na palala nang palala ang sitwasyon niya, hindi ko rin siya masisi kung susuko na lang siyang bigla." "Baka po sa pagkakataong ito may chances na 'di po ba?" "Sana... sana nga..." Tuwing araw ng sabado o linggo ay lagi kaming dumadalaw sa bahay nina Nicko kasama ang iba naming kaibigan. Kahit hindi nagkikibuan ay naroon pa rin sina Jared at Monnette para suportahan si Nicko. Si Micko ay madistansya man ay alam kong masaya sa nakikitang improvement ni Nicko ngayon. Tuloy tuloy na kasi ang chemotherapy niya at minsan ay kasama pa nila akong pumunta sa doctor. "Ang tahimik mo?" tanong ko ng tabihan si Nicko na nakaupo sa kanyang wheel chair. Ngumiti siya sa akin. "Masaya lang ako kasi nandito kayo lahat." "Kung noon mo pa sana sinabi ang sakit mo 'di sana matagal na tayong ganito lahat, " nakangiting saad ko. "Ayaw ko lang na kaawaan n'yo ako." "Kaibigan mo kami, Nicko. Ilang taon na tayong magkakaibigan at alam ko, katulad ko, gusto rin nilang tulungan at pasayahin ka." "Kung hindi ko ipinilit ang nararamdaman ko sa 'yo noon, sana hindi nagbago ang lahat 'no." "Ako pa rin naman si Lorren na kaibigan mo. Hindi ako magbabago, tandaan mo 'yan," pangako ko pa sa kanya. "Hindi lang siguro talaga tayo ang nakatadhana para sa isa't isa. Saka mga bata pa tayo, marami pang mangyayari. Darating rin ang araw na matatagpuan rin natin ang mga taong para talaga sa atin." "Maaabutan ko pa ba 'yon?" natatawang aniya pa. Napahinto ako at napatingin sa kanya. Napawi rin ang mga ngiti ko kasabay ng pagkapawi ng mga ngiti niya. "Nicko..." Napangiti na lang siya ng mapait at muling napatingin sa mga kaibigan naming nagkakasiyahan pa rin. "Hindi naman natin pwedeng pilitin ang lahat hindi ba?" ani Nicko pa. "Hindi natin hawak ang mga buhay natin, Lorren. Baka bukas wala na tayo." "H'wag ka ngang magsalita ng ganyan. Kaya mo 'yan! Ano ka ba?" pagpapalakas ko pa sa kanyang loob. "Lagi mong isipin na hahaba pa ang buhay mo. Lagi mong iisipin ang mga taong nagmamahal sa 'yo para may dahilan ka palagi na lumaban." "Hanggang kailan? Pinipilit ko namang lumaban. Pero alam ko, darating rin ang araw na bibigay ang katawan ko." "Paano kami? Paano si tita?" malungkot na tanong ko. "Masaya akong aalis dahil alam kong ginawa ni mommy ang lahat para sa akin. Masaya akong aalis dahil alam kong hanggang sa huli nand'yan kayo para sa akin." "Hoy! Groupie naman tayo!" sigaw ni Sabrina habang kinukuha ang kanyang cellphone sa dalang bag. "Tamang tama at kompleto tayo ngayon!" Nagsitayuan ang mga kaibigan namin at lumapit dito sa pwesto namin ni Nicko. "Ate, pakikuhanan naman po kami ng pictures," ani Kristha sa isang kasambahay nilang naglabas ng ilang snacks para sa amin. Magkatabi sina Monnette at Jared, ganoon rin sina Rocky at Carmina. Nasa magkabilang gilid naman ng mga ito sina Kristha at Sabrina. Katabi ko naman dito sa harap si Nicko. "Micko!" tawag ni Kristha kay Micko na kararating lang. "Picture tayo, dali!" Si Kristha na ang lumapit kay Micko at hinila na ito papunta sa amin. Pinaupo niya si Micko sa aking tabi. Ngayon ay napapagitnaan na nila ako ni Nicko. "Ate, pa-picture po ulit." ngiting ngiting ani Kristha na bumalik na sa tabi ni Carmina. Matapos ang picture taking ay balik ulit sa kulitan ang mga kaibigan namin. Malaki ang ngiti ko habang nakikisaya rin si Nicko sa mga ito. Sana lang ay tuloy tuloy na ang paggaling ni Nicko. Sana ay makasama pa namin siya ng matagal. Hindi ko man alam kung hanggang kailan pero umaasa ako na magkaroon ng himala at gumaling siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD